LOGINMichelle's POV
Mabuti nalang na mabilis tumanggi si papa sa alok ni sir Drake na ihatid kami ng driver niya. Nakakahiya naman talaga.Baka ano na ang masabi ng mga kapitbahay sa amin. Nauna ng sumakay sila mama at papa sa tricycle. Kaya nandito pa ako sa labas ng restaurant naghihintay ng ibang tricycle. Nagsiuwian na din ang mga kakilala namin dahil limited na oras lang naman ang binigay ng management ng DM restaurant sa amin na kakain. " Michelle, hatid na kita..." Bigla akong napatingin ng diretso sa nakamotor na huminto sa harapan ko.Si Carlos na naman ang half pinoy at half Lebanese. " Okay lang ako,Carlos. Actually,may hinihintay ako." Mabilis na tanggi ko ulit. Hindi nga ako sumasakay sa motor niya na nakashort o kaya nakapantalon ako. Ngayon pa kaya na nakabestida ang suot ko. " sige,next time nalang, Michelle." Malungkot na naman nitong tugon.Ang tiyaga din talaga ng lalaking ito. Hanggang ngayon hindi ko parin binibigay sa kanya ang number ko. For what?... Sinundan ko nalang ng tingin ang papalayong motor na sakay si Carlos. " Mukhang malakas ang tama sa'yo ng bombay na iyon," boses sa likuran ko. Napapikit na naman ako nang makilala ko ang may-ari ng boses. " Hindi po bombay si Carlos, sir Drake." Medyo natatawang sambit ko. " Anong tawag dun sa araw-araw na maniningil ng utang sa palengke?" Tanong nito na nasa kabilaang bulsa ng suot nitong pantalon ang dalawang kamay nito. Nagulat naman ako. Si Drake Montemayor ba talaga itong kaharap ko.Bakit kilala niya si Carlos.Na para bang kilala niya ang mga tao dito. " I know him, na ikwento narin iyon sa akin ng mga construction workers dati." Mas lalo akong nagtataka sa sinabi niya. Ibig sabihin lang nito, lagi siyang pumupunta dito habang under construction pa itong restaurant niya dati.Kaya pala ganun nalang ang usapan nila papa. " Ihatid na kita,may motor din naman ako. Nagpapautang din ako..." aniya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ito. Pero natawa ako sa sinabi niyang nagpapautang din daw siya. Paano ko ba ito sasabihin kay Tanya? Na ang isang kaibigan ni Luke Sebastian na may-ari ng LS Construction na pangarap namin kumpanya at ngayon amo na ng bestie ko. Ay heto sa harapan ko, mukhang pinagtripan pa ako nito. Akala ko nasa Europe pa ito. Dahil ito ang huling post niya sa social account niya. Hindi ba ito busy, nakuha pa nitong makipagbiruan sa isang katulad ko. " Ihatid na kita, little kitten..." alok ulit nito. Little kitten pa nga... " Naku! H'wag na po,sir Drake.May tricycle naman na." Mabilis na tanggi ko. " I insist... nakalimutan ko palang mag-abot ng kaunting tulong sa papa mo," wika nito na pinipilit talaga ang gusto niya. Inikot ko na naman ang paningin ko sa paligid.May iba na hindi ko kilala ay nakatingin sa amin. Ang iba naman ay dedma lang. " Sige po..." Napakamot nalang ako sa ulo ko. Mukhang wala na akong lusot nito.Mapilit ang playboy na ito sa gusto niya. Nauna na akong maglakad pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Jesus! Ang lambot ng kamay nito. Hiyang-hiya naman ako sa kamay ko. " This way..." anito.Tinungo na namin ang sasakyan niya. Mabilis ko ng binuksan ang pintuan ng mamahaling sasakyan niya sa likuran banda. Mabilis na naman niya akong napigilan, " Not so fast, little kitten. H'wag mo naman akong gawin driver mo." Nahiya naman ako sa tinuran nito. Malay ko bang siya ang mag-drive. Sabi niya kasi kanina sa amin,ihatid daw kami ng driver niya. " Sorry po,sir Drake..." Nahihiya kong sambit. " Isa pang po, little kitten. Hahalikan na kita." Diretsahan na sabi nito na ikinabigla ko. " I'm sorry..." agad naman niyang bawi. Bolero talaga ang lalaking ito. Napakaplayboy talaga.Isa pang biro niya, baka ako na ang kusang hahalik sa kanya. Magtigil ka Michelle Santos! Maria Clara tayo! Wika naman ng kabilang-isip ko. Siya na ang nagbukas ng pintuan sa unahan. " Thank you, sir Drake." Tumango lang siya. Umikot na siya sa harapan ng sasakyan. Sabay pa nga kaming pumasok sa loob.Nagtama na naman ang aming paningin. Nauna akong umiwas ng tingin. Nakangiti na naman kasi siya sa akin na para bang inaasar niya ako. Iyong plano ko na pag-ipunan ko ang isang menu sa DM restaurant para sa grand opening. Mukhang malabo ba, at hindi ko na gagawin iyon. Mabuting tao siguro ako sa past life ko at binigay agad ni Lord sa akin ang hiling ko.Siksik,liglig at umaapaw pa nga. " Fasten your seatbelt please...mamaya muna ako titigan, little kitten." Laglag ang panga ko sa narinig. Talaga bang nakatitig na ako sa kanya? " Kalma, ako lang ito..." dagdag pa nito. Hindi lang pala arogante at playboy ang isang Drake Montemayor.May kunting hangin din pala ito sa katawan.Pero hindi nababawasan ang pagkagusto ko sa kanya.Lalo na ngayon, ihatid niya pa ako sa bahay namin at magbibigay daw siya ng kaunting tulong kay papa. Iniisip ko na ngayon,ano kaya ang maging reaksiyon ng mga tsismosa namin kapitbahay.Kapag makita nila ako na baba sa isang mamahaling sasakyan.Tapos bukas tampulan agad ako ng tukso sa palengke. Napangiti ako ng lihim sa isiping iyon. " May I know, what's behind that smile?" Agad akong napalingon sa kanya.Hindi lang pala siya ganun sa first impression ko sa kanya. May nadagdag na naman. Tsismoso din pala ito. Mantakin mo iyon,nakita niya pa ang pagngiti ko. Tapos tatanungin niya pa ako. Paki niya ba, di porke't crusk ko siya. Maging ease na kami sa isa't isa. Hindi na siya umiimik ng wala siyang makuhang sagot sa akin. Mas lalo akong nagtaka dahil alam niya ang mismong lugar namin. Sa pagkatanda ko wala pa naman akong sinabi sa kanya na direksiyon. Napalingon ulit ako sa kanya.Nakita ko na nakangiti siya pero diretso lang ang tingin nito sa daan. Tumikhim ako," Paano n'yo po alam papuntang bahay namin,sir Drake?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin na ngitian ako ng ubod na tamis. Shit na malagkit talaga! Makalaglag panty ang ngiti niya. Hirap na talaga akong makatulog mamayang gabi. Siyempre iisipin ko ito magdamag. Hindi siya sumagot," Trust me, little kitten.Hindi kita ililigaw." Sa halip wika niya. Pero umiba siya ng daan. Hindi ko nalang nagawang magreact.Sabi niya eh, magtiwala daw ako sa kanya at hindi niya ako ililigaw.Michelle's POV Nakarating na kami sa bahay. Wala ng tao sa labas sa mga kabahayan. Dahil masyadong gabi narin kami nakarating. Tinanggal ko na ang seatbelt. Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan. Pero mabilis akong pinigilan ni sir Drake. Mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. " I'm leaving tomorrow,little kitten.Ngayon palang mamiss na kita." Malungkot niyang sambit. Bigla naman akong nalungkot. Hindi nga lang lungkot ang naramdaman ko ngayon. Mukhang nasasaktan na ako para sa pag-alis niya bukas. " I want to keep in touch with you. Please answer my calls. If I'm going to call you,little kitten." Pakiusap niya sa akin. Tahimik lang akong tumango bilang pagsang-ayon sa gusto niya.Alam ko naman na seryoso lang siya sa sinasabi niya. Dahil hindi pa siya nakabalik ng Manila.Pero kapag nandoon na ito, pustahan tayo makakalimutan na din niya ako.Makalimutan na din niya ang mga pangako niya sa akin na lagi niya akong tawagan. " Goodnight, little kitten. I love you
Michelle's POV Napadilat ang mata ko sa nangyari. Nakita ko pa si sir Drake na nakapikit siya.Habang nagkalapat parin ang aming mga labi. Iyon nalang ang naramdaman ko.Kusa na niyang ginalaw ang kanyang labi. Hindi ko na alam kung kaninong kalabog ng dibdib ang naririnig ko sa oras na ito.Para akong tood na hindi na nakagalaw. " Kiss me back, little kitten. I want to kiss you badly." Mahinang wika niya sa akin. Saglit siyang humiwalay sa akin. Para sabihin lang ang katagang iyon sa mismong mukha ko.Halos magkaduling-duling na nga ako. Dahil subrang lapit parin ang mukha namin sa isa't isa. " Sir Drake...bakit po tayo maghahalikan? Hindi naman po kita boyfriend." Sa wakas may lakas na akong makapagsalita. Mahina siyang tumawa. " I'm sorry, little kitten... masyado akong mabilis. Liligawan kita,kung papayagan mo ako." Walang kagatol-gatol na wika niya. "Ikaw? Manliligaw sa akin! Patawa po kayo,sir. Ang dami-dami mga babae na nagkarandapa sa'yo." Nakanguso ko na sabi
Michelle's POV Akala ko ay sa condominium siya nagstay. Pero mali yata ako. Dahil pumasok lang naman ang mamahaling sasakyan niya. Sa isang dalawang palapag na bahay. Hindi naman siya kalakihan na tatawagin na mansiyon. Sakto lang sa laki.Resthouse niya yata ito. Ang ganda ng bahay at ang ganda ng pagka landscape.Ito iyong mga tipong dream house ko.Not so big not so small. Sakto lang talaga para sa amin nila mama at papa. " Just wait here..." Mabilis niyang sabi. Mabilis din siyang bumaba ng sasakyan. Nakita ko siyang umikot sa harapan at papunta siya sa gawi ko. Mabilis ko ng tinanggal ang seatbelt. Nakangiti na siya na nakalahad ang kanyang kamay sa akin. Nang pagbukas niya sa pintuan ng sasakyan. "Salamat po,sir Drake." Narinig ko ang palatak niya," You don't have always thank me, little kitten.It is a simple gesture and my responsibility to take care of you, hmm..." Nah! Nag dami na naman niyang sinasabi. Nagpapasalamat lang naman ako sa kanya. Saad ng kabilang isi
Michelle's POV Nagtagal pa ng isang oras si sir Drake sa bahay. Bago siya nagpaalam na uuwi muna siya sa pinag-stayhan daw niya. Tapos na kaming bumili ng groceries,gamot ni tatay at pasekreto din siya nag-abot ng pera kay mama.Para daw sa pang-araw-araw na gastusin pa para kay papa. Hindi ko lubos maisip na ganun kabilis ang attachment ni sir Drake sa pamilya ko. Isa siyang kilalang tao at wala lang kami sa kalingkingan ng estado ng buhay niya. Pero heto siya nag-abala pa na bigyan si papa ng tulong.Pumasok pa siya sa bahay na walang pag-alinlangan. Para siyang tatakbong pulitiko. Gustong maging ordinaryong tao, mahuli lang ang kiliti ng mga boboto. " Salamat po ulit,manang Mina.Susunduin ko po ulit ang magandang dalaga ninyo mamaya." Paalam na niya sa amin. Lihim ko pang kinagat ang ibabang labi ko. Bolero talaga nito, sinabihan ulit ako nito ng maganda.Siya na din ang nagpaalam mismo kanila mama at papa na imbitahan niya ako sa lugar niya. Bumulong pa si mama sa akin. Na
Michelle's POV Pagkatapos namin magbayad sa cashier gamit ang card ni sir Drake. Bitbit na namin ang mga pinamili ko. Tatlong bag lang kasi.Kaya bitbit ko ang isa. " Thank you po, sir Drake..." Pasalamat ko sa kanya. Nasa loob na kami ng sasakyan. Hindi siya sumagot.Nagukat nalang ako sa ginawa niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.Dinala sa bibig niya at hinalikan. " It's my pleasure to help you, little kitten." aniya. " By the way, dadaan tayo sa botika. Bibilhin natin mga gamot ni,mang Ricardo." Masayang sambit niya. " Hindi ko po alam kung anong mga gamot niya,sir Drake." " Oh! I forget, need pala ng resita. Uwi muna natin ang groceries.Then, balik tayo sa botika." " Hindi po ba kayo busy?" " Ahm, I'm not. Actually, hanggang bukas pa ako dito sa Bulacan. Then, babalik na ako sa Manila. I'm gonna miss you, little kitten." Bolero talaga nito.Sanay na sanay magpakilig ng babae.Pero bigla akong nalungkot na hanggang bukas nalang siya dito. Hindi man lang um
Michelle's POV Tahimik na kami sa buong biyahe. Alam ko na ang nais nitong tumbukin. Tama nga ako,sa isang department store dito lang din malapit sa amin. May kinuha siya sa likod ng upuan,isang sumbrero. Mas lalo tuloy siyang naging gwapo sa ayos niyang iyan. " Just wait here..." mabilis niyang sabi. Bumaba na ito ng sasakyan.Umikot ulit ito sa harapan ng sasakyan.Papunta sa gawi ko. Siya na din ang nagbukas sa akin. Nilahad niya ang kanyang kamay. Heto na naman siya, gusto na naman niyang mahawakan ang kamay ko na may kunting kalyo na. " Salamat po, sir Drake." " Tsk!..." Narinig ko pa ang sagot niyang iyan. Napaka ano talaga. Mabilis ko na tinanggal ang kamay ko na hawak niya nang makita ko si Carlos.Iwan ko ba,bigla nalang akong nakaramdam ng takot. Baka makilala ni Carlos si sir Drake. " What? Magseselos ba si bombay.Kapag hahawakan ko ang kamay mo?" Mabilis niyang tanong na tila naiinis. " Hindi nga po bombay si, Carlos,sir Drake," giit ko. " Fuck! I don't







