FAZER LOGINChapter 5
Shane Concepcion POV
Kahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.
Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hinangad na tuparin pa rin niya iyon. Hindi na ako karapat-dapat sa kanya. Dahil nadumihan na ako.
Minsan tinanong ko si Macy.
“Gusto mo bang humanap tayo ng apartment na mas malaki ng kaunti? Tutal, dalawa naman na tayong nagtatrabaho. Para kahit papaano, kahit hindi maganda ang buhay natin ngayon, ay may uuwian tayong maayos na bahay. Namilog ang kanyang mata at pumayag.
Mabuti na lamang ay maraming alam ang mga girls sa bar na paupahan. Kaya inumpisahan na naming tumingin-tingin.
Nakakita kami ng malapit sa bar. Isang 2-bedroom na apartment. Eksakto para may privacy kami ni Macy.
Mula kasi nang kinupkop niya ako, napansing minsan nababalisa din siya.
Para kasi sa mga introvert gaya ni Macy, mabilis maubos ang kanilang social battery. At may pagkakataon na gustong mag-isa para makapag-recharge.
Tutal, maganda namang magbigay ng tip ang mga customer. At minsan nag-aabot din ang mga girls sa amin ni Macy kapag pumapaldo sila sa isang customer. Kaya sa tingin ko ay kakayanin naman namin.
“5,000 ang upa, one month advance, one month deposit,” sabi ng kasero na halos hinhubaran na kami ng titig niya.
“Sige po, kukunin na namin” mabilis kong tugon.
Tutal, may natitira pa naman mula sa separation pay ko sa mga Carusso. Iyon muna ang gagamitin namin para sa pang-down sa bahay.
Naisip din namin ni Macy na magtayo ng maliit na tindahan sa harap ng apartment, tutal mayroon naman ito, ipinagawa ng dating umuupa. Para kahit papaano ay may extra kami at dahil sa panggabi naman ang bar.
“Kapag kasama ang tindahan, magdagdag pa kayo ng dalawang libo,” sabi ni Mang Kanor, na kasera namin.
Pumayag na rin kami.
Nag-umpisa na muli kaming mangarap ni Macy. Unti-unti bumabangon para sa bagong pag-asa.
Sa bar habang abala ang lahat sa kani-kanilang pakikipagbaka. May napansin ang mga girls at tinutukso ako.
“Shane, Shane, kanina ka pa tinitingnan ng poging lalaking iyon.”
“Girl, mukhang mayaman.”
“Type na type ka at parang gusto ka ng iuwi”
“Naku kayo talaga, ang mga imahinasyon ninyo grabe na talaga.” sagot ko
“Baka billionaire iyan or CEO,” dagdag pa nila habang tawa sila nang tawa.
“Talaga ba dito?” pangangatwiran ko.
Hindi na ako masyadong nagbibigay-pansin sa mga sinasabi nila. Dahil ang focus ko ay trabaho at hindi bagong pag-ibig.
Quota na ako sa problema. At ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na dadagdagan pa.
Habang nagse-serve sa mga customer na mukha ring may sinasabi sa buhay.
“Miss magexclusive ka naman dito, babayaran ka namin ng malaki.” pagaalok ng lalaki
“Sorry po, waitress lang po ako dito. Kung gusto ninyo po, hahanapan ko po kayo ng puwede. Madami pong magagandang babae dito,” sagot ko.
“Maarte ka pala eh, babayaran ka naman. Ikaw ang gusto namin, eh,” pamimilit pa nila.
May humawak na sa baywang ko, pagkatapos ay hinaltak na ako at pilit na pinaupo.
Maya-maya pa ay may isang malaking boses na narinig namin na kumukumpronta sa mga lalaki.
“Brad, huwag ninyo namang pilitin ang babae; sinabi niyang hindi siya puwede, di ba?”
“Sino ka namang pakialemero ka? Ano ka ba nito?”
Nagulat na lamang ako nang may suntok na kumawala sa lalaking nagtanggol sa akin.
At nagkugulo na sila.
Ayyy…Ano ba iyan? Sigaw ng mga babae sa bar.
Mabilis namang rumesponde ang mga bouncer at inawat sila. Hinatak ako ni Macy at pagkatapos ay pumasok sa opisina ni Madam Bridgette.
“Mga buwist talaga itong mga lalaking ito.” sabi ni Madam
“Pagbayarin ninyo ang mga iyan. Nagtatrabaho kami nang maayos dito. Hindi ninyo makontrol ang sarili ninyo” pagalit na sinabi ni Madam Bridgette
Pagkatapos ng trabaho, mag-uumaga na. Nakita namin na ang lalaking tumulong sa akin ay nakasandal sa kotse niya. Hindi na marahil magawang makauwi ito, kaya dahil sa awa ay nilapitan namin siya.
“Sir, Sir, sasakyan niyo po ba ito?
Pilit niyang kinukuha ang susi sa bulsa niya.
“Macy, kawawa naman, iuwi na lang natin siya muna.”
Pumayag naman si Macy kahit nag-alinlangan. Mukha naman kasing respetado ang lalaki. Nalasing lamang.
Kaya kinuha ko na ang susi at pagkatapos ay ipinasok ko ito sa kotse. Napakabigat dahil matangkad siya at matipuno. Pareho kami ni Macy ng katawan na payat kaya pinagtulungan na lamang namin siya.
Pagdating namin sa bahay. Ang problema ay kung paano siya iaakyat sa kuwarto. Kaya pinagtulungan na naman namin siya uli ni Macy at ipinasok sa kuwarto ko.
Nilinis siya at pagkatapos ay pinatulog.
Tanghalian na nang nagising kami ni Macy, na naging pang-araw na rutin na namin. Hindi araw-araw pumapasok si Macy sa bar dahil sa kanyang anxiety. Kaya, binigyan siya ni Madam ng apat na araw na schedule. At limang araw naman ang sa akin.
Nakapamili na siya ng mga paninda at inayos ang mga ito nang isa-isa sa aming tindahan.
At ako, nagluto na ako ng tanghalian para sa amin. Nagluto ako ng sinigang na baboy para mabuhayan naman kami at gisingin ang pagod naming kaluluwa.
Narinig na lang namin na may bumaba sa hagdan na may mabibigat na yabag. Nagkatinginan na lamang kami ni Macy at alam namin kung sino iyon. Mas matikas ito kapag nakatayong tuwid at maaliwalas ang mukha kapag hindi lasing.
“Halika ka na kumain ka na, pag-aya ko.”
Nakahawak siya sa kanyang batok at halatang hiyang-hiya.
Pero umupo na rin siya sa upuang maliit para sa kanya, plastic na monoblock lang kasi iyon.
“Pasensya na if I cause you too much trouble,” lumabas sa kanyang bibig.
“No worries, Sir,” sagot ko naman
“I’m Brix San Luis” pakilala niya.
“Ako naman si Shane Concepcion at siya naman si Macy” pakilala ko
“Sige kain ka lang Brix” pag-aya ko.
Ubos na ubos niya ang kaning isinerve ko sa kanya. Mukhang nagutom talaga.
Pagkatapos ay humigop ng sabaw ng sinigang.
Mukhang harmless naman si Brix, kaya napalagay na rin ang loob namin ni Macy.
“Salamat talaga sa inyo, hinding hindi ko ito makakalimutan.” sabi niya.
“Ikaw ang nag-drive, Shane?” tanong niya.
Tumango lamang ako.
Tumayo na siya at nagpaalam na. Para daw kasi siyang kinakain na lupa sa sobrang kahihiyan.
Sobra-sobra ang pasasalamat niya.
“Sino kaya itong Brix San Luis na ito?
Chapter 41Shane’s POV“Thanks, Brix... for everything.”Ngumiti lang siya habang nakasandal sa kotse niya.“I’ll do anything for you.”Ramdam ko ang sinseridad sa mga salitang iyon. Kung hindi siya dumating kanina kasama ang security team, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin. Hindi lang si Steph ang problema—may mga lalaking kasama pa siyang mukhang handang gumawa ng gulo anumang oras.“Kaya mo pa bang magmaneho?” tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.“Yes, kaya ko.”Tahimik siyang tumango, ngunit tila may gusto pa siyang sabihin.“Ah... Shane.”“Yes?”Nag-atubili siya. Ilang segundo siyang natahimik habang nakatingin lang sa akin.“Wala... wala. Forget it.”“Sure?”Ngumiti siya nang pilit.“Yes.”Hindi ko na siya pinilit. Kilala ko si Brix. Kapag ayaw niyang magsalita, walang makakapilit sa kanya.Nagpaalam na ako at sumakay sa sasakyan.Habang nagmamaneho pauwi, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari sa CDI.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon
Chapter 40Shane's POVParang apoy na kumalat sa social media ang mga paninira ni Stephanie laban sa City Diamonds Inc. Isang sunod-sunod na posts, videos, at live stream ang ginawa niya upang palabasing may pinapaboran ang kumpanya at niloloko ang mga designers nito."May favoritism sa CDI!""Luto ang competition!""Hindi patas ang management!"Paulit-ulit niyang ipinagsisigawan iyon sa iba't ibang social media platforms.Pero ang hindi niya maipaliwanag ay ang malinaw na nakasaad sa kontrata ng bawat designer.May karapatan ang kumpanya na magdesisyon kung aling collection ang bibigyan ng mas malaking advertising budget batay sa market demand, customer engagement, at sales performance.Hindi iyon favoritism.Business strategy iyon.Kung alin ang mas hinahanap ng mga customers, natural lamang na iyon ang mas lalong ipo-promote.At iyon ang nangyari.Hindi lang Angela's Collection ang umangat.Kasunod din nito ang collections nina Erica Sta. Ana, Marge Manuel, Alen Bavi at iba pa.Lah
Chapter 39Shane's POV“What? You are looking for a house?” gulat na gulat na tanong ni Mike habang halos mabitawan ang hawak niyang tasa ng kape.“Yes, brother dearest,” natatawa kong sagot.Napaawang ang bibig niya at napailing.“It’s so ironic. Ang laki-laki ng bahay natin, tapos naghahanap ka ng lilipatan?”Napabuntong-hininga ako.Hindi niya kasi alam ang totoong nararamdaman ko.Oo, malaki ang bahay. Maganda. Kumpleto sa lahat ng luho. Pero ano naman ang silbi ng isang napakalaking bahay kung bawat sulok nito ay nagpapaalala lamang ng kalungkutan?“Hey, hindi naman ako nag-iisa,” pagtatanggol ko sa sarili ko. “Kasama ko si Macy.”“Oh yeah... your friend.”Tumango ako.“Why not live in a condo?” suhestiyon niya. “Maraming bagong units ang Concepcion Holdings. Safe pa, may amenities pa.”Napailing ako.“Hay naku, Mike. Wala naman akong problema sa condo. Pero iba kasi ang pangarap ko.”“Tulad ng?”Ngumiti ako habang iniisip ang simpleng buhay na matagal ko nang gustong maranasan.
Chapter 38Shane's POV"Honey... tulungan mo na ako, please."Napahinto si Leon sa pag-inom ng kape. Dahan-dahan niya akong nilingon, saka napabuntong-hininga na parang alam na niya ang susunod kong sasabihin."Ayan na naman ang mukha mong may binabalak.""Wala naman..." inosente kong sagot habang nakangiti."Shane...""Hmm?""Kapag ganiyan ka ngumiti, may ipapagawa ka na naman sa akin."Napahalakhak ako."Bakit ba kilalang-kilala mo na ako?""Dahil boyfriend mo ako.""Hindi ako boyfriend para magmahal lang. Isa rin akong full-time taga-salba ng mga kalokohan mo."Tinawanan ko siya."Tama ka diyan."Napailing na lang siya.Sa totoo lang, siya talaga ang madalas kong takbuhan sa mga bagay na hindi ko kayang gawin.Siya ang tumulong sa akin sa pagpaparehistro ng mga negosyong pinaplano ko.May business account na para sa magiging 24-Hour Store namin.May personal account na rin si Macy para sa mga receivables namin mula sa CDI.Lahat halos siya ang nag-asikaso.Kaya minsan naiisip ko...
Chapter 37Shane's POVHindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Paulit-ulit akong kumurap habang nakatitig sa malaking LED screen sa conference room ng City Diamond Inc.Baka kasi mali lang ang basa ko.O baka nananaginip lang ako.Pero kahit ilang beses ko pang tingnan...Hindi nagbabago ang nakasulat.SOLD OUTAngela's Serpentine Collection – 3 Complete SetsNanlaki ang mga mata ko."Ano?"Halos hindi ako makahinga.Tatlong buong sets ang naubos sa loob lamang ng ilang oras matapos ang grand launching.Hindi pa kasama roon ang daan-daang reservations na patuloy pang pumapasok.Mabilis kong tiningnan ang live ranking ng event.No. 1 – Angela's Serpentine Collection ✅ SOLD OUTNo. 2 – Erika Sta. Ana CollectionNo. 3 – Stephanie Felix CollectionHabang ang iba pang designers ay patuloy pa ring naghihintay ng mga customer.Pakiramdam ko ay gusto kong mapatalon sa sobrang saya.Hindi ko inasahan na ganoon kalakas ang magiging dating ng koleksiyon ko.Mas lalo pa akong kinilabutan nang maki
Chapter 36Shane's POVMatapos ang ilang linggong walang tigil na pagpaplano, pag-eedit, at paulit-ulit na pagre-review ng bawat materyales, sa wakas ay nailunsad ko na rin ang advertising campaign para sa aming mga bagong jewelry designers.Isa ito sa pinakamalaking proyekto na nahawakan ko simula nang mapasok ako sa kumpanya.Hindi lamang ito simpleng promotional campaign.Ito ang magiging mukha ng susunod na koleksiyon ng kumpanya.Kaya sinigurado kong patas ang lahat.Pare-pareho ang exposure ng bawat designer.Pare-pareho ang laki ng mga larawan.Pantay ang placement sa website, social media, billboards, at digital catalog.Ayokong may magsabing may kinakampihan ako.Lahat sila ay may talento.At lahat sila ay karapat-dapat na mapansin.Habang isa-isang lumalabas ang mga promotional materials, lalo akong humanga sa mga bagong designers.Bagama't baguhan pa lamang ang karamihan sa kanila, hindi matatawaran ang kanilang mga ideya.May mga disenyo silang moderno.May eleganteng klas
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapunta
Chapter 3Shane Concepcion POVPagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila. Masakit i
Chapter 2Shane Concecion POVPagkatapos ng nakakahiyang nangyari sa akin sa hotel. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang buong buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga tao.Kung paano ko titingnan ang sarili ko sa salamin.Kung paano ko kakayaning mabuhay matapos masira an
Chapter 1Shane Concepcion POVNagising ako sa isang madilim na silid na tila ba matagal nang nilamon ng kasalanan at lihim. Mabigat ang hangin, halos hindi ako makahinga dahil sa makapal na amoy ng alak, usok ng sigarilyo, at pabangong panlalaki na nakahalo sa pawis. Dumadagundong ang tibok ng pus







