Share

Kabanata 2

NAALIMPUNGATAN si Chel ng sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya.

"Hello?" Humikab siya dahil inaantok pa talaga siya.

"Nasa labas ako ng bahay mo mahal na reyna. Kaya kung pwede sana ay bumangon ka na riyan dahil thirty minutes na akong late sa klase!"

Anak ng teteng naman oh!

"Sir Dwight naman. Mauna ka nalang doon dahil inaantok pa talaga ako."

"...at para sabihin ko sa'yo Chel. Kanina pa akong alas syete nilalamok dito..." Sinulyapan niya ang wall clock at halos liparin niya na ang banyo at sa whole body mirror dahil likas na late na rin talaga siya.

Hindi naman siya regular na estudyante sa Javier University. Pero dahil maimpluwensya ang kanyang amo. Kung saan man ito pupunta, madadawit talaga ang kagandahan niya. "... malamang ay center of attraction na naman ang entrada ko nito. Tayo pala dahil nakiki-sit in ka pala sa side ko."

"Oo na nga, tumahimik ka na riyan at pababa na ako!" Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na magsuklay dahil masyado siyang minamadali nito.

"Naku naman Chel! Hindi ka ba marunong magsuklay?" Umakto pa itong nandidiri nang kaharap niya na ito. Kaya inirapan niya ang binata. "Para sa kaalaman mo sir, may isang tao ang minamadali ako kaya ngayon na nandito na ako sa harapan mo ay saka ka naman magrereklamo?"

"Ang sinabi ko lang sa'yo ay bilisan mo. Hindi ko sinabi na kalimutan mo ng magmukhang tao! Pasok sa kotse. May suklay ako doon. Ayusin mo lang ang paggamit dahil baka baliin mo na naman iyon."

"Salamat sir ha? Napakabait mo naman talaga," manhid na ang amo niya kung hindi nito matunogan ang sarkasmo sa tonada niya.

"Tapos ka na ba?"

"Sandali nga lang. Hindi pa nga e!" Nasa labas pa kasi ito ng sasakyan at siya ay nasa loob na at nanalamin.

Lintek na buhok 'to. Masyadong makapal kaya nahirapan tuloy siyang ituwid dahil masyadong magulo iyon. Lalo at basa pa.

"Sir Dwight?" Mangiyak-ngiyak na siya dahil nagkabuhol-buhol pa yata ang suklay nito sa buhok niya. "Sir?"

"Ano na naman ba?" Ramdam niya ang frustration sa boses nito. "Damn it Chel! Anong ginagawa mo sa buhok mo?" Mukhang natunogan nito na kailangan niya ng tulong dahil rinig niyang nasa malapit lang ang boses nito sa kanya.

"Hindi ko na rin alam kung paano 'to eh. Pasuyo naman."

"Anong gagawin ko? Naku naman! Mas lalo tayong male-late sa klase nito. Ang mas madaling gawin riyan ay gupitin nalang..."

"N-no! Ayoko. Mag-isip ka ng ibang paraan please!"

"Diyos ko naman Chel oo!" She was sorry for him, pero ayaw niya talagang gupitin ang mahaba niyang buhok dahil magmumukha talaga siyang lumpiang hindi namantikaan kapag nagkataon.

"Usog ka nga!" Nasa driver's seat kasi siya naupo. "Baka maapakan mo ang silenyador. Tigok talaga tayo."

She can sense na bad mood na naman ito. She was sorry for him really. Pero hindi niya ito mapapatawad kung sakaling yayakapin nito ang pinakamadaling paraan para maalis ang suklay sa kanyang buhok.

"Galit ka sir Dwight?"

"Masaya ako Chel. Masayang-masaya na nakatanggap ako ng panibagong ticket kahapon at ngayon ay ito na namang issue sa buhok mo."

Hindi nalang niya pinansin ang sarkasmo sa bawat salitang binibigkas nito. Because she was thankful na kahit nagrereklamo ang amo. At kahit hindi niya ito nakikita dahil nakayuko siya. Sinusubukan pa ring alisin ng binata iyon.

"Hindi ka na naman bata para iikot ng todo itong buhok mo sa suklay ko..."

"Sorry na nga eh," pinapababa niya na ang pride sa lagay na 'yan.

"Anong silbi ng sorry mo kung huling-huli na talaga ako sa klase?"

Ipinikit nalang niya ang mga mata dahil kahit gusto niyang sagot-sagutin ang amo ngayon. She choose not to dahil ayaw niyang magmukhang ewan kapag darating na sila sa University.

"...I'm sorry, but I need to do this..." Bago pa man siya makapagprotesta. Nagawa na nitong gupitin ang kaliwang bahagi ng buhok niya kung saan nagkabuhol-buhol ang suklay nito.

Awang ang labi ni Chel nang ibinigay ng amo iyon sa kanya.

"S-sir?" Hindi ito sumagot at basta nalang pinausad ang sasakyan.

"Sir Dwight!?"

"Hey! Itigil mo 'yan baka mabangga tayo." Pinupokpok niya kasi ang braso nito

"Ang b-buhok ko..." Nang hinaplos niya iyon ay hindi na pantay ang haba kung kaya't hindi niya na napigilan ang ngumawa. Dwight let her dahil hindi naman talaga magandang tingnan.

Kaya nang huminto ang sasakyan ay walang gana si Chel na lumabas. Nabuksan na ni Dwight ang pinto pero parang na-elastoseal na ang pwet niya sa upuan ng sasakyan nito.

"Dito lang ako maghintay. Pumasok ka sa klase mo," rinig niya ang paghugot nito ng hininga.

"Mananatili ka pa ba riyan kung sasabihin ko sa'yo na nasa parlor shop tayo para gupitin ng maayos iyang buhok mo?"

Pinahiran niya ang mga luha saka inangat ang tingin dito. "totoo sir D-Dwight?"

"Oo kaya huwag ka ng magmukmok pa riyan."

Sinalubong agad sila ng mga...baklang parlorista at ikinalulugod pa ng mga ito na makita ang amo niya kaya nakangiwi siya buong session thinking na...parte ba ng binabae ang gwapong amo niya?

Right after her hair perfectly cutted. Akala niya ay tapos na ang mga ito. Kaya nagulat siya ng biglang nagrequest si Dwight na i-highlights daw ang dulo ng kanyang buhok.

Panay senyas niya rito na huwag ng mag-abala pa. Pero mukhang walang napansin ang lalaki dahil kung ano-ano nalang ang pinagsasabi nito sa mga bakla kaya for some reason ay naperwisyo siya.

"...alam mo madame! Ngayong araw lang talaga nagdala ng babae iyang si sir Dwight. Girlfriend ka ba niya? Ay bongga ah! May taste rin pala ang dakilang escort namin dito."

"E-escort?" Hindi mapigilang naibulalas niya.

"Yes. Escort. Nagtataka ka siguro kung bakit malapit siya sa'min ano? Well madame para sabihin ko sa'yo. Alam ko kasi na nasa isip mo na bakla iyang si sir. He is straight naman. Kaya siya naging malapit sa'min ay minsan niya na kasing tinulungan ang shop namin para magkaroon ng building permit. Ako kasi ang mayordoma dito at...napansin niya ako isang araw sa daan na binabastos ng mga tambay sa kanto noong pipityugin pa lang ang shop namin.

"Siguro ay naawa siya sa'kin, sa amin. Kaya mismong siya ay nagdonate ng malaking halaga para mabuo itong establisyemento na kinatatayuan ng shop ngayon. Kaya nga bilang ganti sa kabutihang-loob na bigay niya. Nasabi ko sa sarili na kung sinomang babae ang unang dadalhin niya dito. Pagsisilbihan ko talaga ng husto. Mabait iyang si sir, madame. Hindi lang halata dahil palaging nakabusangot ang gwapong mukha."

Hindi niya inaasahan iyon. Kaya nang matapos na ang make-over sa kanyang buhok. Na totoong gumanda sa highlights na binuo ng baklang hindi maarte sa kanya. Nagkaroon ng kaunting puwang ang puso ni Chel para sa amo niya.

Palabas na sila sa naturang shop ng pinuri nito ang dulo ng kanyang buhok. Kesyo maganda daw at hindi siya kailanman tumanggi dahil totoong gumanda lalo iyon.

"...thank you sir Dwight,"

"Naaah wala lang 'yon. Ang pangit kasi ng mukha mo habang umiiyak sa walang kwentang buhok. Ayan ah! Hindi na mistulang hagdan-hagdang palayan ang buhok mo..." Saglit siyang sinulyapan nito. "—baka kako sa susunod na papasok ka sa Asterelle's food at Cafe ay hindi ka na maging alagad pa ni Jackie Chan, Bruce Lee, Donnie Yen, Sylvester Stallone at iba pang mga action stars—"

"Hindi ka naman fan sa mga 'yon di'ba?"

Umiling ito. "ikaw lang yata dahil ang hilig mong makipagbasag-ulo sa mga lalaki."

"Tutuloy na ba tayo sa Javier?" Tanong niya ng pumasok na ito sa kotse. Pero ang binata ay kabaligtaran ang isinagot. Taliwas pa kamo sa kanyang expectation na mangyari ngayon.

"Paano pa ako gaganahang umatend sa klase kung hindi ko nasimulan ang lecture sa umaga?"

"O, eh saan ka na pala ngayon pupunta niyan?

"Pumasok ka muna dito. Hindi iyang susumpong na naman ang pagka-NBI mo." Nang inanunsyo nito na uuwi na sila pagkatapos niyang makapasok sa sasakyan. Naglupasay sa tuwa si Chel dahil maramdaman niya na ulit ang malambot na kama sa naudlot niyang tulog kanina. Sapagkat dumating ang panirang amo niya sa tapat.

"Sinong may sabing sa bahay mo ikaw uuwi? Pagsilbihan mo ako ngayon since malaki na ang naging atraso mo sa'kin. Take note. Last ticket na talaga 'yon Chel. Isang maling gawain mo pa, hahayaan na talaga kitang manatili sa rehas na bakal."

Nilingon niya ito.

Kapag ganitong inaalok siyang pagsilbihan ang amo. Chel knows na nasagad na niya ang pasensya nito. Ang tanging rason lang talaga kung bakit ayaw siyang bitiwan nito ay dahil...nagmamakaawa siya. Ayaw niya kasing sa kalye nalang ang kanyang bagsak at makitang namamalimos sa kalsada dahil hindi bagay sa kagandahan niya.

Kaya kahit labag sa kanyang loob na alagaan ang hindi pa imbalidong tao. Walang ibang magawa si Chel kundi sundin ito. Dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo. Malaki ang naitulong ng isang Dwight Rivera sa pang-araw araw niyang kailangan.

Totoong nakitaan niya na ng kabaitan ang binata noon pa. Minsan kasi ay naisip na rin niya na ang swerte niya dahil basta nalang siyang kinupkup nito without knowing kung saan siya nanggaling at ano ang estado ng buhay niya. He never questioned her bagay na ikinatuwa niya ng lubos.

Pero minsan ay hindi talaga nagkakaintindihan sila. Kagaya ngayon na habang pinaplantsa niya ang mga special na damit ng lalaki. Basta nalang itong pumasok roon at nagsimula na namang idetalye kung paano niya binalian ng braso ang lalaking customer sa Asterelle's food and cafe kahapon...at dahil napuno na rin siya sa kakadada nito. Isinantabi ni Chel ang plantsa at pinameywangan na hinarap ito.

"...kailan ka ba matatapos sa kakasermon mo riyan ha?"

"Huwag mo akong pansinin. Ayusin mo ang serbisyo mo sa'kin." Tamoto! Ang sarap talagang sakalin e. Pero huwag nalang dahil sayang rin kung mababawasan ang alagad ni Adan.

"Paano namang hindi kita papansinin kung napuno na ng nakakarinding boses mo ang tainga ko...sir?" Umirap siya. Pero ang loko ay kaswal na umupo lang sa mahabang sofa, bitbit ang ensaymada at apple juice sa kamay nito.

"Magtrabaho ka! Hindi ako nagpapakain ng libre—" sumimot-simot ito. "...ano ang amoy na 'yon? M-may nasunog ba?"

Oo nga...may amoy sunog nga. Kaya ng hindi niya sinadyang sulyapan ang favorite tuxedo nito na kalahati na ang kinain ng plantsa. Eksaktong lumapit ang binata sa pwesto niya at kitang-kita niya kung paano nilamon ng herodes na plantsang iyon ang paboritong kasuotan nito.

"Cheeeeeeeeeeel~

Tumakbo na siya para sagipin ang sarili. Ngayon pa ba na nag-aapoy na sa usok ang tainga at bibig ng lalaking iyon ay tatayo lang siya sa pwesto? No. Never.

"Bumalik ka ritong babae ka?! Shit! Shit!" Iyon nalang ang narinig niya dahil isinarado niya na ang pinto at nagmukmok na sa loob ng kanyang kwarto.

Oo. May sarili siyang kwarto sa loob ng pamamahay nito. Bukod sa apartment na tinitirhan niya ngayon. Ang amo rin niyang iyon ang nagbabayad roon.

"Cheeeel?!"

Kainin na siya ng lupa ngayon. Rinig niya na ang papalapit na boses ng kanyang amo at ang malalaking yabag nito.

Lord, buhayin mo pa ako ng mas matagal please!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status