HUNTER'S POV
“Really, p’re?” paninigurado ni Tristan matapos kong sabihin sa kanya ang kondisyon ng aking ama sa pagpayag niya sa isang project proposal ko with the Brown Corporation. “You heard me right?” mabilis kong tugon sa aking kaibigan. Si Tristan Montemayor ang aking matalik na kaibigan na halos kasama ko sa lahat ng kalokohan, lalong-lalo na pagdating sa babae. Katulad ko’y wala rin sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya nga nagkasundo kaming dalawa. “So, don't tell me na magseseryoso ka na ngayon kay Tiffany? Para lang sa project proposal mo between Brown Corporation?” seryosong wika ng aking kaibigan na mabilis kong tinanggihan. “Hell NO, p’re! Kilala mo ako. And Tiffany is not my type na makasama sa iisang bubong!” Sabay inom ko ng whiskey. “So, anong plano mo ngayon? And how are you sure na may maipapakilala ka na matinong babae kay Tito Matt by next month?” natatawang wika ng aking kaibigan. Kinagat ko ang aking ibabang labi habang hawak-hawak ko ang bote ng whiskey. Tinitigan ko ang aking kaibigan at muli akong nagsalita. “P’re, kaya nga sinabi ko sa ‘yo ang problema ko ‘di ba. Kasi alam kong ikaw lang ang makakatulong sa problema ko. Magsasabi ba ako sa ‘yo? Kung may mga kilala akong babaeng bride for hire?” Nanlaki ang mga mata ng aking kaibigan pagkatapos niyang marinig ang mga salitang lumabas sa labi ko. “Ako talaga, p’re?” Sabay turo niya sa kanyang sarili na mabilis kong tinanguan. Napailing si Tristan at ininom niya ang whiskey na kanina pa niya pinaikot-ikot ang kopitang hawak niya. “Anong akala mo sa akin, p’re? Mamasang? Bugaw? May-ari ng club?” natatawang sabi ng aking kaibigan na tinawanan ko lang na naging dahilan upang tumahimik siya at malalim na nag-isip. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan na namag-itan sa aming dalawa’y muli akong nagsalita. “P’re, hindi ako nagbibiro. Alam kong marami kang kilala na bride for hire na matinong babae,” wika ko na nagpangiti sa aking kaibigan. “Alam ko na, p’re, kung sino ang makakatulong sa 'yo.” nakangiting wika ng aking kaibigan. “Talaga, p’re?” paninigurado ko. “Oo, p’re. Ang agency ni Madam Butterfly,” mabilis na tugon ng aking kaibigan na naging dahilan upang kumunot ang aking noo, dahil doon ko kinukuha ang mga babaeng ikinakama ko na halos lahat ay maruming babae ang tingin ko. “Nagpapatawa ka ba, p’re?!” tanong ko sa aking kaibigan na may kasamang inis. Umiling ang aking kaibigan at seryosong tumingin sa akin. “Hindi, p’re! I just remembered na last week lang, may iniaalok siya sa akin. Si Nathalie del Prado at sinabi niyang bago pa lang ito sa kanyang agency. At nakahanda raw gawin ng babaeng ‘to ang service na kakailanganin ko but it's a huge price, p’re.” Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita. “Kaya tinanggihan ko. Hindi ko uubusin ang pera ko para lang sa init ng katawan ko 'no! At dahil kailangan mo ng isang babae na magpapanggap na girlfriend mo by next month, and soon to be your contracted wife at magiging ina ng tagapagmana ng Buencamino Corporation. Bakit hindi mo kontakin si Madam Butterfly ngayon?” Sabay abot niya sa akin ng kanyang mobile phone. Napaisip ako sa sinabi ng aking kaibigan at bigla akong naging curious sa babaeng tinutukoy niya na parang narinig ko na ang pangalang Nathalie del Prado. Huminga muna ako ng malalim bago ko kausapin ang babae mula sa kabilang linya. “Hello, may I know who’s on the line, please?” wika ng babae mula sa kabilang linya. “Hi, Madam Butterfly. This is Hunter Buencamino,” mabilis kong tugon. “Oh, Mr. Hunter Buencamino, ikaw pala. Kailangan mo na naman ba ng babaeng paglalaruan? Kaya ka napatawag,” pilyang wika ni Madam Butterfly. Napangisi ako dahil alam na alam talaga ni Madam Butterfly ang ginagawa ko sa mga babaeng binabayaran ko sa agency niya, at aminado ako na ni isa’y wala akong nagustuhan sa kanila. “Madam Butterfly, Tristan just told me about Nathalie del Prado. At interesado ako sa kanya. Dahil kailangan ko ng babaeng magiging asawa ko within two years,” mabilis kong tugon na tinawanan lang ng aking kausap sa kabilang linya na nagpainit ng aking ulo. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko at narinig ko ang malakas niyang halakhak. “Hey, is there something funny?!” singhal ko kay Madam Butterfly na nagpatigil sa kanyang paghalakhak. “Nothing! I just laughed, dahil sa dinami-daming lalaki na maghahanap ng mapapang-asawa dito sa agency ko, ikaw pa talaga. To think, na alam kong allergy ka sa matagalang pakikisama sa babae. At ikaw makakatiis na may kasamang babae sa iisang bubong? Kaya hindi mo maiaalis sa akin ang tumawa, Mr. Hunter Buencamino,” diretsong pahayag ni Madam Butterfly mula sa kabilang linya. “Madam Butterfly, nakahanda akong magtiis na may kasamang babae sa iisang bubong, para sa project proposal ko with Brown Corporation. But, she still needs to follow the rules according to our agreement. And if Nathalie will agree, nakahanda akong magbayad kahit na magkano, lalo na kapag binigyan niya ako ng anak,” mabilis kong tugon. “Sandali lang, Mr. Buencamino. Tama ba ako nang narinig mula sa ‘yo? Bibigyan ka ng anak? For your information, girlfriend at bride for hire lang ang kayang gawin ng mga alaga ko. At hindi kami nag-o-offer ng surrogate mommy o babymaker,” pagsisigurado ni Madam Butterfly na nagpakunot ng aking noo. Hindi ko alam kung tama ba ako ng kinakausap ngayon para makatulong sa problema ko, o kumukuha lang ako nang magiging sakit ng ulo ko. Alam kong walang maniniwala sa akin na kaya kong tumira sa iisang bubong kasama ang isang babae. Lalo pa’t pang one night stand lang para sa akin ang mga kababaihan. Si Tiffany lang ang bukod tanging kumakapit tuko sa akin, kahit ilang beses ko na siyang tinataboy. Ang pinakaayaw ko lahat sa babae’y hinahawakan ako sa leeg, katulad nang ginagawa sa akin ni Tiffany, na nakuha ko lang din sa agency ni Madam Butterfly. Kahit ako’y nag-iisip kung makakaya ko bang matapos ang papasukin kong laro, para lang sa plano ko sa Brown Corporation. Bata pa lang ako’y sinumpa ko na sa sarili ko na ibabagsak ko ang kompanya ni Gilbert Brown, para ipadanas sa aking ina ang hirap ng buhay na pinagdaanan naming mag-ama nang iwan niya kami. Hindi mawawala sa puso ko ang galit at paghihiganti sa lalaking sumira sa masayang pamilya na kinamulatan ko. “Narinig mo ang sinabi ko, Madam Butterfly. Gagawin ko lang ang bagay na pinaka-ayaw ko according to my plan,” mga salitang lumabas sa labi ko. “Okay, kakausapin ko si Nathalie, Mr. Buencamino, kung kaya niyang gawin ang serbisyo na kailangan mo,” mabilis na tugon ni Madam Butterfly na nagpangiti sa akin. “Okay, Madam Butterfly, pupunta ako diyan bukas na bukas din para sa agreement nating dalawa. And please, huwag mo ibibigay si Nathalie del Prado sa iba,” pagpapaalam ko sa aking kausap mula sa kabilang linya na mabilis niyang tinugon. “Makakaasa ka, Mr. Buencamino,” pagsang-ayon ni Madam Butterfly at pinutol na niya ang kanyang linya. Tumingin ako sa aking kaibigan na tila ba kanina pa naghihintay nang sasabihin ko. “Thank you, p’re, may maipapakilala na rin ako kay dad.” Sabay taas ko ng kopita ng whiskey na kanina ko pa pinaglalaruan. “Cheers, p’re, and goodluck sa papasukin mo,” wika niya habang natatawa. Ngumiti ako. “P’re, may nakakatawa ba?” pabirong tanong ko sa aking kaibigan na kahit ako’y natatawa sa ginawa kong desisyon para lang sa malaking project proposal ko with the Brown Corporation. Sa oras makuha ko ang malaking project with the Brown Corporation, sisiguraduhin ko na magsisisi si Gilbert Brown na tinanggap niya ang proposal ko. Dahil isang Buencamino ang magpapagapang sa kanila sa lusak. Nagpatuloy kaming magkaibigan sa pag-inom nang bigla kong maisip ang pangalang Nathalie del Prado. Kanina lang nang marinig ko sa aking kaibigan ang nasabing pangala’y bigla na lang akong nagkaroon ng interest na makilala ang babaeng tinutukoy ni Tristan. Habang masaya kaming nag-iinom na magkaibigan nang may biglang naglagay ng kamay sa aking mga mata. “Guess who am I?” pilyang bulong ng isang babae. Kahit may takip ang mga mata ako'y hindi ako pwedeng magkamali kung sino ang may-ari ng boses na bumulong sa akin. Inalis ko ang mga kamay ng babae na walang iba kung 'di si Tiffany. “Hey, what are you doing here? And how did you know I was here?” mga tanong na lumabas sa labi ko. “Why do you seem angry that I came here? Don't you miss me?” pilyang tanong ni Tiffany na nagpadilim ng aking mga mata. Sa lahat ng ayaw ako'y hinahawakan ako sa leeg ng isang babae. Katulad nang ginagawa ni Tiffany sa akin na palagi akong binubuntutan at lahat ng babaeng lumapit sa akin ay inaaway niya. “Is there any reason why I'm gonna miss you? Because, as far as I know, you are not my girlfriend! So, how can I miss you?” Sabay tayo ko. “Let's go, p’re! Nasira na ang mood ko!” aya ko sa aking kaibigan na mabilis niyang sinunod “You will regret this, Hunter Buencamino!” sigaw ni Tiffany. “Shut up, Tiffany! Hindi mo alam ang kaya kong gawin sa ‘yo. Kaya kitang ibalik sa putikan na pinanggalingan mo. Kaya please lang, itigil mo na ang kahibangan mo sa akin!” galit kong tugon kay Tiffany na mas lalong ikinainis niya. Hindi ako natatakot sa pagbabanta sa akin ni Tiffany. Dahil isang pitik ko lang, babalikan niya ang pagiging babaeng bayaran.HUNTER’S POVNang matapos kaming mag-usap ni David ay nag-focus na ako sa aking pagmamaneho at pinili ko na lang ang tumahimik. Dahil alam kong galit lang ni Nathalie ang sasalubong sa akin kapag nagsalita ako. Habang tinatahak namin ang kahabaan ng hi-way palabas ng Quezon ay muling tumawag sa akin si David na naging dahilan upang muling sumimangot si Nathalie.“Yes, David, napatawag ka ulet?” muling tanong ko kay David ng sagutin ko ang tawag niya.“Sir Hunter, sorry po sa istorbo. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo na narito na po sa SLEX ang ambulansya na sinasakyan ng anak ninyo at ni Miss del Prado. At nakikipagtalo po sa akin si Miss del Prado na hindi ako pwedeng sumakay sa ambulansya. Sinabi ko po sa kanya na kakausapin n’yo siya,” sabi sa akin ni David. “Okay, give the phone to her. I will talk to her,” utos ko kay David na hindi nakaligtas sa pandinig ni Nathalie at naging dahilan upang muling magdilim ang paningin ni Nathalie. “Okay, Sir Hunter, I will pass to her the pho
HUNTER’S POV Nang mailagay kon na sa aking kotse ang ibang gamit nina Nathalie ay siya naman paglapit sa amin nina Aling Nancy at Arturo. “Hunter, hindi ata kasya ang gamit namin sa kotse mo,” sabi ni Aling Nancy. Tumango ako at ngumiti. “Huwag po kayong mag-alala. Magre-rent po tayo ng isang sasakyan na magdadala ng mga gamit n’yo at pati na rin po ng ibang gamit nina Nathalie,” tugon ko kay Aling Nancy na ikinatuwa niya. Pagkatapos kong kausapin si Aling Nancy ay nag-booked agad ako ng isang sasakyan papuntang Manila. Habang hinihintay namin ang sasakyan na ni-booked ko ay tinulungan ko naman si Arturo na ilabas ang iba pang gamit nina Nathalie at Aling Nancy. “Sir Hunter, p'wede po ba magtanong?” magalang na tanong sa akin ni Arturo na tinanguan ko. “Yes, tungkol saan?” mabilis kong tugon kay Arturo. “Bakit po kailangan na kasama kami ni Lola Nancy sa Manila? Hindi po ba’t kami ang katiwala rito ng mga del Prado?” muling tanong sa akin ni Arturo. Huminga
HUNTER'S POV Habang inaayos ni Nathalie ang kanilang mga gamit ay nilapitan ako ng isang matandang babae na may dalang isang basong juice. “Hijo, ikaw ba ang asawa ni Nathalie?” Sabay abot niya sa akin ng isang baso ng juice. Tumango ako at ngumiti. “Opo, ako nga po,” magalang kong tugon sa matandang babae. Ngumiti sa akin ang matanda at umupo siya sa aking harapan. “Anong pangalan mo, Hijo?” muling tanong sa akin ng matandang babae. “Ako po si Hunter Buencamino,” muling tugon ko sa matanda na tinanguan niya. “Hunter, ako si Manang Nancy n’yo. Matagal na akong katiwala rito sa bahay na ‘to.” Lumingon siya sa may hagdanan bago muling tumingin sa akin. “Hunter, parang apo ko na rin sina Gabriel at Nathalie. Kaya ingatan mo sila sa Tita Victoria nila,” wika ni Aling Nancy habang nanginginig ang mga kamay niya na naging dahilan upang ma-curios ako sa ibig niyang sabihin. “Aling Nancy, ano pong ibig n’yong sabihin? Kasi si Tita Victoria po ang tumawag sa akin at nagsab
HUNTER’S POV Nang mai-park ko ang aking sasakyan ay mabilis na binuksan ni Nathalie ang pintuan sa tabi niya. Bago pa man niya buksan ang pintuan ay hinawakan ko ang kanyang kamay upang pigilan siyang bumaba. “Hunter, please let me go,” galit na sambit ni Nathalie. “Nathalie, we need to talk. Please ayusin natin ang naging problema sa relasyon natin. Alam ko hindi sapat ang paghingi ko ng sorry sa ‘yo, para mapatawad mo ako. Ka_” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni Nathalie. “Ganyan ba sa 'yo kadali kalimutan ang nakaraan? Alam mo, Hunter, sobrang sakit sa akin nang ginawa ninyo ng babae mo! At sa dinami-dami ng taong manghuhusga sa akin. Ikaw pa talaga! Paano ko papatawarin ang taong walang tiwala sa akin?!” mga salitang lumabas sa labi ni Nathalie. “Nathalie, I know I'm wrong to judge you, and I know you're angry with me. But please, give me another chance to prove that my love for you is pure. I want you to come back into my life, Nathalie
HUNTER'S POV Ngayon na nakita ko na ang mag-iina ko ay hindi na ako papayag na mawalay pa sa kanila. Kung kailangan ko ulet ligawan si Nathalie ay gagawin ko, kahit harangan pa niya ako ng sibat. Ipaparamdam ko sa kanya ang tunay at wagas kong pagmamahal para sa kanya. Kung p’wede ko lang talaga ulet ibalik ang panahon sana ay hindi ako naniwala sa Nick Villamayor na ‘yon. Habang nakatingin ako sa aking anaknang may biglang pumasok dito sa kwarto. “Mr. Buencamino, ito po ‘yong mga documents na kailangan n’yong pirmahan para madala na ang pasyente sa Philippine Heart Center sa Manila,” sabi ng nurse at inabot niya sa akin ang mga documents. Mabilis kong tinanggap ang mga documents na kailangan kong pirmahan at pinasadahan ko lang ng basa at mabilis kong pinirmahan upang madala na sa Manila ang aking anak at maisagawa ang open-heart surgery na kailangan gawin sa kanya. Nurse, here are the documents. Can we bring her in the Philippine Heart Center as soon as possible?” pani
NATHALIE’S POV Sa muling pagkikita namin ni Hunter ay muling nabuhay ang galit ko sa kanya. Naramdaman ko ulet ang sakit sa aking puso nang dahil sa ginawa niya. At hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Tita Victoria sa ginawa niyang pa-contact kay Hunter at sabihin ang tungkol sa kondisyon ng aking anak. Ngunit nang atakihin siya kanina ay sobra akong naawa sa aking anak dahil hirap na hirap na siya sa kanyang kondisyon. Alam kong magmatigas man ako kay Hunter ngayon ay hindi ko kayang ipagamot ang aking anak. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon na madugtungan pa ang buhay ng anak kong babae. Habang yakap-yakap ko ang aking anak ay napansin ko na nakatingin siya kay Hunter dahilan upang tumingin ako kay Hunter at nakita ko sa mga mata niya ang saya at lungkot na kanyang nararamdaman. Aminado ako na hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin si Hunter at kahit kailan ay hindi nawala ang pag-ibig ko sa kanya. Pero ang galit sa puso ko ang mangingibabaw ngayon dahil hindi ko