“Bago pa mangyari ang gulo ay patapos na ang formula na ginawa ko to make an illusion. Isa itong uri ng armas na malaki ang tyansang magamit natin laban sa kalaban. Siguro naman ay familiar ka sa mga inventor, hindi ako katulad nila pero we have the same job. Ang gumawa ng armas para sa organisation na maaaring mapasa sa susunod na henerasyon.” Nakaupo na ngayon si Dr. Franc sa tabi ng tumayo niyang ina at si Nicole ay nasa dulong parte kung saan siya na ang bumuhat kay Issa. Tahimik lang sila na nakikinig sa sinasabi ni Dr.Fanc samantalang si Nicole ay alam na ang totoo. Gusto niyang yakapin ang ina, gusto niyang sabihin na madaya ito dahil hindi manlang nagsabi ng totoo at hinayaan siyang magalit dito. “Kung hindi totoo ang ala-ala ko then where is my father? Bakit niyo hinayaang galit ang manuot saakin gayong hindi naman pala ito namatay?” tanong ni Ryc sa papa ni Nicole na tumango. “Your father is nowhere to be found. Kasabay ng pagtatapos ng gulo ay nawala din ito katulad ng i
NGAYON ang araw kung kailan susugod sina Ryc sa kuta nila master shin upang hanapin ang kaniyang babaeng pinakamamahal. Dalawang araw na simula nang bumalik ang kaniyang ala-ala at sa dalawang araw na iyon ay nagkulong lamang siya sa kwarto kasama si Issa na hindi iniwan ang ama . Hindi matanggap ni Ryc ang pagnalik ng kaniyang ala-ala na lalong nagpalamig sa kilos nito at paraan ng pagtitig. Kung nakakatakot na ito noon ay mas nakakatakot na ito ngayon. Walang nakaka-alam sa nakaraan, tanging siya lamang na ayaw sabihin sa kanila ang totoo at ang tanging paulit-ulit na sinasabi ay malalaman ‘din nila sa tamang panahon. Mamamatay sila sa kakaisip kung ano iyon pero wala silang magagawa. Iyon ang desisyon ng kanilang boss. Tama, nagsanib pwersa na ang mga ito at muling magsasama sa iisang organisation sa maraming taon na lumipas. Babalik na si Dr.Franc na siyang mamumuno sa laboratoryo habang si Joe ang mamamahala sa mga nasasakupan nila. Si Nicole at Dexter na siyang magiging kat
ISABELLA “NARINIG mo ang sabi ng doctor ah! Wag mo ‘daw pilitin na makaalala dahil sasakit ang ulo mo. Kusa ‘daw ‘yun babalik kung babalik pa nga ba.” Kalalabas lang namin sa ospital na pinagdalhan saakin ni Glaiza, isang araw matapos niya akong makita sa tapat ng bahay niya ay nagpahinga muna ako bago tumuloy dito. Sa sumandaling oras na ‘yun kahit pa punong-puno ng katanungan ang isip ko ay hindi ako iniwan ng babaeng madaldal na ito. “Hindi ako bingi Glaiza,” plain na sabi ko sa kaniya na ikinasimangot nito. May taglay na kakaibang ganda si Glaiza habang hindi mo mapapansin na isa pala itong Filipino dahil na ‘rin sa kaniyang accent. Pareho kaming nakasoot ng makakapal na jacket pangangga sa lamig, winter kasi dito ngayon sa Canada at mahirap ‘daw mag drive dahil sa nakaharang na snow kaya naglakad lang kami tutal ilang kanto kang ‘yun sa bahay niya. “Ikaw ha! Sino ka ba talaga at ang sungit mo?! Akala mo naman ikaw ang Reyna ng espanya kung makaasta, maganda ka lang! Hmp!”
“Forgiven, wag mong alalahanin kaya ko na sarili ko.” Tumalikod na ako at hinila na paalis doon si Glaiza “Leandro! Sa pangatlong kanto kami nakatira! Brown house! May dalawang gaurd!” nanlaki ang mata ko dahil sinabi lang naman ni Glaiza ang address namin. “Nasisiran ka na ba?!” nag peace sign lang ito kaya hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kumupkop saaking ‘to. Diko alam kung sino ba ang matanda saamin gayong siya naman talaga dahil dalawang taon agwat niya saakin! Tsk. KINABUKASAN ay nagising ako sa doorbell nang bahay ni Glaiza, sa baba lang kasi ang kwarto ko. Ayaw ko sa taas nakakatamad magakyat baba, wala na ‘rin namang nagawa ang spoiled brat na kaibigan ko. “Manang may tao ho ata!” sigaw ko ngunit walang sumagot. Mukang tulog pa sila, sabagay anong oras kasi talaga ang umagahan namin tanghali na. Ako nalang ang pumunta sa labas upang pagbuksan ito. Nagsoot lang ako ng coat na naka sabit sa may gilid ng pinto at binuksan ang gate. “Hi!” natigilan ako ng makita ang la
“WALA pa ‘rin bang balita?” Seryosong tanong ni Ryc ng pumasok siya sa loob ng secret room na nasa bahay nila. “Wala pa ‘rin R,” malungkot na sagot ni Dexter. Nasa loob niyon si Nicole at Dexter dahil sa mga oras na iyon ay regular silang gumagawa ng hakbang sa paghahanap kay Isabella. Kung hindi naman nila hinahanap si Isabella ay dahil iyon sa problema sa kanilang organization. Ganito ang naging takbo ng buhay nila sa loob ng isang buwan, kung hindi siya busy sa opisina ay busy siya sa org. Nasanay na si Rycsa ganitong takbo ng buhay pero ngayon na dumating na ang anak niya at si Isabella ay parang unti-unti siyang hindi nasasanay lalo na at nararamdaman niya na mayroong kulang. “Isang buwan na siyang wala R, paano kung ano nang ginawa nila kay Ella? Paano kung pinahirapan na siya? ‘Di pinakain?” na-paparaniod na sabi ni Nicole na ikinatingin ni Dexter sa kaniya ng masama. “Hindi nakakatulong Nic.” Inginuso nito si Ryc na nakatulala lamang sa isang tabi kaya napatahimik nalaman
“Kahit pa! Alam mo bang matagal ko na siyang crush! OMG! Sabi nila dad at mom ay magiging partner namin siya sa negosyo! Sasabihin ko sa kanila na ipagkasundo kami! Kyahhh!” napangiwi ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang may ganoon pa pala ngayon. Sabagay mayaman naman si Glaiza at ganon ‘din si Ryc tapos maganda pa ang kaibigan ko at sexy, o diba hindi ka na lugi. “Sino ba ‘yang Ryc na ‘yan at adik na adik ka’t handa pa magpatali sa kaniya, bukod sa mayaman siya.” Baliwala kong sabi habang kumakain. Tinignan niya ako ng kakaibang tingin na akala mo’y mayroon akong kakaibang sinabi. “Seriously?! Hindi mo kilala ang isang Ryc Garcia?!” tinaasan ko siya ng kilay. “Baka nakakalimutan mong nagka-amnesia ako.” Mukang natauhan naman siya sa sinabi ko at nag peace sign lang. Hanggang ngayon kasi ay dipa ako nakaka-alala, ewan ko ba sa utak ko. Ang dami kong tanong, sino magulang ko, anong ginagawa ko dito? Kung may pamilya pa ba ako. Ewan. “Ganito kasi ‘yan. Siya si Ryc Garcia, an
NANDITO ako ngayon sa CR habang sinusubukang buksan ang cellphone ko. Mukang napalakas ata ang bagsak nito dahil ayaw niyang bumukas agad. “Nakakainis ka Glaiza! Ayaw tuloy bumukas ang cellphone ko!” bulyaw ko dito habang nasa loob pa ‘rin siya ng cubicle. Hindi na kami nakaabot sa bahay dahil sobrang sakit na daw ng tiyan niya kaya sa pinakang malapit na restroom nalang kami pumasok. “Wala akong kasalanan! Hindi ko kasalanan kung mahina ‘yang kamay mo at masyado kang magugulatin!” napairap ako sa sinabi niya at maya-maya pa ay nagdiwang ako ng bumukas ito. “Alam mo bang nag video ako kanina sa crush mo at tumingin siya saakin!” natahimik sandali si Glaiza na mukang pina-process pa ang sinabi ko hanggang maya-maya ay tumili na ito ng pagkalakas-lakas at lumabas ng Cr. Nagmadali pala ang loka. “OMG! Patingin! Patingin!” itinaas ko ang cellphone para hindi niya maabot at dahil mas matangkad ako sa kaniya ay hindi niya ito maabot. “Isabella ano ka ba! ‘Wag kang makasarili! At isa pa
“Sorry for keeping you wait gentleman.” Tumayo na si R, sa pinakang gitna at nagsimulang magpaliwanag sa kanilang lahat. Mabuti nalang at kumpleto ang mga ito ngayon, kung hindi patay sila kay R. Tumagal ang meeting ng halos isang oras dahil nag-elect na ‘rin ng new acting President. Well, actually di na naman kailangan mag-elect dahil una palang ay nag-deside na si R kung sino ang ipapalit niya, it just happened na ‘yun ‘din ang gusto ng karamihan. Matapos ang meeting ay lumabas na kami agad doon. ‘Yun lang naman ang pinunta namin sa opisina niya, biruin niyo 13 hours ang byahe namin tapos another 13 hours nanaman. Nagpaalam naman si R, kay Issa kaya ayos lang na magtagal kami kaso siya laging nasisilihan ang pwet sa byahe at gusto na ‘daw umuwi. ‘Wala kasing ibang kasama si Issa, I mean andoon naman sila Nicole pero syempre iba pa ‘rin kapag kasama mo anak mo. Paglabas namin ay napakaraming tao. Sunod-sunod ‘din ang flashes ng camera, ano pa bang aasahan famous ako joke! Maya-ma