Share

Chapter 5: Yasmine's Parents

"Thank you po sa pagpapahiram sa akin ng damit niyo po," saad ko sabay yuko.

"Don't mentioned it."

I lifted up my head but he wasn't looking at me. He was looking at my back. Curiousity hits me, kaya binaling ko ang tingin sa likuran ko.

"Tay!" I called out.

Ang lalaking naglalakad patungo sa amin ni Señorito Theo, walang iba kundi ang Tatay. Hawak hawak pa nito ang sumbrerong ginagamit niya para pang-proteksiyon sa sikat ng araw.

"Oh, ija anong ginagawa— Magandang umaga po, Señorito Theo."

Kitang-kitang ko pa ang pagka-gulat ni Tatay, nang maaninagan niyang kasama ko ang Señorito Theo.

Sasagot na sana ako na hinatiran ko siya ng meryenda. Pero mukhang hindi na kailangan.

"Magandang umaga rin po, Mang Lito. Kamusta po kayo?" Señorito asked in a flat tone yet respectful voice.

Medyo nagulat pa nga ako dahil first time kong marinig magsalita ng buong tagalog si Señorito Theo. Base rin sa nakikita ko, hindi nae-intimidate ang Tatay habang kausap ito. Kakaibang-kakaiba sa akin, na kulang na lang ay matumba ako sa kinatatayuan ko kapag kausap ang Señorito Theo.

"Maayos naman po. Iyon nga lang tumatanda na kaya nakakaramdam na din ng pagod."

Gulat na binalingan ko si Tatay. "Po? Bakit hindi niyo po sinabi sa akin, Tay? Edi, sana naghanap na lang po ako ng trabaho. O di kaya pwedi ding magtrabaho ako dito sa mansiyon."

Hinawakan ako sa balikat ni Tatay. Tatay looked at me with utmost senserity and determination through his eyes. "Anak, hanggat kaya ni Tatay. Hinding-hindi ka magta-trabaho. Ang kailangan mo lang gawin muna ay ang mag-aral ng mabuti."

Ganito na pala ang nararamdaman ng Tatay pero bakit inaako niya ang lahat? Kaya ko naman na magtrabaho sadyang ayaw lang nila akong payagan.

"Tatay naman, e," madrama kong sabi.

Pinipigilan ko nga lang ang sarili na hindi maiyak.

Tira umurong nga ang mga luha ko nang naniningkit na tinitigan ako nang Tatay mula ulo hanggang paa. Napakagat-labi ako dahil sa kabang biglang naramdaman. Siguradong alam ng Tatay na hindi ko pagmamay-ari ang damit na suot ko ngayon.

Feeling the tension right now, I could felt the lump in my throat. I gulped. I was about to open my mouth to explaine myself when Senorito Theo spoke.

"Nakita kong basa po ang damit ni Yasmine kaya pinahiram ko muna siya ng damit ko."

Nakahinga ako mabuti nang dahil sa narinig. Hindi ko na kailangan mag-explain nang kinakakabahan at nauutal dahil kay Señorito Theo.

Bumukas ang bibig ng Tatay at napatango-tango 'to that made me smile. "Ano ba kasing pinanggagawa mong bata ka?!"

Napangiwi ako. Akala ko pa naman naka-lusot na ako. So, there's no point in behaving anymore. It's my time to explain.

"Nagdidilig po kasi si Manang Aida kanina. Nagulat ko po siya kaya nabitawan niya iyong sprinkler kaya nabasa po ako," mahabang paliwanag ko.

Seryosong nakikinig lang ang Tatay habang gano'n din si Señorito Theo.

"Naku, pasensiya na at naistorbo ka pa ng anak ko, Señorito," paghingi nang paumanhin ni Tatay.

Señorito Theo just shook his head while looked stern with his poise. Suplado at seryoso siya kung titingnan ngayon.

"Walang problema, Mang Lito." Sabay baling nang tingin nito sa akin. But before I could drawn from his enticing orbs, I immediately looked away.

"Kung gan'on hihiramin ko muna ang anak ko Señorito. May dapat pa kaming pag-usapan."

Nakita ko naman ang tipid na pagtango nang Señorito.

Hinawakan nang Tatay ang braso ko kaya lumapit ako sa kanya.

"Aalis na kami Señorito," pagpapaalam nang Tatay.

Tuluyan nang tumalikod ang Tatay habang ako, nag-aalangan kong muli bang kakausapin ang Señorito para muling magpa-salamat.

But after a few seconds, I decide to looked at him. Kahit na nahihiya at nae-intimidate ako sa sa kanya, I opened my mouth to say the words I wanted to tell.

"M-maraming salamat po," pahabol kong sabi.

Mabilis akong tumalikod at sumunod kay Tatay na hindi pa nakakalayo sa amin, habang hawak-hawak ang dibdib kung naghu-hurumentado sa pagtibok.

"Tay naman! Bakit po?" tanong ko ng bigla na lang akong hinampas ni Tatay sa balikat. Mahina lang pero anong dahilan?

"Sinabi ko naman sa iyo, Yasmine! 'Wag kang masyadong pakalat-kalat dito sa mansyon," seryoso ngunit hindi naman galit ang tono ng pananalita ni Tatay.

I fidgetted and lower my head. I know that I'm guilty. All I did was made troubles to the Señoritos.

"Sinabi ko naman po sa inyo 'yong rason po di ba?" mahinang aniya ko.

"Kahit na. Sa susunod mag-iingat kana. 'Wag mong masyadong iistorbohin ang mga Señorito."

"Opo." I said, still lowering my head. Ayokong pinapagalitan ako o kahit pinapangaralan lang ni Tatay at Nanay. Feeling ko kasi, sobrang nadi-disappoint ko sila.

"Uuwi na ako, sasabay ka ba?"

I lifted up my head hearing my father's words. Ilang ulit akong tumango kay Tatay na siyang ikina-ngiti niya nang malapad. Kitang-kita ang dalawang malalalim na biloy ni Tatay, na siyang minana ko mula sa kanya.

"Sasabay po ako, Tay. Sa bahay na lang po natin kainin 'yong pinadalang meryenda ni Nanay."

Itinaas ko ang hawak-hawak kong tupperware na may lamang meryernda para kay Tatay. Naubusan ako ng oras kaya hindi ko naibigay ang meryernda ni Tatay no'ng break time niya. Nang dumating kasi ako dito kanina, ilang minuto na lang sana ay break time na ni Tatay. Kung hindi sana sa nangyaring insidente, kanina pa 'to na-kain nang Tatay.

Buti na lang at tupperware and pinaglagyan ni Nanay dahil kapag nagka taong madaling mabasa, paniguradong wala akong maipapakita kay Tatay. Malalagot pa ako kay Nanay.

"Tamang-tama busog pa naman ako. Sa bahay na lang natin kainin ng hindi magtampo ang Nanay mo."

"NANAY, 'andito na po kami ng Tatay," anunsiyo ko. Kahit pa nasa bukana pa lang ng bahay.

"Hi, mahal," bati naman ng Tatay nang masalubong nito si Nanay.

Nagyakapan pa ang mga 'to sa harap ko.

Malapad akong napangiti dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga magulang ko para sa isa't-isa.

"Oh, ba't hindi man lang 'ata nagalaw 'tong pinadala kong meryenda para sa iyo?" tanong ng nanay nang mapansin nito ang tupperware na inilagay ko muna sa bangko.

Bigla akong nataranta. "Kasi nay, ano—"

"Napa-aga ang meryenda namin, Mahal. Kaya naka-kain na ako nang dumating si Yasmine." Niyapos ng Tatay ang Nanay para lambingin 'to.

Nang hindi nakatingin sa akin si Nanay, sumenyas ang Tatay na tumahimik ako at siya na ang bahala.

"Kaya napag desisyonan namin ng anak mo, na dito na lang sa bahay natin kakainin 'tong ginawa mong meryenda, Mahal."

This time, tiningnan ako nang Nanay. But I didn't expected her to smiled at me. Akala ko kasi, tatanongin niya ako kung totoo ang mga sinabi ni Tatay.

"Sige, kukunin ko lang ang mga plato at kubyertos nang makapag-meryernda na tayo."

Nang makaalis ang Nanay, dali-daling lumapit sa akin ang Tatay.

"'Wag na lang nating sabihin sa Nanay mo. Alam mo na." Tatay said in a lowly voice while grinning.

I nodded kahit na ayokong magsinungaling kay Nanay. Mahirap magalit o kahit mangaral man lang si Nanay lalo na kapag involve ang mga Señoritos.

Dumating ang Nanay na may dalang mga plato at kubyertos. Inilagay nito sa may lamesa. Habang kumukuha ako nang pagkain, narinig ko ang Tatay na tumikhim at tila may gustong sabihin.

Tumigil naman ako at nakita ko ang excitement sa mga mata nito. That made me more curious.

"Alam niyo bang uuwi na ang mag-asawang Gallardo sa linggo?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status