เข้าสู่ระบบ"Smooth lang ngayon, ha? You usually scream, right?" bulalas ni Elton, para bang sumasagot sa iniisip ni Francesca.
Nanlaki ang mga mata ni Francesca at namula ang mukha siya sa matinding hiya. ‘Narinig niya pala!’ Parang gusto niyang lamunin ng lupa at mawala sa harap nito.
Ngunit ayaw niyang magpatalo, kaya agad siyang nagbalik ng prangka at matapang na tono. "You just asked people to call me 'Madam', so I can't exercise my rights in advance?" sagot niya, pilit pinapakita na hindi siya naaapektuhan.
Napangisi si Elton, halatang naaliw sa sinabi niya. "Okay," aniya habang may halong pang-uuyam ang tinig, "as long as you don't call the wrong person, I'll call you."
Nagtaka si Francesca sa sinabi nito, ngunit ilang segundo lang ang lumipas at tila bigla siyang natauhan kung ano ang ibig niyang sabihin. Call the wrong person?
Nanlamig ang pakiramdam niya. Alam niyang si Matheo ang tinutukoy nito. Kahit matagal na silang magkasintahan ni Matheo, hindi pa kailanman tinawag ni Matheo na “wife” siya, at siya man, hindi pa kailanman natawag si Matheo ng ganoon.
Napansin ni Elton ang bahagyang lungkot na dumaan sa mga mata ni Francesca at hindi niya napigilang sumimangot. "Let's go," malamig nitong wika, sabay talikod. "I'll take you upstairs to fix your luggage, then we'll come down to eat later."
Tahimik na tumango si Francesca at sumunod sa kanya paakyat ng ikatlong palapag. Pagdating nila sa itaas, itinuro ni Elton ang isang pinto malapit sa kanyang silid. "I asked the servants to put your clothes in the cloakroom. This room will be yours from now on," paliwanag nito.
Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng kabilang kwarto. "This is my room," sabi niya nang seryoso. "You can sleep here. The bathroom’s inside, you can use it too. Pero mas mabuting huwag kang pumasok sa built-in study ko. If you need a study, I can have another one prepared for you."
Kaswal na nagtanong si Francesca, "Magkaiba ang kwarto natin?"
Tumingin si Elton sa kanya na parang nagtatanong kung nagbibiro ba siya. "Gusto mo bang makasama ako sa iisang kwarto?"
Saglit na hindi nakasagot si Francesca, at nang tuluyang mag-sink in sa kanya ang ibig nitong sabihin, parang nasusunog ang mukha niya sa sobrang hiya. "H-huh? Hindi ah! Anong sinasabi mo? Wala akong sinabing ganoon!" halos nauutal niyang sabi.
Maingat na isinara ni Elton ang pinto bago siya tingnan nang diretso sa mata. "Starting tomorrow, we’ll be a legal couple. You’ll be living in my villa, in front of everyone," seryosong paliwanag nito. "Kaya tatanungin ulit kita, gusto mo bang magkahiwalay ang kwarto natin o magsama tayo sa iisang kwarto?"
Hindi niya alam kung paano sasagot.
‘It... makes sense,’ bulong ng isip niya, pero may kirot pa rin sa puso niya. Kahit nagpasya na siyang tapusin ang lahat kay Matheo, hindi pa rin niya kayang tanggapin sa sarili na sa ganito kabilis na paraan ay may ibang lalaking papasok sa buhay niya.
Habang siya ay naguguluhan, si Elton naman ay walang pakialam sa kaba at alinlangan niya. Tahimik nitong tinanggal ang mga butones ng kanyang suit at dahan-dahang hinubad ang kanyang necktie.
Hindi napigilan ni Francesca ang mapatingin sa kanya. Ang kanyang matipunong katawan, ang presensya nitong punung-puno ng awtoridad, at ang katotohanang isa itong kilalang abogado, lahat iyon ay napakahirap paniwalaan.
Ilang oras lang ang nakalipas, magkaibang mundo ang ginagalawan nila. Ngunit dahil sa kanyang lola, napilitan silang itali ang kanilang kapalaran sa isa't isa.
‘Hindi ko alam kung anong klaseng tadhana ito... ‘ bulong niya sa sarili. Ngunit dahil ito na ang realidad, wala na siyang ibang magagawa kundi tanggapin ito, kahit mahirap.
***
Samantala, si Matheo ay nakaupo sa kanyang opisina nang makatanggap ng balita mula sa kanyang ina. Mabilis na bumigat ang kanyang noo at napakunot ang kanyang noo.
"Her husband?!" galit na wika nito. "Mom, she only had one boyfriend, and that’s me! Where did this so-called husband come from? Don't listen to her nonsense. She's just confused."
Lubos ang tiwala ni Matheo sa sinabi niya. Sa isip niya, imposibleng may ibang lalaking minahal si Francesca maliban sa kanya.
Tumango si Narissa, sumasang-ayon sa sinabi ng anak, bago ito nagtanong, "How far have you and Leah developed now? Do you have... that kind of relationship already?"
Hindi nagsalita si Matheo, ngunit sapat na ang katahimikan nito para maunawaan ng kanyang ina ang sagot.
Napangiti si Narissa, halos may bahid ng kasiyahan. ‘Kaya pala galit na galit si Francesca at umalis siya sa bahay,’ naisip niya.
Para kay Narissa, hindi ito nakakagulat. Sa katunayan, ito ang eksaktong nangyayari ayon sa plano niya.
Si Francesca ay isang ulilang walang ama at ina, walang matibay na pamilyang masasandalan. Hindi siya kayang ipaglaban ni Matheo, lalo na kung ikukumpara kay Leah, na may makapangyarihang pamilya.
"Matheo," sabi ni Narissa na may halong pang-uudyok, "since things have reached this point, why don't you take this chance to make a decision? You know the saying, 'Those who know how to adapt are the ones who succeed.' Don’t miss this opportunity to become part of the Campos family. Otherwise—"
"Mom!" matalim na putol ni Matheo, kita ang pagkadismaya sa mukha nito. Alam na alam niya ang ibig sabihin ng ina, at hindi ito nagugustuhan.
Oo, minsan na niyang pinag-isipan ang makipaghiwalay kay Francesca. Ngunit sa tuwing susubukan niyang gawin ito, may bahagi ng puso niya na hindi makabitaw. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi niya kayang mawala si Francesca nang tuluyan.
Alam na alam ni Matheo na ang relasyon nila ni Leah ay nakabatay lang sa interes, hindi sa tunay na damdamin. Malinaw sa kanya na ibang-iba ito sa nararamdaman niya kapag kasama si Francesca.
Kaya nang mapansin niyang kakaiba ang naging reaksyon ni Francesca sa mga nagdaang araw, nagsimulang mabalot ng kaba at takot ang puso niya.
"I will solve the matter between me and Leah," mariing sabi ni Matheo sa kanyang ina. "But please, Mom, don't interfere in my affairs with Francesca. I know I've hurt her... and I feel ashamed. I’ll do everything I can to make amends. Since you can’t tell me where she is now, then I’ll find her myself!"
Hindi na niya hinintay ang sagot ng ina at agad na ibinaba ang tawag. Mabilis siyang sumakay sa kanyang kotse at umalis.
Bago pa man umarangkada, kinuha niya ang telepono at tinawagan si Charlie. Una, walang sumagot. Pangalawa, wala pa rin. Hanggang sa umabot siya sa ikadalawampu't limang beses, saka lang ito nag-ring at may sumagot.
"Hello?" ungol ng inaantok na tinig sa kabilang linya. Halata sa boses nito na bagong gising pa lamang. "It's so early in the morning, what’s the matter? Bakit ka nagmamadali?"
Hindi na napigilan ni Matheo ang kaba at pagkadismaya. "Please, ask Summer where she is right now!" halos nagmamakaawa ang boses niya. "I'm looking for her everywhere. I’m very worried about her safety. Please, tulungan mo ako!"
Bago pa makapagtanong si Charlie ng kahit ano, mabilis na pinutol ni Matheo ang tawag. Kasabay nito, tumunog ang isa pa niyang telepono, ang tawag ng kanyang assistant na lalaki.
"Sir," mabilis na sabi ng assistant, "Tinawagan ko na po ang lahat ng hotels sa Manila na posibleng puntahan ni Miss Franches pero kahit isa sa kanila ay wala roon si Miss."
Mabigat ang tinig ni Matheo nang sumagot. "Okay. I know."
Habang pinapatay ang tawag, lalo pang bumigat ang kanyang dibdib.
“She took all of her things... dala niya pa ang malaking maleta... pero hindi siya nag-check in sa kahit anong hotel… Kung ganoon, saan siya nagpunta?” tanong niya sa sarili.
Sa kawalan ng ibang paraan, napilitan si Matheo na paandarin ang sasakyan at naglibot sa mga kalye, hinahanap ang babaeng hindi na niya alam kung paano pa babawiin.
***
Hindi inakala ni Francesca na ganoon karami at kasarap ang mga pagkaing inihanda sa mesa. Halos mapanganga siya nang makita iyon. Lalo pa niyang ikinagulat na silang dalawa lang ni Elton ang kakain.
Nagkibit-balikat siya at nahihiyang ngumiti sa mga nakatayo sa gilid na mga tauhan ng bahay. "Umm, hindi ba kayo sasabay sa pagkain?" mahina niyang alok habang nakatingin sa housekeeper at mga kasambahay.
Ngumiti si Rafael, ang mayordomo, at bahagyang yumuko. "Huwag po kayong mag-alala sa amin, Madame," mahinahong sagot nito. "May sarili po kaming lutuan para sa mga pagkain namin."
Bahagyang kumunot ang noo ni Elton habang tinitingnan ang napakaraming pagkain sa mesa. Hindi siya sanay na ganito karami ang handa dahil bihira siyang kumain sa bahay. Kapag kumakain man siya rito, laging kaunti lang ang niluluto ng chef dahil hindi rin malaki ang kanyang appetite.
Ngunit ngayong gabi, halata na espesyal ang paghahanda, malinaw na ginawa ito para kay Francesca.
Napatingin si Francesca sa mga ulam at bahagyang namula sa hiya. "But... this is too much..." nahihiya niyang sambit.
Ngunit ngumiti lang si Rafael at mahinahong paliwanag, "It’s okay, Madam. Kung may sobra man, kami na po ang bahala rito at sisiguraduhin naming na sa susunod na meal, bagong luto ang ihahain."
Mabilis na umiwas si Francesca, agad na nag-explain. "Oh, no! I’m not worried about leftovers. I just think... it’s too much for just the two of us..."
"Eat as much as you can," biglang sabat ni Elton na may bahid ng awtoridad sa tinig. "These dishes were prepared especially for you. They also want to know your taste. Next time, if you have something specific you want to eat, just tell the chef in advance."
Wala nang nagawa si Francesca kundi umupo at magsimulang kumain. Ngunit nahihiya pa rin siya kaya nagtanong pa ito kay Rafael, "Pwede po bang makahingi ng chili sauce?"
Nang dalhin ito sa kanya, walang pag-aalinlangang nilagyan niya ng napakaraming sili ang kanyang seafood soup hanggang sa magkulay pula ito.
Napakunot ang noo ni Elton habang pinagmamasdan siya.
‘Hindi ba sobrang anghang niyan?’ naisip niya. Para sa kanya, nakakatuyo ng dila ang ganoon.
Ngunit tila hindi alintana ni Francesca ang anghang. Mas lalo pa siyang ginanahan sa pagkain at isa-isa niyang tinanong kung aling mga ulam ang hindi kinakain ni Elton. Nang malaman niya, siya na ang nagdagdag ng sili sa lahat ng iyon bago kainin.
Samantala, sa kwarto ni Francesca, walang tigil ang pag-ring ng cellphone niya. Ngunit siya mismo, masayang kumakain sa ibaba, walang kamalay-malay na may taong desperadong nagtatangkang makontak siya. At sa kabilang dulo ng lungsod, si Matheo ay patuloy na naghahanap, ang kaba at pangamba sa dibdib niya ay lalo lamang lumalalim habang tumatagal.
Mabigat ang simoy ng hangin sa mansyon ng Campos kinabukasan. Maaga pa lang, abala na ang mga tauhan sa paghahanda ng malaking silid kung saan gaganapin ang pagbabasa ng Last Will and Testament ni Don Eliot Campos.Ang bawat miyembro ng pamilya ay naroon na.Ngunit kahit sa katahimikan, ramdam ni Francesca ang bigat ng mga mata ng iba. Mula nang lumabas ang katotohanan tungkol kay Samantha at sa kanya, tila lahat ay naging mapanuri, lalo na kay Elton.“Sigurado ba tayo na kung anong iniwan na will ay iyon pa rin?” biglang tanong ni Russel, habang nakatingin kay Elton na tahimik lang na nakaupo sa harapan, hawak ang makapal na sobre ng dokumento. “Paano tayo nakakasigurado na hindi mo ‘yan pinalitan, Elton? You’re the family lawyer, after all.”Biglang natahimik ang silid.“Russel…” mahinahong saway ni Flora, ngunit halata ang pag-aalinlangan sa kanyang tinig.Napatingin si Francesca kay Elton. Tahimik lang ito, pero mababakas sa kanyang mga mata ang pigil na inis.“I understand your c
Makalipas ang ilang linggo mula nang lumabas ang katotohanan, nagbago ang ihip ng hangin sa mansyon ng Campos. Tahimik na tila may lamat sa bawat halakhak, at malamig ang mga tingin ng ilang kamag-anak tuwing dumaraan sina Francesca at Elton.Kung dati ay may ngiti at pagbati silang natatanggap sa umaga, ngayon ay puro sulyap at bulungan na lang. Para bang ang bawat yapak ni Francesca sa bulwagan ay paalala sa lahat ng nakaraan, isang lihim na dapat sanang hindi nabunyag.Hindi rin nalalayo si Elton sa sitwasyon. Madalas ay iwas sa kanya ang ilang miyembro ng pamilya, lalo na ang mga tiyuhin at pinsan niyang minsang pumuri sa kanyang mga tagumpay bilang abogado. Ngayon, iba na ang tingin nila. Sa kanila, isa na lamang siyang bastardo, isang anak sa labas na hindi dapat nakaupo sa parehong mesa ng mga totoong Campos.Ngunit sa kabila ng malamig na trato, patuloy pa rin nilang ginampanan ang kani-kanilang buhay. Si Elton ay abala sa mga kaso sa korte, at si Francesca naman ay tuloy sa p
Tumahimik ang buong silid matapos ang sinabi ni Elton. Tila huminto ang oras sa bawat isa roon, ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang hikbi ni Francesca at ang mabigat na paghinga ni Flora. Ilang sandali pa’y unti-unting napaluhod si Flora sa silya, parang tinanggalan ng lakas. Kaagad siyang inalalayan ni Francesca, nanginginig pa ang mga kamay.“Lola, please... makinig po muna kayo,” garalgal na sabi ni Francesca, habang pinupunasan ang sariling luha. “Hindi ko po gustong manloko. Hindi ko po ginusto na malaman ninyo sa ganitong paraan. Ayaw ko lang po na maging dahilan ng gulo.”“Pero gulo pa rin ang naging dulo,” mariing sabi ng anak ni Flora, halatang pinipigilan ang galit. “Hindi mo man gustong malaman namin, Francesca, pero niloko mo pa rin kami sa loob ng bahay na ‘to. Pinaglaruan mo kami!”“Hindi!” halos pasigaw na tanggi ni Francesca. “Araw-araw, sinusubukan kong maging mabuting asawa kay Elton, at mabuting miyembro ng pamilyang ito. Pero lahat ng ‘yon... lagi kong tin
Napatigil si Francesca, umawang ang kanyang bibig at hindi alam kung ano ang sasabihin. Parang tumigil ang oras sa pagitan nila. Hindi niya inasahan ang mga salitang binitiwan ni Elton, mabigat, diretso, at puno ng determinasyon.“Elton… a-ano bang—” halos pabulong niyang sabi, nanginginig ang tinig.“We need to tell them the truth,” putol ni Elton, matatag at puno ng kumpiyansa ang tono.Naramdaman ni Francesca ang biglang pag-igting ng hangin sa paligid. Parang may malamig na dumaan sa pagitan nila. Ngunit bago pa man siya makasagot, isang tinig ang bumasag sa tensyon.“And now, you want a happy ending sa gulong pinasok niyo?” madiin na wika ni Samantha, tumatawa nang mapakla. “Panindigan niyo ang paggamit sa’kin.”Namilog ang mga mata ni Francesca, hindi makapaniwala sa lakas ng loob ng babae. Alam niya kung ano ang tinutukoy ni Samantha, ang kasunduang matagal na niyang gustong kalimutan. Pero sa harap ng lahat, biglang sumiklab muli ang mga lihim na pilit niyang nililibing.“Watc
Tahimik ang buong mansyon ng Campos nang dumating ang araw na kailangan na nilang malaman ang katotohan tungkol kay Samantha. Ang liwanag ng araw ay marahang pumapasok sa malalaking bintana, sumasalubong sa malamig na hangin ng Oktubre. Ngunit sa kabila ng ganda ng umaga, ramdam ni Francesca ang bigat ng araw na darating.Ang araw ng DNA test.Nasa malaking receiving area sila, si Elton, Francesca, Flora, at ang ilang pamilya na hindi mapakali. Nasa kabilang sofa naman si Samantha, balisa, hawak ang sariling mga kamay na tila gustong itago ang panginginig.“Are you ready?” tanong ng doctor, habang hawak ang isang envelope na may nakasulat na Confidential Result – Campos Family.Walang sumagot. Tanging mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang maririnig.Umupo si Flora nang tuwid, pilit pinapakalma ang sarili. “Give it to me,” utos niya, malamig ang tinig. Inabot ng doctor ang sobre, sabay bahagyang yumuko bago umalis.Dahan-dahang binuksan ni Flora ang envelope. Sa bawat paggalaw ng
Ang tanging tunog na naririnig ngayon ni Francesca ay ang agos ng tubig at ang mahina niyang ungol na napigilan niya nang sandali.Ngunit sa mismong sandali ding iyon, dumulas ang mga halik ni Elton mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang mga labi, mainit, mabagal, at puno ng pananabik. Parang ang bawat halik ay may dalang emosyon na matagal nang nakulong sa pagitan nila.Tumugon si Francesca nang hindi na nag-aalinlangan. Ang mga kamay niya ay umakyat sa batok ni Elton, hinila siya palapit, gustong mapawi ang lahat ng distansya. Ang init ng kanilang mga labi ay tila lalong nagpalalim sa bawat hinga.Marahang binuhat ni Elton si Francesca at iniharap sa kanya. Ang kanilang mga balat ay nagdikit, at sa pagitan ng dumadaloy na tubig, naging isa ang bawat galaw. Bawat halik, bawat haplos, ay puno ng damdamin, parang nagbubura ng lahat ng distansya nila dati.Hinigpitan ni Francesca ang yakap sa kanya habang ang mga kamay ni Elton ay marahang gumuhit sa kurba ng kanyang katawan, sa kanyan







