Malakas na ugong ng preno, banggaan ng bakal, at isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kotse ni Caius Hale Vellaro. Sa isang iglap, naglaho ang liwanag ng mundo. Sa pagbukas niya ng kaniyang mata, wala siyang kulay na nakita. Kahit wala pa sa wisyo ay inabot niya ang kamay ng katabi niya.Si Serene. Ang kaniyang kababata, ang babaeng matagal at palihim siyang iniibig, ang tanging babaeng nagpaparamdam at nagpapakita sa kaniya ng kulay.“Serene...” Patuloy siyang kumakapa sa dilim, hanggang sa maabot niya ang braso nito. Ramdam niya ang malapot na basa roon, alam niyang dugo iyon.“Serene, wake up,” tawag niya rito at tinapik ng mahina. At ilang sandali lang ay naramdaman nito ang kamay ni Serene na humawak sa kaniya—nanginginig, puno ng takot.“I'm here. I'm here, don't be scared. Please talk, please talk so i can know you're okay,” wika niya habang hinahawakan ang kamay niyo, takot na baka mawala at hindi niya na mahawakan muli. Hindi man siya makakita, pero ramdam niyang ma
Terakhir Diperbarui : 2025-12-14 Baca selengkapnya