Share

Humming for the Rich Blind Master
Humming for the Rich Blind Master
Author: @laluna

Prologue

Author: @laluna
last update Last Updated: 2025-12-14 11:58:43

Malakas na ugong ng preno, banggaan ng bakal, at isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kotse ni Caius Hale Vellaro. Sa isang iglap, naglaho ang liwanag ng mundo. Sa pagbukas niya ng kaniyang mata, wala siyang kulay na nakita. Kahit wala pa sa wisyo ay inabot niya ang kamay ng katabi niya.

Si Serene. Ang kaniyang kababata, ang babaeng matagal at palihim siyang iniibig, ang tanging babaeng nagpaparamdam at nagpapakita sa kaniya ng kulay.

“Serene...” Patuloy siyang kumakapa sa dilim, hanggang sa maabot niya ang braso nito. Ramdam niya ang malapot na basa roon, alam niyang dugo iyon.

“Serene, wake up,” tawag niya rito at tinapik ng mahina. At ilang sandali lang ay naramdaman nito ang kamay ni Serene na humawak sa kaniya—nanginginig, puno ng takot.

“I'm here. I'm here, don't be scared. Please talk, please talk so i can know you're okay,” wika niya habang hinahawakan ang kamay niyo, takot na baka mawala at hindi niya na mahawakan muli. Hindi man siya makakita, pero ramdam niyang may kakaiba.

“I'm fine, don't worry about me. You?” sagot ni Serene, hinawakan siya pabalik para magbigay-katiyakan na okay siya.

“I can't see,” bulong niya. Sa kabila ng walang paningin, nawala ang kaba niya dahil alam niyang okay ang babaeng patago niyang minamahal.

“Even when the world goes dark. Your voice is the spark I’ll follow.”

Sa kabila ng dilim na tanging nakikita niya ay kumalma rin siya dahil sa boses nito. Magaan, mahina, pero nagbibigay ng kalmadong sistema sa kaniya. Isang musika ng puso sa gitna ng takot at kawalan ng pag-asa.

“Through every shadow, every storm. Your song will guide me home.”

Iyon ang huling linya na narinig niya mula kay Serene bago tuluyang dumilim pati ang ang isip niya. Narinig niya pa ang tawag sa kaniya at ang malakas na sigaw ng sakit nito.

Nang magising siya para siyang muling pinaslang ulit dahil sa sunod-sunod na katotohanang natanggap niya. Hindi lamang paningin niya ang nawala sa aksidente—kundi pati na rin ang kaniyang ngiti, ang musika, at ang presensya na dati ay nagbibigay ng liwanag.

Dahil kasabay ng pagbalot ng dilim sa mata niya ay ang pagbalot din ng dilim sa puso niya ng malaman na wala na rin si Serene.

Tumigil siya sa musika. Ang paborito nilang tugtugin na piano na puno ng tunog ay binalot na ng alikabok. Ang gitara ay nakasabit na lamang sa gilid. Ang boses na malaya at puno ng kulay ay naging tahimik din. Ang tanging natira sa kaniya ay mga tunog—ang bawat paghakbang, ang tono ng paghinga, at ang pagbabago ng mga salita na lumalabas sa bibig ng taong nakakasama niya.

Ngunit may isang tinig siyang hinahanap na hindi niya marinig. Ang tinig na lagi siyang ginagabayan, na nagpapakulay sa dilim, at nagpapagaan sa lahat ng bagay. Ang boses ni Serene. Nawala na. Tahimik na magpakailanman.

O iyon lang ang akala niya...

Hanggang sa narinig niya muli.

Ngunit hindi siya, hindi eksakto. Ngunit may boses na banayad, nanginginig, mainit, at mapayapa—na dumaan sa katahimikan ng koridor mansyon nila, at umuugong sa malawak na hardin. Hindi siya maaaring magkamali, ang boses na yon ay galing sa babaeng ilang taon niyang lihim na minahal...

Ngunit may kakaiba...

Sa kabila ng sakit at alaala sa tinig na iyon, nakaramdam si Caius ng kakaibang pag-asa…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Humming for the Rich Blind Master    Chapter 06: Caius

    The garden has never been quiet to me. It is only quiet for those with eyes—for those who can see the green grass, shimmering water on our fish pond and fountain, and leaves dancing at the mercy of the wind. But for me, the garden is always full of sound: the brush of air against leaves, the gentle settling of water,, the heavy footsteps of servants and gardeners constantly at work. But this afternoon, there was another sound. A voice. And then another. Until it became a line. “Through every shadow, every storm…” I stopped walking—Senior Maria did too. I knew I wasn’t the only one who heard it. Something opened inside my chest. Something forced its way through the locks, the walls, the silence I had carefully built around myself—all because of a single line thrown into the air. A sound I had not heard for years, yet one my heart recognized long before my mind did. My breathing grew heavy. I didn’t know why my hands were shaking, why the air felt different, why the heart that

  • Humming for the Rich Blind Master    Chapter 05

    I was like a statue—stood frozen in her office. Her offer—no, her plea—still echoed in my ears:Inaatasan kitang magung personal assistant niya, not just a maid.Napalunok muli ako. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa puntong ito. Kanina lang, kinakabahan ako sa harap ng mster, kinakatakukan ko ang pagpunta sa kwarto niyang nababalot ng sobrang katahimikan, na walang natagal na maid para sa kaniya, ngayon ako? Hindi ko makita ang sarili kong tumagal sa blind master.Hirap ako tumahimik ng hindi kusang humuhuni ng kung anong tynog kapag kinakabahan. Ilang beses na nga akong muntik mapalayas dahil sa mahina kong binubuong tunog.I didn't know what to say kaya I excuse myself. My throat tightened, my chest felt heavy again—same pressure from earlier. Napasandal agad ako sa pinto ng office at napahawak sa dibdib.May nagbabadya na namang hum ang gustong lumabas mula sa bibig ko.But I force my lips shut.Kailan pa naging nakakatakot ang pag hum ko na ito? Sa tinagal at kinasanayan

  • Humming for the Rich Blind Master    Chapter 04

    My heart raced. I felt it again—that strange pressure in my chest. the one that always came right before the sound slipped out of me. I pressed my lips together.Don't hum.Don't you dare make any sound, Krixaine.He is waiting for me to hum or make a sound, even Knoxx stopped barking. “Are you deaf as well?” he snapped. Napahawak ako sa dibdib ko. Something inside me hardened.“Hindi po ako nakanta, master,” i said before even thinking.Napakgat ako sa labi dahil sa narealize, another mistake. Tahimik.Then he turned his face slowly toward me. “You won't stay long here, then.”Napalunok ako. “I can, I will, master. I'm sorry,” puno ng tapang na sagot ko.His anger shifted. Knoxx's tail starts to wag as if he understands what we were talking about.“That hum,” he said more quietly and calmly now, “where did you learn it?”“I don't know,” I replied truthfully. “It's just... something I do, out of nowhere, whenever I feel nervous or I need to calm myself down.”I saw how his fists cl

  • Humming for the Rich Blind Master    Chapter 03

    “Krexaine!” Humahangos si Ate Jeny paakyat. Nakita niya akong nakatulala sa pinto ng masungit na Blind Master. “Okay ka lang ba? Umakyat si Knoxx, nakita ka ba?” tanong niya kaya natinag na ang pagkatulala ko at tinignan siya. “Ang bait nga po,” simple kong sagot. Her reaction says the truth, so totoo nga na hindi gusto ni Knoxx ang mga strangers pero sa akin napaka friendly? “Talaga?” gulat na tanong niya, tumango lang ako at naglakad na pababa. Sinundan niya naman ako, “Paano?” dagdag niya. Natawa na lang ako. “Ate, golden retriever is a gentle giant po,” sagot ko pero umiling lang siya. “Alam mo ba iyong sinasabi nila na namamana ng mga alagang animals ang attitude ng amo nila?” sambit niya kaya napatango ako. Hmm, may point pero... “Mahilig lang po siguro talaga ako sa aso,” sagot ko na lang para tumigil na siya. I starts humming as we walked down, sapat lang ang lakas para pakalmahin ang sarili ko. “Ikaw ba yon?” Ate Jeny asked, napatingin ako sa kaniya. “Huwag m

  • Humming for the Rich Blind Master    Chapter 02

    Who's there?” Narinig ko ang pagbukas ng malapit na kwarto. Dumako ang tingin ko roon at mas lalong nag iba ang ihip mg hangin. Nakakasakal.“A-Ako po iyong bagong maid,” mahina kong sagot. Halos hindi ko nga ibuka ang bibig ko.Tahimik.Napakahabang katahimikan ang bumalot sa buong corridor. Hinawakan ko ang kamay ko dahil sa panginginig nito. Baka may nagawa akong mali, baka pagalitan ako, baka bigla akong paalisin. Ngunit hindi iyon ang naramdaman ko... isang kakaibang bigat ng titig. It's like he is diving deep into my soul, kahit hindi niya ko literal na nakikita.“Don't ever hum or sing in the halls,” malamig na boses niyang sabi. Walang emosyon—hindi sumigaw, hindi nakatatakot, hindi galit. Pero may kakaibang emosyon, grief.“O-Opo, sorry,” mabilis kong sagot, yumuko kahit hindi niya iyon nakikita. Tumalikod siya at sinara ang pinto. Kahit nawala siya sa paningin ko, nananatili ang kabog ng dibdib ko sa hindi mapaliwanag na dahilan.Nakakaloka ang presensya niya!Maghapon ako

  • Humming for the Rich Blind Master    Chapter 01

    I didn’t expect the silence in this mansion to be so loud. Not the kind that feels free or peaceful, but the kind that presses against your chest—heavy, watchful. The kind that makes you feel as though one wrong move, one careless sound, could shatter it… and leave behind a noise you would never want to hear again.Humigpit ang hawak ko sa backpack na nakasukbit sa balikat ko, habang tumatawid ako sa malapad na bakuran. Masyadong malinis, parang nakakatakot kahit bakas ng sapatos lang—parang sobrang perfect niya sa kahit anong anggulong tignan ang malaking mansion ng Vellaro. Parang hindi tahanan, parang isang lugar na kung saan iniiingatan ang katahimikan na ayaw muling maalala.Bakit ba ako napapasok sa sitwasyon na ito? Gusto ko lang naman magtrabaho at magkaroon ng pera para sa muli kong pag-aaral. Sayang naman kasi, nasa huling taon na ako sa kolehiyo.“Umupo ka muna rito,” sabi ng matandang butler at tinuro ang sofa na napakahaba at laki, sa likod nito ay ang flooring to ceilin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status