HUNTER'S POV
"What the f*ck!" bulalas ko dahil sa kondisyon na narinig ko mula sa aking ama. "May problema ba, Hunter?" nakangising wika ng aking ama dahil sa pagtutol ko sa kondisyon niya. Tumingin ako sa aking ama. "Dad, kilala mo ako. Wala sa plano ko ang magpatali sa isang babae!" muling pagtutol ko sa aking ama. "Yeah! I know that, my son! But I just thinking about you and the company." Huminga nang malalim ang aking ama at muling nagsalita. "I'm getting old, son. Gusto ko ring maranasan ang pakiramdam na maging isang lolo. And besides, nasa tamang edad ka na. Paano mo papatakbuhin ang ating negosyo, if your own life has no direction." seryosong wika ng aking ama. Napailing ako. "Dad, huwag mo akong pipilitin sa isang bagay na wala sa dictionary ko! Because, I don't want to experience the sadness and pain that you suffered when mom left you, just to be with that b*tch!" paliwanag ko sa aking ama Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ng aking ama at bigla-bigla na lang siyang nagdesisyon para sa akin. Ngumiti at tumango ang aking ama habang seryosong nakatingin sa akin. "Anak, ito ang tatandaan mo, kahit mag-ama tayong dalawa, hindi tayo pareho ng kapalaran. At matagal ko nang napatawad ang 'yong ina." muling litanya ng aking ama habang nakatitig sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa mga salitang binitawan ng aking ama. Simula nang magbinata ako ay walang pakialam si daddy sa mga pinaggagawa ko sa aking buhay, lalo na sa mga pakikipagrelasyon ko, na kahit isa ay wala akong sineryoso at never din akong nakipagtalik sa isang babae na walang proteksyon. Dahil hindi ko pinangarap na magkaroon ng anak na walang kasamang ina sa kanyang paglaki. Ayokong danasin ng magiging anak ko ang kinalakihan kong wasak na pamilya, dahil sa malandi kong ina. Tinitigan ko ang aking ama at muli akong nagsalita. "Dad, tell me that you're only joking at me!" mga salitang binitawan ko na nagpawala ng ngiti sa aking ama. "Hunter Buencamino, kailan ako nagbiro sa 'yo tungkol sa negosyo natin? At Ilan beses ko bang sasabihin sa 'yo? Na hindi ako mag-i-invest ng pera, para diyan sa project mo sa Brown Corporation. Matagal ko nang sinabi sa 'yo na hindi mo makukuha ang suporta ko!" mahabang litanya ng aking ama. Muli akong napaisip sa mga salitang binitawan ng aking ama. Dahil simula ng gawin ko ang proposal ko para makuha ang Brown Corporation , labis itong tinutulan ng aking ama. Gusto kong makuha ang Brown Corporation dahil pagmamay-ari ito ng lalaking sinamahan ng aking ina. Sa oras na makuha ko ito ay babagsak ang marangyang buhay na ginusto ng aking ina, kaya nagawa niya kaming iwan ng aking ama na noon ay isa lang na janitor. "Dad, hindi ko alam kung bakit pati buhay ko’y papakialaman mo, kapalit ang pagpayag mo sa proposal ko para sa Brown Corporation! And you know that one of the things I hate the most, is being dictated about what to do in my life, especially in relationships!” muling pagtutol ko sa kagustuhan ng aking ama na labis niyang inilingan. “Hunter, think about it. I'm giving you a chance para ituloy ang project proposal mo sa Brown Corporation. But in one condition, ihaharap mo sa akin next month ang babaeng dadalhin mo sa altar, and you will give me a grandson who will be the heir of Buencamino Corporation!” pahayag ng aking ama. Tumingin ako sa kawalan at bumuntong hininga. Kung nakikipaglaro sa akin ang aking ama, p’wes makikipaglaro ako sa kanya. “Dad, ihanda mo na ang agreement ng Buencamino at Brown Corporation. Dahil ipapakilala ko sa ‘yo ang babaeng magiging ina ng tagapagmana ng Buencamino Corporation!” seryosong wika ko na mabilis tinanguan at nginitian ng aking ama. Halos makagat ko ang aking labi habang papalabas ako ng president office. Dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko upang mapapayag sa kondisyon ng aking ama.NATHALIE’S POV “Tiffany, kung ano man ang sasabihin mo huwag mo nang ituloy!” galit na wika ni Tristan habang hawak niya ang kanyang phone. Ngumiti si Tiffany. “Who are you, Tristan? Para pagbawalan ako sa sasabihin ko? Kaya lang naman ako narito dahil si Hunter mismo ang nag-utos sa akin para sabihin kay Nathalie na wala ng kasal ang magaganap ngayon!” Sabay tingin niya ulet sa mga tao. “Ladies and Gentlemen, p'wede na kayong umuwi lahat, dahil pinasasabi ni Hunter na umuurong na siya sa kanilang kasal ni Nathalie!” Sabay halakhak ni Tiffany na parang demonyo dahil ang lahat ng tao ay magbulungan habang tinitingnan ako. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Tiffany. Hindi ako Basta maniniwala sa kanya kung hindi si Hunter ang magsasabi sa akin. Nagdilim ang paningin ni Daddy Matteo habang naglalakad siya palapit kay Tiffany. “Who the hell are you?! Para sirain ang araw ng kasal ng anak ko?! What did you do to my son?!” sunod-sunod na tanong ni Daddy Matteo kay Tiff
NATHALIE'S POV KINABUKASAN Dumating na rin ang araw na pinakahinihintay ko. Ang araw ng kasal namin ni Hunter, kung saan masasaksihan ng mga pamilya namin. “Ang ganda mo talaga, Nathalie,” puri sa akin ni Trixie habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin. “Trixie, kahit kailan bolera ka talaga. Eh, nagsisimula na ngang lumapad ang ilong ko, eh!” sabi ko sa aking kaibigan nang mapansin ko na medyo lumalapad ang ilong ko. Napailing si Trixie. “Anong lumalapad ang ilong ka diyan? Eh, mas lalo ka ngang nag-blooming ngayon,” seryosong wika ng aking kaibigan. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo si Trixie sa akin. Dahil sinabi sa akin ng OB ko na may mga pagbabago talagang mangyayari sa akin habang nabubuntis ako, pero babalik din daw ulet sa dati ang lahat. Katulad na lang ng ilong ko na medyo lumalapad na. At napapansin ko rin na ang kili-kili ko ay may pagbabago na rin ang kulay. “Trixie, alam mo naman na buntis ako ‘di ba. Kaya hindi malabo na pumangit na a
NATHALIE'S POV Ilang araw din akong nag-stay sa hospital pero ni hindi ko man lang nakita si Hunter sa hospital. Sinabi naman sa kanya nina Trixie at Tristan na napa-admit ako sa hospital pero hindi man lang niya ako pinuntahan. At simula nang lumabas ako sa hospital ay palagi na lang gabi dumadating si Hunter galing sa opisina. Kasalukuyan na pinagtitimpla ko ng kape si Hunter nang lumabas siya ng aming silid at may dala siyang isang luggage na maliit. “Babe, breakfast ka muna,” sabi kay Hunter. Nilingon ako ni Hunter at ang mga mata niya'y matalim na tumingin sa akin. Binitiwan niya ang luggage na dala niya at pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin. “What breakfast did you make?” walang buhay na tanong sa akin ni Hunter. Ngumiti ako. “I make some sandwiches for you and your favorite coffee, Babe” mabilis kong tugon kay Hunter. Huminga muna nang malalim si Hunter bago siya umupo sa kanyang upuan. Naninibago ako sa ikinikilos ni Hunter ngayon. Parang ibang Hunte
NATHALIE'S POV “Nick, anong ginagawa mo rito? At paanong nakapasok ka sa pamamahay ko nang walang pahintulot mula sa akin na hindi ako timatanong ng mga security guard namin?” tanong ko sa dati kong driver-bodyguard nang basta na lang siyang pumasok sa kwarto namin ni Hunter. Tumingin muna sa paligid si Nick bago magsalita. “Siya ba ang naging asawa mo?” Sabay kuha niya sa picture namin ni Hunter. “Sagutin mo muna ang tanong ko sa 'yo!” muling sabi ko na may kasamang galit at takot. “Pinapasok ako ng mga security guard mo dahil nagpakilala ako sa kanila na dati mo akong driver-bodyguard.” Lumapit sa akin si Nick at hinaplos niya ang aking pisngi. “Alam mo, Nathalie, matagal na kasi kitang gustong tikman. Pero sagabal ang mga magulang at kapatid mo. Kaya siguro naman p’wede mo na akong pagbigyan.” Sabay dikit niya ng labi niya sa aking tenga na naging dahilan upang mas lalo akong matakot sa kanya. Itinulak ko nang bahagya si Nick upang makalayo ako sa kanya. “Anong ib
HUNTER’S POV Hindi ko na nagugustuhan ang mga pagtanggi ni Nathalie na makipag-s*x sa akin. May feeling ako na may inililihim siya sa akin. Ibang-iba siya sa Nathalie na iniwan ko bago ako pumunta sa Singapore. “Why are you so silent, p’re? May problema ka ba?” tanong sa akin ni Tristan. Tumingin ako sa aking kaibigan. “P’re, when I was in Singapore. Umaalis ba si Nathalie na hindi kayo kasama?” tugon ko sa aking kaibigan na nagpamulat sa kanyang mga mata. “Bakit mo naman naitanong ‘yan, p’re?” muling tanong sa akin ni Tristan. “I feel there's something wrong with Nathalie. She has changed a lot since I came back from Singapore. And imagine palagi siyang wala sa mood na makipag-sex sa akin,” pagtatapat ko sa aking kaibigan na ikinatahimik niya. “P’re, baka naman nag-o-overthink ka lang. Kasi hindi ka nakaka-score sa asawa mo. At minsan naman talaga dumadating sa isang tao ang nawawalan ng mood sa s*x. Lalo na kung ina-araw-araw mo siya,” mga salitang lumabas sa labi ni
NATHALIE'S POV AFTER TWO WEEKS Until now ay hindi pa rin alam ni Hunter na buntis ako, although naninibago siya sa eating habit ko na hindi ko naman maiitanggi na lumakas talaga akong kumain. Excited na rin ako sa nalalapit na church wedding namin ni Hunter. At narito kami ngayon sa shop ni Totoy Madriaga upang kunin ang aking wedding gown na ako mismo ang nag-design. “Wow, you're fabulous!” puri sa akin ni Hunter nang makita niyang isinukat ko ang aking wedding gown. “Hijo, hindi mo siya dapat tinitingnan habang sinusulat niya ang wedding gown!” sabi ng isang matandang babae na nagngangalang Gina. Napakunot ang noo ni Hunter nang dahil sa sinabi ng matandang babae. “Bakit naman po bawal ko siyang tingnan, Aling Gina?” curious na tanong ni Hunter sa matandang babae. “Hindi n’yo ba alam ang kasabihan na bawal isukat ang damit pangkasal at lalong bawal makita ng groom ang bride ilang araw bago ang kanilang kasal. Pagkatapos tiningnan mo pa ang bride mo habang suot niya