MasukChapter 41Shane’s POV“Thanks, Brix... for everything.”Ngumiti lang siya habang nakasandal sa kotse niya.“I’ll do anything for you.”Ramdam ko ang sinseridad sa mga salitang iyon. Kung hindi siya dumating kanina kasama ang security team, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin. Hindi lang si Steph ang problema—may mga lalaking kasama pa siyang mukhang handang gumawa ng gulo anumang oras.“Kaya mo pa bang magmaneho?” tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.“Yes, kaya ko.”Tahimik siyang tumango, ngunit tila may gusto pa siyang sabihin.“Ah... Shane.”“Yes?”Nag-atubili siya. Ilang segundo siyang natahimik habang nakatingin lang sa akin.“Wala... wala. Forget it.”“Sure?”Ngumiti siya nang pilit.“Yes.”Hindi ko na siya pinilit. Kilala ko si Brix. Kapag ayaw niyang magsalita, walang makakapilit sa kanya.Nagpaalam na ako at sumakay sa sasakyan.Habang nagmamaneho pauwi, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari sa CDI.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon
Chapter 40Shane's POVParang apoy na kumalat sa social media ang mga paninira ni Stephanie laban sa City Diamonds Inc. Isang sunod-sunod na posts, videos, at live stream ang ginawa niya upang palabasing may pinapaboran ang kumpanya at niloloko ang mga designers nito."May favoritism sa CDI!""Luto ang competition!""Hindi patas ang management!"Paulit-ulit niyang ipinagsisigawan iyon sa iba't ibang social media platforms.Pero ang hindi niya maipaliwanag ay ang malinaw na nakasaad sa kontrata ng bawat designer.May karapatan ang kumpanya na magdesisyon kung aling collection ang bibigyan ng mas malaking advertising budget batay sa market demand, customer engagement, at sales performance.Hindi iyon favoritism.Business strategy iyon.Kung alin ang mas hinahanap ng mga customers, natural lamang na iyon ang mas lalong ipo-promote.At iyon ang nangyari.Hindi lang Angela's Collection ang umangat.Kasunod din nito ang collections nina Erica Sta. Ana, Marge Manuel, Alen Bavi at iba pa.Lah
Chapter 39Shane's POV“What? You are looking for a house?” gulat na gulat na tanong ni Mike habang halos mabitawan ang hawak niyang tasa ng kape.“Yes, brother dearest,” natatawa kong sagot.Napaawang ang bibig niya at napailing.“It’s so ironic. Ang laki-laki ng bahay natin, tapos naghahanap ka ng lilipatan?”Napabuntong-hininga ako.Hindi niya kasi alam ang totoong nararamdaman ko.Oo, malaki ang bahay. Maganda. Kumpleto sa lahat ng luho. Pero ano naman ang silbi ng isang napakalaking bahay kung bawat sulok nito ay nagpapaalala lamang ng kalungkutan?“Hey, hindi naman ako nag-iisa,” pagtatanggol ko sa sarili ko. “Kasama ko si Macy.”“Oh yeah... your friend.”Tumango ako.“Why not live in a condo?” suhestiyon niya. “Maraming bagong units ang Concepcion Holdings. Safe pa, may amenities pa.”Napailing ako.“Hay naku, Mike. Wala naman akong problema sa condo. Pero iba kasi ang pangarap ko.”“Tulad ng?”Ngumiti ako habang iniisip ang simpleng buhay na matagal ko nang gustong maranasan.
Chapter 38Shane's POV"Honey... tulungan mo na ako, please."Napahinto si Leon sa pag-inom ng kape. Dahan-dahan niya akong nilingon, saka napabuntong-hininga na parang alam na niya ang susunod kong sasabihin."Ayan na naman ang mukha mong may binabalak.""Wala naman..." inosente kong sagot habang nakangiti."Shane...""Hmm?""Kapag ganiyan ka ngumiti, may ipapagawa ka na naman sa akin."Napahalakhak ako."Bakit ba kilalang-kilala mo na ako?""Dahil boyfriend mo ako.""Hindi ako boyfriend para magmahal lang. Isa rin akong full-time taga-salba ng mga kalokohan mo."Tinawanan ko siya."Tama ka diyan."Napailing na lang siya.Sa totoo lang, siya talaga ang madalas kong takbuhan sa mga bagay na hindi ko kayang gawin.Siya ang tumulong sa akin sa pagpaparehistro ng mga negosyong pinaplano ko.May business account na para sa magiging 24-Hour Store namin.May personal account na rin si Macy para sa mga receivables namin mula sa CDI.Lahat halos siya ang nag-asikaso.Kaya minsan naiisip ko...
Chapter 37Shane's POVHindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Paulit-ulit akong kumurap habang nakatitig sa malaking LED screen sa conference room ng City Diamond Inc.Baka kasi mali lang ang basa ko.O baka nananaginip lang ako.Pero kahit ilang beses ko pang tingnan...Hindi nagbabago ang nakasulat.SOLD OUTAngela's Serpentine Collection – 3 Complete SetsNanlaki ang mga mata ko."Ano?"Halos hindi ako makahinga.Tatlong buong sets ang naubos sa loob lamang ng ilang oras matapos ang grand launching.Hindi pa kasama roon ang daan-daang reservations na patuloy pang pumapasok.Mabilis kong tiningnan ang live ranking ng event.No. 1 – Angela's Serpentine Collection ✅ SOLD OUTNo. 2 – Erika Sta. Ana CollectionNo. 3 – Stephanie Felix CollectionHabang ang iba pang designers ay patuloy pa ring naghihintay ng mga customer.Pakiramdam ko ay gusto kong mapatalon sa sobrang saya.Hindi ko inasahan na ganoon kalakas ang magiging dating ng koleksiyon ko.Mas lalo pa akong kinilabutan nang maki
Chapter 36Shane's POVMatapos ang ilang linggong walang tigil na pagpaplano, pag-eedit, at paulit-ulit na pagre-review ng bawat materyales, sa wakas ay nailunsad ko na rin ang advertising campaign para sa aming mga bagong jewelry designers.Isa ito sa pinakamalaking proyekto na nahawakan ko simula nang mapasok ako sa kumpanya.Hindi lamang ito simpleng promotional campaign.Ito ang magiging mukha ng susunod na koleksiyon ng kumpanya.Kaya sinigurado kong patas ang lahat.Pare-pareho ang exposure ng bawat designer.Pare-pareho ang laki ng mga larawan.Pantay ang placement sa website, social media, billboards, at digital catalog.Ayokong may magsabing may kinakampihan ako.Lahat sila ay may talento.At lahat sila ay karapat-dapat na mapansin.Habang isa-isang lumalabas ang mga promotional materials, lalo akong humanga sa mga bagong designers.Bagama't baguhan pa lamang ang karamihan sa kanila, hindi matatawaran ang kanilang mga ideya.May mga disenyo silang moderno.May eleganteng klas
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hin
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapunta
Chapter 3Shane Concepcion POVPagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila. Masakit i
Chapter 2Shane Concecion POVPagkatapos ng nakakahiyang nangyari sa akin sa hotel. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang buong buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga tao.Kung paano ko titingnan ang sarili ko sa salamin.Kung paano ko kakayaning mabuhay matapos masira an







