Share

Chapter 3

Author: Ghesyl
last update Huling Na-update: 2025-09-07 20:17:43

Nagpanggap akong hindi ko siya kilala at ngayon lang kami nagkita. Habang sumasayaw nga ako ay titig na titig siya sa mga mata ko. Pole dancing mix with sexy dancing. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Sa mata, sa labi, at sa buong katawan ko.

Hindi ko alam kung bakit siya naririto at kung bakit ako pa ang napili sa VIP room na ito. Sana lang ay hindi niya ako makilala. For sure naman ay hindi dahil ang layo ng hitsura ko ngayon.

"Do you know any other kind of dance?" bigla ay tanong niya sa akin.

"Of course, Sir."

"How about hmm... you come here beside me and dance with me?" Patanong pa iyon.

Ewan ko ba... dapat ay tatanggi ako pero hindi ko magawa.

"O-Okay po, Sir..." Naiilang na sambit ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang lakad ko ay mabagal lang ngunit kahali-halina sa paningin niya. At first ay magkaharapan kami with sexy dance music naman. Hanggang sa pinatalikod niya ako habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.

I never imagined this. Ang makasayaw ng ganito kalaswa ang professor kong strikto sa eskwelahan.

"How many men have you danced in this kind of music?"

"I-Ikaw pa lang, Sir. Kalimitan after pole dance ay umaalis na kami dahil hindi na sila nagrerequest pa. After pole dance ay ibang babae naman ang kukunin nila."

"Oh? Really... so, swerte pala ako dahil ako ang una mo... What's your name again?" tanong pa niya.

Huminto naman ako sa pagsayaw dahil kinabahan ako. Sinabi kaya sa kanya ng manager namin ang tunay naming pangalan? Pero bawal naman yun.

"I'm L-Lena, Sir." Pagsisinungaling ko dahil alam kong makikilala niya ako kapag totoong pangalan ang sinabi ko.

"Oh... Lena, ha..." aniya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "What a cute name."

"Can you drink with me?"

Umiling ako. "No, Sir." Sagot ko. Hindi naman kasi talaga ako pwedeng uminom dahil may klase pa ako bukas. This is just a work for me. Priority ko pa rin ang pag-aaral ko.

"But why?" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako paupo sa tabi niya. Palagi talaga niya akong tinititigan lalo na ang labi at mata ko na para bang kinikilala niya ako.

"May problema ba?" tanong ko pa nang masilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Can I remove the mask on your face?"

"I'm sorry. Pero bawal pong alisin yan."

"I just want to see your face..."

Ngumiti naman ako sa kanya ng bahagya. "I'm sorry talaga, Sir, pero hindi talaga pwede. Pero pwede kang kumuha ng ibang babae. Yung alam nyo na. Yung pwedeng—"

"No. I don't want them. I just want you here accompany me. Don't worry. Nagpalipas lang ako ng gabi. Maya-maya ay pauwi na rin ako."

"Uhm, okay."

Napatingin naman ako sa pangbisig kong relo nang umilaw ito. Meaning ay tapos na ang 30 minutes na serbisyo namin as mask dancer.

"By the way, Sir. Tapos na ang oras ko dito. Maiwan ko na kita—"

"No. Hindi ka aalis. Just stay here a little bit longer, please? Hanggang makauwi lang ako," pakiusap pa niya.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"But I really need to go, Sir. Bawal po namin i-violate ang rules dito. Maybe we can see each other some other time?"

At kung pwede rin ay huwag na ulit siyang pupunta dito dahil kapag nakilala niya ako ay katapusan ko na.

Narinig ko naman ang kanyang buntong-hininga.

"Is the capacity of your dancing and entertaining the guest really only up to thirty minutes? What if I add one more hour?"

Hinarap ko naman siya ng maayos at ngumiti ako ng bahagya. Hindi ako nambabastos ng guest dahil pwede ko naman yun i-explain sa kanila.

"Let's do that some other time and it's triple the price, Sir Arthur."

Batid kong napakunot siya ng noo! Kinabahan naman ako dahil nabigkas ko ang pangalan niya.

"Wait. How did you know my name?" nagtatakang tanong niya na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

Hindi na ako nagsalita pa. Tuluyan ko nang hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at yumukod pa ako sa kanya bago ako tuluyang lumabas sa VIP room na iyon. Nakalimutan kong hindi nga pala niya sinabi sa akin ang pangalan niya kaya mas lalo akong nagmadali na makaalis.

"Bakit nagmamadali ka yata?" ani Dainty pagkarating ko ng dressing room dahil muntikan ko na siyang mabunggo.

"May... ini-assign ulit kasi sa akin kaya need ko pa makapag-retouch ulit."

"Kung pumapayag ka na lang bang magpa-table at magpatake out e di mayaman ka na? Alam mo bang hindi basta-basta ang nagiging costumer natin dito?"

Ayan na naman siya sa palagi niyang sinasabi sa akin. Alam ko naman iyon noon pa pero sapat pa naman ang kinikita ko para sa amin ni nanay. Isa pa, ayokong pagsawaan ako ng kung sinu-sinong lalake para lang sa pera. Oo, malaki sa malaki ang kita pero parang hindi ko kayang sikmurain ang bagay na yun.

"Okay lang ako, Dainty. Huwag mo akong alalahanin. Isa pa, marami naman akong energy para sa pagsasayaw ko."

"Ewan ko sa'yo, Magdalena. Pero nasa sa'yo naman yan kung ayaw mo talagang yumaman!"

Hindi na pang ako nakipagtalo pa sa kanya dahil magkaiba naman kami ng pananaw sa buhay.

Nakailang costumer pa ako ng sinayawan at nang sumapit na nga ang bandang alas tres ay nagpasya na akong umuwi. Nagpaalam na ako sa manager namin at ang idinahilan ko nga ay ang maagang pasok ko sa eskwelahan.

Bago ako umuwi ay naghilamos muna ako at nagtanggal ng make up ko. Hindi kasi pwedeng makita ni nanay na sobrang kapal ng make up dahil magtataka na yun.

Pagkarating ko nga sa bahay ay mahimbing na ang tulog si Mama. Nakaramdam naman ako bigla ng gutom kaya tiningnan ko kung ano ang pwede kong kainin sa kusina. Nakita ko naman na may nakatakip pang pagkain kaya tiningnan ko ito. Pritong isda pala.

Kumuha na ako ng plato at kumain ako ng kaunti lang. Gusto ko lang maibsan ang gutom ko dahil mahihirapan din naman akong matulog kapag gutom ako.

Hindi ko namalayan na mag-aalas kwatro na pala. Pero di bale, may tatlong oras pa naman akong itutulog kaya humiga na ako sa tabi ni Mama at niyakap ko siya. Halos ilang segundo pa lang ang nakakaraan ay hindi ko na namalayan na nakatulog na agad ako.

Kagaya ng dating routine ko. Naligo ako at nagbihis ng school uniform. Wala na si Mama paggising ko kinabukasan.

Pagkarating ko sa school ay dating gawi. Dumiretso ulit ako sa clinic at nahiga sa isa sa mga kama. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makatulog gayong kulang pa naman ang tulog ko. Hindi na kasi nawala sa isip ko ang pagpunta ni Sir Arthur sa club. Tapos nabanggit ko pa ang pangalan niya kagabi kaya kahit hindi naman niya ako nakilala ay nahihiya akong magpakita sa kanya. Kung pwede nga lang i-skip ang subject ay ginawa ko na. Kaso major subject ko siya kaya hindi pwede.

Pinipilit kong matulog kaya naman ipinikit ko nang tuluyan ang mga mata ko. Inayos ko pa ang palda ko at tumagilid ako ng pwesto ko. May takip naman na kurtina kaya kahit na may pumasok ay hindi nila ako makikita.

Kumuha ako ng unan na may pundang kulay puti at ginawa kong dantayan ngunit nagulat ako at napabangon nang may biglang nagsalita!

"Why are you so sleepy? Looks like you stayed up late last night, huh?"

"Ahh—Ehh—B-bakit ka po naririto, Sir Arthur?" Nauutal na sabi ko. Medyo inayos ko pa ang palda kong umangat na kaya napatingin siya roon.

"This a school clinic? Bawal ba ako rito?"

Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong niya. Hindi naman kasi yun ang ibig kong sabihin.

"Uhm, what I mean po is... may sakit po ba kayo? Masama po ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ko para makaiwas sa naging tanong niya kanina.

"Yeah... I'm a bit sleepy too. Mamaya pa ang klase ko. Gusto ko rin sanang humiga?"

Nataranta ako dahil ako ang nakapwesto sa higaan.

"Dito po kayo mahiga sa pwesto ko. Okay lang naman po ako. Sige po. Aalis na po ako—" Lalampasan ko ka sana siya ngunit natigilan ako nang hawakan niya ako sa braso at titigan ang mga mata ko.

"B-bakit po, Sir Arthur?" Kinakabahang saad ko dahil tila ba kinikilala na naman niya ako.

"You look really familiar to me. Especially your eyes. Nagkita ba tayo kagabi?"

Nanlaki ang mga mata ko!

"P-Po? Naku, malabo po yun. Hindi po ako gumigimik at lalong hindi ako nagpupuyat. Tulog na tulog po ako kagabi," kinakabahang saad ko pa rin.

Ngunit iniharap niya ako ng tuluyan sa kanya at nagulat ako nang amuyin niya ang leeg ko!

"This perfume—"

"Ahh-sige, Sir! Aalis na po ako!" Inagaw ko ang braso ko sa kanya. Patalikod na ako nang muli niya akong tawagin.

"Wait!" aniya kaya napahinto ako ng paghakbang. "Kaamoy mo siya. Hindi ako pwedeng magkamali."

Napapikit naman ako at hindi ko malaman ang gagawin ko.

"Ano... po bang sinasabi nyo? Baka po... nagkakamali lang kayo. Sino po ba ang tinutukoy nyo?"

"Lena... But, yeah. Maybe magkaiba nga kayo. Ibang-iba..." wika pa niya na tila na-realize na malayo talaga ako sa iniisip niya.

At dun pa lang ako nakahinga ng maluwag. Muntik na ako don.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hot Professor Arthur    Chapter 4

    "Magdalena Perez.""Present po, Sir!" Bigla ay sagot ko sabay taas pa ng kamay ko. Nagtawanan naman agad ang mga kaklase ko."Magdalena Perez. I am not asking if you are here or not. What I'm asking is why are you in the back and lined up with the boys?"Medyo napahiya naman ako ng konti."And you're not even listening to me? Are you out of this world?" Masungit na saad niya. Hay... agang-aga ako agad ang nakita niya."Dito na lang po muna ako, Sir. Mas kumportable po kasi ako dito—""No. Go back to your own seat. Here in the front where I first saw you sitting." Wika pa niya habang nakaturo sa bakanteng upuan sa unahan."Okay, Sir." Sabi ko na lang dahil wala rin naman akong magagawa. Walang ganang kinuha ko ang bag ko pero hindi ko ipinahalata."Tss! May paglipat pa kasi. Masyadong papansin." Rinig kong sabi pa ni Felly. Isa pa ito sa dahilan kaya umalis ako rito sa pwesto ko ay dahil hindi ko na rin gusto kung sino ang katabi ko."Okay, let's start!" Ani Prof.Nagsimula na nga siya

  • Hot Professor Arthur    Chapter 3

    Nagpanggap akong hindi ko siya kilala at ngayon lang kami nagkita. Habang sumasayaw nga ako ay titig na titig siya sa mga mata ko. Pole dancing mix with sexy dancing. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Sa mata, sa labi, at sa buong katawan ko.Hindi ko alam kung bakit siya naririto at kung bakit ako pa ang napili sa VIP room na ito. Sana lang ay hindi niya ako makilala. For sure naman ay hindi dahil ang layo ng hitsura ko ngayon."Do you know any other kind of dance?" bigla ay tanong niya sa akin."Of course, Sir.""How about hmm... you come here beside me and dance with me?" Patanong pa iyon.Ewan ko ba... dapat ay tatanggi ako pero hindi ko magawa."O-Okay po, Sir..." Naiilang na sambit ko.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang lakad ko ay mabagal lang ngunit kahali-halina sa paningin niya. At first ay magkaharapan kami with sexy dance music naman. Hanggang sa pinatalikod niya ako habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.I never imagined this. Ang makasayaw ng gani

  • Hot Professor Arthur    Chapter 2

    Tapos na akong kainin ang sandwich ko pero nahihiya pa akong tumayo dahil hindi pa siya natatapos."Yan lang ang kinain mo? Hindi ka ba magugutom niyan?" tanong pa niya sa akin."Hindi naman, Sir Arthur. Okay na po ito sa akin at tsaka sanay na rin po ako.""Oh, that's why you look so thin," sabi pa niya.Napangiti na lang ako ng alanganin sa kanya."Uhm, Sir? Mauna na po ako. May lakad pa po kasi ako mamayang hapon.""A date?""H-Hindi po... Hindi po uso sa akin ang date at never ko pa po nagawa yun. May work po kasi ako.""Ganun ba. Ang sipag mo naman pala. Isa kang huwarang estudyante dito."Sa sinabi niya ay naging alangan ang pagngiti ko. Kung malalaman lang sana niya ang klaseng trabaho ko ay baka paalis na niya ako dito sa paaralan."Alis na po ako, Sir Arthur!"Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa niya at tuluyan na akong umalis. Dumiretso ako sa locker para iwanan ang mga gamit ko kagaya ng notebook at libro nang sa gayon ay wala na akong bitbit mamaya kundi itong uniform ko

  • Hot Professor Arthur    Chapter 1

    Napatitig ako sa dumating na Professor dahil para bago siya sa paningin ko. Mukhang bata pa, hindi kagaya ng ibang prof namin dito na may edad na.Nagbulungan pa ang mga kaklase ko sa likuran, siguro ay dahil napansin din nila na may bago kaming professor."Siya pala ang pumalit kay Professor Rox. Nagkasakit daw kaya kinailangan mag-resign." Ani Pia na katabi ko sa upuan. Sa sobrang busy ko na sa pag-aaral at trabaho ay hindi ko na nabalitaan na nag-resign na ang isang professor namin.Ibinaba niya ang libro sa unahang table namin at iba pang mga folders. Tiningnan niya kami isa-isa. Nakatitig ako sa kanya kaya nang mapatingin siya sa akin ay agad na nagtama ang mga mata namin ngunit agad naman akong umiwas ng tingin."By the way, I am new professor in English. I am Professor Arthur Marquez, but you can call me Prof. Arthur. You can approach me every time as long as it's about the subject I'm teaching, okay?"English teacher kaya English speaking din. Umayos ako ng pwesto. Dumiretso a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status