LOGINIbinaba ni Narissa ang telepono, ngunit hindi pa niya agad tinawagan si Francesca. Kaninang umaga lang ay may bagong nadagdag sa kanyang I* contacts, isang babaeng nagngangalang Leah Campos, na ipinakilala bilang secretary ng kanyang anak.
Ngunit alam ni Narissa na hindi lang iyon ang totoong pagkatao ni Leah. Si Leah ay pamangkin sa malayong kamag-anak ng pamilyang Campos, ang pinakamayamang pamilya sa buong Manila, at pamangkin din ni Elton Dylan Campos.
Sa Manila, napakalaking bagay na magkaroon ng koneksyon sa Campos. Isa itong simbolo ng impluwensya at kapangyarihan, lalo na sa mundo ng negosyo. Kung ikaw ay may kaugnayan sa kanila, lahat ng tao ay titingala sa’yo.
Habang pinagmamasdan ni Narissa ang ilang mga larawan na ipinadala sa kanya, mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at pagkabahala. Sa bawat litratong iyon, parang malinaw na ipinapakita ni Leah ang mensahe.
"May gusto ako sa anak mo. At ngayon… may nangyayari na sa amin. Kaya pili ka na, ako ba… o ang babaeng iyon?"
Habang patuloy siyang nag-iisip, hindi naiwasan ni Narissa na maghinala. Maaaring ang mabilis na pag-angat ng kanyang anak sa Belland, mula sa isang ordinaryong posisyon hanggang maging Vice President sa maikling panahon, ay hindi basta dahil sa talento lamang nito. Naisip niya na baka posibleng may lihim na tulong na nagmumula kay Leah at sa likod ng Campos.
Matapos ang ilang minutong pag-iisip, pinagsama-sama niya ang kanyang mga hinuha at nagdesisyon. Binuksan niya ang I* at hinanap ang pangalan ni Francesca, saka pinindot ang call button.
Sa mga oras na iyon, kararating lang ni Francesca sa isang marangyang villa na nasa gitna ng bundok, malapit sa pinaka-eksklusibong lugar para sa mayayaman. Ang villa ay napapalibutan ng malawak na hardin at may sariling courtyard.
Sa loob, may mga kasambahay na naghihintay, isang butler, dalawang katulong, at isang chef.
Pagdating nila, iniabot ni Ernest ang mga dala nilang bagahe sa mga kasambahay.
Kasabay nito, ipinakilala ni Elton si Francesca sa kanila. "Siya ang bagong amo niyo rito, si Francesca. Madam o Ma’am lang ang itawag niyo sa kanya. She is my wife." aniya sa malamig ngunit malinaw na tinig.Nanlaki ang mga mata ng lahat ng kasambahay. "Wife?!" halos sabay-sabay ang bulong nila sa isipan.
Ang alam nila, single ang kanilang young master. ‘Kailan nangyari ito? Kailan sila nagkaroon ng relasyon? At paano ito nangyari nang walang balita kahit kanino?’ Iilan lang iyon sa mga katanungan sa isipan nila.
Isang napakaswerteng babae ang nakatayo ngayon sa harap nila, ang babaeng opisyal na magiging parte ng Campos. Ngunit habang tinitingnan nila si Francesca, may kakaibang pagtataka sa mga tingin nila, parang may hindi sila maintindihan. Ngunit binati nalang nila ito.
“Magandang araw, Madam!”
Samantala, si Francesca naman ay hindi mapakali sa mga titig na ibinabato sa kanya. Nahihiya siya at bahagyang namula ang pisngi.
Sa isip niya, "Hindi pa nga kami kasal, bakit tinatawag na nila akong madam?"
Pero bukas, magbabago na ang lahat. Pagkatapos ng kasal, wala nang makakapagpigil sa kanila na tawagin siyang ganoon. Kaya ngayon, hindi na rin siya tumutol.
Ngumiti siya at magalang na nagpakilala. "Hello everyone, my name is Francesca. Starting today… I'll be staying here for the meantime…it’s just temporary."
Partikular niyang binigyang-diin ang salitang "temporary".
Ang villa ay halos sampung kilometro ang layo mula sa downtown business district. Hindi ito magiging praktikal na tirahan kung sakaling magtrabaho siya balang araw, maliban na lang kung may sariling sasakyan.
Bukod pa rito, malinaw sa kanya na ang kasal nila ni Elton ay isang marriage by agreement lamang, isang pansamantalang kasunduan. Darating din ang araw na maghihiwalay sila, kaya ayaw niyang umasa o magpanggap na permanente ang lahat ng ito.
Subalit, hindi naintindihan ng mga kasambahay ang ibig niyang iparating. Sa Campos, karaniwan na ang paglilipat-lipat ng tirahan ng mga may-ari, kaya inisip lang nila na lumipat lang siya pansamantala.
Sa wakas, ang kanilang amo na si Elton na matagal nang walang pinakilalang babae, ngayon ay mayroon nang opisyal na kabiyak. Isang malaking bagay ito para sa kanila, lalo na't ang pumanaw na pinaka-lider ng pamilya ay hindi na umabot para masaksihan ito.
Nagulat si Francesca sa sobrang init ng pagtanggap sa kanya ng mga kasambahay. Bagamat nakakatuwa, may kung anong bigat sa dibdib niya tuwing naririnig niya ang tawag na "Madam".
Ang bawat salita ay parang paalala na papasok na siya sa isang buhay na hindi talaga kanya.
Ngunit pinilit niyang ngumiti at tanggapin ito.
Biglang tumunog ang cellphone niya, nagbigay ng saglit na tensyon sa paligid. Agad niya itong kinuha at napakunot ang noo nang makita ang pangalan na tumatawag.
"Sorry, I'll just take this call," magalang niyang paalam sa mga kasambahay bago siya umalis at nagpunta sa isang tahimik na sulok ng villa.
Pinindot niya ang answer button, at agad narinig ang boses ni Narissa mula sa kabilang linya.
Halatang balisa ito at puno ng pag-aalala."Francesca! Where did you go? Bakit ka umalis nang hindi nagsasabi kay Matheo? He's so worried about you, halos mamatay na siya sa kakaisip! Please, call him quickly!" May bahid ng pagkadismaya ang boses ni Narissa habang patuloy na nagsasalita. "Really, you young couple are about to get engaged, bakit pa kayo nagkakaganyan? Why are you still being awkward with each other?" Tumigil ito sandali, saka nagbaba ng boses, na parang may ibubunyag na sikreto. "Is this about him… and that secretary, Leah?"
Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "Alam ko na ang tungkol sa kanila. I've heard some things, but Francesca, don't blame Matheo too much. Sometimes, he can't help himself. You have to try to see things from his perspective… think about what he's going through."
Habang nakikinig si Francesca, unti-unting nanikip ang dibdib niya. Bawat salita ni Narissa ay parang karayom na tumutusok sa puso niya, lalo na nang marinig ang pangalan ni Leah. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit, ang pagtatanggol ni Narissa kay Matheo, o ang posibilidad na totoo ang hinala niya tungkol sa relasyon nito sa ibang babae.
“Si Leah ay kamag-anak ng Campos at may matibay na koneksyon sa likod niya,” paliwanag ni Narissa sa kabilang linya, ang tono ay kalmado ngunit mabigat ang bawat salita. “Ang Belland Venture Capital naman ay kumpanyang pinondohan ng Eunantech Group, kaya masasabi mong umaasa ito sa Campos para sa paglago nito. Kahit na si Matheo ang vice president, hindi siya maaaring makipag-away o maka-offend sa Campos.”
Tumigil siya saglit, saka muling nagsalita na para bang pinipilit intindihin ng kausap ang sitwasyon. “Kaya kahit pa may gusto sa kanya si Leah, mahirap para kay Matheo na diretsahang tanggihan ito. If he refuses too hard, at magalit ang babae, konting salita lang laban sa kanya sa harap ng Campos, maaaring maapektuhan ang career ni Matheo. Kaya ang pinakamagandang paraan ngayon ay ang maging flexible at makisama nang maayos. Naniniwala ako na bilang fiancée ni Matheo at bilang top student, naiintindihan mo iyon, hindi ba?”
Huminga nang malalim si Narissa bago ipagpatuloy ang pagsasalita. “Sabihin mo nga, sa likod ba ng isang matagumpay na lalaki, kakaunti lang ba ang mga babaeng tahimik na nagbabantay at nagsasakripisyo? Ikaw, ako, pati si Leah… lahat tayo ay ganoon. Mabigat ang puso ni Matheo, hindi ka niya iiwan, pero kailangan din niyang tanggapin ang ilang unspoken rules sa mundo ng trabaho.”
May bahagyang lambing ang kanyang boses nang idagdag niya, “Bilang ina niya, humihingi ako ng paumanhin sa iyo, Summer. Pasensya ka na kung nasasaktan ka ngayon. Pero sana, kahit ano pa ang nangyari, bigyan mo si Matheo ng chance na makapag paliwanag. Huwag mo siyang i-block o iwasan. Kung may gusto kang sabihin, sit down and have a proper talk, okay?”
Maya-maya’y nagbago ang tono ni Narissa, may bahid na ng pag-aalala. “By the way, hindi mo pa sinasabi kung nasaan ka ngayon. Gabi na, at bilang isang babae na walang kamag-anak dito sa Manila, delikado kung mapadpad ka sa maling tao. Kung hindi ka sigurado sa pupuntahan mo, dito ka muna sa akin tumuloy ng ilang araw. I-send mo sa akin ang address mo, ipapasundo kita sa driver ko.”
Habang nagsasalita si Narissa, mahinahon ang kanyang tono, walang mura o matatalim na salita, ngunit ang mensahe ay malinaw at matalim na parang kutsilyo. Ipinapaintindi niya kay Francesca ang isang mapait na realidad: Niloko ka ng anak ko, at wala kang magagawa kundi tanggapin ito, dahil kung hindi, karera niya ang malalagay sa panganib.
Sa puso ni Francesca, ramdam niya ang tunay na iniisip ng ginang. Hindi kailanman naging pabor si Narissa sa relasyon nila ni Matheo. Ilang ulit na rin nitong ipinahiwatig kay Matheo na kung mag-aasawa siya, dapat ay isang babaeng mayaman at makapangyarihan, isang taong makakatulong sa kanyang karera.
Hindi man siya nagsasalita, matagal nang napapansin ni Francesca ang malamig na pagtanggap ni Narissa sa kanya. Ngunit nagbulag-bulagan siya, umaasang pipiliin siya ni Matheo anuman ang sabihin ng ina nito. Hanggang sa mismong realidad na ang bumagsak sa kanya ngayon, binigyan siya ng isang malupit na leksyon.
Napangiti siya nang mapait, halos wala sa sariling napatingin sa direksyon ng hall. Abala na ang mga tauhan ng villa sa kanilang gawain. Si Ernest, matapos maisaayos ang lahat, ay umalis na rin. Samantalang si Elton, ang may-ari ng villa at ang lalaking magiging asawa niya bukas, ay nakatayo pa rin malapit sa haliging pandekorasyon sa paanan ng hagdan. Tahimik itong naninigarilyo, wari’y may hinihintay.
Muling sumagi sa isip ni Francesca ang sinabi ni Narissa kanina, kung gaano ito tila takot na takot kay Leah, isang babaeng malayong kamag-anak lang ng Campos. Kung alam lang nito na bukas, siya mismo, si Francesca, ang magiging legal na asawa ni Elton, at sa usaping “seniority,” siya ang magiging tita ni Leah… maiisip kaya nito kung gaano kalaking pagkakamali ang mga sinabi niya?
Sa kaisipang iyon, nakaramdam siya ng kakaibang ginhawa. Kahit pansamantala lamang ang kasunduan nila ni Elton, sapat na iyon para makaganti at maipakita kay Narissa na hindi siya basta-basta.
Kaya mariin ang boses nang magsalita siya sa telepono, puno ng pang-uuyam at galit. “Tita,” aniya, “please tell Matheo na nakatira na ako sa bahay ng husband ko. Kapag nagtagumpay na siya at si Leah, bibigyan ko sila ng malaking regalo. I wish them a lifetime of happiness, in advance.”
Hindi na niya hinintay ang sagot ni Narissa. Agad niyang ibinaba ang tawag at sunod na ginawa ang pag-block sa lahat ng posibleng paraan ng pakikipag-ugnayan, phone, I*, at iba pa.
Nang muli siyang tumingin sa paligid, napahinto siya sa gulat. Nasa likuran na pala niya si Elton, tahimik na nakamasid, bahagyang nakasingkit ang mga mata na may kung anong kahulugan.
Nanlamig ang katawan ni Francesca. ‘Narinig kaya niya ang lahat ng sinabi ko?’ isip niya.
Lalo na ang bahaging walang hiya niyang tinawag itong “husband”…
Mabigat ang simoy ng hangin sa mansyon ng Campos kinabukasan. Maaga pa lang, abala na ang mga tauhan sa paghahanda ng malaking silid kung saan gaganapin ang pagbabasa ng Last Will and Testament ni Don Eliot Campos.Ang bawat miyembro ng pamilya ay naroon na.Ngunit kahit sa katahimikan, ramdam ni Francesca ang bigat ng mga mata ng iba. Mula nang lumabas ang katotohanan tungkol kay Samantha at sa kanya, tila lahat ay naging mapanuri, lalo na kay Elton.“Sigurado ba tayo na kung anong iniwan na will ay iyon pa rin?” biglang tanong ni Russel, habang nakatingin kay Elton na tahimik lang na nakaupo sa harapan, hawak ang makapal na sobre ng dokumento. “Paano tayo nakakasigurado na hindi mo ‘yan pinalitan, Elton? You’re the family lawyer, after all.”Biglang natahimik ang silid.“Russel…” mahinahong saway ni Flora, ngunit halata ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Napatingin si Francesca kay Elton. Tahimik lang ito, pero mababakas sa kanyang mga mata ang pigil na inis.“I understand your c
Makalipas ang ilang linggo mula nang lumabas ang katotohanan, nagbago ang ihip ng hangin sa mansyon ng Campos. Tahimik na tila may lamat sa bawat halakhak, at malamig ang mga tingin ng ilang kamag-anak tuwing dumaraan sina Francesca at Elton.Kung dati ay may ngiti at pagbati silang natatanggap sa umaga, ngayon ay puro sulyap at bulungan na lang. Para bang ang bawat yapak ni Francesca sa bulwagan ay paalala sa lahat ng nakaraan, isang lihim na dapat sanang hindi nabunyag.Hindi rin nalalayo si Elton sa sitwasyon. Madalas ay iwas sa kanya ang ilang miyembro ng pamilya, lalo na ang mga tiyuhin at pinsan niyang minsang pumuri sa kanyang mga tagumpay bilang abogado. Ngayon, iba na ang tingin nila. Sa kanila, isa na lamang siyang bastardo, isang anak sa labas na hindi dapat nakaupo sa parehong mesa ng mga totoong Campos.Ngunit sa kabila ng malamig na trato, patuloy pa rin nilang ginampanan ang kani-kanilang buhay. Si Elton ay abala sa mga kaso sa korte, at si Francesca naman ay tuloy sa p
Tumahimik ang buong silid matapos ang sinabi ni Elton. Tila huminto ang oras sa bawat isa roon, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang hikbi ni Francesca at ang mabigat na paghinga ni Flora. Ilang sandali pa’y unti-unting napaluhod si Flora sa silya, parang tinanggalan ng lakas. Kaagad siyang inalalayan ni Francesca, nanginginig pa ang mga kamay.“Lola, please... makinig po muna kayo,” garalgal na sabi ni Francesca, habang pinupunasan ang sariling luha. “Hindi ko po gustong manloko. Hindi ko po ginusto na malaman ninyo sa ganitong paraan. Ayaw ko lang po na maging dahilan ng gulo.”“Pero gulo pa rin ang naging dulo,” mariing sabi ng anak ni Flora, halatang pinipigilan ang galit. “Hindi mo man gustong malaman namin, Francesca, pero niloko mo pa rin kami sa loob ng bahay na ‘to. Pinaglaruan mo kami!”“Hindi!” halos pasigaw na tanggi ni Francesca. “Araw-araw, sinusubukan kong maging mabuting asawa kay Elton, at mabuting miyembro ng pamilyang ito. Pero lahat ng ‘yon... lagi kong tin
Napatigil si Francesca, umawang ang kanyang bibig at hindi alam kung ano ang sasabihin. Parang tumigil ang oras sa pagitan nila. Hindi niya inasahan ang mga salitang binitiwan ni Elton, mabigat, diretso, at puno ng determinasyon.“Elton… a-ano bang—” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang tinig.“We need to tell them the truth,” putol ni Elton, matatag at puno ng kumpiyansa ang tono.Naramdaman ni Francesca ang biglang pag-igting ng hangin sa paligid. Parang may malamig na dumaan sa pagitan nila. Ngunit bago pa man siya makasagot, isang tinig ang bumasag sa tensyon.“And now, you want a happy ending sa gulong pinasok niyo?” madiin na wika ni Samantha, tumatawa nang mapakla. “Panindigan niyo ang paggamit sa’kin.”Namilog ang mga mata ni Francesca, hindi makapaniwala sa lakas ng loob ng babae. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Samantha, ang kasunduang matagal na niyang gustong kalimutan. Pero sa harap ng lahat, biglang sumiklab muli ang mga lihim na pilit niyang nililibing.“Watc
Tahimik ang buong mansyon ng Campos nang dumating ang araw na kailangan na nilang malaman ang katotohan tungkol kay Samantha. Ang liwanag ng araw ay marahang pumapasok sa malalaking bintana, sumasalubong sa malamig na hangin ng Oktubre. Ngunit sa kabila ng ganda ng umaga, ramdam ni Francesca ang bigat ng araw na darating.Ang araw ng DNA test.Nasa malaking receiving area sila, si Elton, Francesca, Flora, at ang ilang pamilya na hindi mapakali. Nasa kabilang sofa naman si Samantha, balisa, hawak ang sariling mga kamay na tila gustong itago ang panginginig.“Are you ready?” tanong ng doctor, habang hawak ang isang envelope na may nakasulat na Confidential Result – Campos Family.Walang sumagot. Tanging mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig.Umupo si Flora nang tuwid, pilit pinapakalma ang sarili. “Give it to me,” utos niya, malamig ang tinig. Inabot ng doctor ang sobre, sabay bahagyang yumuko bago umalis.Dahan-dahang binuksan ni Flora ang envelope. Sa bawat paggalaw ng
Ang tanging tunog na naririnig ngayon ni Francesca ay ang agos ng tubig at ang mahina niyang ungol na napigilan niya nang sandali.Ngunit sa mismong sandali ding iyon, dumulas ang mga halik ni Elton mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang mga labi, mainit, mabagal, at puno ng pananabik. Parang ang bawat halik ay may dalang emosyon na matagal nang nakulong sa pagitan nila.Tumugon si Francesca nang hindi na nag-aalinlangan. Ang mga kamay niya ay umakyat sa batok ni Elton, hinila siya palapit, gustong mapawi ang lahat ng distansya. Ang init ng kanilang mga labi ay tila lalong nagpalalim sa bawat hinga.Marahang binuhat ni Elton si Francesca at iniharap sa kanya. Ang kanilang mga balat ay nagdikit, at sa pagitan ng dumadaloy na tubig, naging isa ang bawat galaw. Bawat halik, bawat haplos, ay puno ng damdamin, parang nagbubura ng lahat ng distansya nila dati.Hinigpitan ni Francesca ang yakap sa kanya habang ang mga kamay ni Elton ay marahang gumuhit sa kurba ng kanyang katawan, sa kanyan





![ALTERS [Book 2]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

