Mag-log inIlang araw na ang lumipas, ilang araw na ring nagpipigil hininga ako sa tuwing makakaharap ko ang boss kong si Baron. Parang laging may mabigat na hanging nakadikit sa opisina niya, at sa tuwing papasok ako roon ay ramdam ko ang pag-igting ng balikat ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan niya o trip lang niya akong asarin. Madalas niya akong ipatawag sa opisina niya at magtanong ng mga wala namang ka kwenta kwentang bagay, mga tanong na kaya namang sagutin ng kahit sinong tao sa department namin.
Ngayon, muli ko na namang kaharap ang lalaking kinabubuwisit ko. Tahimik sa loob ng office, tanging mahina at mamahaling hum ng aircon ang maririnig. Nakaupo siya habang nakatitig lang sa akin, tila iniisa isa ang bawat galaw ko na para bang may hinahanap siyang sagot sa mukha ko.
"I am your first, right?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay tinatanong ni Baron ang bagay na iyon. Parang nag-echo pa sa tenga ko ang tanong niya, at sandali akong natigilan. Sa halos araw araw ko siyang nakakaharap ay never niyang nabanggit ang nangyari sa amin nung gabing iyon. Para nga bang walang nangyari. Para bang wala iyon sa kanya. Ako lang ang hindi makalimot.
"Po?" tanong ko, ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa gulat. Pakiramdam ko ay umigting ang tibok ng dibdib ko, marahas, parang gusto nang tumalon palabas.
"You are twenty-six?" tanong ni Baron.
Tumango lang ako at napayuko. Ayaw kong ipakita kung gaano kainit ang pisngi ko. Lalong lumakas ang kaba ko sa tahimik niyang pagtitig, para bang sinusukat niya ako.
"Kung wala na kayong ibang sasabihin sir, lalabas na po ako," sabi ko, pilit na mahinahon ang boses ko. Pero bago ako makatalikod ay natawa siya nang mahina, isang tawang mas lalong nagpainit sa batok ko.
"Ugali mo na talagang umalis kahit wala pa ang pahintulot ko, no?" Nakangisi niyang dagdag.
Tumayo pa siya at dahan dahang lumapit. Ang bawat hakbang niya ay parang binibilang ko, humihigpit ang dibdib ko sa bawat pulgadang nilalapit niya.
"Sabagay, bigla bigla ka na nga lang sumusulpot eh. Diba? Remember the night you stumbled into a room kung nasaan ako?"
Lalo kong naramdaman ang kaba. Parang bumalik sa akin ang amoy ng alak, ang malakas na music, ang mga paanong hindi ko maintindihan dahil lasing ako. Pilit kong sinarado ang mga kamay ko para hindi mahalatang nanginginig.
"I-I do not know. Because I was drunk that night," matapang kong sagot, kahit pakiramdam ko ay naghihikahos na ang boses ko.
Natawa siya nang bahagya at mas lumapit. Iyon ang hindi ko gustong marinig. Ang tono niya, parang alam niya ang hindi ko maalala.
"Oh really?"
"Yes." sagot kong diretso, kahit nakaramdam ako ng bahagyang pagkatuyot ng lalamunan.
"So you really did not know what happened that night, is it not?" tanong niya habang papalapit pa. Wala akong mapaglagyan ng tingin. Siya lang. Ang mukha niya, ang tingin niyang parang nangungulit ng katotohanang ayaw ko nang balikan.
"S-Sir..." bulong kong kabado.
Pagkalapit niya ay sinandal niya ako sa pader. Kumalabog ang likod ko sa malamig na surface at na-corner ako sa pagitan ng mga bisig niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, halos magtama na ang mga labi namin.
"Tell me, am I not good in bed?" Tumitig siya sa mga mata ko. Lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung naririnig niya na ang mabilis kong paghinga.
"S-Sir please... k-kailangan ko na pong bumalik sa trabaho."
Sumingit ako sa ilalim ng braso niya at bago pa siya makapagsalita ay mabilis akong lumabas ng opisina. Para akong tumakbo pero tiniis kong maglakad, pilit na pinapakalma ang sarili kahit nanginginig ang tuhod ko.
Pabagsak akong umupo sa upuan ko. Napatingin si Rumi dahil sa lakas ng buntong hininga ko.
"Lagi ka na lang ganyan pag galing ka sa office ni Mr. Saldivar," puna ni Rumi.
"Ikaw ba naman pag pabalik balik mula fifteenth floor hanggang dito," sabi ko nang inis. Sinubukan kong gawing biro, pero halata pa rin ang panghihina ko.
Tinawanan lang niya ako at tinapik ang balikat ko, parang sinasabing fighting.
Tinuon ko ang oras sa mga papeles na pinapadiscard ni Madam Pen. Ito ang pinaka ayaw ko dahil nakakainip at nakakairita ang tunog ng machine. Paulit ulit, pareho ang tunog, parang sinasakto ang bawat beep sa inis ko.
Maya maya ay lumapit si Rumi at iniabot ang kape at chocolate bar.
"Pampa boost ng energy mo," sabi niya sabay kindat.
Napasandal ako sa pader habang binubuksan ang chocolate bar. Saglit kong ipinikit ang mata ko, sinusubukang kalimutan ang nangyari sa fifteenth floor.
"Alam mo bes, parang... parang gusto ko mag resign." Buntong hininga ko. Totoo. Pagod na pagod na ako.
Biglang napamewang si Rumi.
"Hoy girl! Ilang araw ka pa lang dito suko ka na? Kumusta naman yung work mo dati? Umabot ka pa ng dalawang taon doon bilang utusan!"
Napatingin ako sa kawalan. Tama naman siya. Pero iba ang sitwasyon ko ngayon. Iba ang bigat. Iba ang tao na araw araw kong kinakaharap.
At sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam ko mas lalo akong napupunta sa lugar na hindi ko alam kung saan ako tatayo.
May tinatago akong sikreto na hindi ko masabi kahit kanino.
"Umamin ka nga sa akin bes," bulong niya.
Napaatras ako at naglinga linga.
"Hinaharas ka ba ni Mr. Saldivar?"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Manahimik ka nga! Baka may makarinig. Syempre hindi! Tsaka bakit naman ako haharasin ni Baron? Halatang hindi basta basta napapatol yun kung kani kanino."
Pero kahit ako kinakain ng kaba.
"Ikaw, baka may hindi ka sinasabi sa akin." Tingin ni Rumi.
"Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga!" sabi ko at nag walkout.
Pag-uwian na. Lumapit ako kay Rumi. "Gusto mo milk tea muna tayo?"
"Kailangan kong umuwi ng maaga."
"Ewan ko ba sa’yo! Ang tagal na kitang pinagsasabihan na sa condo ko ka na muna. Ayaw mo naman iwan yung mama at kapatid mo. Ang tanda tanda na ng kapatid mo oh. Tsaka girl, dalawang taon lang tanda mo dun sa bruhilda mong kapatid. At yung mama mo? Hindi pa naman senior para maghilata maghapon at maghintay ng pera."
Matagal na niya akong kinukulit na doon na lang ako tumira. Para mahiwalay ako sa toxic kong mama at kapatid. Pero hawak ko pa rin ang huling bilin ng papa ko.
"Alam mo naman kung bakit ayaw ko silang iwan, diba?"
Alam ni Rumi lahat ng sacrifices ni ko since highschool, na witness niya lahat ng paghihirap simula noong mamatay ang papa ko. Naging di na katanggap tanggap ang naging pagtrato sa akin ni mama, at habang tumatagal ay ganoon rin ang kapatid ko, na kung anong gusto ay dapat masunod.
"Buong buhay mo tinuon mo na sa kanila. Pati pangarap mo kinalimutan mo para lang masunod sila. Hindi na tama bes."
"Hindi ko na alam. Umaasa pa rin ako na maaappreciate nila ako balang araw."
"Eh paano kung hindi? Paano kung never? Paano ka?"
"Ayos lang," mahina kong sagot.
Sariwa pa rin sa isip ko ang araw na namatay ang papa ko. Noong aksidenteng nangyari dahil nagpasundo ako. Nagbayad lang ang nakabangga sa papa ko ng malaking halaga na agad namang tinanggap ni mama. Yung galit at pagkadismaya ko ay nilunok ko na lang, at ang huling bilin ng Ama ko bago siya malagutan ng hininga ay hanggang ngayon pasan ko pa rin.
“Ikaw na ang bahala sa Mama at sa kapatid mo, Cara... Mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayo.” at hanggang ngayon pasan ko pa rin ang huling bilin niya.
Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ng mama ko.
"Mabuti naman at dumating ka na! Nagugutom na kami!"
Hindi na ako umimik at dumiretso sa kwarto. Araw araw ganito. Pagkatapos ng trabaho, pag uwi, panibagong kalupitan na naman.
Hindi lang ako sa trabaho utusan. Kahit sa bahay.
Nang matapos akong mag-asikaso ng makakain, maglinis, at maligo, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Hindi na ako nakakain dahil ang gusto ko na lang ay humilata at matulog para makapagpahinga na.Pero bigla kong naalala ang files na ibinigay ni Madam Pen sa akin. Kabilin-bilinan pa naman niya na basahin ko iyon para tingnan kung may mga errors sa typings. Kaya naman, agad kong niready ang sarili at ang phone ko.Habang busy ako sa pagbabasa, bigla na lang tumunog ang phone ko, senyales na may nag-message.“Meet me at 10pm, in my office!”From: unknown numberAgad akong nagtaka kung kaninong number iyon. Napatanong pa ako sa sarili ko at nagsimula nang mag-type, pero bigla na lang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, ang nag-text sa akin.“Hello, sino 'to?” tanong ko pagkasagot ko sa tawag.“Your boss,” sagot ng nasa kabilang linya, at nakilala ko ang boses na iyon, boses ng taong ayaw kong makaharap: si Baron.“Tapos na ang oras ng trabaho ko, matutulog na—
Ilang araw na ang lumipas, ilang araw na ring nagpipigil hininga ako sa tuwing makakaharap ko ang boss kong si Baron. Parang laging may mabigat na hanging nakadikit sa opisina niya, at sa tuwing papasok ako roon ay ramdam ko ang pag-igting ng balikat ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan niya o trip lang niya akong asarin. Madalas niya akong ipatawag sa opisina niya at magtanong ng mga wala namang ka kwenta kwentang bagay, mga tanong na kaya namang sagutin ng kahit sinong tao sa department namin.Ngayon, muli ko na namang kaharap ang lalaking kinabubuwisit ko. Tahimik sa loob ng office, tanging mahina at mamahaling hum ng aircon ang maririnig. Nakaupo siya habang nakatitig lang sa akin, tila iniisa isa ang bawat galaw ko na para bang may hinahanap siyang sagot sa mukha ko."I am your first, right?"Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay tinatanong ni Baron ang bagay na iyon. Parang nag-echo pa sa tenga ko ang tanong niya, at sandali akong nati
Mabilis na lumipas ang oras. Marami na akong naiprint mula sa inutos ng team leader namin. Tinutok ko ang sarili ko sa trabaho para hindi isipin ang sinabi sa akin ni Mr. Saldivar kanina. Pero habang tumatakbo ang oras, patuloy rin sa pag-agos ang pawis sa batok ko.“Alam mo, Cara, kanina pa kita napapansin. Ang putla mo… may sakit ka ba?” nag-aalalang sabi ni Rumi sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at nginitian ito. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang sliding glass door ng department namin.Pumasok ang isang lalaki. Naka-formal attire at may dalang iPad.“Anong ginagawa ng secretary ni Mr. Saldivar rito?” tanong ni Rumi, halatang nagtataka. Napatingin ako sa kaibigan ko, ilang beses nagpalunok-lunok, naghihintay sa sasabihin ng lalaki.Lumapit ang team leader namin na si Madam Pen. Maya-maya pa ay umalis na ang secretary ni Mr. Saldivar. Pagharap ni Madam Pen sa amin, diretso ang tingin niya sa akin. Tila kinatatakutan ako ng mga balahibo ko.“Caramel, pasok ka sa offic
Nagmulat ako ng mata nang marinig ang paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Nang tignan ko ito, halos maibato ko na ang cellphone ko dahil sa gulat.30 missed calls? 20 messages?Tiningnan ko kung kani-kanino galing ang mga tawag na iyon, pero iisang pangalan lang ang lumilitaw sa screen. Mula iyon kay Rumi, ang bestfriend ko.Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nang maramdaman ang biglang lamig na bumalot sa akin, doon ko lang napansin na wala ako sa kuwarto ko.Hindi ito ang simpleng kuwarto ko. Napakagarbo nito, hindi lang ang style ang vintage, pati ang vibes. Napatingin ako sa taas at nakita ang napakalaking chandelier. Nang matapat ang mata ko sa kama, laking gulat ko nang may makita akong lalaking nakahiga at hubo’t hubad.Muntik na akong mapasigaw. Mabuti nalang at napigilan ko, pero doon rin ko napagtanto na kahit ako ay walang saplot at nangingirot ang gitnang parte ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nasaksihan ko. Dali-dali kong kinuha ang damit ko sa sahig, nagpayuko







