Share

I Do Now, Love You Later
I Do Now, Love You Later
Author: maria lopez

Chapter I

NAKAHIGA si Carla sa kanyang kama. Nakatitig siya sa nalulumang kisame nila. Mabigat  ang kanyang damdamin; nakakaramdam siya ng lungkot at pag-aalala. 

Gumilid siya sa kanyang kanan at natanaw ang nakabukas na bintana. Ang liwanag ng  buwan; tinitigan niya ang ganda nito. Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Kinuha  niya ang unan na nasa paanan at niyakap ito. 

Sinubsob ang kanyang mukha at tahimik na umiyak. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya  na “Crying is good for the soul.” At hindi niya na namalayan na siya pala ay nakatulog na. Humahapong nagising si Carla mula sa panaginip niya. Naglalakbay siya doon at sa  paglalakad niya ay lagi siyang dinadala sa bahagi ng tubig. Una ay sa lawa, pangalawa sa talon, at  pangatlo ay sa dagat, kung saan siya ay biglang inanod at nalunod. Nakatitig lang siya sa kawalan.

 “Ate! Ate! Ate!” malaking boses na papalapit ang kanyang narinig. Ilang Segundo lamang  ay bumukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto. Bumungad ang isang magandang babae na  mukhang lalake sa ikli ng buhok. Maputi ito at may kurba ang katawan pero malalim ang boses  nito.

“O, gising ka na? sakto! bumangon ka na at mag-almusal.” Ang bunsong kapatid niya pala  itong si Maya.

“Ang aga ha! mukha mo makikita ko, sige na lalabas ako maya-maya!” inis ngunit  mahinahon na sambit ni Carla. Sinimangutan siya nito.

Araw-araw nalang po ba ganito? Pare-parehong mukha ang nakikita ko. Nakakairita ang  mga boses na naririnig ko. Wala po bang bago Lord? Never ko na po ba maririnig na Good  Morning Mahal?

Bumangon si Carla at pumunta sa may bintana. Tumingin siya sa mga ulap na may sinag  ng bukang liwayway at pumikit.

Maraming Salamat po Ama sa bagong umaga, nawa’y maging maayos at maganda ang  araw na ito. Sana po hindi ako pagalitan ng boss ko at bawasan niya ang workload ko. Sana rin  po ipakilala niyo sa akin ang lalake na para po sa akin. Ibigay niyo na po siya Lord please para  naman po mabawasan ang inis ko sa paligid ko. Araw-araw ko po itong hihilingin sa inyo.  Maraming Salamat. Amen.

Minulat ni Carla ang kanyang mga mata. Lumiliwanag na ang buong kapaligiran. Ngumiti  siya sa langit at tumalikod na upang kunin ang cellphone sa lamesa at ang tuwalya na nakasabit sa  may pintuan ng kuwarto niya bago siya lumabas.

“Hoy Carla! Buti naman at lumabas ka na, kanina pa nag-hihintay ang pagkain sa’yo.” Pasigaw na sambit ng Ina ni Carla na nakaupo sa hapagkainan. Nasa 60’s na ito pero  malakas at maliksi pa rin ito. Hilig niyang pagsabihan ang anak sa umaga. Nasanay na si Carla sa  mga sermon nito at iniintindi na lamang niya. Iniisip niya na madalas itong stress dahil mag-isa  lang ito na bumuhay sa kanilang mag-kapatid. 

Umupo si Carla sabay sabi ng “Ang aga, sumisigaw ka sa harapan ng pagkain.”

 “Hindi ako sumisigaw, sadyang malakas lang ang boses ko para marinig mo at maunawaan mo ang mga sinasabi ko!” mahinahon ngunit malakas pa rin ang pagkasambit ng kanyang ina. Nag-dasal muna si Carla bago kumuha ng fried rice, scrambled egg at tuyo.

Naka-kamay nitong kinain ang almusal. Sunod-sunod siyang sumubo ng pagkain nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumayo siya at tumakbo sa kusina upang mag-hugas ng kamay. Bumalik siya sa lamesa at pinindot ang screen ng cellphone. Lumitaw ang reminder na kikitain niya ang kanyang high school friends.

“Hay naku! Inuna pa talaga ang cellphone bago ubusin ang pagkain. Ikaw na mag-ligpit ng mga yan ha. Tutal tapos na kaming kumain, ikaw nalang ang hindi.” Ani ng nanay ni Carla bago tumayo at dinala ang ilang plato sa kusina.

“Paano ako makakapangasawa niyan? eh nililigpitan niyo ako ng plato!”

“Boyfriend nga wala ka, naisip mo pang makakapag-asawa ka? Baliw ka ba?” Pangbubuyo ng Ina niya.

 “Malapit na, kung tatagal pa ako dito sa bahay, malamang baka nga mabaliw na ako.” Mabilis na sagot naman nito.

“Kita mo ikaw pa ang mababaliw kaysa may lalakeng mabaliw sa’yo. Bahala ka diyan! ang tanda mo na!” tuluyan nang umalis ang kanyang Ina.

Umupo si Carla at bumuo ng mensahe na ipapadala sa mga kaibigan niya mula high school na sina Cristian at Vince.

Parekoys, don’t forget our meeting tonight ha! Sumipot kayo please. Kailangan ko ng kausap ngayon. Hindi ako magda-drama promise! Doon na tayo mag-dinner sa lagi nating tagpuan. See you at 7PM okay?

Tumayo na ito at niligpit ang hapagkainan. Hinugasan na rin niya ang mga nakatambak sa lababo bago tumungo sa banyo para maligo. Pagkatapos ay pumasok na sa kuwarto niya upang mag-bihis ng uniporme sa opisina. Bago nito buksan ang cabinet ay tumunog ang kanyang cellphone. Nag-reply ang kanyang mga kaibigan. Una niyang binasa ang message ni Cristian.

Ang aga mo mag-remind madam! Di ko po nakakalimutan ang lakad natin mamaya.

Sunod naman ay binasa niya ang mensahe ni Vince.

Good morning! Thanks for reminding! Don’t worry I’ll be there. Lagi naman ako sumisipot  di’ba? Malakas ka sa akin.

Napangiti si Carla sa mensahe ni Vince. Napaisip siya. 

Oo nga ‘no? Never pa ako na-indian ni Vince. If hindi siya puwede, sinasabi niya agad tapos bumabawi sa susunod na araw. He truly cares sa feelings ko. Alam niya na matampuhin ako. Alam niya na ayokong pinapaasa.

Binitawan niya na ang cellphone at binuksan ang cabinet. Kinuha niya ang naka-hang na damit at sinuot. Tumingin siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

Pangit ba ako? Parang hindi naman. Bakit kaya ako iniiwan at inaayawan ng mga lalake?  Ah, lasengga ka kasi! Pero teka, hindi naman ako nag-lalasing ng madalas ha. Masipag kaya ako, pampalibang ko lang ang pag-inom. Masaya ako pag umiinom ng alak. Masama ba yun? Hindi naman ako sa bar umiinom. Ah bahala sila, kawalan niyo itong gandang ‘to.

Tinuro niya ang mukha sa salamin.

“Pak! Ganda yan? Yes naman!” nakangiti niyang sambit sa sarili. Na-motivate na siya at kita rin sa mukha niya ang excitement sa dinner meeting niya with her high school buddies. Kinuha niya ang kanyang bag at umalis na patungo sa opisina.

NAGMAMADALING lumabas si Carla sa building ng pinapasukang trabaho. Pinag overtime kasi siya at malelate sa oras ng dinner meeting nilang magkakaibigan na siya mismo ang nag-set. Buti na lamang at malapit lang ang meeting place nila. Nakaabang ang puting sasakyan na na-book niya bago pa siya mag-out sa time clock nila. Binuksan niya ang pintuan ng backseat nito at sumakay.

“Good evening po, kayo po si Ms. Carla Suarez?” magalang na sambit ng driver ng kotse na mukhang nasa 20’s lang.

“Yes kuya! Tara na po”

“Sa Mama’s Cantina po ang destination?”

“Yes kuya. Tara na po, baka iwan po ako ng mga kikitain ko, late na po kasi ako pinaalis ng boss ko.” Bumuwelta na ang sasakyan at sinundan ang ruta na nakalagay sa cellphone nito.

“Ma’am, ito po ang tissue.” Inabot ng driver ang box ng tissue kay Carla.

“Ay! Salamat kuya.” Bumunot siya ng ilang piraso sabay sabi ng “Wait! kuya ako ng kuya  pero mukhang nasa 20’s lang po kayo”

“Ay Salamat po ma’am pero 33 na po ako.”

“Magka-edad tayo!” masaya na sambit ni Carla, nag-tanong ulit ito “May asawa ka na?”

“Wala pa” sagot nito ng nakangiti.

Lord ito na ba ang sagot sa panalangin ko kaninang umaga? Cute naman siya, may dimples, chinito, maputi at matangkad tapos wala pa siyang asawa. Rare pa naman ang mga guwapong single sa edad namin.

“Kayo po Ms. Carla, may asawa na po kayo?” napatingin si Carla sa rearview mirror pagkarinig ditto

“Wala pa eh, mailap sakin ang lovelife”

“Baka nahihiya lang ang mga gustong manligaw sayo ma’am. Maganda ka kasi.” Namula si Carla ng bahagya at napangiti. Medyo kinilig rin siya sa sinabi nito.

Maganda nga naman siya ngunit minsan hindi niya ito pinaniniwalaan dahil sa experiences niya sa buhay pag-ibig. Makinis ang mukha niya kahit hindi siya kaputian. Medyo makapal ang kanyang kilay pero bumagay sa hugis ng kanyang mukha. Katamtaman ang tangos ng ilong at may kissable lips. Nangungusap din ang mga mata niya.

“Nandito na tayo sa destination mo” lumingon ang driver sa kanya pag-hinto nito ng kotse.

 “Ang bilis naman. Salamat.”

“Oo nga eh’ ang bilis, by the way, Ryan nga pala,” sabay abot ng calling card na tinanggap agad ni Carla. 

“Kapag need mo ulit ng car service, kontakin mo lang ako. Pwede rin itong sasakyan ko na Bridal car” sabi nito na may malaking ngiti.

“Bridal car? Wala pa nga akong groom to be.” Nahihiyang sagot ni Carla

Pwedeng ikaw nalang ang groom?sabi nito sa isip

Napatawa si Ryan ng bahagya “Darating ang panahon na matatagpuan mo rin ang taong para sa’yo. Hindi mol ang siguro namamalayan na nandiyan na pala siya sa paligid mo” sabay ngiti kasama ang mga mata.

“Oh my God, tinutukoy ba niya ang sarili niya Lord?” Nagpapanic na sigaw ng kalooban ni Carla

“Salamat ulit Ryan! Bababa na ako, kokontakin nalang kita kapag kinailangan ko ang love este service mo. And maybe, love… advices! mukhang magaling ka do’n. Bye!” binuksan niya na ang pintuan ng kotse at bumaba. Umandar na ang sasakyan papalayo ngunit siya ay nakatayo pa rin sa kung saan siya bumaba at nakatingin sa langit habang kinikilig.

Gosh Lord, that was intense! Grabe ka talaga sa akin. Okay, hindi na ako mag papakachoosy pa. Feeling ko talaga ito na ‘to, binigay mo na yung hiling ko na lifetime partner.  Thank you, thank you, thank you! I love you!

“Hoy!” may tumusok sa tagiliran niya kaya nakiliti siya. Paglingon niya ay isang pamilyar na mukha ang bumungad. Cute, may maliit na dimple sa mag-kabilang pisngi, bilugan na singkit ang mga mata, maputi at mas matangkad ng kaunti sa kanya. Si Vince pala ito na high school classmate at buddy niya.

“Viiiiiince!” masayang sambit ni Carla at niyakap ito ng mahigpit.

Hindi pumiglas si Vince, bagkus ay pabalik niya rin niyakap si Carla ng mas mahigpit sabay tanong ng “Bakit ang saya mo ngayon? Kaninang umaga parang may dinaramdam ka. Ano ba ang nangyari?”

Kumalas si Carla mula sa pagyayakapan nila at sinabi na “I think I just met the one na mapapangasawa ko.” Kinikilig pa ito.

“Asawa? I’m sick of that word. Akala ko ba gusto mo maging masaya ang buhay mo?  Bakit ka naghahanap ng asawa? Sakit lang ibibigay sa’yo non!” sabay turo sa ulo “diyan!” at turo sa puso “at diyan din!”

“Ang nega mo! Huwag mo akong hawaan ng bad energy mo kasi gusto ko pa mag-asawa!  Bahala ka kung ayaw mo, palibhasa bitter ka pa rin!” inis na sagot ni Carla sabay walk out at pumasok sa loob ng restaurant. Sinundan siya ni Vince ng tingin.

Hinahanap ni Carla ang lamesang pinareserve niya nang may tumawag sa pangalan niya.  Si Cristian ay nandoon na pala. Himala at maaga ito doon. Madalas na siya ang naghihintay sa dalawang kaibigan. Lumapit na siya sa mesa at umupo sa harapan ng kaibigan. “Uy! Ang aga mo ngayon. Nakakatuwa naman.” Pabirong ani niya

“Siyempre naman, pakiramdam ko kasi sa text mo kaninang umaga ay iiyak ka anytime soon. Pero himala rin na wala akong natanggap na messages after nung text mo na ‘yun”

 “Hala siya, kaya ko naman i-motivate ang sarili ko ‘no.Isa pang nakakapagtaka ay nauna pa ako kay Vince, usually siya ang nauuna sa akin eh.”

“Ahh nandoon na siya sa labas, papasok na din ‘yun. Nagpapagpag pa ng bad vibes.” “Ha? Bad vibes? Bakit? Eh wala naman siyang asawa, wala ring girlfriend or hindi ko lang  alam na may girlfriend.”

“Exactly the reason why he’s spreading negative energy. Wala siyang asawa, I mean, wala na siyang asawa kaya hindi na siya naniniwala sa love, sa kasal, o sa pag-aasawa.” Ngumisi si Cristian at sinagot si Carla

“Malamang gano’n ang pakiramdam niya dahil  kasabay ng pag-iwan ni Loraine ang pagkamatay ng puso niya. Para na rin siyang namatayan ng  asawa. Hindi mo alam yung feeling na ‘yun kasi hindi ka pa naman nag-asawa or live in. Wala ka  ngang jowa eh.”

Naiinis na hinampas siya ni Carla. Ilang Segundo lamang ay dumating na si Vince. Narinig nito ang mga sinabi ng kaibigan na si Cristian. Nakasimangot ito. Nailang naman sina Carla at Cristian. Hindi sila makapagsalita. Umupo ito sa tabi ni Carla at salitan na tinitigan ang dalawa.  Pagkalipas ng isang minute, binasag na ni Cristian ang katahimikan.

“Sorry parekoy! Honest opinion ko lang naman ‘yun”

Tumingin si Vince kay Carla. Tiningnan niya rin ito pabalik. Nagtitigan sila. “Hindi ako hihingi ng sorry. Wala akong ginagawang masama.” Giit ni Carla sa sarili.

“Sorry, jinijinx ko yung kagustuhan mo mag-asawa.” Sambit ni Vince sabay ngiti. Napangiti na rin ang dalaga.

“Waiter! Oorder na kami!” sigaw ni Cristian sa waiter na nasa distansiya. Dali naman itong  pumunta sa kanila at kinuha ang order.

“Alam niyo dapat mas maaga pa talaga ako dumating dito kaso nga lang ay mabait yung boss ko. Mahal na mahal ako, pinag-overtime ako.” Kuwento ni Carla

“Kung hindi ka na-late, hindi ka mag-book ng car service. Ang kuripot mo kaya!” asar  ni Vince

“Ay! Tama ka diyan Vince, kung hindi ako nag-book ng car service, hindi ko makikilala  si Ryan, ang aking the one.” Kinikilig na sambit ni Carla.

“Ahh kaya pala di ka umaalis doon sa labas, pinapantasya mo pa siya.” Sabay kurot ni Vince sa kanya.

Si Cristian naman ay nakamasid lang sa kanila at natutuwa sa nakikita. Dati pa niya inaasar ang dalawa na magkatuluyan nalang.

“Wait, bumaba na ba standard mo parekoy?” tanong nito kay Carla

Agad naman sumagot ito “Hoy! Maayos naman na tao si Ryan, di mo siya kailangan husgahan. Mukhang masipag nga rin eh’. Inabutan ako ng calling card bago bumaba. Puwede ko daw siya kontakin ‘pag need ko ng car service and pwede din daw bridal car yung sasakyan niya.  O di’ba?”

“Okay, so prospect ka pala niya maging kliyente pero ikaw, prospect mo na siya mapangasawa. Wow, iba ka talaga!” patuloy na pang-aasar ni Vince. 

Tumawa ng malakas si Cristian. Naasar naman si Carla at sumimangot. Dumating ang waiter dala ang pagkain na inorder nila at isang bucket ng beer. Kumain muna sila ng hapunan bago binuksan ang mga serbesa.

Nakangiti na tinanggap ni Carla ang bote ng beer mula kay Vince na nasa tabi niya.

“Masaya ka na naman, makakainom ka ng alak.” Asar nito

“Ito lang naman pangtanggal ko ng stress at boredom in life. Kaya nga dapat yung  mapapangasawa ko ay umiinom din para bonding namin.” Sagot niya sabay kindat

“Sakto ‘yun parekoy tapos loving loving after a glass or two ‘no?” singit na sabi ni Cristian.

 “Hay naku kahit walang alak, roromansahin ko yung asawa ko, aba ang tagal nitong sabik ‘no, suwerte talaga niya.” Natatawang ani niya.

“O’ siya kampay! Para sa sex life este love life ni Carla!” sambit ni Vince sabay taas ng bote na sinaluhan naman nina Cristian at Carla sabay sigaw ng “Cheers!”

Uminom ang magkakaibigan. Umorder pa sila ng isang bucket. Napapasarap ang kwentuhan at asaran.

Nag-tanong si Cristian sa dalawa “Bakit hindi nalang kayo ang magkatuluyan? Bagay na bagay kayo o atsaka mahal niyo na ang isa’t isa kasi mag-kaibigan na talaga kayo.” Sumagot si Vince

 “Kaya nga, mag-kaibigan kami, mahal ko ‘to kaya gusto ko lumigaya rin ‘to kasi deserve niya.” Sabay alok ng kampay kay Carla.

“Bakit hindi ka ba deserving parekoy? Ikaw! deserve mo rin may mahalin.” Giit ni Cristian.

 “Tinitingnan ko si Vince ngayon.” Sambit ni Carla na nakatitig sa mukha ni Vince.  Tinitigan din siya nito.

Guwapo na talaga siya since high school. Hanggang ngayon baby face pa rin. Moreno, matangkad at makisig rin, higit sa lahat mabait.

“Cute siya! maayos ang pagkatao pero parang walang kuryente, walang bahid ng pag-nanasa.” Sabay lingon kay Cristian.

“Di’ba love ang gusto mo? Bakit spark ang hinahanap mo? Love is not a feeling. It is a decision. Ang friendship, it is a developed kind of love. Genuine. Sisingitan mo nalang ng romansa.” Paliwanag naman ni Cristian.

Napatameme nalang ang dalawa. Napagtanto ni Vince na may sense ang mga sinasabi ng kaibigan.

“Nung’ high school tayo di’ba? Nag-halikan na rin kayo sa dare, am I right? Nag-inom tayo noon kasama pa yung iba nating classmates kaya medyo wild. Hindi naman tayo sanay pa uminom no’n. Ano Carla? Masarap ba h*****k itong si Vince?” dagdag pa nito.

Namula ang dalaga at naalala ang araw na iyon. Nag-hiwalay sila ng boyfriend niya noon sa unang pagkakataon at nag-rerebelde siya kaya niya nagawa iyon. Masarap at matamis h*****k si Vince. Sa totoo lang, tumatak ang halik na iyon sa kanya. Kahit marami na siyang n*******n sa paglipas ng panahon, ramdam pa rin niya ang lambot ng mga labi nito. Dahan-dahan, magaan, malim, malinamnam. Napayuko siya sa pag-alala ng mga nakaraan.

“Tama na nga yan! 17 years ago na ‘yun binabalik mo pa. Mapusok pa tayo noon, curious kasi tayo sa mga bagay bagay. Besides, di pa ganun kalalim yung friendship namin, nating tatlo!  di’ba? Naging super close tayo after high school.” Paliwanag ni Vince.

“sabagay parekoy, pero imagine, may tinanim na kayo sa isa’t isa. I’m sure tumutubo na iyon pero mabagal kasi di nadidiligan ng tama. Kulang sa pataba!” giit ni Cristian.

“Last bottle na natin ‘to tapos uwi na tayo. Sermon na naman ako bukas sa nanay ko kapag lasing ako umuwi ngayon.” Sambit ni Carla upang malihis at matapos na ang topic.

“Yes, last bottle na. Basta Carla, Vince, pag-isipan niyo pareho yung mga sinasabi ko sa inyo.” Ani ni Cristian bago inumin at ubusin ang beer na natitira sa boteng hawak niya.

Tinapos na nila ang kanilang inuman. Sumabay si Carla sa sasakyan ni Vince. Si Cristian naman ay nag-taxi na lamang. Tahimik ang dalawa habang nasa biyahe. Binuksan ni Vince ang radyo upang mabasag ang katahimikan. 

“Ang kulit ni Cristian pag nakakainom.” Reklamo ni Carla.

Natawa naman si Vince sabay sabi “Ever since naman ay ine-express ni Cristian ang feelings at opinions niya kaya nga natin siya kaibigan eh’ kasi honest siya.”

 “Brutally blunt!” sigaw ni Carla sabay tawa na rin.

Nagtawanan at asaran sila hanggang makarating na sila sa bahay ni Carla. Nag-paalam sila sa isa’t isa habang nagbibigay ng halik sa pisngi. Bumaba na ng sasakyan si Carla at pumasok sa loob ng bahay.

Si Vince ay hindi pa umaalis. Sinilip niya ang bintana ng kuwarto ni Carla mula sa sasakyan. Tinted ito kaya hindi halata kung ano ang ginagawa niya sa loob. Binuksan nito ang compartment at kinuha ang isang papel. Binuksan niya ang ilaw at sinimulang basahin ito.

 Nabasa niya na nang maraming beses ang sulat na ito pero paulit-ulit niya iniintindi ang mga nakasaad dito.  Granted na ang annulment nila ni Loraine. Sumikip ang dibdib niya. Gusto niyang mag-move on pero gusto rin niyang gumanti. Kinakain siya ng pride niya. Iniwan siya ng babae. Nabalitaan pa niya na may nobyo na ito sa ibang bansa kahit hindi pa sila opisyal na hiwalay samantalang siya ay di magawa makipagdate man lang dahil sa sakit na dinulot sa pag-iwan sa kanya ng dating asawa. Pinaandar niya na ang sasakyan at umuwi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status