Hindi niya inaasahan ang kasama ni Suzie kinabukasan noong pumunta ito sa kanya sa restaurant. Namayat ang pinsan niya na parang pinahirapan, pero lalo itong gumanda. Nakatingin siya sa kasama n ito na hindi naman niya mabasa ang expression."Kuya," niyakap siya ng babae, saka naupo sa harapang upuan sa tapat niya. Naupo din ang kasama nito."Bakit hindi mo man lang sinabi na umalis ka na? nag aalala kami sayo. Kung hindi ko pa tinakot ang mga kasama mo, hindi ka pa nila kokontakin," inis na bunsol niya dito. At bakit ang payat mo? pinahirapan ka ba ng babaeng ito?""Magdahan dahan ka sa pananalita mo, Mr. Sandoval! Baka kasuhan kita diyan!" sagot sa kanya ng kasama nito."Bakit mo isinama si Suzie? saka, hindi naman daw ikaw ang sinamahan niya ah." nakakunot ang noo niya na tanong sa babae."Kuya.. nagtitraining na ako upang maging singer. Tutulungan nila ako." sagot ni Suzie sa kanya."Eh ano namang alam nito sa pagtitraining? hindi naman marunong kumanta si Camilla?" sabi niya dit
Ang hindi pagsasalita ng mga ito, ay nangangahulugan na tama siya ng hinala. Kaya pala parang kilala niya ang boses na iyon, at ang mga matang parang laging inaantok. Masaya siya kung ganoon, na natupad nito ang mithiin sa buhay.Ang mga awitin ng babae, lalo na ang how to unlove you, ay maaaring patama nito para sa kanya. Lalo na ang nilalaman ng kantang iyon..How can I forget someone who gave scarsMake me believe that love is for usHis action is like a knife cutting my lifeBut my heart won't stop loving him from a distance.Naiisip niya noon pa man na bakit apektado siya ng awiting iyon. Nagmula pala yun sa babaeng pinakamamahal niya.Napatingin siya sa dalawang babae na nagbubulungan sa harapan niya. Tumigil ang mga ito noong makitang nakatingin siya."Totoo pala talaga ang hinala ko," napailing siya. Natatawa siya, dahil sa buong buhay niya, wala pang nakapagpaikot sa kanya, naloko lang siya minsan ni Tamara, subalit tapos na yun. Ngayon, itong mga taong itinuring niyang kaibig
Agad hinanap ni Elmer si Camilla pagdating nito sa restaurant."Nakaalis na sila, kanina pa," sagot niya, "pero wag kang mag alala, magkikita pa kami, isasama kita.""Anong hitsura? maganda pa rin ba?" excited ito sa ikukwento niya."Akala ko ba ayaw mo ng pag usapan natin si Camilla, bakit parang ang saya mo ngayon?" tanong niya dito."Curious lang eh.. masama na bang magtanong ngayon?" tanong nito, na akala mo binagsakan ng langit at lupa."Ang balat sibuyas mo naman.. ikaw nga, ako ang nagtatanong eh.. masama bang magtanong?" balik tanong niya dito."Hahaha hindi siyempre.." napakamot sa ulo ang kaibigan niya. Halatang kinikilig pa rin ito."Napakaganda niya par," nginitian niya ang kaibigan, na agad ding napangiti ng sinabi niya, "siya pa rin ang dating Camilla na minahal mo..""Maganda talaga siya," nakangiti pa ang kaibigan niya."Kayo ba.. ni Camilla, ay-- walang anak?" paniniguro niya dito."Anak?" napakunot ang noo nito, "hi-hindi ko sigurado, bakit?""Una ko kasi aiyang nakit
Ito ang ikinakatakot niya, ang malaman ni Mckenzie kung nasaan siya. Pagdating nina Camilla, agad ibinalita sa kanya kung ano ang nangyari. Nahihirapan siyang mag isip ngayon."Anong gagawin ko?" tanong niya kay Camilla, habang pabalik balik siya ng oaglalakad sa kabahayan, "paano kung malaman niya ang tungkol sa.. hmm" itinuro niya ng nguso ang mga bata, "tapos magdand ng karapatan, anong gagawin ko?""Magrelax ka nga, kami ang nahihirapan sayo eh. In two weeks, concert mo na. Baka makaapekto pa yang iniisip mo sa gagawin nating performance," saway sa kanya ni Camilla, "ang akala naman niya ay anak ko, hmmm" itinuro din ng nguso noto ang mga bata, kaya medyo safe ka pa.""Galit ba?" nag aalala niyang tanong."Hindi naman. Pati nga kami ni Elmer isinasali pa sa hiwalayan niyo, napaka abnormal talaga!" sagot nito, bago nagtimpla ng juice, "ang unahin mo, ay ang pakikipaglapit kay Tamara, para hindi ka mahalata na may hidden agenda ka.""Oo nga, magkikita kami mamaya. Inaaya ako mag bar
"Dito lang kayo," bilin ni Camilla sa mga body guards at driver. Tatawag na lang kami kapag pauwi na kami, okay?""Areglado po ma'am." sagot ng driver."Wag kayong iinom ng alak ha," bilin ulit ni Camilla."Ito, pang dinner," inabutan niya ng tig 500 ang limang lalaki, "Basta diyan lang kayo sa malapit.""Sige po ma'am, enjoy.."Pumasok sila ni Camilla sa gate. Wala namang pila doon. Kailangan lang nilang bumili ng ticket. 5000 ang isa. Kasama noon ang isang set ng inumin at pulutan. Magkahawak kamay silang pumasok doon."Nasaan na ba sina Tamara?" tanong ng kaibigan niya sa kanya."Andito na daw sila eh.." hinanap ng mga mata nila si Tamara. Nakita niya ito sa kumpulan ng mga babaeng nagkakagulo sa lamesa. "Yun, nangungulit na dun."Pinuntahan nila ito. Nagbibida ito pagdating niya. Hindi pa sila napapansin ng babae."Yeah, pupunta siya.. she's my new bff.." mayabang nitong sabi."Weeh? as in si Jilly?" isang kasama, "as in, si Jilly na singer?""Yeah.. and, nagtatagalog siya.." sago
"Jilly, siya yung sinasabi ko sayong boyfriend ko, si Mckenzie.." pakilala ni Tamara dito."Tamara, ex.. ako ay ex boyfriend mo,"wika ni Mckenzie."Ah, basta, kahit nakioagbreak ka na sakin, boyfriend pa rin kita. Saka-- baka naman patay na yung dati mong asawa. Oh baka nagpakamatay na kasi hindi makayanan ang buhay hindi ba?" matabil na sabi ni Tamara.Napahigpit ang hawak niya sa tinidor. Kung maaari niya lang tusukin ang babaeng ito, ginawa na niya."Ang bunganga mo naman!" awat dito ni Mckenzie, "mahiya ka naman sa bago mong kaibigan.""Hmmm.. okay lang yun, Jilly is so nice naman eh." mayabang na sagot nito. "Saka, bakit ba tanggi ka ng tanggi na girlfriend mo ako?""Hindi naman talaga..," sagot naman ni Elmer.Nakita niyang paparating na si Camilla. Bibigyan sana niya ito ng babala, ngunit sa phone ito nakatingin. (Gaga, tingnan mo ko!) usal ng kanyang isipan."Sino pang kasama niyo?" tanong ni Mckenzie."Her friend.. oh there, Camilla, may ipapakilala ako sayo," ikinaway pa ni
Naglalakad si Tamara palapit sa kanila, habang may kausap itong babae, si Alicia. Kung hindi nga naman siya minamalas ng mga oras na iyon, makikita niya ang babaeng ito. Marahil, kasama na naman nito si Brent. Mabuti na lang at hindi na siya makikilala ng babaeng ito, dahil na rin sa pagpapa enhance niya ng kanyang ilong at pisngi. "Guys, kaibigan ko nga pala, si Alicia. Alicia, si Camilla and Jilly.." pakilala nito. "Camilla?" nangunot ang noo ni Alicia pagkarinig ng pangalan ng kaibigan, "saan ko ba narinig ang pangalang iyon." "Sikat kasi siya sa Korea, pati si Jilly," sagot ni Tamara. "Oh, my God Miss Jilly, fan mo ko talaga, pwede papicture?" hindi halatang masama ang ugali ng babaeng ito. "Konti ang natira.""Oh, sure," nakangiti siya. "Thank you," pagkakuha nito ng picture, naupo na ito sa table nila, luminga linga ito. "May hinahanap ka?" tanong niya. "Yes, yung boyfriend ko, si Brent," sabi nito, 'yun. Brent!!!! I'm here!" Lumapit ang lalaki sa kanila, "hi, nawala ako
POV: Mckenzie"Kung hindi natin ito gagawin, hindi natin makakausap ng maayos ang dalawang yan,"sabi sa kanya ni Elmer, "safe naman ang laxatives eh.""Hindi kaya madehydrate si Tamara niyan?" nag aalala niyang tanong sa kaibigan."Hindi naman siguro. Saka yung photo na isinend mo sa akin, gagamitin natin yan."Hindi pa nagtatagal, ay dumating si Alicia at ang boyfriend nito, na ex naman ni Jillian. Iniorder nila ng ibang inumin sina Jillian para hindi magaya kina Tamara. Ilang minuto pa ang lumipas, umepekto na ang inilagay nilang pampatae sa iniinom ng mga ito."Anong ginawa niyo?" tanong ni Jillian, "anong nangyari sa kanila?""Konting laxatives lang naman ang inilagay namin," sagot niya dito, "para masolo namin kayo.""Bakit naman kelangan niyo pa kaming solohin? alam mo kayo, inaatake na naman kayo ng katangahan niyo," yamot na yamot si Camilla."May itatanong lang sana kami," sabi ni Elmer."Ano yun?" nakakunot ang noo ni Camilla."Nakita ka raw ni Mckenzie sa airport, may kasam