LOGINCRISTIANNA’S POV
Malaya na ako! Sa wakas ay malaya na ako! Sa halos isang linggo kong pagkakakulong, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang pamilya ko. Noong gabing naaresto ako ay pinayagan nila akong tumawag kina mama. Doon ko ikinuwento ang nangyari at kung paano ang pagsaklolo sa akin ni Attorney Rocky. At ngayong nanalo na ako sa kaso, ang iniisip ko naman ngayon ay kung paano ko siya mababayaran. Wala akong kapera-pera. Hindi ko alam kung ibabalik pa ako ni Ms. Lisa sa kumpanya namin. Ang finance head kasi ay nakulong na rin sa wakas pero tila nasira na noon ang tiwala ng amo ko. Wala rin naman akong lakas loob na kausapin siya… Ayoko. Nakakahiya na. Kaya ayan, nasa labas ako ng Supreme Court habang hinihintay si Attorney Rocky. He insisted on giving me a ride home. Hindi ko alam kung nag-e-expect ba siyang magbabayad ako kaagad pero kung sakali man na ganoon, baka pwede ko na siyang kausapin sa kotse. Ilang sandali lang ay natanaw ko na agad siya palabas. Our eyes instantly met, and I almost melted. I gave him a small, grateful smile. “You ready to go home?” he asked as he opened the door for me. I pursed my lips and went inside. Saka ko lang siya sinagot noong pumasok na rin siya sa loob. “Gusto ko na lang talaga makauwi ngayon, Attorney. Inaalala ko kasi ang pamilya ko,”’ mahinahon kong sagot at sumulyap sa labas ng bintana. I only heard his soft hum, maneuvering the car gracefully. Pinagmasdan ko ang kanang kamay niya na nasa steering wheel habang ang isa naman ay nakasandal sa open window at pinaglalaruan ang labi. Jusko, ano ba ito. Para naman akong predator. Lumingon siya sa akin at agad kong iniwas ang tingin ko. I heard him smirking. “If you have something to tell me, you better do it now,” he said calmly. “Hindi ka naman siguro takot sa akin, ‘no?” Mabilis akong umiling pero hindi na ako sumagot at pinanatili na lamang na nakatingin sa labas na para bang napakaganda ng paligid kahit na puro naman itim na usok at polusyon. Another moment of silence ensued. I decided to take a glance at him, but was caught redhanded because he was already looking at me. Ang tanga-tanga mo, Cristianna! Nag-init ang pisngi ko lalo na noong humalakhak siya, ang malalim niyang boses ay naghahatid ng kung anong sensasyon sa katawan ko na hindi ko mapangalanan. “Obvious naman na may gusto kang sabihin sa akin,” he commented. “Say it.” Pinaglaruan ko ang mga daliri kong nasa hita ko. Natatakot ako na baka husgahan niya ako kapag sinabi kong wala akong pambayad sa kanya. Baka ihinto niya na lang bigla itong kotse at sipain ako palabas. “Ano kasi…” I drawled, almost choking on my words. “W-wala… wala akong pambayad sa ‘yo ngayon…” Then silence. Isang mahaba at hindi komportableng katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Unlike my eyes filled with guilt and embarrassment, his were filled with compassion and content. “I don’t mind, Ms. Cristianna. I understand your situation.” Napalunok ako. “Pero nakakahiya…” “Well, there’s nothing we can do about it, right?” He smiled a bit. “Just repay me when you’re able to. Otherwise, don’t force it. Ang mahalaga ay nakalaya ka na at makakabalik ka na sa pamilya mo.” Napangiti ako. My eyes almost filled with tears. Sobrang bait niya. Pakiramdam ko isa siyang anghel na ibinagsak sa langit. Suddenly, the car stopped. Nasa kanto na kami ng bahay namin. “Well, see you around, I guess?” He slightly chuckled. Tumango ako. “See you around, Attorney. I hope I can repay you as soon as I can.” Umiling siya. “No. Saka mo na ako bayaran kapag may pambayad ka na. Unahin mo muna ang pangangailangan niyo.” “Ang bait mo po,” mahina kong sabi saka humalakhak. Ngumiwi naman siya. “Hindi rin. Depende rin sa nakakausap ko.” Pareho kaming natawa. Bumaba kami sa kotse at muling nagpaalaman. “Thank you so much, Attorney. Hindi kita makakalimutan.” Matamis akong ngumiti. Pinigilan ko lamang ang sarili ko na huwag siyang yakapin dahil ayoko namang mag-overstep sa boundaries namin bilang propesyonal at kliyente. Nayakap ko na nga siya kanina na para bang matagal na kaming magkakilala. A certain emotion crossed his eyes when I said those words. He cleared his throat and just nodded. “Don’t mention it. I’m just doing my job.” Still, I smiled. Tuluyan na akong nagpaalam sa kanya. Bago ako pumasok sa kanto namin, lumingon ako at kumaway. I saw his small smile and waved a little, too. Akala ko ay marami pang buwan ang lilipas bago kami magkita ulit. You know, kapag may trabaho na ulit ako tapos may ipon tapos pwede ko na siyang bayaran. But I was wrong. I was so wrong. Dahil dalawang buwan na ang lumipas simula noong nakalaya ako, hindi na naging ganoon kadali ang buhay namin. Mas lalo pa kaming naghirap. Sa nangyaring pag-broadcast ng balitang iyon two months ago, nawala ang credibility ko para mag-apply sa ibang trabaho. Hindi na rin kasi ako nakabalik sa Laurel Group of Companies. Sa ibang kumpanya naman ay hindi hiring, at kung oo, hindi ako qualified. Lalo kaming lumulubog sa utang sa bawat araw na lumilipas. Hindi na rin kami nakakautang sa tindahan dahil halos mapuno na ang listahan namin. Ang kapatid ko namang si Cristine, isa sa kambal namin, ay hindi magamot-gamot ang ubo dahil wala naman kaming pampa-check-up. “Anak, wala na bang ibang paraan para makahanap ka ng trabaho?” desperadang tanong ni mama isang gabi. Isang gabi na wala na naman kaming kain. “Hindi ko po alam, ma… hirap na hirap na rin po ako…” Niyakap ako ni mama. “Pasensya na kung masyadong mabigat ang bitbitin mo, anak ko. Pasensya na kung hindi na kita gaanong natutulungan.” Umiling ako at niyakap din si mama nang mas mahigpit. “Hindi mo kailangang mag-sorry, mama. Kaya natin ‘to. Kakayanin natin ‘to basta’t magkakasama tayo.” Noong gabing iyon, napagdesisyunan kong maglibot ulit sa Maynila kinabukasan para sa mga job offer. Kahit walk-in ay papatusin ko. O kahit literal na maglakad pa ako sa kakahanap, ayos na sa akin. Maaga akong gumayak para maunahan ko ang iba kung sakali man. Ngunit halos malibot ko na yata ang kasuluk-sulukan ng Maynila pero ang tanging bungad lang sa akin ay: “We’re sorry, Miss. We’re not hiring right now.” O kaya naman: “I apologize, but you’re not qualified for the position. We wish you luck on your future endeavors.” At sa gitna ng mainit na kalsada, bumigay ang katawan ko. Patawid na ako sa pedestrian lane ngunit hindi pa nga nangangalahati ay natumba na agad ako at nilamon ng kadiliman. Tanging isang matinis na tunog na lamang ng busina ang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.CRISTIANNA’S POV As usual, sa isang high-end restaurant na naman kami kumain. Maraming tao sa loob dahil nga lunch break na. May mga bulungan, may mga tawanan, at may ibang mga mahihinang pagrereklamo mula sa mga bata na sumasabay sa tugtog ng restaurant. Dinala lang kami ng receptionist sa pinakasulok kung saan doon ni-request ni Rocky na pumwesto kami. Pagkatapos noon ay inabutan lang kami ng tig-isang menu. “What are you going to get?” he asked while eyeing the menu. Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya. “Kung ano ang kukunin mo, iyon na lang din ang akin.” His brows arched as he turned his attention to me, folding the menu neatly and setting it aside. “You don’t want to pick your own food?” Umiling lamang ako, iniiwasan ang tingin niya. Nahihiya din kasi ako sa kanya dahil sa nangyari sa kotse. Kahit na mukhang wala naman siyang alam, ginagambala pa rin ako ng isipin na tila ba ay desperadang-desperada ako pagdating sa kanya. At isa pa, hindi naman ako familia
CRISTIANNA’S POV I never thought that confession would change everything. Umasa ako na sana ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa pagitan namin ni Rocky—ngunit hindi ko naman inasahan na hindi iyon para sa ikabubuti ng relasyon naming dalawa. Pagsapit ng Lunes kung saan balik na kami sa pagtatrabaho, hindi niya ako pinapansin. Simula noong dumating kami sa opisina niya, ni hindi man lang niya ako dinapuan ng tingin kahit aksidente man lang. Wala. Para lang akong hangin sa tabi niya. Walang silbi. Bibigyan niya lang ako ng atensyon kapag uutusan niya ako pagdating sa trabaho, pero pagkatapos noon ay balik na ulit ako sa pagiging multo ng buhay niya. Masakit. I didn’t know it would hurt this much. Wala namang problema kung tatratuhin ako na parang multo, pero hindi dapat manggagaling sa kanya. Iba kapag galing sa kanya. Mas masakit. Mas may kirot na hindi ko maipaliwanag. At mas lalong hindi ko kayang tanggapin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan siya pa ang
CRISTIANNA’S POV Sa ilang minutong pagkakadikit ng mga labi namin ni Rocky, hindi ko akalain na may init na mabubuhay sa loob ng katawan ko na siyang mag-uudyok sa akin na ipulupot ang aking mga braso sa kanyang batok at mas ilapit pa siya sa akin. Ramdam ko ang pagngisi ni Rocky sa ginawa kong iyon. His hands sensually traveled down to my curves and rested on my waist as he pulled me closer to his body. I felt something poking my chest and I was not dumb to not know what that was. And I know he also knew because he even pulled me closer and rolled his hips against mine, causing me to gasp against the hot kiss. “R-rocky…” I hoarsely called him. Humigpit ang hawak niya sa bewang ko, gigil na gigil. “Hmm?” he hummed, his voice full of restraint as he chased my lips. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Marami akong gustong itanong na matagal ko na rin kinikimkim. Bumalik din sa akin ang memorya ko noong unang beses niya akong hinalikan. At iisa pa rin ang eksplanasyon na gusto
CRISTIANNA’S POV Alas-diyes na ng gabi natapos ang inuman nina Rocky kasama sina Saint and Dad. Kahit na naunang nag-pass out si Dad, pinilit pa rin nina Rocky and Saint na ubusin ang tirang beer pati na rin ang mga pulutan. Sa kabilang banda, kami naman nina Mom and Sloane ay nakatapos na ng tatlong pelikula simula pa kanina. Si baby Evony naman ay napatulog na rin ng mommy niya kanina. Marami na rin kaming napag-usapan habang magkakasama kaming tatlo, halos puro tungkol lamang sa mga asawa namin. Doon ay nalaman ko rin ang bigat ng pinagdaanan nina Sloane and Saint noon dahil sa nanay ng lalake. Napag-alaman ko rin ang kaunting family history ni Sloane na connected din kay Mom lalo na’t kapatid niya ang nanay ng babae. Bukod pa roon, napag-usapan din namin ang tungkol sa pamilya ko lalo na ang sakit ni Mama. Nag-offer pa nga si Mom na ipadala sa magaling na espesyalista para mas maging maayos ang kalusugan niya ngunit tinanggihan ko na lamang at sinabing mino-monitor naman namin
ROCKY’S POV Habang lumalalim ang gabi, marami-rami na rin ang naiinom namin. Si Saint ay medyo tipsy na dahil kanina pa tawa nang tawa, samantalang si Dad ay kanina pa dumidighay dahil sa kakabira ng pulutan. Ilang beses na ring nagpabalik-balik sina Mom and Sloane para maghatid ng pagkain pero hindi ko man lang nakitang lumabas si Cristianna. Sinusubukan kong mag-request ng pagkain sa pag-asang siya ang maghahatid nito pero wala. It's either Mom or Sloane or both. Sa tuwing pumupunta sila ay kinakagat ko ang dila ko para mapigilan ko ang sarili kong huwag magtanong kung nasaan si Cristianna. Ayoko naman kasing isipin nila na malaki ang hindi pagkakaunawaan namin dahil lang sa iniiwasan ako ng asawa ko. “Bro, let me tell you something,” Saint drunkenly said, chuckling. Bored akong bumuntong-hininga saka tumungga sa alak ko. Si Dad ay ngingisi-ngisi na lamang sa amin kahit ja wala namang nakakatuwa. “What is it?” “Someone told me that you liked my wife before.” Naibaba ko ang
CRISTIANNA’S POVOne word. Pucha.Iyan lamang ang tangi kong masasabi sa ngayon. Hindi ako makahinga. Ang puso ko na madalas ay kalmado sa mga normal na okasyon ay hindi magkamayaw gayong nakayakap lang naman si Rocky sa likod ko. Humigpit ang pagkakakapit niya sa baywang ko, ang diin ay may kung anong ipinaparating sa akin.Sinubukan kong tanggalin ang pagkakalingkis niya sa akin ngunit mas lalo niya pang hinigpitan kaya mas nakadikit na ang likod ko sa basa at hubo niyang dibdib nigayon. His body was warm, too warm for me. Sapat na sapat ang init ng katawan niya sa katawan kong nilalamig dahil sa matagal kong pagkababad sa tubig. Kahit nga na nakatapis ako ng tuwalya ay tumatagos sa likod ko ang init niya.“Rocky, bitiwan mo ako…” I gritted my teeth as I tried to remove his grip again.“No, Cristianna. I need you to hear me. Word for word.”“I heard you, okay? Dinig na dinig kita. Please, bitiwan mo na ako,” muli kong pagmamakaawa. Tinangka kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa ak







