Share

CHAPTER THREE

last update publish date: 2026-02-06 19:58:59

Nagising ako sa isang masakit na pintig sa ulo ko.

Parang may kumakatok sa sentido ko nang paulit-ulit, bawat segundo ay paalala na kagabi ay hindi ako umuwi nang maaga, hindi ako nag-isip, at lalong hindi ako nag-ingat sa mga desisyong ginawa ko. Mabigat ang katawan ko, parang pinaglaruan ng pagod at alak, at kahit nakahiga lang ako, ramdam kong may mali.

Damn, my body hurt parang sinasagasaan ako ng limang truck. Ang puday ko, sobrang hapdi.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Hindi ito ang kwarto ko.

Hindi ito ang kisame na kabisado ko.

Hindi ito ang amoy ng apartment ko.

May pumasok na liwanag mula sa kurtina, may katahimikan na parang too calm after chaos, at may presensya sa tabi ko na agad nagpahinto sa paghinga ko.

Unti-unti akong lumingon.

At doon ko siya nakita.

Isang lalaking hindi ko kilala, mahimbing ang tulog, parang wala siyang pakialam sa mundo, parang ang gabi ay isang normal na pangyayari lang sa kanya. Nakahiga siya sa tabi ko, malapit, masyadong malapit at doon ko tuluyang naramdaman ang bigat ng katotohanan.

Shit.

Sumikip ang dibdib ko habang dahan-dahang bumalik ang mga alaala ng kagabi, hindi buo, hindi malinaw, pero sapat para maintindihan ko ang nangyari.

Ang bar.

Ang malakas na tugtog.

Ang ilaw na paikot-ikot.

Ang pagtawa ko—yung tawang hindi ko naririnig sa sarili ko nitong mga nakaraang buwan.

Naalala ko ang pagsayaw.

Ang pag punta ko ng banyo na hindi pala.

Ang paglapit niya.

Ang mga salitang pabiro pero may laman.

Ang init ng gabi na parang nagtulak sa akin na kalimutan ang lahat, ang pagtataksil, ang galit, ang bigat ng expectations ng ibang tao.

Napapikit ako.

Mas sumakit ang ulo ko nang gumalaw ako nang kaunti, at doon ko napansin, may kirot, may pagod, may pakiramdam na hindi ko na kailangang pangalanan para maintindihan kung ano ang nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung pagsisisi ba ang nararamdaman ko o simpleng gulat lang sa sarili ko.

Dahan-dahan akong umupo, pilit hindi gumagawa ng ingay, parang kapag nagkamali ako ng galaw ay bigla siyang magigising at mapipilitan akong humarap sa isang usapan na hindi ko kayang gawin ngayon.

Tumingin ako sa paligid.

Ang damit ko, nakakalat sa sahig, parang tahimik na saksi sa isang gabing gusto kong kalimutan. Isa-isa ko itong pinulot, hawak-hawak nang mariin, parang kapag binitawan ko ay babalik lahat ng emosyon na pilit kong tinatago.

Sumulyap ako ulit sa kanya.

Tulog pa rin.

At gusto kong manatili siyang gano’n, walang pangalan, walang mukha sa alaala ko, walang papel sa buhay ko matapos ang umagang ito.

Mabilis pero maingat akong nagbihis, hindi inaayos ang sarili ko, hindi nag-aalala kung maayos ba ang buhok ko o may bahid pa ng makeup ang mukha ko. Ang mahalaga lang ay makaalis ako bago pa ako matanong ng mga bagay na wala akong sagot.

Hinawakan ko ang doorknob.

Huminga ako nang malalim.

Walang lingon-lingon, tahimik akong lumabas ng kwarto, dala ang sakit ng ulo, ang pagod ng katawan, at ang bigat ng isang gabing hindi ko alam kung dapat kong pagsisihan o pasalamatan.

Isa lang ang sigurado ako.....

Ang nangyari kagabi ay hanggang doon lang.

At hindi na dapat maulit.

“DERALIE SANCHEZ.”

That was the first thing I heard the moment I answered my phone, and based on the tone alone, alam kong hindi ito simpleng good morning call.

“Good morning din sa’yo, best friend,” tamad kong sagot habang nakahiga pa rin ako sa kama, may kumot sa ulo at may headache na parang may nag-drums sa loob ng bungo ko.

“DON’T ‘GOOD MORNING’ ME,” sigaw ni Lora sa kabilang linya. “Do you have ANY idea how worried I was last night?”

Napabuntong-hininga ako. “Lora, buhay pa ako—”

“ALAM KO,” putol niya agad. “Dahil may lalaki na nagsabi sa akin na umuwi ka na raw.”

Napamulat ako. “Ha?” Ah na alala kuna, baka ang lalaking kasama kong kainuman kagabi.

“Oo,” iritang-irita niyang sagot. “I was literally walking around the bar like a lost mother looking for her irresponsible daughter, tapos may lalaking lumapit sa akin, all calm and confident, tapos sabi niya—She already went home.”

Tumikhim ako. “Ah…”

“AH?” ulit niya, mas mataas ang boses. “DERA, YOU DON’T JUST ‘AH’ ME. Alam mo bang muntik na kitang ipa-missing person report?”

Umupo na ako, hinimas ang sentido ko. “Okay… calm down.”

“NO. YOU CALM DOWN. NASAN KA KAGABI?”

"Sa bar beh, Ikaw panga nag aya pero ang tagal mo." 

"Edi sorry ha kasalanan kona. Pero san kaba nang galing kagabi?."

Naging tahimik ako ng dalawang segundo.

Tatlo.

“Aksidente,” mahina kong sabi.

“Ano’ng aksidente?” suspicious na tanong niya.

“Aksidenteng…” huminga ako nang malalim, “nakitulog ako at may nangyari sa aming dalawa.”

May katahimikan sa linya.

Then—

“NAKANINO.”

“Sa… guy.”

“ANONG GUY.”

“Guy-guy,” mabilis kong sagot. “Yung… stranger.”

Sumabog ang sigaw ni Lora. “DERALIE?!”

“Relax!” agad kong depensa. “Hindi ko naman plinano!”

“So anong nangyari?” halos pabulong na pero ramdam ko ang gigil. “Nagpaalam ka sa akin na sasayaw ka, tapos bigla kang nawala, tapos may lalaking nagsabi sa akin na umuwi ka na, tapos ngayon sasabihin mo—oops, may stranger na bumengbang sayo?”

Napahiga ulit ako. “Look… lasing ako.”

“AH, YES,” sarkastiko niyang sagot. “THE UNIVERSAL EXCUSE.”

“Lora, kakabreak ko lang ng engagement,” depensa ko. “I was celebrating my freedom.”

“Celebrating?” singhal niya. “Girl, you didn’t celebrate. You UPGRADED.”

“Hindi ko nga alam pangalan niya,” reklamo ko. “Nagising na lang ako, masakit ulo ko, mas masakit katawan ko, tapos boom—may lalaki sa tabi ko.”

“OH MY GOD,” tawa niya, pero halatang gulat pa rin. “Please tell me umalis ka bago siya magising.”

“Obviously,” sagot ko agad. “Hindi ako gumawa ng walk of shame. Silent exit iyon. Very classy.”

“Classy?” natawa siya. “Girl, you slept with a stranger.”

“Aksidente nga!” giit ko. “Hindi ko rin inakala na gano’n ang ending ng bar celebration.”

Tumawa siya nang malakas. “So ano, regret?”

Napaisip ako sandali. “Hindi regret… more like confusion with headache.”

“Wow,” biro niya. “Character development.”

Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit. “Okay. Lesson learned?”

“Oo,” sagot ko agad. “Next time, ikaw ang uuwi kasama ko.”

“GOOD,” sagot niya. “Dahil kung hindi, next time ako na ang sasama sa’yo sa kama para siguradong safe.”

“Lora!” sigaw ko. “Kadiri!”

“JOKE LANG,” tawa niya. “Pero seriously, Dera… you okay?”

Tahimik ako saglit.

“Yeah,” sagot ko, mas kalmado. “I think… okay na ako.”

“Good,” sabi niya. “Now get some water, take a shower, and don’t overthink the stranger.”

Napangiti ako. “Don’t worry. Wala na siya sa buhay ko.”

Hindi ko alam—

Pero parang may pakiramdam akong mali ang huling sinabi ko.

Pagkatapos ng tawag ko kay Lora, pilit kong tinapos ang araw na parang normal lang ang lahat, kahit ang totoo ay parang may multo ng kahapon na nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Masakit pa rin ang ulo ko, masakit pa rin ang katawan ko, pero kailangan kong pumasok sa trabaho dahil bills don’t care about emotional breakdowns.

Pagdating ko sa café, hindi pa man ako nakakasuot ng apron ay tinawag na agad ako ng manager ko.

“Deralie, come to my office,” malamig niyang sabi.

Ay, wow. Bad vibes agad.

Sumunod ako, hawak ang sarili kong kaba, at pag-upo ko pa lang ay alam ko na. Yung tono niya, yung iwas-tingin niya, yung papel sa mesa—classic you’re fired starter pack.

“I’ll be straightforward,” sabi niya, parang nasa movie. “We’re letting you go.”

Napakurap ako. “Ha?”

“Customer complaints. Late arrivals. And honestly, you don’t seem… focused lately.”

Gusto kong sabihin, sorry ha, nahuli lang naman akong nagising sa tabi ng stranger, pero siyempre hindi ko sinabi dahil gusto ko pa ring maging disenteng tao kahit konti.

“So… that’s it?” tanong ko, kalmado kahit gusto ko nang umiyak.

He nodded. “Effective today.”

Tumango lang ako, tumayo, at kinuha ang bag ko. Walang dramatic exit, walang sigawan—just me, silently adding another inconvenience to my already chaotic life.

Paglabas ko ng café, doon na ako napabuntong-hininga nang malalim.

“Of course,” bulong ko sa sarili ko. “When it rains, it pours.”

Habang naglalakad ako sa sidewalk, iniisip kung paano ko sasabihin kay Lora na unemployed na naman ako, biglang may lumipad na papel papunta mismo sa mukha ko.

Literal.

“HEY—” napasigaw ako habang muntik ko nang kainin ang flyer.

Inis na inis, kinuha ko ito, handa nang itapon—pero napahinto ako.

EXECUTIVE SECRETARY WANTED.

High salary. Immediate hiring.

Nanlaki ang mata ko.

“Wait… what?”

Binasa ko ulit. At ulit. At ulit pa, baka kasi hallucination lang ito dahil sa stress.

Executive secretary.

Office job.

Decent pay.

Bigla akong napangiti na parang nanalo sa raffle.

“Oh my God,” sabi ko, halos tumatalon. “Thank you, universe. Sorry sa mga masasamang salita kanina.”

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Lora.

“HELLO?” sagot niya. “Ano na namang kaguluhan ‘to?”

“LORA,” hingal kong sabi. “I JUST GOT FIRED.”

“WHAT—”

“BUT WAIT,” putol ko agad. “I JUST FOUND A JOB.”

Tahimik siya.

“Der… are you okay?” maingat niyang tanong. “May concussion ka ba?”

“HINDI,” tawa ko. “Listen—executive secretary job offer. Like, legit. Nakita ko lang sa daan. Lumipad sa mukha ko. Destiny literally slapped me.”

“Wow,” natatawang sagot niya. “From cheated fiancée to unemployed to potential executive secretary in less than twenty-four hours. Ang swerte mo talaga.”

“I KNOW,” masaya kong sabi. “Ang swerte ko today!”

“Oo,” sabi niya. “Sana all sinusuntok ng universe with job opportunities.”

Napangiti ako habang tinititigan ulit ang flyer, may kakaibang excitement sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko—

ito na naman yung simula ng isang bagay na hindi ko inaasahan.

At honestly?

Wala akong ideya kung gaano kalaki ang gulong papasukin ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   CHAPTER 124

    Makapal pa rin ang puting usok na bumabalot sa buong archive nang pilit na binuksan ni Alex ang kanyang mga mata. Halos wala siyang makita sa paligid at bawat paghinga niya ay mabigat dahil sa usok na pumasok sa kanyang baga. Naririnig niya ang sunod-sunod na pag-ubo nina Lora at Ji Lian, habang si Jian naman ay patuloy na sumisigaw ng pangalan ni Dera. Nang unti-unti nang humupa ang usok ay mabilis na inilibot ni Alex ang kanyang paningin sa buong silid, umaasang makikita lamang niyang nakatayo si Dera sa isang sulok. Ngunit habang lumilipas ang bawat segundo ay mas lalo lamang siyang kinakabahan dahil wala na ito roon. Ang tanging naiwan sa sahig ay ang flashlight na hawak ni Dera ilang minuto lamang ang nakalipas."Dera!" malakas na sigaw ni Alex habang mabilis na tumakbo sa iba't ibang bahagi ng archive. Isa-isa niyang sinilip ang mga mesa, cabinet, at maging ang makitid na lagusan sa likuran, ngunit wala siyang nakitang kahit anong bakas nito. Hindi siya mapakali. Sa buong buhay

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   CHAPTER 123

    Walang sinuman ang nagsalita matapos lumitaw ang mukha ni Lucien Orpheus sa monitor. Ang dating malamig na hangin sa ilalim ng lihim na silid ay tila lalo pang bumigat habang nakatitig silang lahat sa lalaking nasa live camera feed. Kung si Adrian ay mukhang isang taong puno ng karanasan at talino, si Lucien naman ay kabaligtaran. Mas bata ito, mas kalmado, at may mga matang walang anumang emosyon. Hindi ito ngumingiti nang malawak, ngunit sapat na ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kanyang labi upang maramdaman nilang isa itong taong kayang gumawa ng kahit ano nang hindi kinakain ng konsensya. "Akala ko... patay na siya." Halos pabulong na sabi ni Jian habang hindi inaalis ang tingin sa screen. Napansin ni Alex ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay, bagay na ngayon lamang niya nakita mula nang makilala ito. Hindi madaling matakot si Jian, kaya kung ganito ang reaksyon niya, malinaw na mas mapanganib si Lucien kaysa sa inaakala nilang lahat. Napalingon si Dera kay Jian.

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   CHAPTER 122

    Ang mahinang ugong ng lumang computer ang tanging maririnig sa loob ng lihim na silid habang nakatitig ang lahat sa monitor. Walang nagsasalita dahil kahit hindi pa nagsisimula ang video ay ramdam na nila ang bigat ng kung ano mang katotohanang nakatago rito. Ang mga ilaw mula sa screen ay tumatama sa kanilang mga mukha habang dahan-dahang lumalabas ang lumang recording na mahigit dalawampung taon nang hindi nakikita ng sinuman. Nakahawak si Alex sa kamay ni Dera habang nakatayo sila sa harap ng monitor. Ramdam niya ang panginginig ng mga daliri nito at alam niyang hindi lamang ito dahil sa takot. Ito ay dahil sa pakiramdam na unti-unti nang bumabalik ang mga nawawalang bahagi ng kanyang buhay, mga bahagi na matagal na ipinagkait sa kanya. Sa kabilang banda naman ay tahimik na nakatayo si Jian. Hindi niya inaalis ang tingin sa screen, ngunit mababanaag sa kanyang mukha ang pag-aalala dahil mukhang alam na niya kung ano ang laman ng video. Pagkaraan ng ilang segundo ay tuluyan nang

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   CHAPTER 121

    Sa sandaling makita ni Dera ang lumang larawan na nakapaskil sa gitna ng lihim na silid, tila nawalan siya ng kakayahang huminga. Hindi niya agad narinig ang mga bulungan nina Alex, Ji Lian, at Lora dahil ang buong atensyon niya ay nakatuon lamang sa batang babaeng nakangiti sa litrato. Kahit kupas na ang kulay ng larawan at may mga bahagi na itong nasira dahil sa paglipas ng panahon, walang duda sa kanyang isip na siya ang batang iyon. Parehong mata. Parehong hugis ng mukha. Parehong ngiti na matagal na niyang hindi nakikita sa sarili niya. Pakiramdam niya ay parang may kung anong humigpit sa kanyang dibdib habang unti-unting bumabalik ang mga piraso ng alaala na matagal nang nakabaon sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang isip.Habang nakatitig siya sa larawan ay nagsimulang lumitaw ang mga eksenang matagal na niyang nakalimutan. Naalala niya ang isang malaking hardin na puno ng puting bulaklak, ang tunog ng kanyang sariling tawanan habang tumatakbo sa ilalim ng araw, at ang isang ma

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   CHAPTER 120

    Nang sabihin ni Dera na hindi estranghero ang matandang babaeng nakita niya sa araw ng libing ni Jian, tila muling bumigat ang hangin sa paligid nila. Nakaharap sila sa lumang simbahan, ngunit sa sandaling iyon ay wala ni isa sa kanila ang nagmamadaling pumasok. Ang bawat isa ay nakatingin lamang kay Dera habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.Hindi dahil gusto nilang pilitin siya.Kundi dahil nakita nila ang takot sa kanyang mukha.Hindi ito ordinaryong pagkalito.Hindi rin ito simpleng alaala na biglang bumalik.Para itong isang katotohanang matagal nang nakabaon sa kanyang isip at ngayon lamang muling lumilitaw.Napahawak si Dera sa kanyang sentido habang pilit niyang inaalala ang lahat. Pakiramdam niya ay parang may mga piraso ng larawan na unti-unting nagdurugtong sa loob ng kanyang isip. Ang mga bagay na dati ay walang kahulugan ay nagsisimula nang magkaroon ng koneksyon."Naalala ko siya."Mahina niyang sabi."Pero hindi ko siya kilala bilang matandang babae."Napakuno

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   CHAPTER 119

    Habang mabilis na naghahanda ang grupo nina Alex upang bumiyahe patungo sa lumang simbahan, wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na may mga pangyayaring nagaganap na roon sa mismong lugar na matagal nilang hinahanap. Ang simbahang minsang naging tahimik na bahagi ng kanilang nakaraan ay muli na namang naging sentro ng isang lihim na matagal nang nakabaon sa ilalim ng panahon.Ang dating banal at payapang lugar ay tila nilamon na ng katahimikan at pag-iisa. Ang mga lumang upuan ay natatakpan na ng makapal na alikabok, ang ilang bahagi ng kisame ay may mga bitak na dulot ng mga bagyo at taon ng kapabayaan, at ang mga makukulay na salamin sa bintana ay matagal nang nawalan ng dating kinang.Sa loob ng abandonadong simbahan ay nakatayo ang lalaking unang nakahanap sa kahon. Mahigpit niya itong hawak habang dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng lumang confession room. Makikita sa kanyang mukha ang kasiyahang matagal niyang hinintay, dahil sa wakas ay nasa kanyang mga kamay na ang bagay

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   Chapter TEN

    Hindi ko alam kung anong mas nakakabigla, yung salitang punishment o yung paraan ng pagtitig niya sa akin na parang ilang araw na siyang may gustong sabihin pero pinipigilan lang dahil sa pride, position, at kung anu-ano pang dahilan na siya lang ang may alam.Nasa loob kami ng office niya. Tahimik

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   Chapter NINE

    Kahit alam naman nilang wala na ang engagement ko, parang hindi pa rin tapos ang mission ng pamilya ko na ipakasal ako sa kahit sinong may maayos na apelyido at bank account, dahil sa tuwing uuwi ako o tatawag si Mama, iisa lang ang topic, asawa at apo na parang yun na lang ang ultimate life achiev

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   Chapter EIGHT

    “Uy, may nawawala,” biglang sabi ni Lora habang nakatitig pa rin sa kisame.“Ano na naman?” tanong ko, hinihila ang kumot papunta sa baba ko kahit hindi naman malamig, defensive habit lang kapag inaasahan ko nang may sasabihin siyang kalokohan.“Yung part na tinatawag kang baby habang galit, ang ho

  • I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)   Chapter SIX

    Katatapos ko lang mag-print ng kung anu-anong documents na feeling ko ay kayang gawin ng printer kahit wala ako, pero dahil secretary ako ng CEO, kailangan kong magmukhang very busy kahit ang totoo, half of my brain ay nag-iisip kung bakit parang allergic si Alexander sa sweet coffee.Bitbit ko ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status