Mag-log inMichelle's POV
Tahimik na kami sa buong biyahe. Alam ko na ang nais nitong tumbukin. Tama nga ako,sa isang department store dito lang din malapit sa amin. May kinuha siya sa likod ng upuan,isang sumbrero. Mas lalo tuloy siyang naging gwapo sa ayos niyang iyan. " Just wait here..." mabilis niyang sabi. Bumaba na ito ng sasakyan.Umikot ulit ito sa harapan ng sasakyan.Papunta sa gawi ko. Siya na din ang nagbukas sa akin. Nilahad niya ang kanyang kamay. Heto na naman siya, gusto na naman niyang mahawakan ang kamay ko na may kunting kalyo na. " Salamat po, sir Drake." " Tsk!..." Narinig ko pa ang sagot niyang iyan. Napaka ano talaga. Mabilis ko na tinanggal ang kamay ko na hawak niya nang makita ko si Carlos.Iwan ko ba,bigla nalang akong nakaramdam ng takot. Baka makilala ni Carlos si sir Drake. " What? Magseselos ba si bombay.Kapag hahawakan ko ang kamay mo?" Mabilis niyang tanong na tila naiinis. " Hindi nga po bombay si, Carlos,sir Drake," giit ko. " Fuck! I don't care!" Wika niya. Mabilis niyang hinuli ulit ang kamay ko. Sa pagkakataon na ito ay mahigpit na niyang hawak ang kamay ko.Nahiya naman ako sa mga taong nakatingin na sa amin. Masyado kasing pansinin si Drake. Sa tindig palang nito na daig mo isang artista. Ang tangkad nito. Kaya mas lalo akong lumiit tingnan. Mukhang sinasadya pa niya na magkasalubong kami ni Carlos.Dahil diretso ang lakad namin papunta sa gawi ni Carlos. Kung saan naglalakad ito na may katawagan sa phone. " Michelle!?" Gulat na bigkas ni Carlos sa pangalan ko.Diretso ang tingin nito sa kamay namin ni sir Drake na mahigpit parin nakahawak sa kamay ko. " Hi,Carlos..." Sa hiya ko kay Carlos ay nabati ko pa siya ng ubod ng lambing. Nahihiya na talaga din ako kay sir Drake. Bakit ganito iyong inaasta niya sa akin. Ngayon lang naman kami nagkakilala.Hindi pa nga namin pormal na pinakilala ang isa't isa. Tanging mga tawag lang ng mga tao sa pangalan ko. Ang tanging naririnig niya. Diretso ang tingin ni Carlos kay sir Drake. Napakunot-noo ito na para bang namukhaan niya ang lalaking nasa tabi ko na mahigpit parin ang hawak sa aking kamay. " Oh! I see...excuse me,Michelle. May bibilhin lang ako. See you tomorrow sa palengke." Mabilis na paalam ni Carlos sa amin.Actually sa akin lang talaga siya nagpaalam. Tanging tango nalang ang tugon ko kay Carlos.Hinila na ako ni sir Drake para maglakad ulit. " Magkano ba ang interest ng Carlos na iyon sa pagpautang niya ng pera?" biglang tanong nito sa akin. Nagtaka naman ako.Kung bakit kanina pa siya interesado o pinag-initan niya ang pagpautang ni Carlos ng pera sa mga pwesto sa palengke. " Five-six..." " Really!? That's so much!" Gulat pa niyang bigkas sa sinabi ko. " Eh, wala...minsan kumakapit din ang iba sa ganyan kalaking interest. No choice kumbaga..." kaswal ko ng sabi.Parang close na ang datingan namin. The way kami mag-usap. " Buy what ever you want. Iyong mga needs ni,mang Ricardo.Sa inyo na din ng mama mo." Aniya. Agad naman akong napalingon sa kanya," Seryoso po kayo,sir Drake? Anong meron?" " Kunting tulong ko kay,mang Ricardo." Seryoso niyang sabi. " Huh? Bakit kasama kami ni mama. Nakakahiya naman po,sir Drake. Actually, gamot lang talaga para sa maintenance ni papa ang medyo magastos," diretsong sabi ko sa kanya. Hindi naman kasi kailangan ng mga groceries talaga.Dahil may bigas at ulam pa naman kami sa bahay. Pero kung mapilit siya,ay gora nalang ako. Sabi nga nila,mahirap tumanggi sa grasya. Pero subra naman yata ito.Kapag sundin ko ang sinasabi niyang bilhin ko lahat ng gusto ko. Wala naman akong ibang gusto kundi yakapin mo ako...Natawa kong bulong. " Later,I will hug you in tight.If that's what you want." Hala! Narinig niya iyong sinabi ko? Ang hina lang naman pagkasabi ko. " Please...pumili ka na." Utos niya pa sa akin.Hinawakan ko na ang cart. Nakakahiya naman kung siya pa ang magtulak. " No, I can handle this. Pumili ka na, sasama lang ako sa'yo." Napailing nalang ako. Lord,kung panaginip man ito.Please,h'wag muna akong magising hanggang hindi ko maiuwi ang mga groceries na bibilhin ko sa bahay namin. Pabiro na taimtim ko sa sarili. Mahirap na kung ibulong ko. Baka marinig niya ulit mas lalong nakakahiya.Jusko! Kating-kati na ako na ikwento ito kay bestie Tanya ang ganap sa araw na ito. Tahimik lang nakasunod si sir Drake sa akin habang namimili ako ng bibilhin.Pinipili ko talaga ang mas kailangan kaysa gusto kong bilhin. Kung ako lang talaga, gusto ko iyong mga skin care at personal stuff ko ang bibilhin. Pero mas priority ko ang kailangan ni papa. " That's all? Are you sure about this? " Tanong niya sa akin ng sinabi ko na tama na itong binili ko. " Masyado naman kaunti, little kitten." Narinig ko pa ang mahinang tawa ng katabi namin. Dahit sa tawag ng sira-ulong sir Drake na ito. Maka little kitten sa akin. Akala mo ay kuting ako. Nakapila na kami ngayon sa cashier. Nainis pa nga ako sa cashier. Dahil binagalan pa niya ng kunti ang kilos niya. Panay ang sulyap din niya sa gawi ni sir Drake. Bakit naiinis ka Michelle? Ikaw lang ba ang may karapatan na magkagusto kay Drake Montemayor? Tudyo sa akin ng magkabilang-isip ko. " Bakit ka nakasimangot, little kitten?" Bulong niyang tanong sa akin. Napapikit naman ako dahil langhap ko ang mabango niyang hininga. Ang init din ng buga ng hininga niya na lumapat pa talaga sa balat ng tainga ko. " Michelle..." Pakilala ko sa kanya. Para hindi na niya ako tawaging little kitten.Hindi naman kami close para tawagin niya ako ng ganyan. " Yeah,I know.But,I love to call you that way. Ako lang ang bukod tanging tatawag sa'yo niyan, Michelle." Hindi ko nalang siya pinansin. Masyado na kaming sweet tingnan.Dahil sa mahina ng boses namin sa pagpalitan ng salita.Kulang nalang mahalikan na namin ang isa't isa.Drake's POV " Kailan ka pa dito,Drake? " masayang tanong niya sa akin. Hindi na ako makapagsinungaling. Hayaan ko ng magalit siya sa akin. " Actually, kahapon lang din,little kitten. Nakasunod lang ako sa inyo." Nagulat naman ang reaksiyon niya," Aray!..." mabilis na bulalas ko nang agad niya akong dinibdiban. Ito yata ang isang dahilan kung bakit mahal ko ang little kitten na ito. Masyado siyang mapanakit kapag naiinis sa akin. Pero may kabayaran naman ito mamaya kaya okay lang. " Kainis ka,Drake!Bakit hindi mo sinabi di sana sa'yo nalang ako sasabay." aniya, na nakairap pa sa akin. Sarap na niyang paluhudin. Napakamot ako sa ulo," Na sa abroad sila mommy at may event sila, Thalia at Dianna. Kaya nagkaroon ako ng oras na makapunta dito. Pero hindi pwedeng malaman nila na nagkikita tayo dito, little kitten. Magulo pa ang sitwasyon.Ayaw ko na madamay kayo." Mahabang paliwanag sa seryoso na boses. Tahimik naman siyang tumango. Pero naiba na ang hilatsa ng mukha niya. "
Drake's POV Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko. Bukod sa kaalaman ni Michelle. Nakasunod lang ako sa kanila ni mang Lito na pauwing Bulacan. Nasa ibang bansa sila mommy at daddy. May event naman dinaluhan sina Dianna at Thalia.Kaya malaya akong makauwi sa resthouse ko na hindi nila ako ginugulo. Gusto ko man bisitahin ang little kitten ko sa bahay nila ay matindi ang pagtitimpi ko sa sarili na wag gawin ang mga bagay na ikapahamak ng taong mahal ko. Naalala ko pa ang matinding sagutan namin ni mommy dito sa resthouse bago ako bumalik ng Manila. Noong araw na nakilala nila si Michelle. " Mom, you're still awake." Mataman nakaupo si mommy sa couch nang dumating ako galing sa paghatid ni Michelle. Tahimik na ang buong paligid.Hindi ko alam kung nandito parin sila Dianna at Thalia. " We have to talk, Drake Montemayor!" alam ko na galit na si mommy dahil buong pangalan ko na ang tawag niya sa akin. Napabuntong-hininga muna ako bago umupo sa sofa.Gusto ko na sanang matul
Michelle's POV Nakarating na kami sa apartment ni bestie Tanya. Mabuti nalang nauna na kami ni Drake dumating bago pa sila dumating dito.Kung nagkakataon pa ay mahaba ang paliwanag ko kay Tanya nito. Hindi naman sa ganun na ilihim ko talaga ng tuluyan ang relasyon namin ni Drake sa kanya. Sa ngayon kasi na kumplikado pa ang sitwasyon ni Drake.Mas mabuti nga na wala munang alam ang bestie ko. Masaya ang lovelife niya ngayon at engaged na nga siya. Kaya ayaw ko naman na maging malungkot at mag-alala pa siya sa akin. " What are you thinking?" basag ni Drake sa pananahimik ko. Kasalukuyan pa kaming na sa loob ng sasakyan.Pinarada lang muna niya sa gilid ang kanyang sasakyan. " Iniisip ko kasi na hanggang ngayon wala parin alam ang bestie ko sa relasyon natin." " Tanya is your bestie, little kitten.The decision is yours, kung ipaalam mo sa kanya ang relasyon natin." Mabilis akong umiling,"Tsaka na siguro kung maging okay na ang lahat, Drake.Ayaw ko din na alalahanin pa ako n
Michelle's POV Wala na naman kaming imikan sa loob ng sasakyan ni Drake. Hangga't hindi pa niya masabi sa akin ang dahilan ng pag-iwas niya sa akin n'ong nakaraan na isang buwan ay hindi kami magkakaayos nito. Nasasaktan lang ako dahil wala na yata siyang balak na magpaliwanag sa akin. Hinaharot lang niya ako at ako naman si gaga nagustuhan ang panghaharot niya. " Tayo pa ba, Drake?" sa wakas may lakas na loob narin akong itanong sa kanya ito.Matagal ko ng gustong itanong sa kanya ang bagay na ito.Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon. Bigla niya akong nilingon at hinawakan ang kamay ko. " Of course, little kitten. Hindi ako papayag na maghiwalay tayo." Madiin niyang sabi sa seryosong boses. " Pero bakit pakiramdam ko ang labo na ng relasyon natin, Drake?" Napabuntong-hininga siya," Kung iniisip mo ang hindi ko pagkontak sa'yo sa loob ng isang buwan. Kaya nasabing mong malabo na tayo nagkamali ka, little kitten. Walang oras na hindi kita namiss. " Seryosong wika niya. " Ba
Michelle's POV Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa loob na ng bar. Kung hindi ako nagkakamali si sir Nathaniel Mondragon ang may-ari ng bar na ito. Kaibigan din nila ito ni Drake at sir Luke. Bawat isa yata sa kanilang magkaibigan ay may kanya-kanyang business na pinatakbo.Kaya hindi mo masisi ang mga kababaihan na habulin talaga silang magkaibigan dahil bukod sa pagiging mga hot billionaires sila ay magaling din silang mag-manage ng mga negosyo nila. " Hi, gorgeous...alone?"agad na tanong sa akin ng isang lalaki. Yati! Mukhang foreigner pa yata ito. Ayaw ko siyang kausapin dahil baka dudugo pa ang ilong ko.Nasasaktan na nga ang puso ko. Kaya nga pumunta ako sa bar para mag-inom at magpakalasing. Gusto kong mapag-isa kaya ayaw ko ng may kausap. Paano ko ba sasabihin sa afam na ito na gusto kong mapag-isa in. a nice way. Para hindi niya naman isipin na maarte ako. " Ahm, i have with someone. He's in outside for a while." Sabi ko sa magalang na boses. Iyon ang gal
Michelle's POV Lalaban na sana ako sa kanya nang halíkan. Pero naalala ko na wala pa siyang eksplanasyon sa akin kung bakit hindi niya ako kinontak sa loob ng isang buwan. Kaya mabilis ko na siyang pinigilan. Nagtatanong ang kanyang mga mata.Nakita ko pa ang pagka-irita ng kanyang mukha dahil sa nabitin siya sa paghalík sa akin.Ngunit pinandilatan ko lang siya. " I'm sorry, little kitten." Napabuntong-hininga niyang wika. Hindi na ako umimik pa. Masakit parin sa akin ang ginawa niyang pagbalewala sa akin ng isang buwan. Tahimik na kami buong biyahe. Narinig ko pa na kumakanta ulit siya.Gustuhin ko man kiligin sa boses niya ay hindi ko magawa. Nagtatampo parin ako sa kanya. " Stay here..." agad niyang sabi nang makarating na kami sa isang gymnasium. Dito daw magpropose si sir Luke sa bestie Tanya ko. Ngayon palang masaya na ako para sa bestie ko. Isipin mo iyon grabe iyong effort ni sir Luke sa proposal niya. Hindi ko naman hinangad na maging ganun din kabongga ang gagawin







