MasukChapter 4
Shane Concepcion
Dahil sa desperasyon…
Tinanggap ko ang trabaho.
Wala na akong panahon para mamili pa.
Wala na rin akong karapatang magreklamo.
Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapuntahan.
Kaya kahit nanginginig ang dibdib ko nang unang tumapak ako sa bar ni Madam Bridgette, pinilit kong maging matatag.
Makulay ang ilaw sa loob ng bar.
Pula.
Lila.
Asul.
Parang mga ilaw na pilit na tinatakpan ang lungkot ng mga taong naroroon.
Makapal ang usok ng sigarilyo.
Malalakas ang tawanan.
At sa bawat mesa ay may mga taong pilit nilulunod ang sakit nila sa alak.
May mga babaeng nakangiti pero halatang pagod na pagod na.
May mga lalaking tila masaya ngunit walang laman ang mga mata.
At sa unang gabing iyon…
Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay doon.
Inalok ako ni Madam Bridgette bilang dancer at GRO.
“Maganda ka,” diretsahan niyang sabi habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. “Malaki kikitain mo rito.”
Napayuko ako.
Hindi ko kinaya.
“Hindi pa po ako handa sa ganoong trabaho,” mahina kong sagot.
Tinitigan niya ako nang matagal bago humithit ng sigarilyo.
“Then what do you want?”
“Kahit waitress lang po… o bartender.”
Tahimik siyang napangiti.
“Interesting.”
Sa totoo lang, nagulat ako dahil pumayag siya agad.
Akala ko itataboy niya ako palabas.
Pero hindi.
Sa halip ay pinaupo niya ako sa harapan niya habang paikot-ikot ang usok ng sigarilyo sa pagitan naming dalawa.
“Bakit gusto mo pa ring magtrabaho rito?” direkta niyang tanong.
Napakagat ako sa labi.
“Alam mo naman siguro ang nature ng lugar na ito.”
Tumango ako.
“At base sa kilos at pananalita mo…” dagdag niya habang nakapikit na tila sinusuri ako, “mataas ang pinag-aralan mo.”
Hindi ako sumagot.
“May pinagtataguan ka ba?”
Parang biglang sumikip ang dibdib ko.
Matagal akong natahimik bago marahan akong tumango.
Hindi na siya nagtanong pa.
Sa halip ay napangiti lamang siya nang mapait.
“Well,” sabi niya habang umiinom ng whiskey, “you are in the perfect place.”
Napakunot noo ako.
“Walang matinong tao ang pumapasok dito,” dagdag pa niya.
“You are safe here.”
Hindi ko alam kung bakit…
Pero sa unang pagkakataon matapos akong itaboy ng sarili kong pamilya—
Parang may taong tumanggap sa akin kahit kaunti.
Gaya ng nakasanayan ko sa dati kong trabaho…
Ibinigay ko ang lahat.
Kahit waitress lamang ako.
Maaga akong pumapasok.
Maayos akong magtrabaho.
At hindi ako nagrereklamo kahit sumasakit na buong katawan ko.
Pero hindi naging madali ang mga unang araw ko roon.
Halos hindi ko masikmura ang mga nakikita ko gabi-gabi.
Sa gitna ng umiikot na ilaw at malalakas na tugtog ay makikita mo ang mga babaeng halos wala nang saplot habang sumasayaw sa entablado.
Ang iba ay pilit na nakangiti.
Ang iba naman ay tila wala nang nararamdaman.
Habang ang mga lalaki sa ibaba ay tuwang-tuwang nagsisigawan at nagsisiksik ng pera sa kanilang bikini.
May mga lasing na halos hindi na makatayo.
May mga umiiyak habang umiinom.
May mga naghahalikan na parang bukas ay katapusan na ng mundo.
At ako…
Parang unti-unting nawawala sa sarili habang pinapanood ang lahat ng iyon.
Kinikilabutan ako.
Pakiramdam ko bawat gabi ay unti-unting kinakain ng lugar na iyon ang natitira kong dignidad.
Pero kailangan kong magtiis.
Kailangan kong kumapit.
Dahil wala na akong ibang mapupuntahan.
May isang gabi na inutusan akong magdala ng mamahaling alak sa isang private room.
Tahimik kong itinulak ang tray habang naglalakad sa madilim na hallway.
Pero bago pa ako tuluyang makapasok…
Narinig ko agad.
Mahinang paghalinghing ng isang babae.
Napahinto ako.
At maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na tawa ng isang matandang lalaki.
“Good girl…” sabi nito.
Nanginginig ang kamay kong kumatok sa pinto.
Pagbukas ng babae ay bahagya ko siyang nakita.
Magulo ang buhok.
Namumula ang labi.
At ang mga mata niya…
Parang matagal nang pagod.
Tahimik niyang kinuha ang alak habang hindi tumitingin sa akin.
Samantalang sa likuran niya ay nakaupo ang matandang lalaki na tila sobrang tuwang-tuwa.
Parang walang pakialam kung gaano kababa ang tingin niya sa babaeng kaharap niya.
Pagkasara ng pinto ay mabilis akong napahawak sa dibdib ko.
Doon ko lalong naintindihan ang realidad ng lugar na iyon.
Bawat serbisyo ay may katumbas na pera.
At habang mas magaling kang magpasaya—
Mas malaki ang iuuwi mo.
Masakit isipin.
Pero iyon ang katotohanan nilang lahat doon.
May mga pagkakataon ding hinahaltak ako ng ilang customer.
“Magkano ka?” lasing na tanong ng isa habang pilit na hinahawakan ang kamay ko.
Mabilis akong umatras.
“Waitress lang po ako.”
“Dodoblehin ko bayad.”
Napailing ako habang pilit kong kinakalas ang kamay niya.
Buti na lamang at mabilis na lumapit ang mga bouncer.
“Sir, bawal po mamilit.”
Nakaramdam ako ng kaunting seguridad dahil kahit paano ay may proteksyon pa rin doon.
Mahigpit ang panuntunan ni Madam Bridgette.
“Kapag ayaw ng babae,” minsan kong narinig niyang sabi habang pinapagalitan ang isang customer, “may karapatan siyang tumanggi.”
Ayaw raw niyang masabing siya ang sumira sa buhay ng mga babae.
“Choice ninyo iyan,” lagi niyang sinasabi.
At kahit paano…
Nirerespeto niya iyon. Ayaw niya kasing masisi at sabihang “Maninira ng Buhay”
Habang tumatagal ay unti-unti na rin akong nasasanay.
Natuto akong makipagbiruan sa ibang babae.
Natuto akong tumawa kahit pagod.
At natuto akong magpanggap na okay lang ako.
“Ano Shane?” natatawang tanong ng isa habang nakatingin sa dala kong tray. “Kaya pa ba?”
Napatawa ako habang halos mabali ang braso ko sa bigat ng mga bote.
“Oo, buhay pa?”
Nagtawanan silang lahat.
Sa unang pagkakataon matapos masira ang buhay ko…
May mga taong muli akong pinatawa.
Hindi man perpekto ang lugar na iyon…
Pero totoo ang mga tao roon.
Sugatan. Duguan ang puso. Wasak na wasak.
Pero pilit pa ring lumalaban.
Minsan ay na-assign din ako sa bar.
Tinuruan nila akong magtimpla ng iba’t ibang inumin.
“At kapag sobrang lasing na customer,” bulong ng isang bartender habang tumatawa, “haluan mo na lang ng mas murang alak.”
Napadilat ako.
“Hah?”
“Hindi na nila mapapansin yon!”
Napatawa na lamang ako.
Kalakaran na raw iyon sa halos lahat ng bar.
Unti-unti kong nakilala ang bawat tao roon.
May iniwan ng asawa.
May tumakas sa pamilya.
May baon na utang.
May mga pangarap na hindi naabot.
At may mga kagaya kong nawalan ng tahanan.
Napakahirap ng buhay.
Pero sa likod ng makukulay na ilaw at malalakas na musika…
Lahat kami roon ay may parehong dahilan kung bakit patuloy na humihinga.
Dahil kahit wasak na wasak na kami—
Sinusubukan pa rin naming lumaban.
Chapter 35Shane’s POV“Ngayon ay ating kikilalanin ang sampung designers na magkakaroon ng eksklusibong kontrata sa City Diamonds.”Naging tahimik ang buong ballroom.Nakatutok ang lahat ng mata sa napakalaking LED screen sa gitna ng entablado. Maging ang mga camera ng media ay nakaposisyon na, handang kuhanan ang bawat reaksyon ng mga mapipili.Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.Hindi ko namalayang mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay ni Macy."Relax lang," mahina niyang bulong.Napangiti ako nang pilit.Pero ang totoo...Parang gusto nang lumabas ng dibdib ko ang puso ko.Isa-isang lumabas ang mga pangalan sa screen.Stephanie Felix.Umalingawngaw ang malakas na palakpakan.Agad tumayo si Stephanie. Nakataas ang kanyang baba habang buong pagmamalaking kumakaway sa mga camera. Nakasuot siya ng mamahaling puting gown na kumikislap sa ilalim ng mga ilaw, at halatang inaasam niya ang sandaling iyon.Sunod namang lumabas ang mga pangalan.Erica Sta. Ana.Marge Manuel.A
MomentsChapter 34Shane's POVNagpadala ako ng entry para sa design contest ng City Diamonds.Habang pinupunan ko ang registration form at isinusulat ang bawat detalye ng aking disenyo, ilang beses akong natigilan sa bahagi kung saan nakalagay ang Name of Designer.Nanatili roon ang cursor, tila hinihintay ang magiging desisyon ko.Ilalagay ko ba ang tunay kong pangalan?Huminga ako nang malalim.Hindi naman ako umaasang mananalo. Ang totoo, sapat na sa akin na makita ng mga eksperto ang ginawa kong koleksiyon. Ngunit kasabay noon ay may takot din akong maramdaman. Takot na baka husgahan ako. Takot na baka sabihing wala akong karapatang mangarap sa industriyang iyon.Ngunit higit sa lahat...Takot akong makilala.Naalala ko ang sinabi ni Ma'am Alicia noon."Ang tunay na designer ay hindi sinusukat sa pangalan, kundi sa pusong inilagay niya sa bawat likha."Napangiti ako.Kung ganoon...Hayaan kong ang mga alahas ang magsalita para sa akin.May opsyon pala ang contest na sumali bilang
Chapter 33Shane's POVNagkasundo kami ni Leon na ilihim muna namin ang muling pagbabalikan.Hindi dahil ikinahihiya niya ako.Kundi dahil ako mismo ang may gusto.Ayokong magkaroon ng kahit anong eskandalong maaaring makasira sa pangalan niya. Kilala si Leon bilang batang negosyanteng nagmamay-ari ng Carusso Grand Hotel, isa sa mga pinakarespetadong hotel chain sa bansa. Marami ang humahanga sa kanya, ngunit mas marami ring naghihintay na magkamali siya.Ayokong maging dahilan ako para magkaroon ng panibagong tsismis.Ayokong sabihin ng mga tao na ginagamit ko siya para umangat.Mas lalong ayokong masangkot ang pangalan niya sa mga intriga.Kaya ako mismo ang nagsabi sa kanya."Leon... puwede bang tayo lang muna ang makaalam?"Natahimik siya sandali bago niya hinawakan ang kamay ko."Kung iyan ang magbibigay sa'yo ng kapayapaan, susundin kita."Ngumiti ako."Promise?""I promise.""Kahit gaano katagal."Dahil doon ay naging lihim ang lahat.Mga simpleng tawag sa gabi.Mga text na pun
Chapter 32Leon’s POV“Please... take her.”Halos nagmamakaawa ang boses ni Mike habang iniaabot niya sa akin si Shane. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Nanginginig ang kanyang mga balikat at tila nawalan na siya ng lakas para tumayo.Pakiramdam niya ay muli na naman niyang nabigo ang kanyang ama.At iyon ang pinakamasakit.Wala naman siyang kasalanan.Hindi siya ang gumawa ng iskandalo.Hindi siya ang nagsimula ng lahat.Pero siya na naman ang naging sentro ng usapan.Siya na naman ang pinagtitinginan.Siya na naman ang hinusgahan.Habang nakatingin ako sa kanya, lalong nadurog ang puso ko.Hindi ko maiwasang isipin kung gaano kabigat ang mga pinagdaanan niya noon. Kung ilang gabi siyang umiyak nang mag-isa. Kung ilang beses niyang kinuwestiyon ang sarili niyang halaga dahil sa mga kasinungalingang ibinato sa kanya.At ngayong unti-unti pa lamang siyang bumabangon...May panibagong unos na naman.Tahimik ko siyang inalalayan palabas ng venue.Hindi siya nagsasalita.Tahimik la
Chapter 31Shane’s POV“Basta, Shane, huwag kang mawawala ha. Appointment ko iyon as CEO.”Napailing ako habang nakatingin kay Mike na parang batang hindi mapakali. Kitang-kita sa mga mata niya ang excitement. Ilang taon din niyang pinaghirapan ang araw na ito.“Naku, Mike, huwag na lang. Alam mo namang ayaw akong makita ni Papa, 'di ba? Itinakwil na niya ako, remember?”Hindi man lang nabawasan ang ngiti niya.“Hindi naman siya ang nag-invite sa'yo. Ako. At ako ang CEO ngayon. I have a say on everything. Trust me, hindi kita pababayaan.”Pagkatapos ay yumuko siya na parang may ibubulong.“Ako ang bahala kay Papa. Hawak ko siya ngayon sa leeg.”Sabay malakas siyang tumawa.Napailing ako.“Ha? Paano mangyayari iyon? Ikaw nga muntik nang maitatakwil noon.”“Pero hindi naman natuloy.” Kumindat siya. “Dadalawa na nga lang tayong magkapatid. Mawawala ka pa?”Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.“For sure kapag nakita ka ni Mama, she'll be happy.”Nanahimik ako.Biglang sumikip
Chapter 30Shane's POV"Shane, bakit hindi mo na lang sagutin si Brix?"Napatingin ako kay Ma'am Alicia habang pareho kaming nakaupo sa veranda ng rehabilitation center. Katatapos lang naming uminom ng tsaa. Mahangin ang hapon, at ang mga halaman sa hardin ay marahang sumasabay sa ihip ng hangin.Hindi ko alam kung pang-ilang beses na niya akong tinukso tungkol kay Brix.Ngunit sa pagkakataong ito, seryoso ang tono ng kanyang boses."He is a very good catch.""What else can you look for in a man?""Super kind.""Pogi.""Mayaman.""Successful.""Responsible."At higit sa lahat," natatawa niyang dagdag, "halata namang patay na patay siya sa'yo."Napangiti na lamang ako."Kung ako ang nasa kalagayan mo," pagpapatuloy niya, "sasagutin ko na siya."Hindi ako agad nakapagsalita.Tahimik lamang akong nakatanaw sa malawak na hardin.Totoo naman ang lahat ng sinabi ni Ma'am Alicia.Kung profile lang ang pagbabasehan...Halos wala ka nang mahahanap na kapintasan kay Brix.Mabait siya.Magalang.
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hin
Chapter 3Shane Concepcion POVPagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila. Masakit i
Chapter 2Shane Concecion POVPagkatapos ng nakakahiyang nangyari sa akin sa hotel. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang buong buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga tao.Kung paano ko titingnan ang sarili ko sa salamin.Kung paano ko kakayaning mabuhay matapos masira an
Chapter 1Shane Concepcion POVNagising ako sa isang madilim na silid na tila ba matagal nang nilamon ng kasalanan at lihim. Mabigat ang hangin, halos hindi ako makahinga dahil sa makapal na amoy ng alak, usok ng sigarilyo, at pabangong panlalaki na nakahalo sa pawis. Dumadagundong ang tibok ng pus







