Mag-log inChapter 3
Shane Concepcion POV
Pagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila.
Masakit iyon habang inaalala ko ang napakaganda ng samahan namin dati. Ngayon halos ayaw na nilang maidugtong ang kanilang pangalan sa akin
Sa paglalakad ko, nagulat na lamang ako na nasa isang lugar ako na hindi ako pamilyar. Tanging ang maleta na hatak-hatak ko ang kasama ko sa pag-iisa ko.
Pinalayas na rin kasi ako ng kasera ko. Dahil siya ay kaibigan din ng mga Carusso. Pinakiusap lamang ako noon ni Leon, nang naghahanap ako ng apartment na malapit sa hotel. Pero ngayon ay wala na rin, hindi na rin ako puede doon.
Deserve ko ba talaga ang mga nangyayari sa akin? Bakit nangyayari ito sa akin? Ginawa ko naman ang lahat para maging maayos ang buhay ko. Pero dahil sa isang pagkakamali ko ay naglaho ang lahat. Ang pamilya, kaibigan, at higit sa lahat ay si Leon.
Paano na ako ngayon?
Ilang oras na akong naglalakad, at wala pa rin akong tiyak na pupuntahan. Pinagtitinginan na ako ng tao dahil sa iyak pa rin ako nang iyak. Iyak ng pangungulila at iyak ng kawalang-pag-asa.
Naisip kong tawagan pa ang isa pang kaibigan.
Last na ito kapag wala pa rin. Bahala na.
Gamit ang cellphone ay tinawagan ko si Macy
“Hello”
“Macy, tulungan mo naman ako kahit ngayon lang”
“Nasaan ka Shane, andito ako sa kanto ng …
Tumingin tingin ako sa lugar para hanapin ang street sign….
“Ilang Ilang Street. Pupuntahan ko yung tindahang natatanaw ko, doon kita hihintayin Macy,”
“Sige, Shane hintayin mo ako.”
Ilang oras ng paghihintay at nagkita na kami ni Macy. Hindi ko alam, pero napakabigat na ng loob ko. Pagkakita sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit. Pagkatapos ay isinama na niya ako sa kanyang bahay.
Nakatira siya sa isang barong-barong na bahay. Napakaliit at parang eksakto lamang sa kanya.
“Pasensya na, Shane, at maliit lang ang bahay ko.”
“Ako nga ang nahihiya eh, dahil nakikisiksik pa ako dito.”
“Ano ka ba? Okay lang yun”
Nakasama ko siya noon sa unang trabaho ko pagkagraduate ko. Ako sa opisina at siya naman ay sa housekeeping. Nagkahiwalay lang kami ng lumipat na ako sa mga Carusso.
Hindi naging madali ang buhay para kay Macy. Kagaya ko, itinaboy din siya ng kanyang pamilya. Noong tinanong ko siya noon kung bakit. Sinabi niyang mas mabuting huwag ko na lang din malaman.
Habang kami pareho ay nasa papag at nakatingala sa itaas ng dingding. Tinanong niya ako.
“Ano ang plano mo?”
“Sa totoo lang, wala pa,” mangiyak-ngiyak kong sagot.
“Siguro, mag-a-apply ng kahit anong trabaho. Mukhang mahihirapan na kasi akong makabalik sa trabahong katulad ng dati. Dahil sa pinablacklist na ako ng mga Carusso” dagdag ko pa.
“Ikaw ba? Saan ka nagtatrabaho ngayon?”
Hindi muna siya nakasagot. Nag-aalala ako dahil baka na-offend ko siya.
Sa pagkakakilala ko kay Macy, gusto niyang laging mag-isa dahil sa inferiority complex niya. Naalala ko noon, lagi ako ang nagsasalita para sa kanya. Kaya kahit papaano ay naging palagay ang loob niya sa akin.
Baka puwede mo naman akong ipasok, kahit ano, basta may trabaho lang. Ayaw ko namang maging pabigat sa iyo.
“Ang totoo Shane sa bar lang ako nagtratrabaho, baka ayaw mo dun”
“Waitress ako,” sabi pa niya.
“Waitress? Puede rin ako diyan,” excited kong sinabi.
“Baka may opening kayo at puedeng magapply. Ayaw ko naman kasing maghintay na lamang, gusto ko agad makapagtrabaho.”
“Ah, eh, sige isasama kita. Susubukan kong ipasok ka rin.”
Kinabukasan, isinama ako ni Macy sa kanyang pinagtratrabahuhan. Bitbit bitbit ang portfolio ko. Nakasuot ako ng puting collared polo slacks at 2 inch na sapatos na may takong. Sinabihan ako ni Macy na, simplehan ko lamang ang damit ko. Pero sinabi kong kailang maayos na manamit sa lahat ng oras. “Dress to impress”. Ang laking pagtataka ko dahil sa hapon kami nagpunta. Gabi lang daw kasi bukas ang bar. Oo nga naman dahil ang bar ay puntahan ng mga tao kapag tapos na ang nakakapagod na trabaho.
Hindi ko naitanong kung anong kumpanya iyon. Matipid kasi si Macy magsalita at napapansin kong naiirita siya kapag madami akong tanong.
Pagpasok namin ay hinanap na niya ang Manager. Madilim pa rin ang paligid kaya hindi ko pa makita ang kabuoan ng bar.
Pagkatapos ay sinamahan na niya ako sa opisina nito.
Pagdating ko doon, napansin kong hindi ito typical na opisina. Kasi wala itong mesa, computer mga filing cabinet at kung ano ano pang bagay na makikita sa isang opisina. Sa loob kasi nito kapansin pansin ang mga makukulay at makikintab ng mga disenyo. Inisip ko na lang na kakaiba ang preference ng manager.
Pagpasok niya sa opisina, napuno agad ng kanyang tinig ang silid. Matinis at parang umaawit na boses.
“Macy, Macy sino na naman itong bitbit mo?”
Tumambad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng napakakulay at sequins na blazer, putok na putok ang makeup at makulay na false lashes.
“Madam Bridgette, mag-a-apply po sana ng trabaho ang kaibigan ko,” pagpapakilala ni Macy sa akin.
Umikot siya sa akin at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Kaya nag-umpisa na rin akong bumati at pagkatapos ay inabot ko ang portfolio ko.
Pagkakuha, humalakhak lamang siya.
“Ano ba ang tingin mo sa bar ko? Ano ba ang inaappyan mo?” natatawa niyang tanong sa akin.
“Waitress po Madam Bridgette,” mabilis kong sagot.
“Waitress?” parang hindi ka bagay dun.
Dancer? GRO? Iyan ang puwede sa iyo.
“Pasensya na po, di po ako marunong magsayaw.” nahihiya kong sinabi.
“Madali lang naman magsayaw, konting kembot, konting indayog, konting landi…ganun lang,” habang ipinapakita niya kung paano iyon gawin.
Natigilan ako dahil, teka, ano ba itong bar na pinapasukan ni Macy?
“May karanasan ka na ba sa lalaki?” direktang tanong niya sa akin.
“Po?”
Tumawa uli siya nang pagkalakas-lakas.
“Sa reaksiyon mo, nabasa na kita agad, girl.”
Maya-maya pa ay nagpasukan na ang mga nagsesexihang babae sa opisina niya. Bumati at nakipagbeso-beso na sa kanya.
“Ano ito?” gulat na gulat na tanong ko.
Chapter 59Shane's POVIlang linggo ang lumipas, na-release na ang collection.Natuwa ako dahil nagustuhan ng mga alahero ang design. Isa-isa silang nag-order, at hindi nagtagal ay nagsimula nang magkaroon ng magandang feedback mula sa mga kliyente. May mga humanga sa elegance ng mga piyesa, habang ang iba naman ay natuwa sa kakaibang pagkakagawa ng mga ruby.Gaya sa design ko, ang galing din nila talaga.Masarap sa pakiramdam na makita ang isang bagay na pinaghirapan mong mabuo na nagiging matagumpay. Kahit walang nakakakilala sa akin bilang designer, sapat nang makita kong nagustuhan ng mga tao ang ginawa ko.Kahit wala ito sa pangalan ko, ayos lang. Basta makita ko lang itong may nagsusuot na iba, masaya na ako.Hindi ko kailangan ng papuri o pagkilala. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin na makatulong sa kumpanyang pinaglalaanan din ni Ma'am Alicia ng maraming taon ng pagsisikap.“Ma'am, may delivery po kayo.”“Ha? Wala naman akong hinihintay na parcel, ah.”Iniabot sa akin ng staff a
Chapter 58Shane’s POVTumawag si Macy na galit na galit.Hindi inapprove ng Mama niya ang mga design niya. Nakailang rebisa na siya, hindi pa rin sapat iyon. Halos hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin para mapagbigyan ang gusto ng ina niya.“Kasalanan mo ito, eh! Bakit yung mga design mo, ang bilis-bilis i-approve? Bakit yung sa akin, isang sulyap pa lang ni Mom, ang bilis niyang tanggihan?”Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang frustration niya sa bawat salitang binibitawan niya. Para bang lahat ng galit at sama ng loob niya ay sa akin niya gustong ibuhos.“Hindi niya na-appreciate ang mga ginagawa ko!” dagdag pa niya.“Macy, subukan mo na lang uli. Baka may hinahanap lang siya talaga. Knowing Ma'am Alicia, gusto niya unique ang mga design at walang katulad. Alam mo naman kung gaano siya kapili sa mga detalye, lalo na kapag bagong collection ang pinag-uusapan.”“Ano, magpapasa na naman ako?”Tumahimik na lang ako. Masyadong mainit ang ulo n
Chapter 57Shane’s POV“Hello, Angela.”“Yes?”“Nakita mo ba ang DM ni Maam Alicia?”“Tungkol saan?”“She is asking for a new collection. Ang theme is rubies.”Tahimik siya.“Ako na ang gagawa.”“Don’t bother.”“Ha?”“Eh…”Hindi ko na lang itinuloy na sabihing natapos ko na ang design ng collection.Pwede kong ibigay iyon sa kanya kung gusto niya.Pero dahil sinabi niyang “don’t bother,” hinayaan ko na lang.Wala na rin akong sinabi.Hihintayin ko na lang na magsabi siya sa akin.Naturuan ko naman na siya.Pagkatapos ay nakapag-aral din siya ng Illustrator.Kay marahil alam na niya ang gagawin niya at hindi na kailangan ng tulong ko.Pero hindi ko maiwasang mapaisip.Nagbago na talaga si Macy.Mukhang ayaw na niya talaga akong kaibigan?Bakit?Dahil ba sa mayaman na siya?Hindi na niya kailangan ang isang katulad ko?Masakit isipin.Pero ayoko ring ipilit ang sarili ko sa isang taong ayaw na sa akin.Kung iyon ang gusto niya, igagalang ko.Hindi ko na lang siya guguluhin.Nagpunta ako
Chapter 56Shane’s POV“Sis, magdinner tayo dito sa bahay,” aya ni Mike.“Bring your husband.”“Bakit? Anong meron?”“Wala lang. Bakit kailangan ba may dahilan para imbitahan kang magdinner? Aba, sumosobra ka na, Mrs. Carusso. Nagpapaimportante ka ba?”“Alam mo ikaw, wala ka pang kuwarenta, napakamatampuhin mo na. Parang tinatanong lang eh.”“Ang drama-drama mo,” pangaasar ko pa.“Sige na nga. What time ba iyan? Pero hindi ko alam kung makakasama si Leon. Alam mo naman iyon, napakaraming ganap.”“Pero ako, sure na pupunta ako.”“Promise iyan ha.”“Ano pala ang gusto mo? Any particular food you crave, Sissy?” pag-agaw ni Elise sa telepono ng kanyang asawa.“Gusto… beef…” request ko pa.“Okay, got it.”Natawa ako. Talagang kapag kaming magkakapatid ang nag-uusap, kahit simpleng dinner lang ay parang malaking family gathering na agad.Pagkatapos naming mag-usap, eksaktong nakatanggap ako ng email.Ang account ni Angela bilang designer.May direct mail message si Ma’am Alicia.Binuksan k
Chapter 55Shane’s POV“Honey, bakit ganoon si Macy? Ang lamig-lamig na niya sa akin. At pakiramdam ko galit siya.”“Baka naninibago at napre-pressure lang siya sa bagong status niya sa buhay.”“You think so?” tanong ko sa asawa ko.“Halika nga dito.”Bigla niya akong binuhat para dalhin sa kama.“Leon!” napatawa ako habang nakahawak sa balikat niya. “Ano ba?”“Hindi ka puwedeng ma-stress, di ba sabi ng doctor?”Maingat niya akong inilapag sa kama at inayos ang unan sa likod ko.“Relax ka lang. Huwag mo munang isipin iyan si Macy.”Napabuntong-hininga ako.“Naku, honey, oo nga pala. Hindi na natin puwedeng tawagin siyang Macy. Angela lang ang gusto niya.”“Talaga? Ayaw na niya ang pangalan na iyon?”“Oo eh. Pero para sa akin, kahit Macy o Angela, wala namang pinagkaiba. Kaibigan ko siya kahit ano pa ang pangalan niya.”Habang naglalambingan kami ni Leon, hindi ko maiwasang isipin ang pagbabago ni Macy. Dati, kahit maraming problema, lagi kaming nagkakaintindihan. Ngayon, parang may ma
Chapter 54Shane’s POVTinatawagan ko si Macy.Matagal-tagal na kasi mula noong huli kaming nagkita.Masyado akong naging abala sa buhay ko.Kay Leon.Sa pagbubuntis ko.Sa CDI.Sa Angela’s Collection.Sunod-sunod ang nangyari sa buhay ko kaya hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon ni Macy na makapag-usap man lang nang maayos.Minsan, kapag naiisip ko siya, nakakaramdam ako ng guilt.Dati, kahit gaano kami ka-busy, nakakahanap kami ng oras para sa isa't isa.Kahit simpleng tawag.Kahit mabilisang kape.Kahit ilang minuto lang na pag-uusap.Pero ngayon, parang ang dami nang nagbago.Iba na kasi ang buhay niya ngayon.Kailangan niyang sumabay kay Ma’am Alicia na laging abala sa trabaho.Alam kong hindi rin madali ang mundo na ginagalawan niya ngayon.Noong nakaraan, pinag-aaral siya ng kanyang ina sa isang Communication School.Para mas maging handa siyang makipag-usap sa mga kasamahan ng kanyang ina sa larangan ng negosyo.Para matutunan niyang makisalamuha sa mga taong sanay sa meetin
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hin
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapunta
Chapter 2Shane Concecion POVPagkatapos ng nakakahiyang nangyari sa akin sa hotel. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang buong buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga tao.Kung paano ko titingnan ang sarili ko sa salamin.Kung paano ko kakayaning mabuhay matapos masira an
Chapter 1Shane Concepcion POVNagising ako sa isang madilim na silid na tila ba matagal nang nilamon ng kasalanan at lihim. Mabigat ang hangin, halos hindi ako makahinga dahil sa makapal na amoy ng alak, usok ng sigarilyo, at pabangong panlalaki na nakahalo sa pawis. Dumadagundong ang tibok ng pus







