تسجيل الدخول
“It's beautiful, Damian. Thank you!”
Nanigas si Alessia Escalante nang makita kung paano ikinabit ng kanyang asawa ang diamond necklace sa leeg ng ibang babae.
At ang babaeng iyon ay si Aria, ang kanyang stepsister.
Mula sa entrance ng exclusive rooftop restaurant, kitang-kita niya kung paano ngumiti si Damian Villacorta habang hinahaplos ni Aria ang mamahaling kuwintas.
Kilala niya ang alahas na iyon.
Dalawampung milyong piso.
Iyon ang halagang ibinayad ni Damian sa isang charity auction noong nakaraang buwan. Buong akala niya, sorpresa iyon para sa kanilang ikalimang wedding anniversary.
Tatlong oras siyang naghintay sa mansyon. Naghanda siya ng espesyal na hapunan at paulit-ulit na tinawagan ang asawa.
Ngunit habang naghihintay siya, abala pala itong makipag-date sa babaeng una nitong Minahal sa mismong anibersaryo ng kanilang kasal.
“Damian?”
Napalingon ang lalaki.
“What are you doing here, Alessia?”
“Anniversary natin ngayon,” paalala niya. “Nakalimutan mo ba?”
“I know what day it is.”
“Kung ganoon, bakit nandito ka kasama ng ibang babae?”
“Alessia, please.” Tumayo si Aria. “Ako ang nag-aya kay Damian. Hindi ko alam na may plano pala kayo.”
“Hindi mo alam?” Napailing siya. “Limang taon na kaming kasal, Aria. Hindi mo alam kung kailan ang anniversary namin na taon-taon mong inaabala?”
“Enough, Alessia,” mariing sabi ni Damian.
Napalingon siya rito.
“Don't embarrass Aria. Kung may problema ka, sa bahay natin pag-usapan.”
“Pinagtatanggol mo pa ang kabit mo?”
“She didn't do anything wrong.”
Lalong sumikip ang dibdib ni Alessia.
“Paano naman ako, Damian? Kahit ngayong araw lang, hindi mo ba ako kayang piliin?”
Napabuntong-hininga ang lalaki.
“Alam mo namang si Aria ang mahal ko. I've never hidden that from you.”
Limang taon niyang hinintay na magbago ang damdamin nito.
“Pero asawa mo ako,” halos pabulong niyang sagot.
“Because our families needed that marriage. Business partnership iyon, Alessia. Hindi love story.”
Hindi kaagad nakapagsalita si Alessia.
Noong iniwan ni Aria si Damian limang taon na ang nakalipas, siya ang pumayag na maging kapalit upang matuloy ang kasunduan ng dalawang pamilya. Mahal na niya noon ang lalaki, kaya naniwala siyang balang-araw ay mamahalin din siya nito.
Ngunit hanggang ngayon, nanatili siyang kapalit.
“I'm sorry, Alessia,” singit ni Aria. “Hindi ko intensyong masaktan ka.”
Napatingin siya sa kuwintas nito.
“Kung ganoon, bakit suot mo ang regalo ng asawa ko?”
Hinawakan ni Aria ang pendant.
“Regalo niya ito sa akin.”
Hindi itinanggi ni Damian.
Nag-init ang mga mata ni Alessia, ngunit pinigilan niyang umiyak.
“Pagod na ako,” sabi niya.
Hinubad niya ang wedding ring at inilapag sa mesa.
“Gusto ko nang makipaghiwalay. Simulan na natin ang proseso ng annulment.”
Saglit na napatingin si Damian sa singsing.
“Fine. I'll have our lawyers look into it.”
Walang pagtutol.
Walang kahit isang tanong kung sigurado ba siya.
Tumango si Alessia at tumalikod.
Sa limang taon nilang pagsasama, iyon ang unang pagkakataong hindi na siya umasa na hahabulin siya ng asawa.
“Alessia, wait!”
Naabutan siya ni Aria sa pasilyo papunta sa elevator.
“May sasabihin ako sa'yo.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan.”
“It's about your mom.”
Napatingin si Alessia rito.
“May hindi ka alam. Kahit limang minuto lang.”
Bumalik muna si Aria sa mesa upang magpaalam kay Damian. Nakita ni Alessia na nagtungo ang lalaki sa elevator.
Sinundan niya ang stepsister patungo sa isang private terrace sa kabilang bahagi ng rooftop. Walang bisita roon. Nakasara ang bahaging iyon ng restaurant at tanging mga ilaw sa gilid ng gusali ang nagbibigay-liwanag.
“Ano ang sasabihin mo?” tanong niya.
Ngumiti si Aria.
Ngunit wala na ang maamong ekspresyon nito kanina.
“Ang dali mo talagang lokohin, Alessia.”
Kumunot ang kanyang noo.
“Ano?”
“Naalala mo noong birthday mo last year? Iyong dinner reservation ninyo ni Damian na bigla niyang kinansela?”
Nanlamig ang mga kamay niya.
“Sinabi kong naaksidente ako. Pinapunta ko siya sa ospital kahit wala naman akong sakit.”
Tumawa si Aria.
“Buong gabi siyang nagbantay sa akin habang ikaw, naghihintay sa restaurant.”
Naalala ni Alessia ang gabing iyon. Tatlong oras siyang nakaupo sa harap ng birthday cake na hindi man lamang niya natikman.
“Bakit mo ginawa iyon?”
“Because he's mine! Ako ang unang minahal niya. Ako dapat ang naging Mrs. Villacorta!”
“Pero ikaw ang umalis noon, Aria.”
“At hindi ibig sabihin noon ay puwede mo na siyang agawin!”
Napailing si Alessia.
Sa kabila ng lahat, itinuring pa rin niyang kapatid si Aria.
“Kung mahal mo pa si Damian, sa'yo na siya. Hindi na ako makikipag-agawan.”
“Madali mong sabihin dahil ikaw ang legal niyang asawa!”
“Makikipaghiwalay na nga ako!”
“Pero hanggang ngayon, ikaw pa rin si Mrs. Villacorta!”
“Tapos na ako, Aria. Bagay kayong dalawa. Pareho kayong walang kuwenta!”
“Akala mo ba basta ka na lang makakaalis?” Nakangising lumapit si Aria. “May isa pa akong sikreto.”
“Ayoko nang marinig.”
“Tungkol sa mommy mong si Isabella.”
Natigilan si Alessia.
“Ano'ng kinalaman ni Mommy dito?”
“Naniniwala ka pa rin bang aksidente ang pagkamatay niya?”
Nanlamig ang buong katawan niya.
“Ano'ng sinasabi mo?”
“Masyado kang inosente, Alessia. Hindi mo man lang naisip kung bakit pagkatapos mamatay ng mommy mo, naging asawa ni Daddy Rafael agad ang mommy ko?”
“Anong kinalaman ni Monica sa pagkamatay ni Mommy?”
Napangisi si Aria.
“Everything. Your mother didn't die in an accident. My mother made sure she never came home.”
Parang nawala ang hangin sa dibdib ni Alessia.
“Sinungaling ka!”
“Maniwala ka man o hindi, si Mommy ang dahilan kung bakit wala na si Isabella. At tingnan mo kung nasaan kami ngayon.”
“Bakit niya gagawin iyon?”
“Para makuha namin ang buhay na hindi namin makukuha habang nariyan ang mommy mo.”
Napailing si Alessia.
Buong buhay niyang pinaniwalaang aksidente ang pagkamatay ng ina. Ngayon, ang babaeng matagal nang nakatira sa kanilang mansyon ang itinuturo ni Aria bilang pumatay rito.
Hindi niya alam kung nagsasabi ng totoo ang stepsister, ngunit hindi niya kayang balewalain ang narinig.
“Kung may ginawa si Monica kay Mommy, mananagot siya. Sisiguraduhin kong malalaman ng lahat ang ginawa ninyo.”
Nawala ang ngiti ni Aria.
“Wala kang mapapatunayan.”
“Kung ganoon, wala kang dapat ikatakot.”
Tumalikod si Alessia upang bumalik sa restaurant.
Ngunit mahigpit na hinawakan ni Aria ang kanyang braso.
“Hindi ka aalis nang ganoon lang!”
“Bitawan mo ako!”
Nagpumiglas si Alessia. Sa pag-atras niya, napalapit sila sa mababang glass railing sa dulo ng terrace.
“Lahat na lang kinukuha mo sa akin! Dapat sa'yo mamatay!” sigaw ni Aria.
Bago siya makasagot, buong lakas siyang itinulak nito.
Napaatras si Alessia at bumangga sa railing. Sumampa ang kanyang balakang sa ibabaw ng harang at nawalan siya ng balanse.
“Aria!”
Sa desperadong pagtatangkang iligtas ang sarili, nahawakan niya ang braso ng stepsister.
“Bitawan mo ako!” sigaw ni Aria.
Sinubukan nitong kumawala, ngunit nahila rin ito ni Alessia. Bumangga ang balakang ni Aria sa railing bago ito tumagilid sa ibabaw ng harang.
Sabay silang nahulog.
Naramdaman ni Alessia ang malamig na hanging humahampas sa kanyang mukha habang mabilis siyang bumabagsak.
Sa huling pagkakataon, naalala niya si Damian.
Ang lalaking minahal niya nang higit sa sarili.
Ang lalaking limang taon niyang hinintay.
At ang inang maaaring pinatay ng babaeng itinuring niyang madrasta.
Kung magkakaroon man siya ng panibagong buhay, hindi na niya hahayaang maulit ang lahat.
Hindi na niya mamahalin si Damian Villacorta.
At hindi niya hahayaang manatiling lihim ang tunay na nangyari sa kanyang ina.
“Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe
“Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“
“Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang
“Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa
“Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Itutuloy natin ang kasal.”Muling binasa ni Alessia ang mensahe ng ama. Sa ipinadalang wedding schedule, tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. May pangalan na nila ni Damian sa bawat pahina, kahit hindi siya pumayag.“Papa, kahit bayad na ang lahat, hindi ibig sabihin na maaari ninyo akong piliting magpakasal.”Naghintay siya, ngunit walang sumunod na mensahe. Inilagay niya sa tabi ng cellphone ang folder ng mga dokumentong ihahanda para kay Attorney Dominic Valle. Kung magpapakita ng bagong kasunduan ang mga pamilya, hindi niya iyon pipirmahan nang walang pagsusuri. Sa unang buhay, siya ang nagmamakaawang matuloy ang kasal. Ngayon, tila lahat ay nagmamadaling ipakasal siya sa lalaking ayaw na niyang habulin.Kinabukasan, nadatnan niya sina Rafael at Monica sa hapag-kainan.“Papa, bakit kayo nagtakda ng petsa nang hindi ako kinakausap?”“Matagal na itong pinaghandaan,” sagot ni Rafael
“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”“Personal na bagay.”“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap s







