Mischell's POV
Lumabas na ako ng cr na iyon matapos ng ilang minuto kong pagtatago, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon dahil sa kumakalat na litrato namin ni prof pero bago pa ako mawalan ng lakas ng loob kailangan kong harapin ito dahil alam ko naman ang pagkakamali ko, pero bago harapin ang kasalanang nagawa ko sa paaralan na ito gusto ko munang alamin kung sino man ang nagtraydor sa akin —na mga itinuring ko nang kaibigan.
Nagmistula akong bingi at hindi pinakinggan ang bulungan ng mga istudyante tungkol sakin habang tinatahak ko ang corridor patungo na sa room namin dahil alam kong nandoon sila Nath.
Kaya naman pala nagso-sorry ito sa chat kanina ay dahil sa post na iyon. Kung mas maaga lang siguro akong pumasok sana maaga ko rin nalaman ang tungkol rito.
Nakayuko akong naglalakad dahil pakiramdam ko sirang-sira na ang pangalan ko sa buong university dahil sa iskandalo sa post.
Mischell's POVPagkagaling sa school ay dumiretso ako sa hospital ng matanggap ko ang text ni Aling Gemma na sinugod daw si mama sa hospital.Napalitan ng pag-aalala ang kaninang galit at kabang nararamdaman ko ng malaman ang balitang iyon.Agad na hinanap ko ang room na nasaad sa text ni Aling Gemma sa akin matapos kung makarating sa hospital."Ano pong nangyari?" nag-aalala kong tanong ng makaharap ko na ang ginang."Naninikip ang dibdib ng mama mo kanina kaya dinala ko na siya rito agad, nag-aaway kasi sila kanina ng tita mo at pinagsusumbatan nito ang mama mo dahil sa nangyari sa school mo," paliwanag ni Aling Gemma sa akin."Alam na po ba ni mama ang nangyari?" tanong ko patungkol sa issue ko sa school.Tumango si Aling Gemma bilang sagot. "Alam na niya pero pilit ka n'yang pinagtatanggol kaya siguro hindi na naman niya nakuntrol ang galit."
Zedic's POVNagpalipas ako ng oras habang nagmumukmok sa opisina ko, kasalukuyan akong nakaharap sa bintanang ding-ding ng opisina ko habang pinapanood ang unti-unting pagkagat ng dilim sa buong paligid, paraan ko rin iyon upang mapanatag ang loob ko kahit saglit lang.Tambak ang mga paper works ko ngunit wala akong lakas upang galawin iyon dahil hindi rin naman ako makapag-isip ng maayos sa dami nang gumugulo sa utak ko.Nagpasya akong palalimin muna ang gabi bago umuwi dahil may mga paparazzi sa labas ng kumpanya para mag-imbistiga sa issue at sadyang nakakasagabal iyon sa akin sa dami pa ng mga tanong nila na wala namang kabuluhan.Ilang saglit pa akong nakaupo lang habang nakatingin sa malayo, unti-unti nang lumiliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw sa siyudad. Lumipas ang maghapon at hindi ko na nakausap pa si Mischell mula ng makauwi siya kabina alam kung subra s'yang nahihirapan dahil sa nangy
Zedic's POVHindi na rin nakatanggi si Mischell ng magprisenta akong ihatid siya, matapos kong makapagbihis sa bahay ay binalikan ko siya sa kanila, mabuti na lang na hindi pa ito nakakaalis dahil nagliligpit pa ito ng mga gamit ng mama niya na dadalhin sa hospital, mas okay nang masigurado kung ligtas siya makakarating sa hospital dahil malakas pa rin ang ulan."Hindi pa rin ba umuwi ang tito mo?" naitanong ko rito habang sabay na kaming naglakad palabas ng bahay nila habang hawak ko rin ang isang payong at pinapayungan siya."Hindi pa po, hindi ko pa nga ito nakakausap tanging si tita lang kanina sa school.""Ayos ka na ba ngayon?""Kung pagiging ayos lang ang pag-uusapan hindi ko alam, sabay-sabay na ang problema ko ngayon eh... 'Wag na nating pag-uusap 'yan prof." sunod na pag iwas nito sa topic kaya mas minabuti kong hayaan muna siyang manahimik.Mabilis
Zoey's POV"How are you my dear, you look so sad? Did your friend Mischell slap you hard when she found out that you are a traitor," nang-iinsultong saad ni ate matapos kong maratnan ito sa harap ng hapag dahil nakahanda na ang dinner, naupo ako sa isang silya katabi niya.Isang araw na ang lumipas ay hindi pa kami nito nakakapag-usap, kaya mabuting kausapin ko na ito ngayon habang wala pa sina mom at dad dito sa kusina."If Mitch will slap me I will accept it 'cause I know it was all my fault but she didn't, because she doesn't have a narrow brain like you," sarkastikong saad ko."Really hmp, yet you betrayed her." Mataray pang saad niya."I didn't betrayed her, you manipulated me ikaw ang may kagagawan ng lahat kung hindi mo pinakita sa girlfriend ni prof hindi mangyayari ito.""She also deserve to be punished my dear, flirting her own proffes
Mischell's POV"Tito sorry po," kinakabahang paghingi ko ng tawad kay tito tungkol sa problema ko sa iskwelahan, ngayon lang ako nagkaroon ng sapat na lakas ng loob upang makahingi ng tawad rito.Ngayon lang kasi ito dumalaw sa hospital matapos ang buong araw kahapon, hindi ko makikita ang galit sa mukha niya dahil kalmado naman ito katulad ng madalas kong nakikita.Kasalukuyan kaming nakaupo pareho sa isang sopa sa loob ng silid ni mama, pinauwi ko na rin muna si Aling Gemma sa kanila upang makapag-ayos din muna siya ng sarili dahil mukhang pagod na ito at walang sapat na tulog dahil sa pagbabantay rin sa hospital."Mitch 'wag na nating pag-uusap 'yan nangyari na ang mga nangyari, ang kailangan nating isipin ngayon ay ang mama mo nakausap ko na si Doc. Sanchez at kailangan daw ma-operahan ang mama mo upang maalis ang nakabara sa ugat ng puso niya.""Iyon nga po ang sabi ni Doc."
Mischell's POV"Ay susmariyosep!" Gulat na sigaw ni Aling Gemma kasabay ng malakas na pagkalabog ng mabigat na bagay sa sahig dahilan kaya agad ko itong nilingon."Nagulat ko po ba kayo?" matamlay kong saad rito, kahit halata naman na nagulat talaga siya dahil nabitawan pa nito ang hawak n'yang kahon at nalaglag sa sahig."Ano bang ginagawa mo riyan Mitch." sita nito sa akin."Gusto ko lang maranasan kung anong pakiramdam ni mama habang nakaupo sa wheelchair niya." matamlay ko pa ring sagot sa ginang.Kasalukuyan kasi akong nakaupo ngayon sa wheelchair na ilang taon ding ginamit ni mama, nakaupo ako roon habang nakaharap sa binta at saka ko binalik ang paningin ko sa kawalan. Ang ginagawa ko ngayon ay ang madalas na senaryong nasasaksihan ko kay mama ang madalas na pagtitig niya sa labas ng bintana habang walang imik na nakaupo sa wheelchair na kinauupuan ko ngayon. Siguradong na
Zedic's POVAlas otso na ng gabi ng masulyapan ko ang relong suot ko, hindi ko maipaliwanag ang bigat sa loob na nararamdaman ko ngayon siguro ay dala na rin ng pagod sa maghapon kong pagtatrabaho.Hinubad ko na ang coat kong suot saka pabato ko iyong inilapag sa kama, tanging polo na lang ang suot ko saka pantalon. Kakauwi ko lang galing sa trabaho at umuaasa akong maaalis ang pagod ko kapag nakauwi na ako ng bahay ngunit subrang bigat sa pakiramdam na para bang hindi ako makahinga ng maayos sa bahay na ito na tila ba kahit paghinga ko ay kuntrulado na nila.Tatlong magkasunod na katok ang sunod na umagaw ng atensyon kaya nilingon ko ang pinto at bumukas naman agad iyon saka pumasok ang isang katulong."Sir nakahanda na po ang hapunan bumaba na raw po kayo sabi ng mommy mo." magalang na saad ng isang katulong na hindi rin naman nalalayo ang edad sa akin.Ilang taon
Zedic's POVBukal sa loob kong tinanggap ang nais n'ya na layuan namin ang isa't isa, masakit tanggapin ngunit tama siya ito ang dapat ayaw kong pahirapan siya sa ngayon nawala na ang mama niya at hindi ko na gustong dumagdag sa mga pabigat sa kaniya hindi rin naman ako makakatulong sa kaniya dahil pamilya ko pa nga mismo ang nagdadala ng problema sa kaniya.'Ang palayain ka ang isang bagay na alam kong magagawa ko upang 'wag ka na ring umasa sa akin, dahil tama ka pareho lang tayong pinahihirapan ng sitwasyon na ito, bata ka pa Mitch at mas marami ka pang makikilala na mas higit pa kisa sa akin, sana mahanap mo ang sayang iyon sa iba. Hindi ito madali aaminin ko, at kailangan kong sanayin muli ang sarili ko na maging manhid na lang muli sa pakiramdam upang huwag nang masaktan.' sambit ko sa isip habang nakatitig ako sa bahay nila ng tuluyan na akong makalabas.'Wala akong pinagsisisihan na nagustuhan