Accueil / Romance / I DIVORCED THE MAYOR / Chapter 2 - graduation ball in the house

Share

Chapter 2 - graduation ball in the house

Auteur: AshQian19
last update Dernière mise à jour: 2025-07-17 21:34:03

"Magandang gabi, Misis." Lumapit si Mayor sa aming dalawa ni Mama na nakatulala sa kanila.

"Mayor, magandang gabi rin po," may kasabay na paglunok ang sagot ni Mama.

"Mga kaklase ni Ace sina Keth at Nicolo. Pwede bang dito namin i-celebrate ang graduation nila? Nakiusap 'yong dalawa, gusto nilang isama si Ace."

Napakurap ako. Kapatid nga pala ni Mayor si Nicolo at kapatid naman ni Engineer Irlan si Keth. May hawig silang apat. Nagkakaiba lang ng kulay. Parang mga timang sina Keth at Nicolo na kumaway sa akin at kay Mama. Habang si Engineer Irlan ay panay ang iling, nakabusangot.

"Okay lang po, Mayor. Ace, asikasuhin mo sila." Banayad akong itinulak ni Mama.

Hindi ko naman alam kung ano'ng gagawin. Kung tutulong ba akong idiskarga ang mga dala nila o ano.

"Kami na ang bahala, Ace. Thank you, Misis."

Iba talaga kapag may pera. Kahit ang ball ay pwedeng ilipat ng venue anumang oras.

"Hoy!" Pinalo ko sa kanang braso si Nicolo na nagbubuhat ng portable table. "Kayo ni Keth ang may pakana nito? Nakakahiya kina Mayor at Engineer, inabala n'yo pa mga sira talaga kayo," angal kong akmang tutulungan siya pero iniwas niya sa akin ang table at bumungisngis.

"Ano'ng gagawin namin doon sa ball kung nandito ang flower girl namin?" maloko nitong biro.

"Flower girl ng mukha mo." Banas na inirapan ko siya.

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" Sumiksik sa amin si Keth, pasan ang patong-patong na mga silya.

"Pangit ka raw sabi ni Ace." Humalakhak na si Nicolo at hinampas sa tuhod ang pang-upo ni Keth.

Sinamaan nito nang tingin ang tiyuhin at bumaling sa akin. "Pangit ako?"

"Hindi ko sinabi iyon," sikmat kong iniwan na sila. Hindi matapos-tapos ang asaran ng dalawa. Paunahan lang. Muntik na akong matisod nang mahagip ko si Mayor na nakatingin sa akin. Saglit kong nakalimutang huminga.

Minu-minuto yata nagle-level up ang lakas ng dating niya.

Pumasok ako ng bahay at naghugas ng mani para ilaga. May sariwa rin na nilagay ko sa food bowl at itinabi ko muna. Binitbit ko ang palayok, laman ang mani at isinalang iyon sa apoy. Dinig ko ang ingay ng musika sa labas. Disco music ang pinapatugtog nila. Sapat lang ang lakas niyon para umuga pati ang kubo namin. Hindi naman siguro matatawag na public disturbance ang celebration kasi alam naman ng mga kapitbahay na moving-up namin ngayong araw.

"Ace, puntahan mo na sila. Ako na ang magbabantay niyan," sabi ni Mama na kahit bakas ang pagod sa mga mata dahil sa lagnat ay masigla akong dinaluhan doon sa kusina.

"Okay lang po ba kayo, Ma? Ayos lang naman ako rito. Magpahinga na lang kayo, baka lumala pa ang lagnat ninyo."

"Wala ito, sanay na ako sa sinat. Sige na, nakakahiya naman kina Mayor. Puntahan mo na sila." Itinulak pa ako ni Mama palabas.

Sinipat ko muna ang sarili ko. Hindi pa ako nakapagbihis at may bahagi ng bestida ko ang basa pa rin. Sumaglit muna ako sa kuwarto at nagpalit. Maluwag na t-shirt at asul na pantalon ko sa P.E. Sinuklay ko sa daliri ang mahaba kong buhok na nakalugay lang. Likas na makintab iyon at tuwid. Mabilisan kong sinuri ang mukha ko sa maliit na salaming nakasabit sa dingding na pawid. Napangiwi ko. May uling sa tuktok ng ilong ko. Kanina siguro iyon nang kunin ko ang palayok. Inabot ko ang wipes sa may altar at humugot ng isa. Kinuskos ko ang dumi.

"Ace?" Hinawi ni Mama ang manipis na kurtina sa may pintuan at sinilip ako.

"Ma, nandiyan na po!" Tinupi ko lang muna ang wipes na ginamit ko at iniwan sa mesitang nasa ilalim ng altar.

Sumalubong sa akin paglabas ko ng kubo ang malutong na tawanan nina Nicolo at Keth. Mukhang nag-aasaran na naman ang mag-uncle. Nakahain na sa mesa ang mga pagkaing dala nila at nakaupo ang dalawa sa mga silyang nasa malapit. Agad bumaling ang mga ito sa akin at nag-uunahang umahon sa kanilang upuan, pati sa paglapit sa akin ay nagkakarera pa yata. Pero gaya nang madalas mangyari, si Nicolo ang nagparaya at hinayaan si Keth na akayin ako.

"Dito ka na, Ace." Si Nicolo ang nag-urong ng silya para sa akin.

"Salamat," bahagya akong ngumiti at pinukol ng tanaw si Engineer Irlan na nakatayo sa labas ng sasakyan at nakasandal sa pinto niyon habang naninigarilyo. Nakatingin din ito sa akin. Malamang galit pa rin ito dahil sa nangyari kanina sa daan. Ibinuga nito paitaas ang usok at iniwas ko naman ang mga mata ko.

"Ace," binigyan ako ni Keth ng can ng malamig na softdrink.

Tinanggap ko iyon. Si Nico naman ay nagbukas nang malaking bag ng potato chips at itinulak palapit sa akin. Sumenyas na kumuha ako. Minsan lang ako nakatitikim ng mga ganoong pagkain dahil gipit kami. Kumuha ako agad at isinubo. Lasang french fries. Binuksan ko ang lata ng inumin at pasimpleng hinagilap ng aking paningin si Mayor.

Natagpuan ko siya sa kamalig namin sa gilid. Kausap niya si lolo na nagpapaliwanag yata tungkol sa mga pananim namin sa bukid. Mababa lang iyong bubong ng kamalig at nakatayo sa makipot na bukana si Mayor. Seryoso siyang nakikinig kay Lolo habang nagsasalita. Ang dalawang kamay niya ay nakatuon sa pasamanong kawayan sa itaas ng kanyang ulo. Bumakat sa suot niyang shirt ang matikas niyang tindig at matigas na hulma ng kanyang mga masels.

Hindi ko napaghandaan ang biglang pagsulyap niya sa gawi namin. Nagtama ang aming mga mata. Literal kong nadama ang pag-arangkada ng puso ko. Napansin kong bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Mayor na lalong nagpatulis sa perpektong kurba niyon. Steady pa lang ang matingkad na liwanag ng portable disco light pero tila may bahaghari ng bulalakaw na nagrereflect sa mga mata niya.

May sinabi siya kay Lolo bago niya ito tapikin sa balikat saka siya naglakad papalapit sa kinaroroonan namin. Parang sinilihan ako sa puwit. Bigla akong hindi mapakali lalo na nang bitbitin niya ang bakanteng silya at nilipat sa tabi ko.

"Shall we dig in?" Tama lang ang dagundong ng boses niya para mangibabaw sa hagod ng musika. Mula kina Nicolo at Keth ay sa akin nagtagal ang paningin niya.

Ano bang isasagot ko? Tatango ba ako? Para akong tanga na nakatulala lang sa kanya.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (1)
goodnovel comment avatar
Christine Joy
ayiii............
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • I DIVORCED THE MAYOR   Chapter 15 - un-announced visit

    Hapon at kasalukuyan akong nag-aayos ng mga damit ko sa loob ng cabinet nang tawagin ako Mama mula sa bakuran namin. Ikatlong araw na at hindi pa rin ako pumasok muli sa opisina. "Ace! Ace!" "Bakit po?" Nilakihan ko ang awang ng bintana at dumungaw.Nakangising mga mukha nina Keth at Nicolo ang nakatanaw akin. May kanya-kanyang bitbit na saranggola ang dalawa. Ngumuso ako."Tara, doon tayo sa burol. Ang ganda ng hangin oh, tamang-tama para sa saranggola." Pangguguyo ni Keth habang tatango-tango naman si Nicolo sa tabi nito. "Samahan mo sila, buong maghapon ka nang nagmumukmok diyan sa kuwarto," sabi ni Mama na nagwawalis sa mga tuyong dahon na tinangay ng hangin doon mula sa hilera ng mga puno sa labas ng bakuran namin."Sige na, Ace, habang may araw pa. May dala kaming snacks." Inangat ni Nicolo ang shopping bag na namumutok sa malalaking bag ng junkfoods at softdrinks in-can. "Magbibihis lang ako." Isinara ko ang bintana at pumihit. Maong na romper ang isinuot ko. May spaghetti

  • I DIVORCED THE MAYOR   Chapter 14 - secret and guilt

    HINATID ako nina Mayor Yanixx at Engr. Irlan pauwi. Sinamahan pa ako ni Mayor sa loob ng bahay. Lalo tuloy akong kinuyog ng nerbiyos. Paano kung mahalata nina Mama at Lolo na may kakaiba sa akin? Natitiis ko naman ang kirot sa katawan ko pero hindi ako sigurado kung kaya kong idaan sa bonggang pagkukunwari ang sundot ng konsensya. Hindi kasi ako sanay na nagsisinungaling kay Mama."Maupo ka, Mayor." Binigyan ni Mama si Mayor ng pastic na upuan. Nadatnan namin silang dalawa ni Lolo sa maliit na sala loob ng kubo. Halata sa mga mata ni Mama at hapis na mukha ang kawalan ng tulog. Si Lolo naman ay tiyak hinihintay rin ang pag-uwi ko. Kung ganitong oras kasi madalas naroon siya sa bukid."Thank you, Aling Jove, Manong Paul. Hindi kami nakauwi ni Ace kahapon dahil lumaki ang mga alon at hindi makabiyahe ang mga bangka. May kasama ring hangin ang ulan, mapanganib kung nagpumilit kami." Nagpaliwanag si Mayor.Tumango si Mama at tumingin sa akin. Pero kusang umilap ang mga mata ko at hindi k

  • I DIVORCED THE MAYOR   Chapter 13 - his resolve

    Ako kaya? Ano ako sa kanya? Fling din o mas cheap pa. Hindi niya direktang sinagot ang tanong ko. Binobola lang niya ako. Malamang nahalata niyang crush ko siya kaya sumubok siyang landiin ako at bumigay naman ako agad. Nagsisi talaga ako pero wala akong ganang umiyak. Iniisip ko si Mama. Hindi iyon nagkulang sa akin ng paalala. Busog ako sa payo at pangaral. Pero heto, pinili ko pa ring gawin ang mali. "Ace, hindi kita papabayaan. Hindi matatapos dito ang nangyari kagabi. It's maybe too early for me to say that what we have right now is love or anything closer to it. Pero ikaw lang ang babae sa buhay ko ngayon at wala akong balak na tumingin pa sa iba." Kahit papaano may haplos iyon sa puso ko. Pero sapat na ba iyon para mapawi ko ang hapdi na idudulot ng pagkakamali ko oras na malaman ito ng aking pamilya? Bandang huli ay napilit niya rin akong kumain. Sinabayan niya pa ako at nagkukuwento siya tungkol sa ilang priority agenda niya para sa mga programa sa lungsod. "Napada

  • I DIVORCED THE MAYOR   Chapter 12 - moment of lust

    HINDI pa rin lubusang tumila ang ulan pero kahit papaano ay may nasisilip na akong sinag ng araw sa makapal na ulap sa papawirin. Kaya lang sa ganitong kondisyon ay malabong bibiyahe ang yate pabalik ng poblacion. Mapanganib pa rin kasi. Saglit akong pumikit. Mabigat ang ulo ko at pumipintig ang kirot. Wala akong maayos na tulog. Niyakap ko ang malaking unan sa aking tabi at ipinatong doon ang aking mukha. Tatlong unan ang nasa ilalim ng aking balakang. Kahit malambot ang kama, dama ko pa rin ang hapdi sa maselang parte ng katawan ko. Nagliliyab ang kirot sa gitna ng aking mga hita. Napasinghot ako at bumaling sa nag-iisang bintana ng kuwarto. Dinig ang masiglang ingay ng mga taga-Isla. Ang kaligayahan sa boses nila habang nagkukuwentuhan tungkol sa programa kahapon. Hindi maikakailang karamihan sa mga pamilyang nakatira rito ay lubog sa kahirapan kaya linggo-linggo ay may inilulunsad na ayuda program ang munisipyo sa pangunguna ni Mayor. Napakislot ako nang sumagi sa isip ko a

  • I DIVORCED THE MAYOR   Chapter 11- his kiss

    Pasado alas kuwatro natapos ang meeting. Mahigit isang oras din. Nilinis ko ang coffee machine at pagkatapos ay nag-check ako sa mga papeles na kailangan kong i-photocopy gaya ng memorandun, notice of meeting, endorsements at executive orders. "Ace, sumabay ka na sa akin, pupunta ako sa barangay ninyo," alok ni Mayor na naghahanda nang umalis. Pitong minutos na lang bago mag-alas singko. Sasamantalahin ko na para maka-save sa pamasahe. Maliksi kong inayos ang mga papel sa desk ko at kinuha ang aking bag sa loob ng drawer. "Ano'ng gagawin mo roon sa kanila?" tanong ni Engineer Irlan. Galing ito sa labas at hinatid ang mga kasama. "Bibili ng Emperador." Ngumisi si Mayor. Napaunat ako. Ano raw? Bibili ng Emperador? "Pupunta rin ako," deklarasyon ni Engineer. Nagsuntukan agad ang mga kilay ni Mayor. "Yeah? Ano'ng gagawin mo ro'n?" "Bibili ng Red Horse." Humalukipkip si Engineer Irlan na para bang naghamon na subukan ni Mayor pigilan ito. Nagbibiruan lang naman yata sila. Bibili

  • I DIVORCED THE MAYOR   Chapter 10 - he is flirting

    Bata lang ako kung tutuusin sa edad kong ito. Pero tuwing tinitingnan ko si Mayor Yanixx at kapag nakatitig din siya sa akin pakiramdam ko magkasing-edad lang kami. 'Yong patago niyang ngiti, mga palihim niyang kindat ay para bang nagsasabi sa akin na walang masama kung papangarapin ko siya. Gaya ngayon. Kahit abala siya sa pagpirma sa mga dokumento sa ibabaw ng kaniyang desk nakukuha pa rin niyang sulyapan ako. May nakakubling ngiti sa kaniyang mga mata na kumikiliti sa aking sikmura at talampakan. Siguro sobra na kung hihilingin ko ring maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon. Malamang natutuwa lang siya sa akin. Wala kasi siyang kapatid na babae. Pinukol ko ng tingin ang labas mula sa floor to ceiling window. Maulan pa rin pero hindi na tulad kahapon ang bugso ng hangin. Akala ko kanina hindi ako makapasok sa trabaho pero tumila saglit ang ulan pagsapit ng alas siyete. "Ace, one shot of espresso, please?" Nagsalita si Mayor. Napaunat ako at masiglang tumayo at lumapit s

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status