Share

I Love You, Assistant
I Love You, Assistant
Author: Black_Angel20

Kabanata 1

NGUMITI si Chel nang makalapit sa lamesa sa kadarating palang na customer sa Asterelle's food and Cafe nang araw na iyon.

"Ano po ang order ninyo sir?"

Hindi naman talaga siya ganito. Ang palaging ihambalos sa mga tao ang mamahalin niyang ngiti. Pero dahil utos ng kanyang amo. She's willing to risk it kahit na labag sa loob niya iyon. Naaayon lang naman kasi ang mood niya sa magandang panahon.

"Pwede bang ikaw nalang ang orderin ko?"

Nawalan siya ng poise sa sinabi nito. Pero dahil naniniwala ang amo niya sa kasabihan na customer is always right. Lumitaw pa rin ang kanyang ngiti kahit sa loob-loob niya ay gustong balian na ang lalaki.

"Sorry sir. But I am not part of the menu,"

"Come on," Nang hawakan siya nito sa balikat ay mabilis umikot si Chel kaya ang nangyari ay nalukot ang braso ng lalaki habang napapa-aray dahil sa kanyang ginawa.

"M-my arm. S-shit! Bitiwan mo akong babae ka." But Chel didn't heard a thing until she heard her boss's cough.

Patay!

"Anong nangyayari dito?" Napaatras siya ng bahagya pagkatapos mabitiwan ang kamay ng lalaking customer at yumuko.

"Itong waitress mo, sinasabi ko lang naman na maaari ko ba siyang orderin pero ang nangyari ay binalian ako ng braso. Ang ganyang bayolenteng tao ay hindi dapat nagtatagal sa mga establisyemento na kagaya nito. Babae pa man din." Haplos nito ang braso na mukhang nanganganib pa yatang ma-ospital.

Napalunok siya nang makitang inayos ni sir Dwight ang salamin saka humugot ng malalim na hininga.

"...I'm sorry for my employee's action sir. Pero kasi," pinagpagan nito ang damit ng lalaki at inayos pa ang kwelyo na nagusot. "—she is not my waitress. Dahil assistant ko siya na nag-mamagandang loob makipagsapalaran dito sa Food and Cafe kahit hindi naman parte sa kanyang trabaho. Another thing. Hindi rin inoorder ang mga empleyado ko. If you won't mind. Kung naghahanap ka ng makasiping sa panahong malamig kagaya ngayon. Gusto mo tuturuan kita sa daan papunta sa magkaibang kulay ng ilaw at patay sindi?"

"Anong akala mo sa'kin nambabayad ng babae—" nang sinubukan nitong umbagin ang kanyang amo ay napasinghap si Chel. Pero hindi niya inaasahan na mabilis ang reflexes nito kung kaya't nasangga nito ang kamao niyong huli.

"Based on your actions and what you've said. May matibay ka pa bang motibo kung bakit balak mong orderin ang empleyado ko?"

Gustong ipangalandakan ni Chel na amo niya ang astig na lalaking dinis-armahan ang bastos na customer. Pero nang mailabas na ng security ang lalaki ay nagulat siya nang siya na naman ang binalingan nito.

"Sa opisina ko. Ngayon na!"

Nawala na naman ang magandang dating nito sa kanya. Kaharap ang boss sa lamesa ay hindi mapigilan ni Chel ang umirap.

"Ano na naman ba ang ginawa mo this time Chel? Kung hindi ka naman nambabali ng binti, braso naman ang babaliin mo?"

"Nabastusan ako sa ginawa ng lalaking iyon sir Dwight eh. Anong akala niya sa akin? Basta-basta nalang sumasama sa hindi ko kilalang lalaki? E kung iumpog ko kaya ang ulo niya—"

"You're being bastard again," hinilot-hilot nito ang sintido.

"I'm sorry."

"You're not sincere."

"I am!" Napatayo na siya ng tuluyan.

Nabasa niya ang employees handbook at guidelines ng Asterelle's food and cafe pero hindi ibig sabihin no'n ay magpapaapi na lang siya. "Ang mga lalaking mababa ang tingin sa mga babae ay dapat tinuturuan ng leksyon. Malay natin di'ba at rapist pala ang gago na yo'n? Nasanay na palaging nasusunod ang gusto kaya kung saan-saan nalang ginagawa ang kababuyan..."

"Chel, Chel, Chel. That's enough..." Maging ito man ay napatayo na rin sa kinauupuan. "I am expecting a call from another complainant dahil sa panibagong kabayolentehan mo na naman. Diyos ko! Diba ay kakilala mo naman sina Zephanie, Beverly, Devon at Cris na suki na dito. Wala ka namang nakikitang physical assault na ginawa ng ibang mga customer sa kanila diba—"

"Maybe because kinokompara mo na naman ako sa kanila." She hated being compared. "Ipaalala ko lang sir Dwight. Kailanman, ayaw kong baguhin ang pagkatao ko para magustuhan ng mga tao. If this is me, may problema ba roon?"

"Hindi ko naman sinasabi na kinokompara kita sa kanila. Ang gusto ko lang iparating sa'yo na sana. Maging mahinhin ka naman at hindi iyong mukha kang siga na tambay pa sa kanto. Be a woman with—"

"...manners ganoon ba 'yon sir?"

Bagsak ang balikat nito na mukhang suko na sa kanya.

Kahit kailan naman talaga ay hindi sila nagkakasundo sa ganito kaliit na bagay. Lalo na kung ipapatawag ang presenya nito sa presinto dahil nagrereklamo ang mga napuruhan niya. Dawit ang pangalan ng gwapong amo sa kaangasan niya.

"Fine! Hindi na muna kita pagta-trabahuin dito sa Asterelle's food and Cafe. Doon ka nalang sa opisina ko sa Makati for the meantime at makipag-bardagulan ka roon sa sekretarya kong mahinhin."

"Iyong bakla na makapal na ang kilay. Makapal rin ang pagmumukha?"

Nagulat siya ng humalakhak ito kung kaya't napakunot siya ng noo.

"Alam mo Chel. Kung hindi ka lang talaga barako at tigasin. Minsan naisip ko na baka may disorder ka na pabago-bago ang ugali. Paano mo naman nasabi na makapal ang mukha niyong si Athena?"

Anthony iyon. Gusto niya mang itama ang sinabi nito pero pagod na si Chel para makipagsagutan sa kanyang amo.

Hindi na siya nagsalita pa at basta nalang isinalampak ang katawan sa mahabang sofa at tumihaya roon dahil pagod na siya.

"Uy! Hindi bahay ampunan ang opisina ko dito kaya bumangon ka riyan,"

"Sandali nga lang! Iidlip lang e." Pikit niya na ang mga mata. "Kapag may natanggap kang tawag sa PNP tungkol sa magko-complain. Sabihin mo sir Dwight pakyu ka!"

"I can't believe it. Sino ba sa ating dalawa ang boss Chel?"

"Ikaw syempre. Sino pa ba sa tingin mo? Kung pagod ka nang maging mayaman sir Dwight. Pakilagay na lang sa last will and testament mo na sa'kin mo ipapamana ang lahat ng ari-arian mo na—"

"Sa asawa ko iyon." Naibuka niya ang mga mata ng wala sa oras dahil sa sinabi ng kanyang gwapong amo.

"Sa asawa mo ipapamana ang ari-arian mo? Teka nga lang. May girlfriend ka na ba?" Sure naman siya na wala eh. Dahil palagi itong busy sa trabaho at pagbabasketbol roon sa FVC.

"Wala pa naman."

"Iyon naman pala eh." Nakahinga siya ng maluwag roon. Kung may karelasyon man itong amo niya. Sigurado si Chel na siya ang kauna-unahang tao na sasabihan nito.

Her boss is more likely her barkada. Kita niyo naman kung paano sila magkasagutan na dalawa. Daig pa ang aso at pusa sa walang humpay na liriko ng kanilang walang katapusang batuhan ng salita.

"...tulog lang ako sir. Sundin mo iyong sinabi ko. Kasi kung maglalakas ng loob ang lalaking iyon na mag-complain. May katarungan naman ako na nakabase rin sa batas. Sexual assault iyong ginawa niya!" Giit niya pa.

"Fine! Ikaw ang masusunod mahal na reyna." Hindi niya nalang pinansin ang halong sarkasmo ng sinabi nito. Kaya ng marinig niya ang pagbukas sara ng pinto. Tuluyang nahulog ang diwa ni Zephanie sa pagkakatulog.

——

Nagising siya nang maulinigan niyang nakapatay na ang ilaw.

Naman! Mukhang iniwan pa siya ng amo niya sa opisina nito na tulog mantika at walang kamalay-malay.

Bumangon siya at humikab bago napagpasyahan na lumabas na. Pero natigil sa ere ang kanyang pag-iinat ng biglang may sumigaw.

"Aahhh Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw!"

Siya man ay nakahanda ng ibalandra ang flying kick na natutunan niya sa martial arts nang biglang sumulpot sa tainga niya ang boses ni Dwight.

"Hindi siya magnanakaw Barkley. Assistant ko siya."

Doon niya lang napagtanto na kasama pala ng kanyang amo sa inuman ang mga barkada nito. Great! Napagkamalan pa tuloy siyang magnanakaw.

Magandang magnanakaw.

"At kailan ka pa nagkaroon ng babaeng assistant Dwight?"

"Ngayon lang," wala sa sariling nagkibit ito ng balikat bago inangat ang tingin sa kanya. "Maayos ba naman ang tulog mo mahal na reyna?" At dahil wala siyang maisagot. Inirapan niya lang ito.

"Woah! Woah! Woah!"

"Ano iyon Dwight?"

Nagawa niya nang makalapit sa lamesa ng mga ito para pormal na magpakilala.

She knows a few members of Blue Warrior at pinangungunahan iyon ng team captain na si Clyden Spencer. Pumapangalawa ang kilala niyang kambal nito at syempre. Ang mga 'yon lang ang kilala niya. Oww! Ang former member pala na amo niya.

"Hello. I am Chelsea De Jesus. Chel for short." Ang lalaki na tinawag na Barkley ng amo niya ang kumuha sa kamay niya. Kaya nagulat siya.

"Ang ganda naman. Chel. Bagay sa pangalan mo."

"Akin nga 'yang kamay niya Bark?"

"Arf! Arf! Ito na..."

"Ayy Oo nga. Kay gandang binibini." Pero sa mukha niya nakatingin ang mga ito kaya umahon na naman sa sistema niya na gustong sipain ang mga lalaki na nasa kanyang harap. Mabuti nalang talaga at pumagitna ang amo niya.

"Hep! Hep! Tama na 'yan boys." Inakbayan siya nito kaya sumipol ang dalawa na sa tingin niya ay siyang pinakamakulit sa grupo.

"Hindi ka na talaga titigilan ng dalawang 'yan Chel kaya. You should be ready. Dakilang mga CCTV at tsismoso ang dalawang iyan." Komento ng isang lalaki na ngayon niya lang napansin dahil nasa madilim na bahagi ito ng Cafe. "I am Owen. Siya naman si Jackson."

"Hi Chel." Ngumiti lang siya sa pagbati ni Jackson.

"...and I am Cognac—"

Namukhaan niya ang huling nagpakilala. "Yes kilala kita. Ikaw ang pinsan ni Beverly di'ba?" Lahat napahiyaw dahil bias 'raw siya. Sa lahat kasi ng naroon ay si Cognac lang daw ang kilala niya.

"Syempre. Iba talaga ang karisma ng mga gwapo. Diba Chel?" Literal na mahangin talaga ang miyembro ng blue Warrior...pero ngayon na nakadaupang-palad niya na ang mga ito. Parang gusto niyang ibahin ang paniniwala ng mga taong pasimuno ng palaisipang iyon. May mga mapapatunayan naman talaga kasi ang mga ito.

Humarap siya kay Dwight pagkatapos makilala ang mga kaibigan nito.

"Uuwi na ako sir Dwight." Hindi ito sumagot at pinakatitigan lang siya ng mariin. Napansin niya ang pamumula ng mukha nito at baka tinamaan na rin ng alak ang kanyang amo. Kaya hindi niya na lang hinintay pa ang sagot nito.

"Chel, sandali!"

Hindi pa man siya nakapara ng taxi ay pinigilan na nito ang kamay niya.

"Ano 'yon sir?" Akala niya ay pera na ang bubunutin nito sa bulsa. Pero sa kamalas-malasang pagkakataon. Ticket na naman iyon na kung saan nagpapatunay na may atraso na naman siya dahil may logo pa iyon sa presinto na pinuntahan nito habang tulog siya.

"Another violation na naman. Kapag ganitong nasa magandang mood pa ako Chel. Tatayo ako bilang guardian mo...pero kapag mapuno na talaga ako. Baka sa rehas na bakal na talaga ang bagsak mo."

Ito na mismo ang pumara sa taxi na siyang unang dumaan sa kanilang tapat. Bago ito may kung anong sinabi sa driver saka ito dumungaw sa bintana niya.

"Isara mo ng maigi ang pinto. Sige na manong driver!"

"Sige sir..."

And just like that. Hindi niya na nakita pa ito dahil nakalayo na siya sa Cafe na pagmamay-ari ng gwapo niyang amo.

How messed her life could be, isn't it?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status