Share

Chapter 2

Author: Ghesyl
last update Last Updated: 2025-09-07 20:00:54

Tapos na akong kainin ang sandwich ko pero nahihiya pa akong tumayo dahil hindi pa siya natatapos.

"Yan lang ang kinain mo? Hindi ka ba magugutom niyan?" tanong pa niya sa akin.

"Hindi naman, Sir Arthur. Okay na po ito sa akin at tsaka sanay na rin po ako."

"Oh, that's why you look so thin," sabi pa niya.

Napangiti na lang ako ng alanganin sa kanya.

"Uhm, Sir? Mauna na po ako. May lakad pa po kasi ako mamayang hapon."

"A date?"

"H-Hindi po... Hindi po uso sa akin ang date at never ko pa po nagawa yun. May work po kasi ako."

"Ganun ba. Ang sipag mo naman pala. Isa kang huwarang estudyante dito."

Sa sinabi niya ay naging alangan ang pagngiti ko. Kung malalaman lang sana niya ang klaseng trabaho ko ay baka paalis na niya ako dito sa paaralan.

"Alis na po ako, Sir Arthur!"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa niya at tuluyan na akong umalis. Dumiretso ako sa locker para iwanan ang mga gamit ko kagaya ng notebook at libro nang sa gayon ay wala na akong bitbit mamaya kundi itong uniform ko. Need ko rin kasi ilagay sa bag ko dahil baka may makakita na naman nito.

Palabas na ako ng locker ng bigla akong harapan ni Felly, kasama si Pia at ang isa pa naming kaklase.

"Look who's here? Kunwari ka pa na paayaw-ayaw. Pinipigilan mo pa kami sa pag-iingay pero ikaw naman pala itong malandi! At talagang inunahan mo pa akong makipagdate kay Prof. Arthur Marquez!" aniya habang nakahalukipkip sa daraanan ko palabas.

"Nagkakamali ka yata, Felly. That's not a date. Sumabay lang siya ng pagkain dahil wala siyang kasabay kanina."

"Really? Kaya pala kahit tapos ka ng kumain ay nakaupo ka pa rin sa mesa na kinakainan niya?"

Napakunot na ang noo ko at nakaramdam na rin ako ng inis.

"Ano bang pakialam mo sa akin, Felly? Pinakikialaman ko ba ang buhay mo? Kung yung pagsabay sa akin ni Sir Arthur ang pinoproblema mo e di sumabay ka rin sa kanya!" Matapang na sagot ko na.

Akala yata niya ay kaya niya ako!

"Aba at lumalaban ka? Baka nakakalimutan mo na scholar ka lang dito! Kaya kitang ipatanggal anytime na gustuhin ko!"

"Bakit? Ikaw ba ang may-ari ng eskwelahang ito?"

"Not me. Pero shareholder ang daddy ko rito!"

Lalampasan ko sana siya ngunit nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hilahin ang buhok ko!

"Halika rito! Malandi ka!"

Hindi ko napaghandaan ang ginawa niyang paghila sa buhok ko kaya naman sobrang sakit na ng ulo ko. Pilit kong hinahawakan ang buhok ko para maagaw ito sa kanya pero ayaw talaga niya akong bitawan.

"What happening here?" rinig kong boses ni Sir Arthur.

Agad namang binitawan ni Felly ang buhok ko at humilira silang tatlo.

"Pero, Sir! Si Magdalena po kasi ang nauna." Sumbong pa talaga niya kahit siya na ang naabutan na nananakit. Nakita ko pang sinisiko niya ang mga kaklase namin para ipagtanggol siya.

"O-Opo, Sir! Si Magdalena po talaga ang nauna!" sabi nung transferee.

I don't even know her pero para bang may galit na agad siya sa akin. Si Pia naman ay tahimik lang at hindi nagsasalita sa tabi ni Felly.

Inayos ko lang ang buhok ko at hindi ko na ipinagtanggol ang sarili ko. Ayaw ko kasing lumaki pa dahil baka makarating sa principal ang nangyari.

"Okay lang po ako, Sir Arthur. It's only misunderstanding po. Sige po. Mauna na po ako."

Bitbit ko ang paper bag na naglalaman ng uniform ko sa club ay nagmamadali na akong umalis.

Pasakay na ako sa tricycle ng may pumigil sa kamay ko. Nagulat ako at biglang napatingin sa kanya.

"Sir Arthur? Bakit po? Ipapatawag nyo po ba ulit ako sa office?" Yun agad ang naging tanong ko.

Napatingin pa ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Pero dahil may mga nakakakita sa amin ay inagaw kong bigla ang kamay ko.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo? Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo?"

Sa sinabi niya ay napatitig ako sa kanya at ganun din naman siya sa akin.

"Hindi na po kailangan. Shareholder po ang daddy ni Felly sa eskwelahan. Ako naman ay scholar lang nila. Hindi na po ako lumaban dahil alam kong wala rin mangyayari. Isa pa, alam kong ako rin ang talo sa huli. Ayaw ko rin pong mawala ang scholarship ko kaya mas mabuti pong umiwas na lang ako sa gulo." Mahabang paliwanag ko.

Napansin ko naman ang paglamlam ng mga mata niya. Ako naman ay ngumiti ng bahagya sa kanya.

Nang hindi na siya nagsalita pa ay tuluyan na akong nagpaalam.

"Salamat po sa pagtulong mo sa akin doon. Kung hindi ka po dumating ay baka nakalbo na po ako. Alis na po pala ako. Baka po kasi ma-late pa ako sa work ko."

"Okay. Take care, Magdalena..."

Muli ay nginitian ko siya ulit at pagkatapos ay sumakay na ako sa tricycle na pinara ko.

Habang papalayo ang tricycle ay nakatayo pa rin siya doon at nakatanaw sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at itinuwid ko na ang tingin ko sa unahan ng tricycle.

Bawat araw ay pahirap ng pahirap ang nararanasan ko. Hindi ako mahilig sa away kaya hangga't kaya kong iwasan ay gagawin ko. Ayaw ko ng gulo at ayaw ko rin na madagdagan pa ang sakit ng ulo ko.

Hapon pa lang pero parang medyo madilim na agad ang paligid. Halos isang oras din kasi ang byahe ko bago ako makarating dito.

Malayo ito sa eskwelahan ko kaya alam kong malabong makarating dito ang sinuman sa mga lalakeng kaklase ko. Isa pa, hindi rin naman ako makikilala dahil nakasuot naman kami ng silver mask sa kalahati ng aming mukha at punong-puno kami ng kolorete sa aming katawan at mukha.

Para na ngang nagiging ibang tao kami kapag naayusan at nabihisan na.

Pagkapasok ko ay nagpakita muna ako sa manager namin para naman alam niyang present pa rin ako.

"Medyo maaga ka yata ngayon, Magdalena..." paunang bati pa nito sa akin.

"May bakante po kasi akong isang subject kaya dito na po agad ako dumiretso," alibi ko.

Hindi pa naman sana ako aalis ng school kung hindi ako napa-trouble kanina sa kaklase ko.

"Good. Mag-ayos na ka para ikaw ang una kong isasalang sa pag-sayaw mamaya. Maraming mga bitagin ang darating kaya galingan nyo ang pag-giling, okay?"

"Yes po, Madam Divine."

Bakla ang manager namin dito. Hindi ko pa nakikita ang mismong pinakaboss namin dahil sabi nila ay masyado raw itong busy sa buhay nito. Pupunta daw minsan pero tuwing umaga lang at kung kelan wala ng tao.

Dumiretso na agad ako sa aking dressing room. Inihanda ko na ang aking mga gamit at damit sa ibabaw ng mesa para hindi na ako mahirapan pa.

Ako na ang naglalagay ng makapal na make up sa mukha ko. Ako na rin ang nagbibihis ng uniporme kong pang-sayaw.

Naging independent talaga ako at bibihira pa sa patak ng ulan ang magpatulong ako sa iba.

Pagkatapos ko ngang mag-ayos ay siya namang dating ni Dainty. Kaibigan ko rin siya at siya ang nagdala sa akin dito.

"Oh? Bakit ang haggard mo yata? Hindi ka pa ba natutulog?"

Sabog-sabog pa kasi ang buhok niya at gusot-gusot pa ang damit na suot.

"Yung jowa ko! Minaya't maya na ako! Gigil na gigil sa akin kaya ayun! Hindi ako nakatulog ng maayos. But don't worry my friend. Make up lang ang katapat ng mga eyebags ko!"

Natatawa akong naiiling sa kanya dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin na minaya't maya at hindi pinatulog. Yun ba yung ginagawa ng mag-asawa?

Sa maniwala kayo at sa hindi. Kahit na nagtatrabaho ako dito sa club ay virgin pa rin ako.

Mas pinili ko ang maging mask dancer para maitago ko na rin ang identity ko sa mga taong pumupunta dito sa club at lalong-lalo na sa pagiging estudyante ko.

Hindi ko naman ito ginusto but I have no choice kasi kailangan kong mabuhay, kami ni Mama at matustusan ang pang-maintenance niya.

Habang hinihintay kong tawagin ako ay dinagdagan ko pa ang red lipstick ko.

"Magdalena. Go to VIP ROOM number 9."

Nang marinig ko na ang anunsyo kung saang room ako pupunta ay tumayo na agad ako.

Humarap muna ako sa salamin at inayos ang damit na suot ko.

Naka-all white ako ngayon. Skirt na white at croptop na white na pinatungan sa ibabaw ng silver na net.

Kahit na araw-araw ko na ito ginagawa ay kinakabahan pa ako lalo na kapag pumapasok sa isip ko na... paano kung may makakilala sa akin na taga-labas?

Pagkarating ko sa VIP number 9 ay huminto muna ako saglit sa pintuan. Huminga muna akong malalim. Binuksan ko na ang pintuan at saka ako tuluyang pumasok sa loob.

May mga nakahandang alak roon at pagkain at mukhang galante rin ang aking sasayawan ngayong gabi.

Pa-suspense pa nga ito dahil nakatalikod pa.

"Good evening, Sir. I am the one who was assigned to this room. Should I start dancing?" tanong ko pa lalake habang nasa tapat na akong pole dance.

"Well, I guess so..."

At nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng makita ko kung sino ang nandirito sa loob ng VIP room!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hot Professor Arthur    Chapter 4

    "Magdalena Perez.""Present po, Sir!" Bigla ay sagot ko sabay taas pa ng kamay ko. Nagtawanan naman agad ang mga kaklase ko."Magdalena Perez. I am not asking if you are here or not. What I'm asking is why are you in the back and lined up with the boys?"Medyo napahiya naman ako ng konti."And you're not even listening to me? Are you out of this world?" Masungit na saad niya. Hay... agang-aga ako agad ang nakita niya."Dito na lang po muna ako, Sir. Mas kumportable po kasi ako dito—""No. Go back to your own seat. Here in the front where I first saw you sitting." Wika pa niya habang nakaturo sa bakanteng upuan sa unahan."Okay, Sir." Sabi ko na lang dahil wala rin naman akong magagawa. Walang ganang kinuha ko ang bag ko pero hindi ko ipinahalata."Tss! May paglipat pa kasi. Masyadong papansin." Rinig kong sabi pa ni Felly. Isa pa ito sa dahilan kaya umalis ako rito sa pwesto ko ay dahil hindi ko na rin gusto kung sino ang katabi ko."Okay, let's start!" Ani Prof.Nagsimula na nga siya

  • Hot Professor Arthur    Chapter 3

    Nagpanggap akong hindi ko siya kilala at ngayon lang kami nagkita. Habang sumasayaw nga ako ay titig na titig siya sa mga mata ko. Pole dancing mix with sexy dancing. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Sa mata, sa labi, at sa buong katawan ko.Hindi ko alam kung bakit siya naririto at kung bakit ako pa ang napili sa VIP room na ito. Sana lang ay hindi niya ako makilala. For sure naman ay hindi dahil ang layo ng hitsura ko ngayon."Do you know any other kind of dance?" bigla ay tanong niya sa akin."Of course, Sir.""How about hmm... you come here beside me and dance with me?" Patanong pa iyon.Ewan ko ba... dapat ay tatanggi ako pero hindi ko magawa."O-Okay po, Sir..." Naiilang na sambit ko.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang lakad ko ay mabagal lang ngunit kahali-halina sa paningin niya. At first ay magkaharapan kami with sexy dance music naman. Hanggang sa pinatalikod niya ako habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.I never imagined this. Ang makasayaw ng gani

  • Hot Professor Arthur    Chapter 2

    Tapos na akong kainin ang sandwich ko pero nahihiya pa akong tumayo dahil hindi pa siya natatapos."Yan lang ang kinain mo? Hindi ka ba magugutom niyan?" tanong pa niya sa akin."Hindi naman, Sir Arthur. Okay na po ito sa akin at tsaka sanay na rin po ako.""Oh, that's why you look so thin," sabi pa niya.Napangiti na lang ako ng alanganin sa kanya."Uhm, Sir? Mauna na po ako. May lakad pa po kasi ako mamayang hapon.""A date?""H-Hindi po... Hindi po uso sa akin ang date at never ko pa po nagawa yun. May work po kasi ako.""Ganun ba. Ang sipag mo naman pala. Isa kang huwarang estudyante dito."Sa sinabi niya ay naging alangan ang pagngiti ko. Kung malalaman lang sana niya ang klaseng trabaho ko ay baka paalis na niya ako dito sa paaralan."Alis na po ako, Sir Arthur!"Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa niya at tuluyan na akong umalis. Dumiretso ako sa locker para iwanan ang mga gamit ko kagaya ng notebook at libro nang sa gayon ay wala na akong bitbit mamaya kundi itong uniform ko

  • Hot Professor Arthur    Chapter 1

    Napatitig ako sa dumating na Professor dahil para bago siya sa paningin ko. Mukhang bata pa, hindi kagaya ng ibang prof namin dito na may edad na.Nagbulungan pa ang mga kaklase ko sa likuran, siguro ay dahil napansin din nila na may bago kaming professor."Siya pala ang pumalit kay Professor Rox. Nagkasakit daw kaya kinailangan mag-resign." Ani Pia na katabi ko sa upuan. Sa sobrang busy ko na sa pag-aaral at trabaho ay hindi ko na nabalitaan na nag-resign na ang isang professor namin.Ibinaba niya ang libro sa unahang table namin at iba pang mga folders. Tiningnan niya kami isa-isa. Nakatitig ako sa kanya kaya nang mapatingin siya sa akin ay agad na nagtama ang mga mata namin ngunit agad naman akong umiwas ng tingin."By the way, I am new professor in English. I am Professor Arthur Marquez, but you can call me Prof. Arthur. You can approach me every time as long as it's about the subject I'm teaching, okay?"English teacher kaya English speaking din. Umayos ako ng pwesto. Dumiretso a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status