LOGINI didn’t expect the silence in this mansion to be so loud. Not the kind that feels free or peaceful, but the kind that presses against your chest—heavy, watchful. The kind that makes you feel as though one wrong move, one careless sound, could shatter it… and leave behind a noise you would never want to hear again.
Humigpit ang hawak ko sa backpack na nakasukbit sa balikat ko, habang tumatawid ako sa malapad na bakuran. Masyadong malinis, parang nakakatakot kahit bakas ng sapatos lang—parang sobrang perfect niya sa kahit anong anggulong tignan ang malaking mansion ng Vellaro. Parang hindi tahanan, parang isang lugar na kung saan iniiingatan ang katahimikan na ayaw muling maalala. Bakit ba ako napapasok sa sitwasyon na ito? Gusto ko lang naman magtrabaho at magkaroon ng pera para sa muli kong pag-aaral. Sayang naman kasi, nasa huling taon na ako sa kolehiyo. “Umupo ka muna rito,” sabi ng matandang butler at tinuro ang sofa na napakahaba at laki, sa likod nito ay ang flooring to ceiling wall glass. Tinakpan lang ng kurtina, ngunit bukas at napasok ang liwanag mula sa malaki nilang garden. “Si Madam Vellaro po ba ang makakaharap ko ngayon?” mahina at maingat na tanong ko habang parang hindi makapaniwala sa laki ng loob ng mansion. Ngunit hindi nakawala sa akin ang pagkagulat ng butler. Nanlaki ang mata niya at napahawak sa bibig niya na parang hindi makapaniwala. Ganiyan na ganiyan ang reakyon ng guard na napagtanungan ko kanina sa gate. Ano bang nakakagulat? Bakit gulat na gulat sila sa akin? May mali ba? Napalunok siya at bumalik ang composure ng mukha nitong strikta at tinignan muli ako, “Oo, pababa na rin ang Madam. Antayin mo na lang.” Matapos niyang banggitin iyon e pumasok siya muli sa isang pintuang hindi ko alam kung saan patungo. Ilang araw ko kaya kakabisaduhin ang Mansion Vellaro na ito bago ko matandaan at hindi maligaw? Tahimik akong nag-aantay sa yabag mula sa taas, ngunit wala pa rin. Hindi naman bago sa akin ang pumasok sa mga bahay na hindi naman talaga sa akin, ngunit ngayon lang ako nakapasok sa isang mansyon na puno ng katahimikan. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng hakbang mula sa marmol na sahig at bigla ako na-concious. Parang bawat tunog na ginagawa ng pababa ay masyadong malakas, sumasakay sa mabilis na tibok ng puso ko. Kalma, Krixaine. Sinalubong ako ng isang malaking ngiti ng amo kong babae. I don't know what to respond kaya tipid akong ngumiti rin. Sumunod ako sa kaniya ng tawagin niya ako upang ipakilala sa mga makakasama ko rito, na ang ilan sa kanila ay parang nakakita ng multo. Bakas sa mukha nila ang pagtataka ng magpakilala ako. Pero agad ding nawaksi nang tignan sila ng Madam. Inabot saakin ng matandang butler ang uniform ko, pinagpalit ako sa cr dahil ngayon din ang unang araw ko bilang katulong dito. Tinuro sa akin ang dapat kong linisin, maging ang dapat iwasan. Walang nagsasalita ng malakas, lahat halos bulong. Walang nagtatawanan o nag kkwentuhan. Parang ang lahat ay hindi dapat gumawa ng anumng tunog dahil may monster na lalabas anumang oras. “Bakit ang liwanag dito?” Nagulat ako sa nagsalita mula sa itaas ng mahabang hagdan. “Hindi ba ang sabi ko huwag niyong bubuksan ang kurtina dahil masakit sa mata ang liwanag!” Malakas at nakakatakot na boses ang mula sa lalaking may hawak ng stick. Mabagal at maingat siyang bumaba sa hagdan, habang nataranta naman ang ibang kasama kong maglinis dito sa sala upang sarhan ang malaking kurtina. Nabalot ng kadiliman ang buong sala. “Who's that?” takang tanong niya ng makababa ng maayos sa hagdan. “May bago ba kayong kasama?” Nagulat ako dahil ako pala ang tinutukoy niya. “Opo, master. Si Krixaine, ang bagong katulong po rito,” sagot sa kaniya ni Ate Jeny. Gumawi siya sa direksyon ko. I'm holding my breath para hindi niya ako manotice ng malala... at dahil din sa kakaiba niyang presensya—isang mabigat na hangin, isang tahimik na tensyon na parang susugurin o kakainin ako ng buhay. Ang bigat sa pakiramdam. Umiling lang siya at umalis na sa harap namin. Kapa-kapa niya ang paligid gamit ang mahaba at itim niyang stick, na para sa mga bulag. “Si master Caius.” Lumapit sa akin si ate Jeny ng maiayos niya na ang kurtina, “bulag siya dahil sa isang aksidente. Mag-ingat ka sa paligid niya. Kung maaari huwag na huwag ka gagawa ng tunog.” Tumango lang ako sa babala niya. Madali lang iyon sa akin, sanay akong kumilos na parang invisible. Hindi na bago sa akin ang kumilos at maglinis na walang anumang tunog. Sa mga sumunod na oras, tahimik lang akong naglilinis—mga mesa, hallway, malalaking bintana sa kabila ng kadiliman dahil sa pinasarang bintana. Dapat nga ay nakabukas iyon para may pumasok na liwanag, upang hindi dilim lang ang nakikita niya. Hanggang makaakyat ako sa pangalawang palapag. Isang mahabang pasilyo ang bumungad sa akin, sa dulo ay may bintana pero walang liwanag na napasok. Purong itim lang at sobrang tahimik ng paligid. Ilang room na malalaki ang nadaanan ko bago ako makarating sa dulo sa may bintana at medyo inusog ang makapal na harang upang may pumasok na konting liwanag bago ako naglinis ulit. Sa gitna ng katahimikan, hindi ko napigilang mag-hum. Isang mahina at mabilis na hum, walang melodiya o salita, isang hum na palagi ko ginagawa kapag kinakabahan o may kakaiba akong nararamdaman sa paligid, upang pakalmahin ang sarili ko. “Hello?” Napahinto ako dahil sa nagsalita. The wind also changed, mas bumigat, mas lumalim at parang mas lalong tumahimik. Bigla ako binalot ng kaba, boses iyon ng Master. Pinigilan ko ang paghinga ko dahil nawala sa isip ko ang babala sa akin ni ate Jeny at ng butler.Tahimik ang maliit na opisina sa tabi ng kwarto ng master. Doon niya ako nilagay, sabi niya ay dati lang daw iyong stock room. Pinalagyan niya ng mesa, isang upuan, at isang laptop na inibot niya mismo kaninang umaga. “This is now yours,” sabi niya noon at inabot ang halatang bago pang laptop. “You'll manage my schedule from here aside from being my personal assistant, you will be my secretary.” Parang mas mabigat pa iyon kaysa sa pagiging maid na inapplyan ko rito. Ngayon, nakaupo ako rito, nagta-tqype ng oras, meeting, at pangalan. Bawat pindot ng keyboard ay parang siniselyuhan ang bagong posisyon ko sa buhay niya. Nagkaroon ako ng access sa kalendaryo niya. Nakita ko ang maraming blangkong araw—mga buwan na walang kahit isang appointment. Mga panahong hindi siya lumalabas. Hindi siya humaharap sa mga tao at sa mundo. Hanggang dumating ang araw na ito. “Nabalik ang dating Master.” Napalingon ako. Si Senior Maria. Nakatayo siya sa pintuan, may hawak na tray ng tsaa, tahimi
Chapter 15 Pag dating namin sa mansion, agad niyang sinabi na sa garden ko siya dalhin. Hindi na ako umangal at dinala ko siya room. Sa malawak na hardin ng mansyong ito, inakay niya ko sa isang bahagi na kahit hindi niya nakikita, alam niya kung saan patungo. Na para bang saulo niya na kung ilang hakbang, kung ilang hinga, kung ilang kapa ng stick niya ang kailangan para makapunta roon. Pumasok kami sa isang corner ng hardin kung saan may arko. Hindi halata dahil napapaligiran ng mga dahon at bulaklak ng hindi ko alam ang pangalan o tawag. Ngayon ko lang iyon nakita. Bumungad sa akin ang maraming bulaklak at halaman na nakapalibot dito, at sa kabilang dulo ay may bakal na itim na upuan. Sa hinuna ko, sakto lang para sa dalawang tao. Ang tinatapakan namin ay maliliit na damo na hindi ko alam kung totoo o hindi, kailangan ko pa atang maghubad ng sapatos para maramdaman ang mga damo. At tanaw rito ang fish fond kung saan ako nakakakuha ng kapayapaan sa mansyong ito. Hindi ito kala
Kinabukasan, maaga kaming gumising. Mas maaga kaysa sa sinumang nasa bahay. Tahimik ang pasilyo habang tinutulungan ko ang master magbihis. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko ang presensya niya—hindi nangangailangan ng tingin para maramdaman Nag inaayos ko ang long sleeve niya, napansin kong hindi niya agad binawi ang braso niya. “Describe the suit,” utos niya, mababa ang boses. “Navy Blue po ang nakuha mo,” sagot ko. “Maayosnang tahi, mukha lo kayong... hindi madaling lapitan.” Isang segundong katahimikan at nakita ko ang pag ngisi niya. “That's the point,” tugon niya. Paglabas namin ng bahay, huminto siya sa pintuan. Hindi siya nagtanong. Hindi rin siya umusad. Parang hinihintay niya kung may sasabihin ako—o kung may gagawin akong mali. “Master,” tawag ko sa kaniya, at doon para naman siyang nabalik sa sarili. “Can I hear you sing again? or just hum,” sambit niya sa mababang boses, “The one you sang at the garden, and to me last time.” Kahit nag aalinlangan ako, hinan
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o inantay ko lang ang oras para tumayo. Ang mga nangyari kahapon, hindi ko alam kung panaginip ba o totoo dahil sa bilis ng mga pangyayari.Paglabas na paglabas ko pa lang sa pinto ng kwarto ng Blind Master, sinalubong agad ako ni Madam Vellaro. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa labas dahil alam niya agad ang naging usapan namin ng unico-hijo niya.Agad niyang sinabi sa mga kasamahan ko rito na maid, at agad niya ring pinalipat ang gamit ko sa tapat na kwarto ni Master Caius. Hindi ko alam kung paano babasahin ang mga reaction nila;Kung natutuwa ba dahil sa wakas di na nila kailangan puntahan ang master, at makakaiwas sila sa mga init ng ulo nito. O ku-kwestyunin ang bigla kong pag-angat from maid to personal assistant.Right after that announcement of Madam Vellaro, they treated me like an special guest—a parang wala akong karapatan humawak, makipag-usap, at makihalubilo sa kanila, na para bang di ako galing sa pagiging maid.Ang sabi ni S
Tahimik ang umaga ng lumabas ako sa kwarto ng blind master. Hindi banayad—tahimik lang, gaya ng mansyong ito na tila sanay mamuhay na parang ang ingay ay isang kasalanan. Nasa head quarters ako ng mga katulong nang ipatawag ako ni Madam. Hindi utos, kundi pakiusap ulit—at doon pa lang, nanlamig na ang mga kamay ko. Nakatayo siya sa tabi ng mataas na bintana nang pumasok ako—tuwid ang likod, naka cross ang mga braso sa dibdib niya. Hinahati ng liwanag ang kaniyang anyo sa pilak at anino. “Madam,” tawag kong pansin sa kaniya. Lumingon siya sa akin at kumumpas upang paupain ako. Sandali lang niya akong minasdan. Hindi ang mukha ko—kundi ang tindig ko. Ang paraan ng pag-iingat ko sa braso ko. Ang maingat kong paghinga. Huminto ang tingin niya sa manggas ng damit ko. “Huwag mo nang itago,” sabi niya ng kalmado. “Nakita ko na kanina.” Napasingkap ako. “Pasensya na po sa abala, madam,” sabi ko. Lumabas ang mga salitang iyon na parang nakasanayan na. “Hindi mo kailangan h
CAIUS I knew the moment the sound left my hand. No, not the impact—but the absence that follows. The room went still in a way I recognized too well. Not calm, and not also peace. The kind of silence that arrives after something irreversible has already happened. I heard it hit her arm. Not sharp, not even loud. A dull, contained sound—like something meant to bruise rather than break. She didn't cry out, and that was worse for me. If she had shouted, I could have convinced myself it was only a reflex, only noise. But she stayed quiet and controlled. As if pain was something she had learned to swallow. “Krixaine.” Her name left my mouth. I hated how unfamiliar it sounded—how exposed, cause for the first time I did not call her maid or ‘ikaw’. I reached out instinctively, my hand stopping midair. I felt her shift. A single step back. Small and defensive. “So—” “Don't,” I cut her off, my voice unsteady. But her voice also cut deeper than the strike. “Don't apologize.







