LOGINPagdating ko sa address na nasa flyer, napahinto ako sa mismong harap ng gusali at napaangat ang ulo ko, kasi wow kung may mukha ang salitang intimidating, ito na siguro iyon. Glass walls, matataas na pinto, guards na mukhang kaya kang i-judge gamit lang ang kilay, at mga empleyadong naglalakad nang parang laging may hinahabol na deadline.
“Okay, Deralie,” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang bag ko. “Executive secretary lang ‘to. Hindi ka papasok sa mafia.”
Huminga ako nang malalim at pumasok.
Pagpasok ko pa lang sa lobby, feeling ko agad na mali ang buhay choices ko dahil lahat ng tao ay mukhang professional, confident, at may direksyon sa buhay samantalang ako, dala lang ang résumé na prinint ko sa isang internet café.
Lumapit ako sa reception desk.
“Hi,” ngumiti ako sa babaeng naka-perfect blazer. “I’m here for the interview for the executive secretary position?”
Tumingin siya sa computer, nag-type sandali, tapos ngumiti rin pero yung ngiting parang may alam siya na hindi ko alam.
“Oh,” sabi niya. “You’re Mrs. Von Vasilyev?”
Napakurap ako. “Ha?”
“Ah—sorry,” mabilis niyang bawi. “I mean… Ms. Sanchez.”
Tumango ako, kahit litong-lito na. “Yes. That’s me.”
“Please proceed to the conference room on the 15th floor,” sabi niya. “The interviewer is already waiting.”
Nagpasalamat ako at mabilis na naglakad palayo, pero habang naglalakad ako papunta sa elevator, narinig ko siyang bumubulong sa katabi niya ng, “Ay, siya pala ‘yon.”
Siya alin?
Anong ‘yon?
Paglabas ko ng elevator, mas lalo akong naligaw.
Hallway sa kaliwa, hallway sa kanan, lahat mukhang pare-pareho. So ginawa ko ang pinaka-professional na bagay na alam ko, huminto ako sa unang empleyadong nadaanan ko.
“Excuse me,” sabi ko sa lalaking may hawak na tablet. “Do you know where the interviewer is?”
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, tapos biglang nag-straighten ang postura niya.
“Oh—uh—ma’am,” sabi niya agad. “Sa conference room po.”
“Which one?” tanong ko.
“All of them,” sagot niya nang seryoso.
Napakunot ang noo ko. “All of them?”
“Opo,” tango niya. “I mean—uh—any conference room is fine. I’ll escort you.”
Wow. Ang efficient nila, isip ko, kahit medyo weird na.
Pagpasok namin sa conference room, may isang HR staff na agad tumayo at ngumiti sa akin na parang matagal na niya akong kilala.
“Good morning, Mrs—” bigla siyang huminto, tumingin sa papel, tapos ngumiti ulit. “Ms. Sanchez. Please have a seat.”
Umupo ako, pilit pinapakalma ang sarili ko habang pinapawisan ang mga palad ko.
“So,” sabi ng HR interviewer, “why do you think you’re fit for the executive secretary role?”
Napaisip ako sandali.
“Well,” sabi ko, “I’m organized… sometimes. I can multitask kapag kailangan, pero kapag sabay-sabay, medyo nagpa-panic ako pero productive panic naman.”
Tumango siya. “Very good.”
"Ha?."
“And how do you handle pressure?”
“Honestly?” sagot ko. “I cry internally but act normal externally.”
“Excellent,” sabi niya habang nagsusulat.
"Wait—what?"
“And lastly,” sabi niya, “are you aware of who you’ll be working for?”
“Uh… the CEO?” sagot ko, alanganin.
She smiled wider. “Perfect.”
Tumayo siya agad. “Congratulations. You’re hired.”
Nanlaki ang mata ko. “H-Ha? Hindi pa po tapos ang interview?”
“It’s finished,” sagot niya nang masyadong mabilis. “Welcome to the company.”
Habang inaabot niya ang contract sa akin, hindi ko napansin ang tinginan nila ng isa pang staff sa likod yung klase ng tinginan na parang may inside joke.
At wala rin akong ideya na sa kabilang opisina, may isang lalaki ang nakangiti habang pinapanood sa CCTV ang buong interview.
“Still adorable,” bulong niya sa sarili niya.
Hindi ko pa alam noon na ang trabahong akala ko ay sagot sa problema ko…
…ay siya palang simula ng mas malaking gulo.
Unang araw ko sa trabaho, gumising ako nang mas maaga kaysa sa alarm ko hindi dahil excited ako, kundi dahil kinakabahan ako na baka ma-late ako at ma-fire agad kahit hindi pa ako officially nagkakamali, so nagbihis ako na parang may job interview ulit kahit sinabi sa email na “smart casual” lang, which for me meant huwag kang magmukhang lost tourist.
Pagpasok ko sa office, agad akong sinalubong ng buong staff na parang reunion ng long-lost friend na hindi ko naman kilala.
“Good morning, Ms. Sanchez!”
“Welcome!”
“First day mo? Don’t worry, mababait kami… mostly.”
Napangiti ako, medyo nalito pero relieved, kasi after everything being fired, bad decisions, bad nights, worse headaches finally, may lugar na parang okay naman ang mundo.
May isang girl na sobrang cheerful ang nag-tour guide mode agad.
“This is the pantry, free coffee pero wag mong uubusin lahat or magagalit ang accounting,” sabi niya habang naglalakad kami.
“Noted,” sagot ko. “Traumatized na ako sa galit na tao.”
Tawanan sila, at feeling ko for the first time in a while, baka swerte nga ako.
Hanggang sa bigla niyang sinabi—
“Ah, by the way, the CEO will be coming later to meet you personally.”
Huminto ako sa paglakad. “Meet me… personally?”
“Oo,” sabi niya casually. “He likes meeting new hires.”
CEO lang naman. Walang dapat ikabahala, sabi ng utak ko, kahit may parte sa dibdib ko na biglang sumikip na parang may masamang foreshadowing.
Lumipas ang ilang minuto, tapos biglang nagbago ang atmosphere ng buong office.
Tahimik.
Straight posture.
May nag-ayos ng buhok.
May nagbukas ng laptop kahit wala namang ginagawa.
“He’s here,” bulong ng isa.
At doon siya pumasok.
Isang lalaking naka-suit, matangkad, confident, at may presensya na parang kaya niyang bilhin ang buong building kasama ang lupa, parking, at siguro pati kaluluwa ng mga tao sa loob.
Tumingin siya sa akin.
At doon ko naramdaman ang kaluluwa ko na literal na umalis sa katawan ko.
Siya.
Ang lalaking iniwan ko.
Ang lalaking ginising ko tapos iniwan nang walang paalam.
Ang lalaking huling nakita ko… sa maling sitwasyon ng buhay ko.
“Good morning,” sabi niya, malamig ang boses, pero ang mga mata niya—galit, irita, at may halong oh so familiar na smirk.
Hindi ako gumalaw.
Hindi ako huminga.
Hanggang sa napilitan akong magsalita.
“…CEO ka pala.”
Umangat ang kilay niya. “Disappointed?”
Ngumiti ako, pilosopo mode activated. “Hindi naman. Shocked lang. Akala ko kasi mas matanda ka.”
May collective inhale ang buong staff.
Ngumiti siya—pero yung ngiting hindi good sign.
“So,” sabi niya, lumapit nang kaunti, “you leave without a word after what happened between us, and now you work for me.”
Tumango ako. “Technically, you hired me.”
“Still,” sagot niya, “you ran away.”
Ngumiti ulit ako, mas malapad. “Correction. I walked away quietly. Running is very unprofessional.”
Tahimik ang office. May isang empleyadong halos malaglag ang ballpen.
Tumitig siya sa akin nang matagal, tapos ngumiti ulit mas mapanganib ngayon.
“This will be interesting,” sabi niya.
Tumango ako. “Sabi nga nila, sir, never mix work and… bad life decisions.”
Nag-smirk siya, halatang pigil ang inis. “You haven’t changed.”
“Sadly,” sagot ko, “I upgraded. May ID na ako ngayon.”
May gustong tumawa. May gustong umiyak. May gustong mag-resign. At habang bumabalik siya sa opisina niya, ramdam ko na—
Ang unang araw ko sa trabaho?
Hindi na ‘to tungkol sa pagiging executive secretary.
Ito na ‘yung simula ng giyera.
Dalawang taon ang lumipas nang hindi ko halos namalayan kung paano kami napunta mula sa magulong simula hanggang sa tila maayos na pagsasama, dahil sa loob ng dalawang taon na iyon ay unti-unti naming inayos ang lahat ang tiwala, ang komunikasyon, at pati na rin ang sarili naming mga ugali hanggang sa dumating sa punto na naging normal na lang sa amin ang pagiging mag-asawa na may halong asaran, lambingan, at paminsan-minsang away na kadalasan ay nauuwi rin sa bati.Pero gaya ng lahat ng bagay…hindi pala laging masaya.Lalo na kapag unti-unting may nagbabago.Sa simula ay hindi ko agad napansin, dahil sanay naman na ako na busy si Alexander sa trabaho niya bilang CEO, at kahit noong bago pa lang kami ay ganon na talaga siya laging may meeting, laging may calls, laging may responsibilities, kaya hindi na bago sa akin ang makita siyang hawak ang phone niya kahit gabi na o kaya ay biglang aalis dahil may emergency sa kumpanya.Pero ngayon...iba na.Mas madalas na.Isang gabi, habang magk
Dalawang taon ang lumipas nang hindi ko halos namalayan kung paano kami napunta mula sa magulong simula hanggang sa tila maayos na pagsasama, dahil sa loob ng dalawang taon na iyon ay unti-unti naming inayos ang lahat ang tiwala, ang komunikasyon, at pati na rin ang sarili naming mga ugali hanggang sa dumating sa punto na naging normal na lang sa amin ang pagiging mag-asawa na may halong asaran, lambingan, at paminsan-minsang away na kadalasan ay nauuwi rin sa bati.Pero gaya ng lahat ng bagay…hindi pala laging masaya.Lalo na kapag unti-unting may nagbabago.Sa simula ay hindi ko agad napansin, dahil sanay naman na ako na busy si Alexander sa trabaho niya bilang CEO, at kahit noong bago pa lang kami ay ganon na talaga siya laging may meeting, laging may calls, laging may responsibilities, kaya hindi na bago sa akin ang makita siyang hawak ang phone niya kahit gabi na o kaya ay biglang aalis dahil may emergency sa kumpanya.Pero ngayon...iba na.Mas madalas na.Isang gabi, habang magk
Sa mga sumunod na araw ay napansin ko na hindi na lang basta effort ang ginagawa ni Alexander kundi parang sineryoso niya talaga ang pagiging asawa ko, dahil sa bawat galaw niya ay may kasamang pag-iingat, na para bang takot siyang magkamali ulit at tuluyan ko siyang itulak palayo sa buhay ko, at kahit pilit kong pinapanatili ang distansya sa pagitan naming dalawa ay unti-unti ko ring napapansin na hindi na kasing tigas ng dati ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang tahimik na nag-aantay ng kahit kaunting pansin mula sa akin.Isang hapon habang nasa sala kami ay bigla akong natawa sa pinapanood namin ni Mama sa TV, at hindi ko namalayan na napalingon pala si Alexander sa akin, titig na titig na parang matagal na niyang hinihintay marinig ulit ang tawa ko, at nang magtama ang mga mata namin ay agad akong umiwas ng tingin pero hindi ko na napigilan ang maliit na ngiti na sumilip sa labi ko.“Do that again,” sabi niya nang mahina pero malinaw ang boses.Napakunot ang noo ko. “Ano?”“Sm
Hindi ko inaasahan na babalik agad si Alexander sa Pilipinas, lalo na’t malinaw na sinabi niya na may importante siyang business meeting sa Russia na hindi puwedeng ipagpaliban, pero mukhang may mga bagay talaga na kahit gaano kaimportante ay kayang talikuran kapag may mas mahalaga at sa pagkakataong iyon, ako iyon, kahit huli na.Dumating siya sa bahay namin isang hapon na parang walang pahinga ang itsura, suot pa rin ang coat niya na halatang galing pa sa biyahe, at habang hawak niya ang maliit na luggage ay diretso siyang pumasok sa gate na parang wala nang pakialam kung paano siya titingnan ng ibang tao.Ako naman ay nasa sala, tahimik na umiinom ng tubig habang si Mama ay nasa kusina at si Lora ay nakaupo sa tabi ko na parang bodyguard na handang manapak anumang oras.“Dera,” tawag niya agad pagkapasok pa lang niya ng bahay.Hindi ako tumingin.Parang wala akong narinig.Pero si Lora?Ay, ibang usapan na iyon.Bigla siyang tumayo at hinarang si Alexander na parang siya ang offici
Paglapag ko sa Pilipinas ay hindi ko na halos maalala kung paano ako nakauwi mula airport papunta sa bahay dahil pakiramdam ko ay naka-auto pilot lang ang katawan ko habang ang isip ko ay paulit-ulit na bumabalik sa eksenang iniwan ko sa Russia si Alexander na hindi man lang ako sinundan, si Anna na nakatayo sa tabi niya na parang walang mali, at ang sarili ko na tahimik na lang umalis na parang ako pa ang walang karapatan magalit.Pagdating ko sa bahay ay agad na bumukas ang pinto bago pa man ako kumatok.“Dera?” gulat na sabi ni Mama habang nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala. “Anak? Ba’t ka nandito? Akala ko nasa Russia ka pa?”Ngumiti ako nang pilit habang hinahawakan ang handle ng maleta ko.“Umuwi na po ako,” sagot ko nang mahina.Napakunot ang noo niya. “Mag-isa?”Hindi ako agad sumagot, at doon na siya lalong nag-alala.“Nasaan si Alexander?”“May work po siya,” sagot ko nang mabilis, “Important meeting.”Parang hindi siya kumbinsido pero hindi na siya nagtanong pa
Kinabukasan ay nagising ako sa malamig na umaga ng Russia na tahimik ang buong bahay ng mga grandparents ni Alexander, at habang nakahiga pa ako sa kama ay malinaw pa rin sa isip ko ang nangyari kagabi kung paano ako tumayo sa harap ni Anna at sinabi ko na respetuhin niya ako bilang asawa, at kung paano ko buong gabi na halos hindi pinansin si Alexander kahit na ilang beses siyang lumapit sa akin na parang may gustong ipaliwanag.Pero kahit ganoon…hindi pa rin nawawala ang inis ko.Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Alexander sa sala na parang kanina pa naghihintay dahil agad siyang tumayo nang makita niya ako.“Dera,” tawag niya agad.Hindi ako tumingin sa kanya at dumiretso lang ako sa kusina para kumuha ng tubig.“Dera please,” sabi niya habang sumusunod sa likod ko. “Don’t ignore me.”Tahimik lang ako habang nagbubukas ng cabinet na parang wala akong naririnig.“Dera.”Mas malapit na siya ngayon.“I said I’m sorry if you felt uncomfortable yesterday.”Doon ako bahagyang tumigi







