Mag-log in
Nagmulat ako ng mata nang marinig ang paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Nang tignan ko ito, halos maibato ko na ang cellphone ko dahil sa gulat.
30 missed calls? 20 messages?
Tiningnan ko kung kani-kanino galing ang mga tawag na iyon, pero iisang pangalan lang ang lumilitaw sa screen. Mula iyon kay Rumi, ang bestfriend ko.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nang maramdaman ang biglang lamig na bumalot sa akin, doon ko lang napansin na wala ako sa kuwarto ko.
Hindi ito ang simpleng kuwarto ko. Napakagarbo nito, hindi lang ang style ang vintage, pati ang vibes. Napatingin ako sa taas at nakita ang napakalaking chandelier. Nang matapat ang mata ko sa kama, laking gulat ko nang may makita akong lalaking nakahiga at hubo’t hubad.
Muntik na akong mapasigaw. Mabuti nalang at napigilan ko, pero doon rin ko napagtanto na kahit ako ay walang saplot at nangingirot ang gitnang parte ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nasaksihan ko. Dali-dali kong kinuha ang damit ko sa sahig, nagpayuko yuko pa ako para silipin ang ilalim ng kama. Nilibot ko ang buong silid pero hindi ko makita ang hinahanap ko.
“Nasan na ba ‘yong panty ko? Yung bra ko rin?” inis ko sa sarili habang kinakamot ang ulo.
Nang mapansin kong gumalaw ang lalaki, binalot ako ng kaba. Sinuot ko na lang ang dress at sapatos ko kahit wala akong panty. Ang importante ay makaalis ako.
Nakayuko akong lumabas sa hotel, hinihila ang laylayan ng dress ko pababa dahil naiilang ako na wala akong panty.
“Shit!” bulong ko sa kawalan. Hindi ko maalala kung paano ako nakarating sa hotel. Sa pagkakatanda ko, nasa bar kami ng mga kaibigan ko para i-celebrate ang pagkaka-hire ko sa kumpanyang inaplayan ko.
“Ano bang nagawa ko?” tanong ko sa isip. Ramdam ko ang inis sa sarili. Kung pwede lang na makipagbunuan ako sa sarili, gagawin ko.
Hindi rin ako makapaniwala na naibigay ko sa hindi kilalang lalaki ang katawan ko. Halos bumaon na rin ang ipin ko sa lower lips ko dahil sa sobrang inis.
Nang makababa ako sa sinakyang tricycle, agad akong nagbayad. Inabot ko ang 100 pesos sa driver dahil may kalayuan ang hotel sa bahay namin. Wala na akong choice kundi mag-trike kahit damang-dama ko ang malakas na hangin sa katawan ko.
Pagpasok ko sa bahay, diretso ako sa kuwarto. Ibinaba ko ang gamit ko at dali-dali pumasok sa banyo. Mabilis kong niligo kahit iniinda pa rin ang hapdi sa gitnang parte ko. Nang matapos, nagbihis agad ako at nag-ayos.
Hindi ko pa rin mawari na sa first day ko pa lang, late na ako. Ano na lang ang iisipin ng kumpanya? Suot ko ang black and white simpleng dress ko na above the knee. Mas kumportable ako sa ganitong damit kaysa sa jeans, dahil umuumbok ang puwet ko tuwing nakapantalon.
Hindi ko na inaksaya ang oras at agad na bumaba mula sa kuwarto.
“Cara? Ano’t nakita kitang kakauwi mo lang? San ka galing? Naglalandi ka na ba? Aba, baka nakakalimutan mong dapat unahin mo rito sa bahay! Mahiya ka naman sa amin ng kapatid mo!” bungad ni Mama habang naupo sa mesa, may kape sa harap, at kahit may laman ang bibig ay walang tigil sa pagtalak.
Hindi na ako kumibo, nagpakawala na lang ako ng malalim na paghinga at derederetsyo ng lumabas ng pinto. Grabe, ni ayain man lang ako mag-almusal, sermon agad.
Paglabas ko, naglakad muna ako papunta sa sakayan ng tricycle sa kanto. Hindi na ako pwedeng mag-jeep lalo na at alas-otso na at kailangan kong makarating ng mabilis sa kumpanya.
Nang makasakay, agad na nagmaneho ang driver. Mabilis siya pero alam kong safe ako. Pagdating namin sa Saldivar Corp, agad akong bumaba.
“Sa pamasahe palang mamumulubi na ako!” sigaw ko sa sarili.
Bagsak ang balikat ko pero nagawa ko pa ring ngitian si manong guard.
“New employee po kayo?” tanong niya, suot ang magandang ngiti.
“Opo. Di pa naman po siguro ako late?” pabirong sabi ko.
“Kung makikipagkwentuhan ka pa sa akin, aba, malelate ka na talaga,” saad ng guard at tumawa. Nanlaki lang ang mata ko, nag-bye sa kanya at mabilis na naglakad papunta sa elevator. Pinindot ko ang 3rd floor kung saan ang Marketing Team.
Nakangiti ako habang paakyat ang elevator, excited na makita ang mga kaibigan ko at makatrabaho ang mga ito. Nang tumunog ang elevator na nasa 3rd floor na ako, mas lalo pang lumapad ang ngiti ko.
Pagbukas ng pinto ng elevator, tumambad agad ang department. Agad akong naglakad papunta sa glass door ng Marketing Team. Nang buksan ko, napahinto ang mga kausap sa ingay nila ng mapansin ako.
Nagtaka ako at isa-isa kong tiningnan ang mga nakatingin, hanggang sa lapitan ako ni Rumi.
“Bat naman ngayon ka lang? Ikaw, may kasalanan ka sa akin! San ka nagpunta kagabi?!” dagdag pa niya.
Hindi ako nakaimik, medyo nabahala ako kung paano ako titingnan ng mga tao.
“So ano? San ka nagpunta? San ka galing? Ohh, don't tell me may nakilala kang sugar daddy?” saad ni Rumi, umacting pa na nagulat.
Halos ma-istatawa ako dahil totoo naman ang sinabi niya. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at biglaang pamumawis ng batok.
“Gaga, biro lang! Never naman mangyayari iyon! E ang laki ng takot mo sa lalaki. Remember nung highschool tayo? Nag-confess ka lang, binusted mo na, kaya himala na sumama ka sa lalaki,” bawi ni Rumi.
Nakahinga ako ng maluwag at kunwari ay natawa lang.
“Parang sinasabi mo, tatanda na talaga akong dalaga ah?” pag-susungit ko.
Nagtawanan lang kami. Hanggang sa may lumapit na babae sa amin, si Madam Pen, 45 years old, ang Team Leader ng Marketing Team.
“Ikaw ang bagong Marketing Assistant?” tanong niya.
“Ah opo, ako po. Good morning po,” nakangiting sabi ko at nag-bow.
“Okay, welcome to the team!” nakangiti rin siyang sabi at pumalakpak ng tatlong beses.
“Everyone, this is Caramel Roja, our Marketing Assistant. Hope you get along with her, okay? Para naman ganahan siya sa trabaho at hindi makaramdam ng out of place. Got it?” announce niya.
Agad umagree ang team. Ang mga dating nakatingin na parang husgahan ako ay ngayon puro ngiti na.
Nakipagkamay ako sa mga ka-team ko at nag-sabi ng pangalan ng bawat isa. Nakangiting naupo ako sa cubicle ko malapit kay Rumi.
Naging busy agad ako dahil tambak na ang files na kailangan i-type manually. Habang patuloy akong nagta-type, may lumapit at tinapik ang likod ko.
“Caramel, can you deliver this to the Conference Room, deliver to Mr. Saldivar. Be careful he’s our CEO. Wag na wag kang gagawa ng eksena na magpapainit ng dugo niya, got it?” bilin ni Madam Pen.
Dapat ako ang maghahatid sa conference room pero dinalaw ako ng inang kalikasan at hindi ko na kayang pigilan pa. Mabilis akong kumilos at tinanong si Rumi.
“Hmm, saan pala yung Conference Room?” tanong ko.
“Sa 15th Floor…” alinlangang sagot niya.
Ngunit nagulat siya nang biglang naglakad ako ng mabilis palabas. Pagsakay sa elevator, pinindot ko agad ang 15th floor. Hawak ko ang files, pero hindi mawala sa mukha ko ang inis.
Seriously? 15th floor?
Halos magwala ako sa utak ko. Paano kung wala ang elevator? Biglang naalala ko na pinapamadali lang ako ni Mrs. Pen.
Pagdating sa 15th floor, agad akong pumasok sa conference room. Napatingin lahat sa akin at napahinto. Halos matunaw ako sa bawat titig, pero isang tao ang hindi ko inaasahan.
T-teka… siya yung… siya yung...
Hindi, hindi!
Gulong-gulo ang isip ko pero hindi ko pinahalata.
"Siya si Mr. Saldivar? Baron Saldivar?" tanong ko sa isip, pero agad kong ipinilig ang ulo ko at nakangiting lumapit.
“S-Sir... ito na po yung files,” sabi ko at inabot ang folder. Ramdam ko ang titig niya kahit hindi ko ito nakikita.
Lagot ako. Siya nga.
Lord, ano ba tong parusa mo sa akin!
Hindi mapakali ang kalooban ko. Kaba na baka nakilala niya ako.
Naglakad ako papunta sa pinto at nang mahawakan ko ang handle, biglang nagsalita siya.
“We have something important to talk about later at my office.” Walang emosyon, puno ng otoridad.
Napahinto lang ako, humarap at yumuko. “Noted, sir.” Nanginig ang tugon ko at madali akong lumabas.
Hindi ko alam ang kabang bumalot sa akin sa sinabi niya. Napapaisip tuloy ako kung nakilala niya ako, kung namukaan siya at sana, ibang importanteng usapan lang ang sinasabi niya, hindi tungkol sa gabing pinagsaluhan namin.
"Mag-resign na lang kaya ako?"
Nang matapos akong mag-asikaso ng makakain, maglinis, at maligo, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Hindi na ako nakakain dahil ang gusto ko na lang ay humilata at matulog para makapagpahinga na.Pero bigla kong naalala ang files na ibinigay ni Madam Pen sa akin. Kabilin-bilinan pa naman niya na basahin ko iyon para tingnan kung may mga errors sa typings. Kaya naman, agad kong niready ang sarili at ang phone ko.Habang busy ako sa pagbabasa, bigla na lang tumunog ang phone ko, senyales na may nag-message.“Meet me at 10pm, in my office!”From: unknown numberAgad akong nagtaka kung kaninong number iyon. Napatanong pa ako sa sarili ko at nagsimula nang mag-type, pero bigla na lang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, ang nag-text sa akin.“Hello, sino 'to?” tanong ko pagkasagot ko sa tawag.“Your boss,” sagot ng nasa kabilang linya, at nakilala ko ang boses na iyon, boses ng taong ayaw kong makaharap: si Baron.“Tapos na ang oras ng trabaho ko, matutulog na—
Ilang araw na ang lumipas, ilang araw na ring nagpipigil hininga ako sa tuwing makakaharap ko ang boss kong si Baron. Parang laging may mabigat na hanging nakadikit sa opisina niya, at sa tuwing papasok ako roon ay ramdam ko ang pag-igting ng balikat ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan niya o trip lang niya akong asarin. Madalas niya akong ipatawag sa opisina niya at magtanong ng mga wala namang ka kwenta kwentang bagay, mga tanong na kaya namang sagutin ng kahit sinong tao sa department namin.Ngayon, muli ko na namang kaharap ang lalaking kinabubuwisit ko. Tahimik sa loob ng office, tanging mahina at mamahaling hum ng aircon ang maririnig. Nakaupo siya habang nakatitig lang sa akin, tila iniisa isa ang bawat galaw ko na para bang may hinahanap siyang sagot sa mukha ko."I am your first, right?"Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay tinatanong ni Baron ang bagay na iyon. Parang nag-echo pa sa tenga ko ang tanong niya, at sandali akong nati
Mabilis na lumipas ang oras. Marami na akong naiprint mula sa inutos ng team leader namin. Tinutok ko ang sarili ko sa trabaho para hindi isipin ang sinabi sa akin ni Mr. Saldivar kanina. Pero habang tumatakbo ang oras, patuloy rin sa pag-agos ang pawis sa batok ko.“Alam mo, Cara, kanina pa kita napapansin. Ang putla mo… may sakit ka ba?” nag-aalalang sabi ni Rumi sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at nginitian ito. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang sliding glass door ng department namin.Pumasok ang isang lalaki. Naka-formal attire at may dalang iPad.“Anong ginagawa ng secretary ni Mr. Saldivar rito?” tanong ni Rumi, halatang nagtataka. Napatingin ako sa kaibigan ko, ilang beses nagpalunok-lunok, naghihintay sa sasabihin ng lalaki.Lumapit ang team leader namin na si Madam Pen. Maya-maya pa ay umalis na ang secretary ni Mr. Saldivar. Pagharap ni Madam Pen sa amin, diretso ang tingin niya sa akin. Tila kinatatakutan ako ng mga balahibo ko.“Caramel, pasok ka sa offic
Nagmulat ako ng mata nang marinig ang paulit-ulit na pag-ring ng phone ko. Nang tignan ko ito, halos maibato ko na ang cellphone ko dahil sa gulat.30 missed calls? 20 messages?Tiningnan ko kung kani-kanino galing ang mga tawag na iyon, pero iisang pangalan lang ang lumilitaw sa screen. Mula iyon kay Rumi, ang bestfriend ko.Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nang maramdaman ang biglang lamig na bumalot sa akin, doon ko lang napansin na wala ako sa kuwarto ko.Hindi ito ang simpleng kuwarto ko. Napakagarbo nito, hindi lang ang style ang vintage, pati ang vibes. Napatingin ako sa taas at nakita ang napakalaking chandelier. Nang matapat ang mata ko sa kama, laking gulat ko nang may makita akong lalaking nakahiga at hubo’t hubad.Muntik na akong mapasigaw. Mabuti nalang at napigilan ko, pero doon rin ko napagtanto na kahit ako ay walang saplot at nangingirot ang gitnang parte ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nasaksihan ko. Dali-dali kong kinuha ang damit ko sa sahig, nagpayuko







