Share

CHAPTER 5

Author: peneellaa
last update Last Updated: 2025-09-18 16:59:02

CRISTIANNA’S POV

Nagising ako sa isang malamig na kwarto. Dinig ko pa ang ugong ng aircon pati na rin ang mahihinang bulungan sa paligid.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagsakit ng ulo ko noong tinangka kong dumilat. Puti agad ang sumalubong sa akin.

Jusko, nasa langit na yata ako. Hindi pa pwede, huy. Sana makababa pa ako.

Ngunit habang lumilinaw ang paningin ko, doon ko napagtanto na nasa loob lamang ako ng isang ospital. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang doctor na may kausap na lalake. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko alam kung sino man ito.

Sinubukan kong pumikit ulit para masigurong hindi ako nananaginip. Ngunit nang maramdaman ko ang mainit na palad na nakahipo sa noo ko ay napamulat ako.

At doon ay napatili ako nang makita ko ang lalakeng pinaka-hindi ko inaasahan. Mabilis akong bumangon, dahilan kung bakit nagkauntugan ang noo namin.

“ARAY!”

“FUCK!”

We exclaimed in unison as we touched our foreheads. Nagkatitigan kami, parehong gulat.

“A-ATTORNEY?!” sigaw ko.

Hindi naman siya halatang gulat, mas inis pa nga.

“Bakit bumangon ka bigla? Ang sakit, ah,” asik niya. Nakita kong namumula ang noo niya kaya na-guilty ako.

“S-sorry po. Nagulat lang talaga ako na nakita ko kayo,” ngiwi ko habang iniinda rin ang noo ko.

“Yeah, nagulat din ako na sa dinami-daming tao na muntik kong masagasaan ay ikaw pa,” sarkastiko niya namang turan at sumiring pa.

Bahagya akong napanguso. Grabe, ang sungit niya na ngayon. Badtrip yata.

Pero ano? Muntik niya na akng masagasaan?

“Yeah, you heard it right. Muntik na kitang masagasaan kanina,” agap niya na animo’y nabasa ang nasa isip ko. His eyes raked over my figure. “What are you doing, wandering outside, in the middle of noon? Wala ka man lang proteksyon sa araw.”

Napaiwas ako ng tingin sa hiya. Sinabi ko sa kanya noon na babayaran ko siya sa oras na magkatrabaho ako. Paano ko sasabihin sa kanya na hanggang ngayon ay hindi ko siya mababayaran dahil hindi na ako nakakuha ng trabaho pagkatapos ng nangyari?

Hindi ko kailangan ng konsiderasyon niya. At mas lalong hindi ko kailangan ng awa niya. Kung magagalit siya sa akin, mas maiintindihan ko pa iyon.

“G-gumagala lang,” sagot ko.

Tumaas ang kilay niya. “Don’t you dare lie to me, Ms. Rowanda. Chineck-up ka ng doctor at sinabing nag-pass out ka dahil sa stress at gutom.”

Shit. Lagot na.

Palihim na kumuyom ang kamao ko.

“Kaya nga ako nasa labas… naghahanap ako ng restaurant na kakainan…” palusot ko pa. Hindi ko siya matingnan dahil hindi niya inaalis sa akin ang mga mapanuring mata niya.

Hindi ako komportable sa ilalim ng mga tinging iyon, pero may pakiramdam din sa kaloob-looban ako na ligtas ako at maayos ang lahat hangga’t nakatingin at nakabantay siya sa akin.

Nakita ko ang pagtango niya sa gilid ng paningin ko. Nang akala kong pakakawalan niya na ako ay itinaas niya ang isang papel. Tiningnan ko ito at bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

Ang biodata ko! Nasa kamay niya ang biodata kong lukot-lukot na!

Sinubukan kong agawin iyon sa kanya ngunit mabilis niya itong nailayo.

“Care to explain this, Ms. Rowanda?” he taunted.

My nose flared in irritation. “Bakit mo pinapakialaman ang gamit ko?”

“Hindi ko pinakialaman ang gamit mo. Nakita ko lang ito na nandito sa sahig kanina.”

“Ibigay mo na ‘yan sa akin. Alam mo naman siguro kung bakit may ganyan ako,” pagsuko ko.

“No,” he chuckled lowly. “I want you to say it yourself.”

Napamaang ako. “For what? Hindi ka naman siguro tanga, Attorney.”

He shrugged casually. “I don’t know.”

Humalukipkip ako at sumandal sa headboard ng hospital bed.

“Ibigay mo na lang ‘yan sa akin, please, Attorney. Iyan na lang ang natitira kong biodata,” I mumbled weakly.

His teasing face softened a bit. Slowly, he gave me the crumbled paper. Kumirot ang dibdib ko.

“Ms. Rowanda…” he called me softly. “You’ve never found a job?”

Umiling ako, pinipigilang huwag lumuha sa harap niya.

“Masyadong nakaapekto ang naging kaso ko noon kahit na not guilty naman ako,” sagot ko. “It’s been two months. B-baon na kami sa utang…”

Tinakpan ko ang mukha ko nang magsimulang lumandas ang mga luha ko. Malakas akong humikbi.

“A-ang hirap-hirap… pagod na pagod na ako…” I cried, sobbing loudly. Ayokong umiyak sa harap niya dahil hindi naman kami close para pagkuwentuhan ko siya ng mga ganap sa buhay ko, pero gayong nakita ko ang lambot sa mukha niya ay parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak sa harap niya.

“Cristianna…” I felt his light hand on my shoulder, caressing it.

I sniffed, wiping my tears away. “M-mabuti pa ilabas mo na ako rito, Attorney. Wala akong pambayad—”

“No.”

Tiningala ko siya. The softness on his face a while ago was now replaced with something stoic and full of determination.

“Pero—”

“Do you want a job?” tanong niya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis tumango.

“Yes! Yes, Attorney!”

“I will give you a job that pays well. Is sixty thousand monthly enough for you?”

What the hell… sixty thousand?!

“P-po?!”

His eyes narrowed. “Just say yes or no, Ms. Rowanda. Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo,” strikto niyang sabi. “Is sixty thousand monthly enough for you?”

“Opo! Syempre naman po! Mababayaran ko na ang utang namin nyan!” nagagalak kong sagot, mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.

“Then work for me.” He held his chin up. “Be my secretary for two years and I will make sure your life will change for the better. Sa oras na tumapak ka sa opisina ko ay bibigyan na kita agad ng thirty thousand as your starting f*e. Iba pa ang buwanan. Bukod doon, babayaran ko na rin lahat ng utang ng pamilya mo. Give me the list and I wil pay them all. In that case, ang sasahurin mo ay mapupunta lamang sa pamilya mo.”

Napatakip ako sa bibig ko. Halos gusto kong maiyak sa tuwa. Parang gusto kong tumalon-talon sa kama o kaya ay yakapin siya.

“K-kapag ganyan ang sahod ko, Attorney, mababayaran ko na kayo—”

“That is a different matter, Ms. Rowanda,” he cut me off again.

“Po?” Napakurap ako.

“Once you work for me, you don’t need to pay for my service. Hindi mo na ako kailangang bayaran bilang abogado mo…” He swiftly stepped closer to me. “In one condition.”

“Anong kondisyon?” naiintriga kong tanong.

His lips curled up a bit. “Will you say yes if I tell you?”

“K-kung legal ‘yan…”

He then let out a cold chuckle. “Oh, this is legal. A very legal condition.”

Lumunok ako. May kung ano sa sinabi niya ang nagpatindig ng balahibo ko.

“Sabihin mo na sa akin. Ano ang kondisyon?” udyok ko.

“Marry me.”

Ano raw?

Mabilis akong napakurap. Napaawang ang bibig ko habang pino-process ang sinabi niya.

Marry him? Like marry na kasal? Siya pakakasalan ko?

“Marry me, Cristianna. Be my contract wife for two years, and I assure you, you will get everything you want in life. Just be mine. Be mine for two years.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arlynne Celestial
Sobrang lucky anak ko,sana all :)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 53

    CRISTIANNA’S POV As usual, sa isang high-end restaurant na naman kami kumain. Maraming tao sa loob dahil nga lunch break na. May mga bulungan, may mga tawanan, at may ibang mga mahihinang pagrereklamo mula sa mga bata na sumasabay sa tugtog ng restaurant. Dinala lang kami ng receptionist sa pinakasulok kung saan doon ni-request ni Rocky na pumwesto kami. Pagkatapos noon ay inabutan lang kami ng tig-isang menu. “What are you going to get?” he asked while eyeing the menu. Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya. “Kung ano ang kukunin mo, iyon na lang din ang akin.” His brows arched as he turned his attention to me, folding the menu neatly and setting it aside. “You don’t want to pick your own food?” Umiling lamang ako, iniiwasan ang tingin niya. Nahihiya din kasi ako sa kanya dahil sa nangyari sa kotse. Kahit na mukhang wala naman siyang alam, ginagambala pa rin ako ng isipin na tila ba ay desperadang-desperada ako pagdating sa kanya. At isa pa, hindi naman ako familia

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 52

    CRISTIANNA’S POV I never thought that confession would change everything. Umasa ako na sana ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa pagitan namin ni Rocky—ngunit hindi ko naman inasahan na hindi iyon para sa ikabubuti ng relasyon naming dalawa. Pagsapit ng Lunes kung saan balik na kami sa pagtatrabaho, hindi niya ako pinapansin. Simula noong dumating kami sa opisina niya, ni hindi man lang niya ako dinapuan ng tingin kahit aksidente man lang. Wala. Para lang akong hangin sa tabi niya. Walang silbi. Bibigyan niya lang ako ng atensyon kapag uutusan niya ako pagdating sa trabaho, pero pagkatapos noon ay balik na ulit ako sa pagiging multo ng buhay niya. Masakit. I didn’t know it would hurt this much. Wala namang problema kung tatratuhin ako na parang multo, pero hindi dapat manggagaling sa kanya. Iba kapag galing sa kanya. Mas masakit. Mas may kirot na hindi ko maipaliwanag. At mas lalong hindi ko kayang tanggapin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan siya pa ang

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 51

    CRISTIANNA’S POV Sa ilang minutong pagkakadikit ng mga labi namin ni Rocky, hindi ko akalain na may init na mabubuhay sa loob ng katawan ko na siyang mag-uudyok sa akin na ipulupot ang aking mga braso sa kanyang batok at mas ilapit pa siya sa akin. Ramdam ko ang pagngisi ni Rocky sa ginawa kong iyon. His hands sensually traveled down to my curves and rested on my waist as he pulled me closer to his body. I felt something poking my chest and I was not dumb to not know what that was. And I know he also knew because he even pulled me closer and rolled his hips against mine, causing me to gasp against the hot kiss. “R-rocky…” I hoarsely called him. Humigpit ang hawak niya sa bewang ko, gigil na gigil. “Hmm?” he hummed, his voice full of restraint as he chased my lips. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Marami akong gustong itanong na matagal ko na rin kinikimkim. Bumalik din sa akin ang memorya ko noong unang beses niya akong hinalikan. At iisa pa rin ang eksplanasyon na gusto

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 50

    CRISTIANNA’S POV Alas-diyes na ng gabi natapos ang inuman nina Rocky kasama sina Saint and Dad. Kahit na naunang nag-pass out si Dad, pinilit pa rin nina Rocky and Saint na ubusin ang tirang beer pati na rin ang mga pulutan. Sa kabilang banda, kami naman nina Mom and Sloane ay nakatapos na ng tatlong pelikula simula pa kanina. Si baby Evony naman ay napatulog na rin ng mommy niya kanina. Marami na rin kaming napag-usapan habang magkakasama kaming tatlo, halos puro tungkol lamang sa mga asawa namin. Doon ay nalaman ko rin ang bigat ng pinagdaanan nina Sloane and Saint noon dahil sa nanay ng lalake. Napag-alaman ko rin ang kaunting family history ni Sloane na connected din kay Mom lalo na’t kapatid niya ang nanay ng babae. Bukod pa roon, napag-usapan din namin ang tungkol sa pamilya ko lalo na ang sakit ni Mama. Nag-offer pa nga si Mom na ipadala sa magaling na espesyalista para mas maging maayos ang kalusugan niya ngunit tinanggihan ko na lamang at sinabing mino-monitor naman namin

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 49

    ROCKY’S POV Habang lumalalim ang gabi, marami-rami na rin ang naiinom namin. Si Saint ay medyo tipsy na dahil kanina pa tawa nang tawa, samantalang si Dad ay kanina pa dumidighay dahil sa kakabira ng pulutan. Ilang beses na ring nagpabalik-balik sina Mom and Sloane para maghatid ng pagkain pero hindi ko man lang nakitang lumabas si Cristianna. Sinusubukan kong mag-request ng pagkain sa pag-asang siya ang maghahatid nito pero wala. It's either Mom or Sloane or both. Sa tuwing pumupunta sila ay kinakagat ko ang dila ko para mapigilan ko ang sarili kong huwag magtanong kung nasaan si Cristianna. Ayoko naman kasing isipin nila na malaki ang hindi pagkakaunawaan namin dahil lang sa iniiwasan ako ng asawa ko. “Bro, let me tell you something,” Saint drunkenly said, chuckling. Bored akong bumuntong-hininga saka tumungga sa alak ko. Si Dad ay ngingisi-ngisi na lamang sa amin kahit ja wala namang nakakatuwa. “What is it?” “Someone told me that you liked my wife before.” Naibaba ko ang

  • I Am the Lawyer's Contracted Wife   CHAPTER 48

    CRISTIANNA’S POVOne word. Pucha.Iyan lamang ang tangi kong masasabi sa ngayon. Hindi ako makahinga. Ang puso ko na madalas ay kalmado sa mga normal na okasyon ay hindi magkamayaw gayong nakayakap lang naman si Rocky sa likod ko. Humigpit ang pagkakakapit niya sa baywang ko, ang diin ay may kung anong ipinaparating sa akin.Sinubukan kong tanggalin ang pagkakalingkis niya sa akin ngunit mas lalo niya pang hinigpitan kaya mas nakadikit na ang likod ko sa basa at hubo niyang dibdib nigayon. His body was warm, too warm for me. Sapat na sapat ang init ng katawan niya sa katawan kong nilalamig dahil sa matagal kong pagkababad sa tubig. Kahit nga na nakatapis ako ng tuwalya ay tumatagos sa likod ko ang init niya.“Rocky, bitiwan mo ako…” I gritted my teeth as I tried to remove his grip again.“No, Cristianna. I need you to hear me. Word for word.”“I heard you, okay? Dinig na dinig kita. Please, bitiwan mo na ako,” muli kong pagmamakaawa. Tinangka kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa ak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status