Katatapos lamang ng graduation rites namin. Nagkakasiyahan pa ang lahat sa malawak na ground ng eskwelahan. Abala ang iba sa picture taking. Samantalang ang iba ay excited sa ball mamayang gabi. Pero ako ay nagkukumahog nang umuwi. May lagnat kasi si Mama at hindi ko naman pwedeng i-asa kay lolo ang pag-aalaga sa kanya dahil pagod ito sa pagtatrabaho sa bukid.
"Saan ka pupunta, Ace? Uuwi ka na ba? Hindi ka a-attend sa ball?" tanong ng kaklase kong si Ana Rose na nagre-retouch ng make-up niya sa loob ng classroom namin. "May sakit kasi si Mama," sagot kong isinalpak sa loob ng bag ang medals ko at ang black shoes na may takong na suot ko kanina. Mag-isa kong tinanggap ang award. Ako ang nakakuha sa gantimpala bilang with highest honor sa aming batch. Inasahan ko sana si Papa na dadalo pero hindi siya nakauwi dahil hindi pa sumahod sa construction na pinasukan niya. "Sayang naman, Ace. Once in a lifetime lang 'to," pangguguyo pa ng kaklase ko. "Mayroon pa naman siguro sa college, doon na lang ako babawi." "Iba naman iyon." Ngumiti lang ako at kumaripas na palabas. Naiiwan ang tanaw ko sa maingay at masiglang ground sa ibaba ng stage. Napapangiti sa masayang tanawin ng tagumpay. Lakad-takbo ang ginawa ko pagdating ko ng kalsada. Mga isa't kalahating kilometro pa kasi ang lalakarin ko bago marating ang barangay namin. "Ace!" "Graciela!" Dagli akong nahinto nang marinig ang tawag ng dalawa kong kaklaseng humahabol sa akin. Hinintay ko sila. "Uuwi ka na? May ball pa tayo," humahangos na pahayag ni Nicolo. "Hindi ka ba pupunta?" tanong ni Keth na naghahabol din ng hininga. Mag-uncle silang dalawa at parehong pasok sa honor roll. Dati silang nag-aaral sa private school sa mainland pero nilipat dito dahil nasangkot sa rambol ng fraternity na muntikan na nilang ikapahamak. Para silang kape at gatas. Mestizo at maputi si Nicolo. Moreno naman si Keth. Common denominator nila ang hakutin ang paghanga ng karamihan sa mga estudyanteng babae sa school namin. "Hindi ako pupunta," walang ligoy kong sagot. Saglit silang nagkatinginan. "Dahil ba sa akin?" May guilt sa tono ni Keth. Kinukulit kasi ako nito para maging date sa ball. "Hindi, ah!" agap kong tanggi. "May sakit kasi ang Mama ko at kailangan kong alagaan." Sinulyapan ko si Nicolo. Isa pa 'to. May pa-card pang nalalaman. Malamang hindi alam ni Keth na niyaya rin ako ni Nicolo sa ball. Pumihit na ako paalis at wala silang nagawa kundi habulin na lang ako nang tanaw. Alam nilang pareho na hindi nila ako mapipilit. Nakatawid ako ng concrete bridge at sinapit ang bahagi ng kalsadang hindi natutuyo ang tubig kahit gaano pa kainit. May butas kasi ang tubo ng tubig na dumadaan doon. Binagtas ko ang makipot na daan sa gilid para umiwas na mahulog sa naglalawang putik sa gitna ng kalsada. Bahagya akong nataranta nang matanaw ang sasakyang parating. Hindi man lang yata nagpepreno ang driver niyon. Sumabog ang tubig na tinamaan ng mga mabibigat na gulong at sinapol ako nang tilamsik. Napasinghap ako. Sa sobrang inis ay hindi na ako nakapag-isip nang matino. Nadampot ko ang unang batong nakikita sa aking paanan at ibinalibag ng buong pwersa sa sasakyang humagibis palayo. Inabot ang back windshield at tinamaan. Natutop ko ang nakaawang na bibig. Lagot! Huminto ang sasakyan at bumaba ang driver. Nanlaki ang mga mata ko at daig ko pa ang asong bahag ang buntot na tumakbo. Pero hindi rin ako nakalayo. Ni hindi ako nakahanap ng pagtataguan. Hinabol ako ng sasakyan at humambalang iyon sa kalsada. Bumaba ang mga sakay. Napalunok ako. Si Mayor Yanixx Almendras at ang pamangkin niyang kasing-edad lang niya. Si Engineer Irlan Almendras. Lagot na talaga ako. "You-" "Kalma lang, Irl!" Inawat ni Mayor si Engineer Irlan. "Babae iyan at...ah...maganda siya." Hinagod ako ng naaaliw na tingin ni Mayor Yanixx habang sinisipat siya ng masamang sulyap ng pamangkin niyang engineer. "Paano kung pumasok 'yong bato sa loob at tinamaan ka?" nabubuwesit na angil nito at muli akong binalingan. Suminghap ako at nagsalita para depensahan ang sarili. "Nabasa po ako, Mayor, hindi po kasi kayo nagpreno. May tubig po sa part na iyon, hindi n'yo ba nakita?" Kay Mayor Yanixx lang ako nakatingin. Kilala siyang makamasa at nakikinig nang paliwanag kaya nga noong unang sabak pa lang niya sa election bilang mayor dito sa lungsod ay walang naglakas- loob na kumalaban sa kanya. Tumango siya matapos akong hagurin muli ng titig niyang ngayon ko lang naranasan mula sa kanya. Naaalala ko ang kinang ng mamahaling vintage wine sa kulay ng kanyang mga mata. Mistula rin iyong lawa ng malamig na lava na dumadaloy. Napalunok ako. Ang guwapo talaga ni Mayor. Ang linis tingnan kahit plain white polo shirt lang ang suot niya at gravel pants. Tumingkad ang branded na relos sa kanyang pulso. "Charge mo na sa akin ang pagpapaayos ng back wind shield," sabi niyang tinapik sa balikat si Engineer Irlan. "Kaya kong bayaran iyon," utas ng lalaking nagtatagis ng mga bagang. "Ang concern ko ay ang kaligtasan mo." Nalipat kay Engineer ang paningin ko. Magkasing-tangkad lang sila. Agressive ang gandang lalaki ni Engineer Irlan at talagang sinusulit nito iyon sa iba't ibang babaeng nauugnay rito hindi pa kasali 'yong patago nitong mga karelasyon. "I'm fine, just let it go. But take this is as your lesson to drive smoothly next time. Baka hindi na lang windshield ang mabasag sa susunod kundi mga bungo na natin," pabirong pahayag ni Mayor at nag-iwan sa akin ng bahagyang ngiti bago pumasok muli sa loob ng sasakyan. Napailing na ang engineer at may inis pa rin sa mga mata nang pukulin ako ng sulyap habang pasampa ito sa driver's seat. Sumiksik ako sa tabi at hinatid nang tanaw ang umusad na sasakyan. Papunta siguro sila sa school ko at hahabol sa ball. Dinig kong imbitado si Mayor pero hindi siya nakarating kanina sa program kaya malamang babawi sa ball mamaya. Huminga ako nang malalim. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayaw kong maranasan ang dumalo sa ball. Pero hindi ko panghihinayangang palagpasin na muna iyon kung para naman sa Mama ko. Mas importante pa rin siya. Marami pa namang okasyon na pwede kong ma-experience at magiging mas masaya ako kung kasama ko si Mama. Maliwanag pa nang marating ko ang aming kubo. Nadatnan ko sa bakuran si Lolo na naghihimay ng mga aning monggo at mani. Lumapit ako sa kanya at agad na nagmano. "Oh, ang aga mo yata? Sabi ng Mama mo may sayawan pa kayo sa school," nagtatakang tanong ni Lolo. "Hindi po ako dadalo." Pumasada ang mga mata ko sa nakalatag na mga mani. "Ang sarap naman niyan, Lo. Pwede nating ibalot iyan tapos ilalako ko, siguradong maraming bibili." "Oo ba, magtira lang tayo para sa susunod na ipupunla. Itong monggo, may bumili na kanina." Nakangiti akong tumango at nagpaalam na. "Tutuloy na po ako sa loob." "Patingin mamaya sa mga medalya mo!" habol pa niya sa akin. "Opo," natatawa kong sagot na pasigaw. Pagpanhik ko sa loob ay ginulat ako ng cake at ice cream na nasa hapag namin. May fried chicken din at spaghetti. "Wow!" napabulalas na lang ako. Nagtatawanan sina Mama at Lolo. Ako naman ay hindi malaman kung maiiyak sa sorpresa nila. Kahit gipit kami nag-abala pa rin silang maghanda. "Nasaan ang medals mo, 'Nak? Patingin kami ng Lolo mo," apura ni Mama sa akin. Masigla kong kinapa sa loob ng bag ang mga medalya ko at masayang nilatag sa mesa. Walong gold medals ang natanggap ko. Isa-isang tiningnan iyon nina Mama at Lolo. Kitang-kita sa mukha at mga mata nila ang pagmamalaki. Sa kanila pa lang sobrang kontento na ako. "Oh, kumain na tayo!" Masiglang naglagay ng mga pinggan si Mama. Hindi halatang may sakit siyang kinimkim dahil sa kasiyahang nakabadha sa malawak niyang ngiti. Hindi matapos-tapos ang kuwentuhan namin habang kumakain. Kinagabihan, habang nagbabalot ako ng mga mani na ilalako ko bukas ay binulabog kami nang pagdating ng mga bisitang hindi ko naisip maski sa panaginip na mapadpad doon sa kubo namin. Sina Mayor Yanixx, Engineer Irlan, Keth at Nicolo. Dalawang sasakyan ang dala nila. Karga ang portable tables at chairs, portable disco lights at portable music speakers. May mga pagkain din at inumin.Hapon at kasalukuyan akong nag-aayos ng mga damit ko sa loob ng cabinet nang tawagin ako Mama mula sa bakuran namin. Ikatlong araw na at hindi pa rin ako pumasok muli sa opisina. "Ace! Ace!" "Bakit po?" Nilakihan ko ang awang ng bintana at dumungaw.Nakangising mga mukha nina Keth at Nicolo ang nakatanaw akin. May kanya-kanyang bitbit na saranggola ang dalawa. Ngumuso ako."Tara, doon tayo sa burol. Ang ganda ng hangin oh, tamang-tama para sa saranggola." Pangguguyo ni Keth habang tatango-tango naman si Nicolo sa tabi nito. "Samahan mo sila, buong maghapon ka nang nagmumukmok diyan sa kuwarto," sabi ni Mama na nagwawalis sa mga tuyong dahon na tinangay ng hangin doon mula sa hilera ng mga puno sa labas ng bakuran namin."Sige na, Ace, habang may araw pa. May dala kaming snacks." Inangat ni Nicolo ang shopping bag na namumutok sa malalaking bag ng junkfoods at softdrinks in-can. "Magbibihis lang ako." Isinara ko ang bintana at pumihit. Maong na romper ang isinuot ko. May spaghetti
HINATID ako nina Mayor Yanixx at Engr. Irlan pauwi. Sinamahan pa ako ni Mayor sa loob ng bahay. Lalo tuloy akong kinuyog ng nerbiyos. Paano kung mahalata nina Mama at Lolo na may kakaiba sa akin? Natitiis ko naman ang kirot sa katawan ko pero hindi ako sigurado kung kaya kong idaan sa bonggang pagkukunwari ang sundot ng konsensya. Hindi kasi ako sanay na nagsisinungaling kay Mama."Maupo ka, Mayor." Binigyan ni Mama si Mayor ng pastic na upuan. Nadatnan namin silang dalawa ni Lolo sa maliit na sala loob ng kubo. Halata sa mga mata ni Mama at hapis na mukha ang kawalan ng tulog. Si Lolo naman ay tiyak hinihintay rin ang pag-uwi ko. Kung ganitong oras kasi madalas naroon siya sa bukid."Thank you, Aling Jove, Manong Paul. Hindi kami nakauwi ni Ace kahapon dahil lumaki ang mga alon at hindi makabiyahe ang mga bangka. May kasama ring hangin ang ulan, mapanganib kung nagpumilit kami." Nagpaliwanag si Mayor.Tumango si Mama at tumingin sa akin. Pero kusang umilap ang mga mata ko at hindi k
Ako kaya? Ano ako sa kanya? Fling din o mas cheap pa. Hindi niya direktang sinagot ang tanong ko. Binobola lang niya ako. Malamang nahalata niyang crush ko siya kaya sumubok siyang landiin ako at bumigay naman ako agad. Nagsisi talaga ako pero wala akong ganang umiyak. Iniisip ko si Mama. Hindi iyon nagkulang sa akin ng paalala. Busog ako sa payo at pangaral. Pero heto, pinili ko pa ring gawin ang mali. "Ace, hindi kita papabayaan. Hindi matatapos dito ang nangyari kagabi. It's maybe too early for me to say that what we have right now is love or anything closer to it. Pero ikaw lang ang babae sa buhay ko ngayon at wala akong balak na tumingin pa sa iba." Kahit papaano may haplos iyon sa puso ko. Pero sapat na ba iyon para mapawi ko ang hapdi na idudulot ng pagkakamali ko oras na malaman ito ng aking pamilya? Bandang huli ay napilit niya rin akong kumain. Sinabayan niya pa ako at nagkukuwento siya tungkol sa ilang priority agenda niya para sa mga programa sa lungsod. "Napada
HINDI pa rin lubusang tumila ang ulan pero kahit papaano ay may nasisilip na akong sinag ng araw sa makapal na ulap sa papawirin. Kaya lang sa ganitong kondisyon ay malabong bibiyahe ang yate pabalik ng poblacion. Mapanganib pa rin kasi. Saglit akong pumikit. Mabigat ang ulo ko at pumipintig ang kirot. Wala akong maayos na tulog. Niyakap ko ang malaking unan sa aking tabi at ipinatong doon ang aking mukha. Tatlong unan ang nasa ilalim ng aking balakang. Kahit malambot ang kama, dama ko pa rin ang hapdi sa maselang parte ng katawan ko. Nagliliyab ang kirot sa gitna ng aking mga hita. Napasinghot ako at bumaling sa nag-iisang bintana ng kuwarto. Dinig ang masiglang ingay ng mga taga-Isla. Ang kaligayahan sa boses nila habang nagkukuwentuhan tungkol sa programa kahapon. Hindi maikakailang karamihan sa mga pamilyang nakatira rito ay lubog sa kahirapan kaya linggo-linggo ay may inilulunsad na ayuda program ang munisipyo sa pangunguna ni Mayor. Napakislot ako nang sumagi sa isip ko a
Pasado alas kuwatro natapos ang meeting. Mahigit isang oras din. Nilinis ko ang coffee machine at pagkatapos ay nag-check ako sa mga papeles na kailangan kong i-photocopy gaya ng memorandun, notice of meeting, endorsements at executive orders. "Ace, sumabay ka na sa akin, pupunta ako sa barangay ninyo," alok ni Mayor na naghahanda nang umalis. Pitong minutos na lang bago mag-alas singko. Sasamantalahin ko na para maka-save sa pamasahe. Maliksi kong inayos ang mga papel sa desk ko at kinuha ang aking bag sa loob ng drawer. "Ano'ng gagawin mo roon sa kanila?" tanong ni Engineer Irlan. Galing ito sa labas at hinatid ang mga kasama. "Bibili ng Emperador." Ngumisi si Mayor. Napaunat ako. Ano raw? Bibili ng Emperador? "Pupunta rin ako," deklarasyon ni Engineer. Nagsuntukan agad ang mga kilay ni Mayor. "Yeah? Ano'ng gagawin mo ro'n?" "Bibili ng Red Horse." Humalukipkip si Engineer Irlan na para bang naghamon na subukan ni Mayor pigilan ito. Nagbibiruan lang naman yata sila. Bibili
Bata lang ako kung tutuusin sa edad kong ito. Pero tuwing tinitingnan ko si Mayor Yanixx at kapag nakatitig din siya sa akin pakiramdam ko magkasing-edad lang kami. 'Yong patago niyang ngiti, mga palihim niyang kindat ay para bang nagsasabi sa akin na walang masama kung papangarapin ko siya. Gaya ngayon. Kahit abala siya sa pagpirma sa mga dokumento sa ibabaw ng kaniyang desk nakukuha pa rin niyang sulyapan ako. May nakakubling ngiti sa kaniyang mga mata na kumikiliti sa aking sikmura at talampakan. Siguro sobra na kung hihilingin ko ring maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon. Malamang natutuwa lang siya sa akin. Wala kasi siyang kapatid na babae. Pinukol ko ng tingin ang labas mula sa floor to ceiling window. Maulan pa rin pero hindi na tulad kahapon ang bugso ng hangin. Akala ko kanina hindi ako makapasok sa trabaho pero tumila saglit ang ulan pagsapit ng alas siyete. "Ace, one shot of espresso, please?" Nagsalita si Mayor. Napaunat ako at masiglang tumayo at lumapit s