MasukChapter 2
Shane Concecion POV
Pagkatapos ng nakakahiyang nangyari sa akin sa hotel. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang buong buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga tao.
Kung paano ko titingnan ang sarili ko sa salamin.
Kung paano ko kakayaning mabuhay matapos masira ang pangalan ko.
Halos hindi na ako lumalabas ng apartment sa loob ng ilang araw. Kahit ang simpleng pagbukas ng cellphone ko ay kinatatakutan ko dahil alam kong bawat notification ay panibagong kahihiyan.
Mga tingin,mga bulungan, mga paghuhusga. At higit sa lahat…
Ang tungkol sa amin ni Leon.
Hindi pa ako kinokontak ni Leon dahil nasa ibang bansa pa ito para sa business trip niya. Pero alam kong nakarating na sa kanya ang balita.
Paano naman hindi? Isang eskandalo iyon. At ako ang sentro ng kahihiyan.
Hindi ko alam kung galit ba siya. Nasusuklam.
O baka…
Pinagtatawanan na lamang niya ako.
Napapikit ako habang nanginginig ang mga kamay ko.
Hindi ko na kayang isipin.
Hanggang sa biglang tumunog ang laptop ko.
May bagong email.
Mula sa HR.
Nang mabasa ko ang subject, ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Subject: Notice of Termination of Employment
Biglang nanghina ang buong katawan ko.
Mabagal kong binuksan ang email habang nanginginig ang daliri ko.
Habang binabasa ko ang bawat salita…
Parang isa-isa akong hinihiwa.
“This letter serves as formal notice that your employment with Carusso Grand Hotel & Management is terminated effective immediately…”
Hindi ko na natapos agad ang pagbabasa.
Napahawak ako sa ulo ko habang mabilis na bumuhos ang luha ko.
Tanggal na ako.
Wala na akong trabaho.
Wala na akong dignidad.
Wala na akong maiharap sa kahit sino.
At ang pinakamasakit—
Totoo namang kasalanan ko lahat.
Hindi ko man gustong mangyari ang eskandalo…
Ako pa rin ang maruming babae sa paningin ng lahat.
Ako iyong babaeng nabalot ng kahihiyan.
Napahagulhol ako habang yakap ko ang sarili ko sa gilid ng kama.
Hindi ko na alam kung paano pa ako magsisimula ulit.
Tahimik kong tinanggap sa isip ko na baka ayaw na rin ni Leon sa akin.
At bakit nga ba niya ako pipiliin?
Ano pa bang natitira sa akin?
Sirang pangalan. Wasak na reputasyon.
At isang babaeng pinandidirihan na ng lipunan.
“Tama lang…” umiiyak kong bulong sa sarili ko.
“Tama lang na iwan niya ako…”
Dahil kahit ako…
Hindi ko na kayang mahalin ang sarili ko.
Tumawag na lamang ako sa HR dahil wala na akong lakas para magpakita pa sa opisina.
Hindi ko kakayaning makita ang mga katrabaho kong minsan gumagalang sa akin.
Baka hindi ko kayanin ang mga tingin nila.
Mga matang puno ng awa.
O mas masakit—
Mga matang puno ng panghuhusga.
Si Gene Lucas mismo ang nakausap ko. Kaibigan ko siya.
At ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
“Shane…” mahina niyang sabi sa kabilang linya.
“I’m sorry.”
Napapikit ako habang umiiyak.
“Okay lang Gene…”
“Hindi okay,” sagot niya.
“Pero kailangan kong gawin ito. Alam mo naman ang policy ng company.”
Tumango lamang ako kahit hindi niya ako nakikita.
“I totally understand.”
“Gagawa ako ng paraan para maayos ang clearance mo,” dagdag pa niya. “Hindi mo na kailangang pumunta rito.”
Mas lalo akong napaiyak.
Dahil kahit sa kahihiyan ko…
May mga taong sinusubukan pa ring protektahan ako.
“Thank you…”
“Take care of yourself, Shane.”
Pagkaputol ng tawag ay matagal akong nakatulala.
Pakiramdam ko ay unti-unti nang kinakain ng dilim ang buhay ko.
Pero hindi pa pala doon matatapos ang bangungot.
Dahil maya-maya lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa bahay.
Pinapauwi ako ni Papa.
Kinabahan ako agad. Alam kong hindi iyon maganda.
Pero kahit nanginginig ang buong katawan ko, pumunta pa rin ako.
Dahil umaasa pa rin ako.
Umaasa akong maiintindihan nila ako.
Na kahit paano…
Yayakapin nila ako bilang anak nila.
Pero nagkamali ako.
Pagpasok ko pa lamang sa bahay…
Ramdam ko na agad ang lamig ng paligid.
Nasa sala si Papa.
Tahimik at matigas ang mukha.
Samantalang si Mama naman ay nakayuko lamang habang nakakuyom ang mga kamay.
Parang walang gustong tumingin sa akin.
Napaluha agad ako.
“Papa…” mahina kong tawag.
Lumuhod ako sa harapan nila.
“I’m sorry…”
“Please… hayaan ninyong magpaliwanag ako—”
PAK!
Isang malakas na sampal agad ang dumapo sa mukha ko.
Napaling ang ulo ko sa lakas noon.
Parang umalingawngaw ang tunog sa buong sala.
Napahawak ako sa pisngi ko habang tuloy-tuloy ang luha ko.
“Papa…”
“YOU ARE A DISGRACE!” sigaw niya.
Halos manginig ang buong bahay sa galit niya.
“Alam mo kung paano namin binuo ang pangalan ng pamilyang ito!”
“Alam mo kung gaano kalaki ang pinuhunan namin para makasabay sa lipunan!”
Tuloy-tuloy ang luha ko habang nakayuko.
“Pero ikaw…” nanginginig niyang sabi.
“Napakasama mong babae.”
Parang dinurog ang puso ko.
“Buhay ka pa pero nabubulok ka na.”
Napapikit ako habang halos mawalan ng hininga.
“Hindi kami papayag na sirain mo kami!”
Wala akong maisagot.
Dahil kahit anong depensa ko…
Kasuklam-suklam pa rin ang tingin nila sa akin.
At mas masakit…
Parang ganoon na rin ang tingin ko sa sarili ko.
Akala ko matatapos na.
Pero mas lalo pa pala akong dudurugin ni Papa.
Tumayo siya at malamig akong tiningnan.
“From this day on…” madiin niyang sabi.
“We are disowning you.”
Parang huminto ang mundo ko.
Napatulala ako sa kanya.
“You will be stripped of your name.”
“Wala kang makukuha ni singko mula sa amin.”
“Hinding-hindi ka na rin puwedeng tumuntong sa bahay na ito.”
Napasinghap ako habang umiiyak.
“Papa… please…”
“Kahit mamatay pa kami,” dagdag niya habang puno ng galit ang mga mata, “hindi na namin kailangan ang mga luha mo.”
“Wala ka nang kaugnayan sa pamilyang ito.”
“Lumayas ka.”
“AT HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA SA AMIN!”
Parang gumuho ang buong pagkatao ko.
Mabilis akong napatingin kay Mama.
Umiiyak na rin siya.
Pero hindi siya makapagsalita.
Dahil kapag nagdesisyon si Papa…
Pinal na iyon.
“Papa… huwag po…” halos gumapang na ako sa pakiusap.
Pero umiwas lamang siya ng tingin.
Pagkatapos ay tinawag niya ang mga security.
“Huwag mong hintayin na ipakaladkad pa kita.”
“Umalis ka na.”
Tuluyan na akong nanghina.
Pakiramdam ko ay wala nang natira sa akin.
Wala na akong pamilya.
Wala na akong trabaho.
Wala na akong pangalan.
Wala na akong tahanan.
Nanginginig akong lumabas ng bahay na minsang naging kanlungan ko.
Ang bahay na kinalakihan ko.
Ang bahay na minsang puno ng mga pangarap ko.
Pero ngayon…
Para akong estrangherang pinalalayas.
Huminto ako sa labas habang yakap ko ang sarili ko.
Malamig ang hangin.
Pero mas malamig ang pakiramdam ng pagkawala ng lahat.
Unti-unti akong napaupo sa gilid ng kalsada habang umiiyak.
At doon ko unang naisip—
Saan na ako pupunta ngayon?
Dahil sa unang pagkakataon sa buhay ko…
Wala nang naghihintay sa akin kahit saan.
Chapter 47Shane’s POV“Ma'am, hindi po ako si Angela, ako po si Macy.”“I know everything; I know you are Angela.”“Please, baby, hindi mo na ba ako naalala?”“Si Mommy ako.”“Ma'am, pasensiya na po, hindi ko po kayo kilala. Hindi po kayo ang nanay ko.”“Angela, please naman, huwag mo naman akong itaboy.”“Alam kong nalimutan mo na ako, pero ako, hinding-hindi kita malilimutan.”Napatingin na lamang si Macy sa akin. Gulong-gulo siya sa mga naririnig niya mula kay Ma'am Alicia. Halata sa mga mata niya ang takot at pagkalito, lalo na nang marinig niyang tinatawag siya nitong Angela.Nagpumiglas na lamang si Macy kay Ma'am Alicia na pilit siyang niyayakap.“Ma'am, please…”“Angela, baby, please. Tingnan mo ako. Ako ito. Mommy mo.”“Hindi po! Hindi po ako si Angela!”Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Para akong nakatayo sa gitna ng isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag.Si Macy si Angela?Napatingin ako sa dalawa. Sa mukha ni Maam Alicia na punong-puno ng emosyon, at kay Macy na
Chapter 46Shane’s POV“Macy, ilibre mo naman ako. Balita ko binigyan ka ni Leon ng bonus ah.”“Alam mo, yang boyfriend mo ang tsismoso talaga,” natatawa pa niyang sinasabi sa akin.Naglalambing kasi ako sa kanya. Gusto kong malaya naman kaming makapamasyal na kaming dalawa lang. Makapagkuwentuhan gaya ng dati.Medyo naging busy rin kasi kami pareho at nabawasan na ang mga simpleng bonding namin.Madalas kasi ang bonding namin kapag naglalaba lang. Kapag wala kaming pasok sa mga trabaho namin, doon lang kami nakakapagkuwentuhan nang matagal.Minsan nga, habang nagsasampay kami ng mga damit, doon pa namin napag-uusapan ang mga problema namin sa buhay.Simple lang.Walang mamahaling restaurant.Walang fancy na gala.Walang malaking gastos.Pero masaya.Kaya ngayon, gusto kong bumawi.“Uy, ikaw nga ang dapat manlibre eh. Nakita ko may komisyon ka na naman.”“Talaga?”“Hindi ko pa nakita, patingin nga.”Napailing ako habang inilabas ang phone ko at ipinakita sa kanya ang commission na nat
Chapter 45Shane’s POVSinamahan ako ni Leon at ng mag-asawang Mike at Elise sa bagong bahay ko.“Wow, ang cute!”May mini garden kasi sa garahe. Maliit lang ito pero napakaaliwalas tingnan. May mga halaman sa gilid at may ilang bulaklak na halatang inalagaan nang mabuti. Hindi ko akalain na sa isang property na ganito kasimple ay may ganitong kagandang maliit na garden.“Sino ba may-ari nito dati, Mike?”“Naku, matandang dalaga.”“Ha?”“Kaya pala maraming time maglinis.”Kasi napakaayos ng buong property at mukhang namaintain nang maayos. Halos wala akong nakitang kalat at kahit ang mga halaman ay parang regular na nadidiligan.“She is a civil engineer,” kuwento pa ni Mike.Napatingin ako sa kanya.“Civil engineer?”“Yes. May sarili siyang work at mukhang hands-on talaga siya sa bahay.”“Reason for selling?”“Broken-hearted,” sagot ni Mike.“Ikaw talaga, nalaman mo pa iyan. Ang tsismoso mo talaga.”“I just let her speak. Siya naman ang nagkuwento freely.”Natawa ako.“Para nga akong
Chapter 44Shane’s POV“Let’s meet, Shane. Isama ko si Elise.”“That would be fun.”“Ikaw ba walang isasama?”“Baka may bago ka nang boyfriend na gustong ipakilala sa akin.”“Ha?”“Wala naman akong bagong boyfriend,” natatawa kong sinabi.“How about the old boyfriend of yours?” nakangisi pa niyang sinabi.Hindi na ako nakakibo.Parang biglang uminit ang mukha ko.Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon. Isang simpleng tanong lang pero parang gusto niyang hukayin ang lahat ng sikreto ko.“Sige na, sige na, huwag ka nang ma-pressure. Basta see you at the cafe, okay? My dearest sister,” sabi ni Mike.“I won’t miss it.”Pagkababa ko ng tawag ay napaisip ako sa bagong chika ni Mike.Baka tungkol kay Papa na hindi pa rin ako pinapatawad.O baka may bago akong pamangkin.Excited na ako.Matagal na rin kaming hindi nagkikita nang ganito na walang ibang iniisip. Kaya umaasa akong magiging masaya ang pagkikita namin.Biglang tumunog ang phone ko.Pagtingin ko sa screen, napangiti agad ako.
Chapter 43Shane’s POV“Salamat, Brix, sa paghatid.”Napangiti siya habang inilalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang jacket.“Okay lang, Shane. Everything for you.”Napailing ako at napatawa.“Grabe ka naman.”Saglit niyang tiningnan ang sasakyan niyang gamit. Pagkatapos ay tumingin sa akin.“I think you need to get a new car.”“Ha?”Napahalakhak ako.“Naku, Brix. Can't afford pa iyan,” natatawa kong sabi. “Masaya na ako basta umaandar pa ang kotse ko.”Ngumiti siya nang makahulugan.“I think... I can do something about that.”Napailing agad ako.“Thanks for the gesture. Pero I think I can still manage. Sobra-sobra na nga ang utang na loob ko sa'yo.”“Utang na loob?” Umiling siya. “Hindi ko naman iniisip iyon.”“Brix...”“Sabi ko nga sa'yo, I can do everything for you.”Napailing na lang ako habang natatawa.“Ang drama mo talaga.”“Hindi drama. Seryoso ako.”Nagkatawanan kaming dalawa.Sa dami ng pinagdaanan ko nitong mga nakaraang taon, isa si Brix sa mga taong hindi bumi
UnityChapter 42Shane’s POVNaghahanap ako ng bagong inspirasyon para sa jewelry collection na nirerequest ng CDI. Ilang araw na rin akong halos hindi makatulog kakaisip kung ano ang magiging kakaiba sa susunod kong disenyo. Hindi sapat na maganda lang ang isang alahas. Para sa akin, kailangan may kuwento itong dala. Isang kuwentong mararamdaman ng sinumang magsusuot.Nakaupo ako sa harap ng mesa sa studio ko habang nakakalat ang iba't ibang gemstones.Emerald.Ruby.Sapphire.Diamond.Pearls.Isa-isang dumaan sa kamay ko ang mga ito."Ginto o white gold?" mahina kong tanong sa sarili.Parehong maganda.Ang yellow gold ay simbolo ng init, pagmamahal at tradisyon. Samantalang ang white gold naman ay moderno, elegante, at malinis tingnan.Pero wala pa ring sapat na ideya.Napabuntong-hininga ako at binuksan ang laptop. Naghanap ako ng iba't ibang konsepto sa internet. Mga modernong disenyo, vintage collections, pati mga award-winning jewelry pieces mula sa iba't ibang bansa.Hanggang s
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hin
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapunta
Chapter 3Shane Concepcion POVPagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila. Masakit i
Chapter 1Shane Concepcion POVNagising ako sa isang madilim na silid na tila ba matagal nang nilamon ng kasalanan at lihim. Mabigat ang hangin, halos hindi ako makahinga dahil sa makapal na amoy ng alak, usok ng sigarilyo, at pabangong panlalaki na nakahalo sa pawis. Dumadagundong ang tibok ng pus







