Share

I Am In-Love To A Womanizer
I Am In-Love To A Womanizer
Author: Hazel

More Than Coincidence

Quezon City, WBC Compound

Shooting Prep

I am In-love to a Womanizer

September 2024

4:00am

“Sir Ben! Pa check daw po nitong mga oorderin natin na props.” Lumapit si Eric ang assistant ni Benedict Sarmiento.

“Saan ba tayo puwedeng maghanap ng ganitong props? Eh sinaunang panahon pa ito, eh. Me mahahanap pa ba tayong pager ngayon?” Napakunot ang noo ni Ben.

“May mga nahanap naman po kami na kaha pati lumang cellphone.” Napakamot ng ulo si Eric. Ang aga mainit na naman ulo ni boss.

“Pambihirang… sino ba writer nito?” Tanong uli ni Ben

“Si Anne N. daw po. Amateur writer kaso instant sensation sa sinulat nyang yan. Dun nga nalaman na marami na pala siyang nasulat na nobela kaso di na discover.” Alam ni Eric na may pagka critic ang boss niya pero may nasilip na “something” kuya Rick niya sa project na ito kaya’t tinanggap niya. Si Frederick ay partner ni Ben sa bagong tayong Exfinite Virtual Studio. Sila ang nag e specialize sa effects pati props ng movies, advertisements, tv sitcoms at iba pa. Bayaw din ni Ben si Rick.

“Ang baduy! Womanizer? Mga babae talaga,oo. Teka. Pahingi nga ng kopya ng script.” Saglit na nabalisa si Ben.

“Eto po, Sir. “ Binigay niya ang kopya ng script kay Ben. Napansin nitong medyo nabalisa boss niya. Mabilis na binasa ang script.

“Pu***! Eric, lumabas ka muna. Tatawagin lang kita pag kailangan kita.” Napamura ito at tinawagan ang kanyang kuya habang dali dali namang lumabas ang kanyang assistant at isinara ang pintuan.

“Kuya, anong kalokohan ba ito? Kuya… buhay ko to, ah.” Nagugulumihan at naiinis si Ben.

“Ben, relax. Magkaparehas lang. Besides, iba ang family names nila at ang entirety ng kuwento. Wala tayo basis.” Natatawang sagot nito sa bayaw.

“Sino ba itong Anne N. na ito? Kukutusan ko  ito, eh.” Alam nyang hindi siya puwedeng magreklamo sapagka’t wala nga naman siyan basehan. More than coincidence naman kasi ito.

“Darating siya now. Diyan siya mag i stay isang room yung malapit sa  aircon na tapat ng unit natin. You can meet her and…confront her if you like.” Pabiro ng kuya sa kapatid.

“I will really talk to her…” Hindi pa sya tapos magsalita ng magka commotion sa labas.

“Eric, anong nangyayari?” Tanong niya sa kanyang assistant.

“Si Ms. Anne N. Dumating  na”

Lulan ito ng motor. Nang tanggalin ang helmet ay hindi na nagtaka  si Ben.

Of course, Liezel-Anne Narisma. Si LA, ang kanyang ex.

Si LA ay girlfriend ni Benedict Sarmiento for three and a half years. Dumating si LA sa panahong kinailangan niya ng totoong babaeng maipagmamalaki niya hindi lamang sa social media kungdi sa pati na rin sa kanyang pamilya.

“Nakakapagod na maging kabit lagi. Pag bumababa ako sa babae, naaamoy ko ang asawa nila.” Natatawang biro niya sa kaibigan at kuya niya isang gabi habang nakikipag inuman. Kakahatid lamang niya kay Merli sa terminal nang araw na iyun. Lumuwas si Merli ng Maynila para dumalo sa house blessing ng isa nilang kaibigan na si Rachel. May nangyari sa kanila ni Ben at Merli ng gabing iyun at nangungulila na naman siya ng pauwi na iyun. Bakit kasi hindi na siya nasanay.

“Humanap ka na kasi ng babaeng amoy mo ang maaamoy mo at hindi pati lasa ng katas ng ibang lalake nalalasahan mo rin. Aba  paano kung me ginamit na ibang babae ang asawa ng kabiyak mo. Tapos me nangyari sa inyo eh hindi ka pa naman nagpo proteksiyun.” Nag aalalang payo ng Kuya Rick niya.

“At mahilig ka pa naman bumaba, nakow!” Pabirong kantiyaw sa kanya ng isa pa niyang kaibigan sa kanilang lugar na si Jeck.

“Sinasabi ko sa iyo, tol. Humanap ka ng matinong babae, yung hindi ka na nakikisawsaw. Ang guwapo mong lalake tapos nagtitiyaga ka sa mga babaeng may asawa na.” Nakangiting nagbibigay ng payo ang kuya Rick niya habang nagbubuhos ng gin at naglalagy ng yelo.

“Eh, kuya. Sinabi mo ba ke ate Pam yung tungkol sa amin ni Merli?” Medyo nahihiyang tanong nito sa bayaw.

“Aba eh, hindi. Natural. Alam mo namang magagalit ate mo pag nalaman niya iyun. Lalo na pag malaman niya tungkol ke Stef.” Sagot nito sa nakababatang bayaw.

“Eh, hindi ko naman alam na nagbuntis siya kasi kuya. Eh, dalawang taong bulag ako sa mga nangyayari sa kanya. Wala akong alam at pati isa naming bestfriend na si Rachel, inilihim din sa akin.” Napapa iling na tugon nito.

“Ito ba yung MILF na sumama sa iyo sa bahay ni Ken sa Pasay? Walastik si mommy. Nagbunga pala yun?” May malisya sa mga mata ni Jeck habang nakangisi ito.

“Bakit ba? Teka, ibig mong sabihin… teka. Ibig mong sabihin nagtalik kayo… No way!” Gulat na tugon ni Rick.

“Oo, kuya. Sa harap namin mismo nagtalik sila. Kaya yang si Merli ba yan? Wala ng maitatago sa amin yan. Pati kasuloksulukan ng pagkababae niya kita na namin. Natatawa nga kami ke Ben kasi parang asong ulol hindi tinantanan si MILF. Inabot ng halos dalawang oras, haha! Binuksan na at lahat ang ilaw tuloy pa rin. Kung hindi tinapik hindi hihinto, eh. Parang kabayo! Hayan tuloy. Nabuo.” Tawa ng tawa si Jeck habang nire recall niya ang pangyayaring iyun. Naalala niyang inaantok pa siya nuon ngunit nakiusap si Ben ke Ken, isa nilang kaibigan na sa kanila muna magpalipas ng gabi kasama si MILF. Nagkataong anduon si siya at iba pa nilang kasama.

“Alam mo, Jeck kung hindi mismo galing sa bunganga mo hindi ako maniniwala eh. Aba’y naging supervisor namin iyan sa mall at ginagalang. Ang akala ng pamilya ng misis ko me gusto sa kanya itong babaeng ito eh siyempre ayaw ng asawa ko at ni nanay. Kaya nga sabay kami nag resign mag asawa, eh. Pano ba naman eh pamilyado itong Merling ito. Nasa Cavite ata pero kalaunan eh iniwan niya at sumama sa isang marino daw. Eh, bakit nakabuo kayo? Bakit nangyari iyun?” Nagugulat si Kuya Rick niya sa pagiging promiscuous ng bayaw ngunit ayaw niya itong panghimasukan.

“Eh, siya naman po nag aya, kuya. May reunion kasi kami sa department namin at pagkatapos nagpa inum si Merli. Nung pauwi na ako tinext ako. Ayaw daw niya umuwi at gusto eh sumama sa akin. Eh wala naman kami pang motel kasi yung pera niya sakto nalang pauwi. Yung dating boarding house niya diyan sa De Castro Street hindi na din siya nag continue ng bayad kasi nagtatanong na si lolo Greg bakit daw siya nagbabayad pa duon eh pwede naman daw siya sa kapatid niya diyan sa Manggahan Avenue tumuloy o di kaya kina Rachel. Hindi naman puwede sa bahay at mag aaway kami ni nanay kaya dinala ko siya sa Pasay kina Ken.” Natatawang kuwento ni Ben sa bayaw sa nangyari.

“Aba, eh hindi naman pala ikaw ang nag aya. Matanong ko, hanggang ngayon ba tuloy pa rin secret relationship ninyo? Kamusta na relasyon mo sa anak nyang si Steff? Si Steff ba ang bunga ng gabing iyun?” Diretsang tanong ng bayaw.

“Magkaibigan nalang kuno kami pero pag andito siya sa Maynila may nangyayari sa amin. Sabi niya nabuntis ko daw siya ng gabing yun.” Natatawang tugon nito. “Si Stef naman ninong niya ako. Kahit nuong dalawang taon na di kami nagkita ni Merli, ginawa niya pa rin akong ninong ni Stef.” Seryosong tugon nito sa bayaw.

“So sa sarili mong dugo’t laman, naging ninong ka? At walang pahintulot or imbitasyon man lang sa binyag. Basta naging ninong ka . Ibang klase. Alam mo hindi yan tama ginagawa ninyo lalo na kay Greg. Si Merli ang mas nakakatanda at siya ang committed sa inyong dalawa…” Naputol ang mga sinasabi ng kuya ng magsalita si Ben.

“Hindi sila kasal. Kasal sa ibang babae si Greg.” May halong inis sa mga mata ni Ben. Indikasyon na may pagtingin pa rin ito kay Merli.

“Ngunit bitbit ng anak mo ang apelido ng kinakasama niya. At maliban sa inyong tatlo, at kami ngayon ni Jeck, ay walang nakakaalam ng totoo. Lumalaki si Steff sa panloloko at kasinungalingan ng magaling niyang ina, haaay naku. Pambihirang babae ang napupusuan mo, oo.” Napapailing na sagot ng kuya niya.

“Sa papel lang iyun. Ako pa rin ang kanyang tunay na ama at hindi mo pa kilala ng lubusan si Merlinda, Kuya.” Nanginginig na ng kaunti sa Ben sa inis at may bahid na babala sa boses nito.

“Bakit, kapatid. Kaya mo bang ipakilala sarili mo kay Stef na ikaw ang dugo’t laman niya na tunay?Matatanggap ka ba niya ng ganun ganun na lang? Ano ang mararamdaman ng bata? At si Greg, hanggang kailan siya lolokohin ni Merlinda? Okay lang ba talaga lahat? Kapatid, masalimuot yan. Ang papel na sinasabi mo ay batas. Para kang nag donate ng sperm sa sperm bank at pagkatapos nuon ay wala ka ng ugnayan sa ina. At isa pa, walang matinong babae ng gagawa ng ginagawa niya” Sagot ni Rick habang kumakain ng isaw.

“Iyun nga lang nag enjoy ka! Ha ha. At kami naman, nag enjoy sa pag create ninyo ke Stef. Mantakin mo ba namang para kaming nanood ng live na toro. Si Merli parang mauubusan at kung kainin si Ben, gutom na gutom ha ha! Ang dami nga hickey ni Ben nung umaga na.” Lasing na si Jeck pero naalala pa rin niya buol detalye. Hindi niya pansin ang tension sa mag kuya.

“Buti nalang hindi kayo nadala. Bata pa kayo nuon, di ba?” Nangingiting tanong ni Rick.

“24 lang kami nuon, kuya. Yung isa naming kasamahan, gusto sumali. Eh itong si Ben nagalit. Gusto solohin si MILF! Pero para sakin, nakakasuka sila.” Pabirong tugon ni Jeck.

“Nandiri ka pero memoryado mo buong detalye.” Nakangiti pa rin na tugon ni Rick.

“Eh, ano ba gagawin ko, kuya? Pakiramdam ko niloloko ako ni Merli eh. Pupunta siya dito, may mangyayari sa amin tapos sasabihin sa akin na hindi puwedeng maging kami kasi hindi niya maiwanan ni Greg kasi nga daw siya ang kinilalang ama ni Stef at malaki daw utang na loob nila sa kanya.” Nagugulumihan na si Ben. Ilang taon na silang ganito. Magti 13 years na ngunit ang kanilang relasyon ay ganuon  lamang.

“Lagi mong iisipin, Ben. Kung tutuusin ay nakikisilong lamang kami ni Istep(Steff) sa bahay ni Greg. Kumakapit ako sa patalim alang alang kay Istep (Steff) dahil ako ay isang ina.” Proud na proud si Benedict habang umaalingaw ngaw sa isipan niya ang mga katagang sinabi ni Merlinda na siya ay isang dakilang ina matapos nilang magniig sa bahay ni friend Rachel.

“In short ginagawa ka lamang parausan ni Merli. Hindi ka talaga tatantanan ni Merli hangga’t wala kang ipapakilalang babae na matatawag na iyo. At lagi lagi ipamumukha niya sa iyo na may anak ka sa kanya para makakuha siya ng pera sa iyo. Naku, ginagawa ka lang gatasan at parausan ng cougar na iyan.” Napapailing na tugon ng kuya niya. Pati si Jeck ay naging seryoso na din at huminto na sa pagbibiro.

“Humanap ka ng babaeng kaya mong iharap sa mga ate mo at itapat mo ke Merli. Pag nagkaanak ka sa kanya hihinto na si Merli. Iba pa rin iyung legit na anak mo ang paglalaanan mo ng mga pinaghirapan mo. Sa kaso mo ngayon, aba eh baka pati karsunsilyo ni Greg ay ikaw na ang bumibili. Ikaw na mismo nagsabi, hindi na sila ganuon kayaman dahil nagkasakit si Greg.” Casual na sagot ng kuya habang inuubos ang laman ng bote ng beer.

Napa isip si Ben sa mga katagang iyun ng kuya niya at iyun ang kanyang naging motivation para humanap ng “matinong” babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status