Share

Chapter 2

Author: Caramel Caryl
last update Huling Na-update: 2025-11-17 15:26:59

Mabilis na lumipas ang oras. Marami na akong naiprint mula sa inutos ng team leader namin. Tinutok ko ang sarili ko sa trabaho para hindi isipin ang sinabi sa akin ni Mr. Saldivar kanina. Pero habang tumatakbo ang oras, patuloy rin sa pag-agos ang pawis sa batok ko.

“Alam mo, Cara, kanina pa kita napapansin. Ang putla mo… may sakit ka ba?” nag-aalalang sabi ni Rumi sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at nginitian ito. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang sliding glass door ng department namin.

Pumasok ang isang lalaki. Naka-formal attire at may dalang iPad.

“Anong ginagawa ng secretary ni Mr. Saldivar rito?” tanong ni Rumi, halatang nagtataka. Napatingin ako sa kaibigan ko, ilang beses nagpalunok-lunok, naghihintay sa sasabihin ng lalaki.

Lumapit ang team leader namin na si Madam Pen. Maya-maya pa ay umalis na ang secretary ni Mr. Saldivar. Pagharap ni Madam Pen sa amin, diretso ang tingin niya sa akin. Tila kinatatakutan ako ng mga balahibo ko.

“Caramel, pasok ka sa office ko. We need to talk.”

Agad akong tumango at sumunod sa kanya.

Pagpasok sa office, umupo siya sa swivel chair niya at diretso ang tingin sa akin. Tahimik lang akong nakatayong gilid ng mesa.

“Anong nangyari sa Conference Room kanina?” tanong niya.

“W-Wala naman po. Basta ko lang po inabot iyong files…” sagot ko, habang pasimpleng binabaon ang kuko sa isa pa kong kuko.

“Pero pinapatawag ka ni Mr. Saldivar. Do you have in mind kung bakit? Any reason?”

Lalong nanuyo ang lalamunan ko sa tanong na iyon. “H-Hindi ko po alam…” sagot ko, napakagat sa ibabang labi ko.

“Okay… go to his office now. Sabihan mo ako kung anong napag-usapan niyo, okay? Para malaman ko if may problema ba.”

Muling bumalik ang panginginig sa katawan ko. Seryoso talaga si Baron sa sinabi niya kanina na may importante silang pag-uusapan.

“Opo, Madam Pen,” sagot ko at lumabas na.

Nasa tapat ng pinto ng office ni Baron ako. Hindi ko alam kung papasok ba ako o tatakbo na lang palabas ng building at magre-resign, dahil sa sobrang kaba, takot, at hiya.

“Hindi kusang bubukas yang pinto, Caramel. Ngayon ka lang ba nakakita ng pinto?” pang-aasar ng baklang kaibigan at coworker ko.

Inirapan ko na lang siya, kasabay ng malalim na buntong-hininga. Pagpihit ko sa seradura, dahan-dahan ko itong tinulak at nang makapasok ako, isinara ko ulit ang pinto.

“Good... morning, Mr. Saldivar,” utal-utal kong sabi.

“Can’t you speak properly?” mapaklang tumingi si Baron sa akin. Halatang inis siya sa inaastang ako.

“Im sorry, sir…” halos pabulong na lang ang sabi ko.

“Sorry for what?” may kung anong pang-uuyam sa boses niya.

Nag-angat ako ng tingin at tila naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“For… leaving me? After what we did?” Napakuyom ang kamay ni Baron at bahagyang natawa.

“Is that you, right?” tanong niya, bahagyang napailing at tinignan ako ng matalim, saka tumayo mula sa pagkaka-upo. “What a stupid question. So why do you leave?” tanong pa ulit niya.

Hindi ako makapaniwala sa tinatanong niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o matakot na baka tanggalin niya ako sa trabaho.

“Don’t assume anything if I asked you this way. I just can't accept that you… a lowly woman, can step to my pride like that… after mong magpakasarap sa akin… you just left without a word?! You’ll regret this woman,” matalim na banta niya, na para bang hindi matanggap na basta-basta lang siyang iniwan ng isang babae, at empleyado pa sa kumpanya niya.

“You’ll pay for what you did,” bulong niya, bahagyang hiningahan ang leeg ko. Namilog ang mata ko nang maramdaman ko ang init na dumampi sa balat ko.

“W-What do you mean?” tanong ko, bahagyang nag-angat ng tingin sa boss ko.

“No need to know. Leave!” malamig na utos niya.

Mabilis akong kumilos at lumabas ng office.

Pigil na pigil ang paghinga ko kanina sa loob ng office ni Baron. Nang makalabas, talagang naginhawaan ako. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi. Isa iyon sa pinaka-masayang at hindi malilimutang sandali sa buhay ko. Kahit na ibinigay ko lang iyon sa isang lalaki na nakilala ko kagabi, hindi ordinaryong lalaki… kundi ang boss ko.

Napahilot lang ako ng sintido kakaisip sa bwisit na boss ko. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya, lalo na sa sinabi niya kanina.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pwede ba akong mag-resign nang walang dahilan o mawala na lang bigla.

“San ka galing?” tanong ni Rumi.

“M-May inutos lang si Madam Pen,” palusot ko.

Nagpatango-tango lang si Rumi at tinuon ang sarili sa trabaho.

Ganoon din ako. Binuhos ko ang oras ko sa pagta-type para matapos ang pinagawa sa akin. Wala akong tigil sa pagta-type kahit pa tila nagmamanhid na ang mga kamay ko. Maya-maya pa ay natapos ko rin at sinend kay Madam Pen via email.

“Woah! Natapos rin sa wakas!” bulalas ko. Napatingin sa akin ang lahat, maging si Rumi at Ben.

“Natapos mo iyon?!” gulat na tanong nila.

Napatingin ako sa kanila, halata ang pagkabigla sa mukha ko.

“Oo? Bakit?” sagot ko, walang ideya. Bumalik na lang ako sa pagta-type. Nagpa-iling-iling sila ng dalawa dahil sa pagkabilib. Kung hindi lang talaga ako huminto sa pag-aaral, paniguradong makakakuha ako ng mataas na posisyon sa kahit anong kumpanya, lalo na’t dedicated ako sa trabaho.

Matapos ang mahabang oras sa trabaho, nag-umpisa nang mag-ayos ang lahat dahil uwian na. Agad na hinila ni Rumi ako palabas.

“Gala muna tayo. First day mo naman ngayon sa work, so let's have fun!” pagaaya niya.

“Oy, sama!” singit ni Ben at inakbayan kami.

“Yuck!” sabay na bulalas namin ni Rumi, sabay rin naming inalis ang kamay ni Ben sa balikat namin.

“Ang aarte nyo, ampapanget nyo lang naman!” pang-aasar niya.

“Wow?! Coming from you ha!” bwelta ni Rumi. Pabiro siyang hineadlock ni Ben kaya hindi na rin matigil ang tawa ko.

Alas-diyes na nang makauwi ako. Hindi pa mabura sa labi ko ang ngiti nang makapasok sa pinto at bumungad sa akin ang mama ko at kapatid kong kumakain. Mukhang inorder na nila iyon.

“Ang galing! Alas-diyes na, kamahalan tapos ngayon ka lang?! Imbis na may magluto, wala! O ayan, buti nalang may nakita akong pera sa damitan mo at nag-order nalang kami ni Megan! Ang galing mo, pinagtataguan mo kami ngayon ng pera!” bungad ng mama ko.

Nanlumo ako sa narinig. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kuwarto at kinalkal ang damitan. Ang tinabi kong 2,000 pesos ay wala na.

Mabilis akong lumabas, maluha-luhang hinarap ang ina at kapatid ko.

“Ma naman! Halagang 2,000 ba yang inorder nyo? Nasaan po yung pera?” galit kong sabi, pero may pipigil pa rin sa sarili.

“Aba, Caramel! San ka kumukuha ng lakas ng loob para kuwestyunin ako?!” sigaw ng mama ko at ibinato sa akin ang paper box na pinaglagyan ng pagkain.

“Wala kang kwenta! Tinabi ko yung sobra! Bakit?! Kapal ng mukha mong taguan ako ng pera!” sigaw ng mama ko, habang ang kapatid kong si Megan ay pang-isi ngisilang sa gilid habang s********p sa straw ng inumin niya.

“Sana naman nagtanong muna kayo kung saan ko gagamitin ‘yong pera na yon!” inis kong sabi.

Itinatabi ko kasi ang pera na iyon para pambayad sa inuupahan naming bahay. Iniipon ko ang halagang 5,000 para ibayad sa may-ari. Kaya lang, dito ko lang nalaman na hindi pala naibigay ng mama ko ang bayad sa upa.

Hindi na lang ako kumibo. Pabagsak kong isinara ang pintuan ng kuwarto ko at nahiga sa kama para humagulhol. Hindi ako tumigil sa pag-iyak hanggang sa makatulog na lang ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • I Am The CEO's Pet   Chapter 4

    Nang matapos akong mag-asikaso ng makakain, maglinis, at maligo, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Hindi na ako nakakain dahil ang gusto ko na lang ay humilata at matulog para makapagpahinga na.Pero bigla kong naalala ang files na ibinigay ni Madam Pen sa akin. Kabilin-bilinan pa naman niya na basahin ko iyon para tingnan kung may mga errors sa typings. Kaya naman, agad kong niready ang sarili at ang phone ko.Habang busy ako sa pagbabasa, bigla na lang tumunog ang phone ko, senyales na may nag-message.“Meet me at 10pm, in my office!”From: unknown numberAgad akong nagtaka kung kaninong number iyon. Napatanong pa ako sa sarili ko at nagsimula nang mag-type, pero bigla na lang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, ang nag-text sa akin.“Hello, sino 'to?” tanong ko pagkasagot ko sa tawag.“Your boss,” sagot ng nasa kabilang linya, at nakilala ko ang boses na iyon, boses ng taong ayaw kong makaharap: si Baron.“Tapos na ang oras ng trabaho ko, matutulog na—

  • I Am The CEO's Pet   Chapter 3

    Ilang araw na ang lumipas, ilang araw na ring nagpipigil hininga ako sa tuwing makakaharap ko ang boss kong si Baron. Parang laging may mabigat na hanging nakadikit sa opisina niya, at sa tuwing papasok ako roon ay ramdam ko ang pag-igting ng balikat ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan niya o trip lang niya akong asarin. Madalas niya akong ipatawag sa opisina niya at magtanong ng mga wala namang ka kwenta kwentang bagay, mga tanong na kaya namang sagutin ng kahit sinong tao sa department namin.Ngayon, muli ko na namang kaharap ang lalaking kinabubuwisit ko. Tahimik sa loob ng office, tanging mahina at mamahaling hum ng aircon ang maririnig. Nakaupo siya habang nakatitig lang sa akin, tila iniisa isa ang bawat galaw ko na para bang may hinahanap siyang sagot sa mukha ko."I am your first, right?"Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay tinatanong ni Baron ang bagay na iyon. Parang nag-echo pa sa tenga ko ang tanong niya, at sandali akong nati

  • I Am The CEO's Pet   Chapter 2

    Mabilis na lumipas ang oras. Marami na akong naiprint mula sa inutos ng team leader namin. Tinutok ko ang sarili ko sa trabaho para hindi isipin ang sinabi sa akin ni Mr. Saldivar kanina. Pero habang tumatakbo ang oras, patuloy rin sa pag-agos ang pawis sa batok ko.“Alam mo, Cara, kanina pa kita napapansin. Ang putla mo… may sakit ka ba?” nag-aalalang sabi ni Rumi sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at nginitian ito. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang sliding glass door ng department namin.Pumasok ang isang lalaki. Naka-formal attire at may dalang iPad.“Anong ginagawa ng secretary ni Mr. Saldivar rito?” tanong ni Rumi, halatang nagtataka. Napatingin ako sa kaibigan ko, ilang beses nagpalunok-lunok, naghihintay sa sasabihin ng lalaki.Lumapit ang team leader namin na si Madam Pen. Maya-maya pa ay umalis na ang secretary ni Mr. Saldivar. Pagharap ni Madam Pen sa amin, diretso ang tingin niya sa akin. Tila kinatatakutan ako ng mga balahibo ko.“Caramel, pasok ka sa offic

  • I Am The CEO's Pet   Chapter 1

    Nagmulat ako ng mata nang marinig ang paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Nang tignan ko ito, halos maibato ko na ang cellphone ko dahil sa gulat.30 missed calls? 20 messages?Tiningnan ko kung kani-kanino galing ang mga tawag na iyon, pero iisang pangalan lang ang lumilitaw sa screen. Mula iyon kay Rumi, ang bestfriend ko.Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nang maramdaman ang biglang lamig na bumalot sa akin, doon ko lang napansin na wala ako sa kuwarto ko.Hindi ito ang simpleng kuwarto ko. Napakagarbo nito, hindi lang ang style ang vintage, pati ang vibes. Napatingin ako sa taas at nakita ang napakalaking chandelier. Nang matapat ang mata ko sa kama, laking gulat ko nang may makita akong lalaking nakahiga at hubo’t hubad.Muntik na akong mapasigaw. Mabuti nalang at napigilan ko, pero doon rin ko napagtanto na kahit ako ay walang saplot at nangingirot ang gitnang parte ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nasaksihan ko. Dali-dali kong kinuha ang damit ko sa sahig, nagpayuko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status