Share

Chapter II

TUMITILAOK na ang manok ng kapitbahay nila Carla. Tumatahol na rin ang mga aso sa daan. Maingay na sa paligid ngunit hindi pa rin siya magising. 

Padabog na binuksan ang pinto ng ina ni Carla ang kuwarto niya. Galit ito na makita ang dalawa niyang anak na nakahilata pa sa kama at napakalalim ng tulog.

Napansin din nito na may mga bote ng gin, pitsel, baso, sigarilyo at mga balat ng chichirya na nakakalat sa lapag. Sa sobrang inis ng kanilang ina ay sumigaw ito ng napakalakas.

“Mga batugaaaaaan! Gumising kayo! Wala talaga kayong silbi!”

Unti-unting umunat si Carla na tila naalimpungatan sa pagkakatulog. Hindi naman niya pinansin ang ina at tumalikod lang upang ituloy ang pagtulog. Wala naman pakeelam ang bunso niyang kapatid sa ingay.

“Hoy Carla! Ikaw pa naman ang panganay tapos ikaw pa ang gumagayak dito sa kapatid mo. Wala ka man lang ituro na maganda diyan. Gumagaya na yan sa’yo na lasenggera.” Galit pang sermon ng nanay nila.

“Ano ba! Ang aga aga, mamaya ka na manermon.” Sagot na pabalang ni Maya sabay takip ng unan sa tenga.

Nainis ang matanda at lumapit sa kama. Inangat ang unan at pinisil ang tenga ng bunsong anak.

“Tumayo ka diyan at doon ka na matulog sa kuwarto mo.” Nagtitimpi na sambit ng ina nila habang hawak ang tenga ni Maya. Hila hila niya ito palabas. 

Ilang minuto lamang ay bumalik ang nanay ni Carla upang siya naman ang gisingin at patayuin sa kama. Galit ito ngunit nagtitimpi.

“Pinili mo pa talagang mag-inom kahit may pasok ka ngayon sa trabaho. Kapag ikaw ay nag-absent ngayon, magagalit na naman sa’yo yung boss mo at malamang sisantehin ka na ng tuluyan.” Sermon nito habang pinupulot ang mga kalat sa sahig.

“Ayoko naman na talaga mag-trabaho, gusto ko nalang mag-asawa para sa bahay nalang muna ako. Pagod na pagod na ang katawang lupa ko.” D***g ni Carla.

“Tumayo ka na diyan! Pilitin mong pumasok sa opisina ngayon. Kung hindi ka papasok eh’ maghanap ka na ng tutuluyan mo. Nandito ka pa sa poder ko kaya hindi mo puwedeng gawin nalang basta ang gusto mong gawin sa buhay. Kung gusto mo na manahimik ako, bigyan mo ako ng apo. Baka sakali kung may sanggol dito ay hindi ko na kayo pansinin magkapatid.” Dagdag nito.

“Nagbibigay naman ako ng budget dito sa bahay ha! Sermonan mo ako kung wala akong silbi at all pero meron eh’ meron akong role dito.” Galit na sagot ni Carla. 

Trigerred na siya at nasaktan sa mga narinig mula sa bibig ng ina. Hindi naman niya ginusto na hindi magkaroon ng pamilya. Pangarap niya ang maging ina at asawa ngunit sa palagay niya ay wala pa ang tamang tao na inilaan para sa kanya. Ayaw naman niya na mag-settle nalang kahit kanino. Kung wala na talaga siyang choice, mas pipiliin pa niya na mag-settle with a friend than to settle with a stranger she barely knew. May iba nga na nagpapakasal sa banyaga upang mabago ang buhay but at the end of the day ay sinasaktan ito o higit pa ay napapatay ito. Kung hindi siya mag-iingat ay baka matulad siya sa mga biktima.

Sinagot naman siya ng ina “Sige, may silbi ka na. Habang buhay ka nalang ganyan?  Walang pagbabago sa buhay mo? May silbi ka dito pero yung pagkatao mo walang silbi kung hindi ka magkakaanak. Kung mag-aanak ka, piliin mo na may asawa unless gusto mo maghirap buong buhay mo katulad ko dahil walang umalalay. Gusto ko na nga sana mag-libang pero paano?  Tomboy yung kapatid mo. Ikaw naman, walang pamilya. Pareho kayo nandito pa rin sa bahay ko, nakasandal pa rin kayo sa akin. Gusto ko na may malaro na apo bago ako tuluyan mawala sa mundong ito.”

Napepressure na si Carla sa kanyang ina ngunit inuunawa niya kung saan ito nanggagaling. Hirap siya sa pagbubuntis noon kay Maya habang siya ay alagain din. Wala itong alalay, mga kapitbahay lamang ang tumulong dito noong manganganak na. Wala ni isang kamaganak ang tumulong man lang para alagaan siya habang ang ina ay nag-aalaga sa bunso niyang kapatid. Nakita niya lahat ang sakripisyo ng ina. Lumaban ito sa buhay. Gusto lamang nito na may mag-alaga sa kanila kapag nawala na siya sa mundo.

Tumayo na ang dilag sa kama kahit nahihilo pa siya sa kalasingan. Kinuha ang tuwalya at lumabas na ng kuwarto upang tumungo sa banyo habang ang ina ay umupo sa kanyang kama at umiiling.

Late na si Carla sa kanyang trabaho pero hindi ito nagmadali. Kalmado lang itong naglakad papasok ng building. Pumila sa elevator at nag-time in. Pagpasok niya ng lobby ay naririnig niya na ang boss niya na sinisigaw ang pangalan niya. Hinahanap na siya nito.

Nakakatakot nga naman magalit ang boss niya. Sa itsura palang nito ay parang leon na.  May edad na ito, may bigote, Chinese ang feature ng mukha at medyo mataba. Nakita siya nito mula sa malayo, napatigil si Carla at tinignan lang ang boss niya. Nag iisip na siya kung tatakbo palayo o lalapit sa matandang lalake. Yumuko siya at dahan-dahan  lumapit. Nakapamewang na ang boss nito.

“Why are you late?” mahinahon na tanong sa kanya.

“Sorry sir, I have an emergency earlier. I was not feeling well. Supposedly, I will file for sick leave today.” Katwiran niya.

“Are you dying?”

“No sir.”

“Then there’s no reason to file for sick leave today.”

“But I’m dead inside sir.”

“Then you are DEAD for the rest of your life. You will find each thing unworthy. You’ll never be happy in the simplest way. You will always have a reason and excuse not to live the life you always wanted. Would it be okay with you?”

“No sir.”

“Then, do your job well. Your job doesn’t end here. You have a job to fulfill for yourself, your family and the society. That’s reality Carla. If you don’t want to be here anymore, you are ready to go. We need someone who wants to grow.”

“I’m sorry sir, this will never happen again.” Giit niya.

Tumalikod ang kanyang boss at pumasok sa loob ng private office nito. Si Carla naman ay nanlalamig dahil pinagalitan siya sa harap ng kanyang colleagues.

She misses her old self; it seems like her life has lost its meaning.  She’s pressured at home and even at work. Ano ba ang dapat niyang gawin? Gusto niya takasan lahat ito. Kulang naman ang ipon niya para magsimula ng bagong buhay abroad. Mag migrate nalang kaya siya sa probinsya? Liliit lang ang sahod niya ngunit malayo naman siya sa toxicity na unti-unting pumapatay sa kanya.

Umupo na si Carla sa kanyang desk nang nag-ring ang telepono sa mesa niya. Ang boss niya ito.

“Carla, contact Mr. Bermudez to follow up the contract of our project with them.”

“Okay sir.”

Tumawag ulit ito at nagbigay pa ng maraming tasks sa araw na iyon.

Lunch break na nila ngunit hindi pa siya tapos sa portfolio na kailangan niya ipadala agad sa kliyente. Tinawagan niya si Vince para mag-rant.

“Hello Vince! Favor naman please.”

Sumagot ang nasa kabilang linya na medyo namamalat na boses. “Hello Carla, ano ba ang problema?”

“Padalhan mo naman ako ng food dito please, sige na, hindi ako makababa para bumili atsaka wala akong enough na cash dito para mag-order online. May minimum amount sila eh.  Balak ko nga mag-pares lang sa baba eh. Utang muna, bayaran kita sa suweldo.” Pakiusap ni Carla sa kaibigan.

“Sige, ako na bahala. Huwag mo na bayaran. Libre ko na ito. Basta pagdating sa pagkain, wala tayong problema kaysa naman magutom ka. Lalo ka hindi makakapagtrabaho ng maayos. Bye! Antayin mo nalang” Walang pagaatubiling sagot ni Vince.

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kasi lasing pa ako. Pinagalitan ako ng nanay ko.  Pinagalitan ako ng boss ko. Tapos wala akong extrang pera para mag-stress eating. Ang suwerte suwerte ko.

Natapos na ang lunch break. Nakakain naman siya ng maayos at nabusog sa pinadeliver ni Vince na pagkain na may kasama pang kape.

Natapos na rin niya ang portfolio na kailangan ipadala sa kliyente. Tinapos niya talaga as soon as possible ang mga tasks na binato sa kanya ng boss niya dahil alam niya na after lunch break ay bibigyan siya ng mas mahabang listahan ng trabaho na tiyak mag-papaovertime sa kanya

.

Dumaan ang boss niya sa desk niya at may mga dokyumento na binigay. She has to encode everything before her shift ends. Habang tinatype niya ang laman ng mga dokyumento ay panay tawag din ng boss niya sa telepono para magpakontak ng tao.

Hindi na namalayan ni Carla ang oras. Mabilis itong tumakbo. Malapit na rin siya matapos pero ilang minuto nalang ay out niya na. Minadali niya na ang ginagawa niya. Hindi siya mag oovertime dahil wala naman itong bayad. She was instructed to finish the job before her shift ends.

Pagkatapos na pagkatapos niya maencode lahat ng dokyumento ay sinave niya ito at inemail sa boss niya. Nag-time out na siya at nagmadali na makaalis sa opisina bago pa siya makita ng boss niya. Baka kasi magdagdag na naman ito ng extrang trabaho last minute.

Naglalakad si Carla patungo sa terminal ng sasakyan pauwi sa kanila. Rush hour kaya mahaba ang pila. Pumila siya. Nilabas niya ang kanyang cellphone at headset. Nag-scroll siya sa social media ng mga video about tarot and astrology.

Nakita niya na live ang favorite niyang tarot card reade. Sumali siya sa livestream at nag type ng tanong. Paulit-ulit niya itong tinatype, nagbabakasali na makita ito at mapili na sagutin ang tanong niya ngunit bigo siya.

Nagpatuloy siya sa pag-scroll at nakita ang isa pang video ng tarot card reading para sa linggong parating.

“Meron tayong apat na klase ng bato dito. Ang rose quartz, ang amethyst, agate and blue sapphire. Titigan mo sila ng maigi. Alin sa mga ito ang malapit sa puso mo. Kung kailangan mo i-pause ang video na ito ay gawin mo para makapagisip ka ng mabuti. Pakiramdam mo rin ang puso mo. Nakapili ka na?” ito ang mga kataga na sinasabi sa video.

“Ang gaganda naman ng mga batong ito. Alin ba ang pinakamaganda para sa akin. Ano ba ang tinitibok ng puso ko?” masugid na sinasaliksik ni Carla ang mga itsura ng bato sa video. Pinili niya ang rose quartz at pinanood ang reading para sa mga pumili ng batong iyon.

“Para sa lahat ng mga pumili ng rose quartz, ito ang mga na-draw kong cards earlier.  First card is Upright Wheel of Fortune which means that life is full of unexpected changes. This can also signal great changes in your relationship, perhaps one that you didn’t see coming. These are not bad things but adjustments may have to be made. Second card is dolphin and it signifies playfulness, generosity, friendship and intelligence. This card also suggests to be more practical and intellectual when in comes to decision making. Third card is King of Cups. Wow. Sobrang ganda naman ng mesaheng ito. King of cups in love reading means a good father and husband.  Napakapositibong omen nito para sa relationship niyo because your partner will be very loving and supportive of you and your needs. Huwag kang matakot maging vulnerable around this person. He is trustworthy and wishes to support and love you the way you deserve. Naman talaga!”

Napaisip si Carla at natuwa sa mga narinig. Pinagpatuloy ng tarot card reader ang pag interpret ng mga baraha.

“The last card is the eight of wands. Well, with connection from the last card, when it comes to love, this card pertains to your readiness to be committed to a relationship; however, the card advises you not to force the other party to also be ready for the commitment. Your significant other will soon be ready - forcing things to happen may affect the result negatively.

Alright, ang tanong ko is handa na ba kayo kapag nag-appear ang opportunity to love in front of you? Sabi nga ng second card, maging matalino tayo sa pag-decide. So that’s all for today. Thank you so much to all who joined in my live stream. I wish you good luck and happiness. Love lots, bye!” At tinapos na nga ang live tarot card reading.

Umabante ang pila at nakasakay na siya ng jeep. Finally, makakarelax na siya ng bahagya.  Makikinig nalang siya ng musika para mabawasan ang stress na dala-dala niya buong araw.

Nasa tapat na si Carla ng bahay nila. Nakatingin lang siya rito. Ilang minuto lamang ay tumingala siya sa langit. Ang liwanag ng buwan. Ang ganda nitong pagmasdan. Habang tinititigan niya ito ay nag-playback ang mga narinig niya mula sa live tarot card reading video.

Nagulat siya nang may kumalabit sa likod niya. Si Maya pala ito na pinagtatawanan siya kanina pa dahil nakatulala siya sa kawalan.

“Huwag ka ng mag-daydream, gabi na, bukas nalang ng umaga!” pang-aasar nito sabay halakhak.

Siniko niya ito at naglakad na siya papasok ng bahay nila. Dumiretso siya sa kuwarto.  Hindi niya binati ang kanyang ina na nakasagutan niya noong umaga.

Sa kuwarto ay binuksan niya ang bintana at tinanaw ulit ang buwan. Kinausap niya ang sarili habang masid ito.

May nabasa ako. Ang sabi doon ay nakakapagpakalma ang moon gazing. Quite true but aside from it is I find the moon magical. Traditionally, the moon is associated with fertility and new growth. I have dated multiple times pero never akong nabuntis. Okay na ako dati na mag baby kahit wala ng daddy ‘eh pero as time goes by, I realized na mas gusto ko ang magkaroon ng partner in life rather than having a baby. Kinoconsider ko na nga lang mag-adopt or mag-asawa ng single dad. Besides, baka mahirapan na din ako dahil sa age ko.

Nahimasmasan na si Carla at bumalik sa presensya niya. Sinarado niya ang bintana at naghanda na para matulog.

Bago siya matulog ay nag-chat muna niya sa mga kaibigan na sina Cristian at Vince. Meron silang group chat kung saan sinesend ang mga photos nila together o kaya naman kung meron silang nakitang nakakapag-paalala sa bawat isa.

“Good night mga parekoys! I had a tough day. Thank you Vince sa lunch ko.” At sinundan  niya pa ito ng smiley face at emoji na kiss.

Nabasa agad ito ni Cristian at inasar siya. “Sabi ko naman sa’yo, potential partner yan si Vince. Mapagmahal yan, sa kaibigan man o sa pamilya. Seryosohin niyo na kayang dalawa ang isa’t isa.”

Sumagot si Vince ng tumatawang emoji. “Kulit mo pa rin Cristian. Good night na sa inyo.  You’re welcome Carla. Bawi ka nalang sa akin.”

Hindi na sumagot pa si Carla sa group chat nila. Naisip niya si Ryan. Baka ito ang sinasabi ng tarot na huwag i-force sa commitment. Dahil bago lang sila nagkakilala at masyadong mabilis ang lahat. Hindi pa sila lumalabas para mag-date. Hindi pa din niya ulit ito nakausap simula noong gabing naihatid siya nito. Hindi din niya ito sinubukang i-text o tawagan. At lalong hindi rin siya ni-reach out nito.

Naguguluhan siya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang best friend niya na si Reese. Kaibigan niya ito mula kolehiyo.

Nagriring lang ang telepono ni Reese. Nakailang tawag siya bago ito sumagot. “Hello Reese! Ang tagal mo naman sumagot, ano ba ginagawa mo?”

“Naghihilamos ako, preparing to sleep, ano problema?”

“Hindi ko pa nakuwento sa’yo si Ryan.”

“Ryan? Bagong love interest mo? May interes ba sa’yo?” may halong asar na tanong ni Reese.

“May spark! Binigay niya nga sa akin number niya kahit hindi ko naman hinihingi.  Anyways, ang ganda ng tarot card reading sa akin kanina! Nakakakilig.” Sagot ni Carla.

“Hoy! Huwag ka masyado maniwala sa card reading. Mas maganda ay magdasal ka ng taimtim, bawasan mo pagiinom mo at mag-retreat. Okay?”

“Ito naman, kontrabida ka rin ‘eh”

“Stop focusing on those readings Carla. Better to start focusing on reality. Become a better version of yourself. Mas ma-aattract mo ang mga lalake dahil mahal mo ang sarili mo at confident ka.”

“I’m always confident at dahil doo’n, na-iintimidate na yung mga lalake sa akin. Natatakot sila sa akin.”

“Well, you are not attracting the right kind of men. Takot ‘eh! Look, stop chasing and desiring for a partner. It’s okay if you end up single. Go on travels. Build an empire. Mag-alaga ka ng pets. Mag-volunteer ka sa charity. There are a lot of things to do.”

“Masarap din kasi minsan na may yayakap sa’yo kapag nalulungkot ka. May kasama ka sa pag-abot ng mga pinapangarap mo. And isa pa, gusto na ng nanay ko ng apo.”

“Hindi naman kasi talaga hinahanap ang love, friend. It just comes naturally. Mutual feeling ‘yun ng dalawang tao. Mutual decision din to stay committed. Akala mo ba masaya kaming mga nasa relasyon? Most days, we are not. Walang perfect ‘eh. But since my boyfriend and I started as good friends, we already developed a deeper respect and love for each other. Kapag galit nga ako sa kanya, naiisip ko is barkada ko siya instead na partner. Pinipili namin na mag-stick together every day because we have decided to be friends and partners for life. But if ever na hindi umayon sa amin ang panahon, then, we will let go. Wala akong control sa decision at feelings niya. Yung akin, kontrolado ko. Alam ko at alam din niya kung hanggang saan lang ang kaya ko.”

“Magkaiba talaga tayo pero we’re good friends. Sabi doon sa tarot, I have to use my intelligence daw when it comes to decision making. Kaya nga siguro ako laging failed ay dahil pinapangunahan ko ang mga bagay bagay. ‘O siya, kitakits sa sabado ha! May annual check-up ako sa OB-GYNE clinic ng 9AM. Kumain na rin tayo sa labas at mag-kuwentuhan. Good night!”

Tinapos niya na ang tawag at sinet ang alarm. Panibagong yugto na naman sa bahay at opisina kinabukasan. Nag-dasal siya at binuksan ang radyo para sa mellow na music. Humiga na siya at mabilis naman siyang nakatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status