Share

Chapter 6: Agreement

"Nay, hindi niyo po kailangang bumalik kaagad sa pagta-trabaho. Maiintindihan naman po 'ata ng mag-asawang Gallardo."

Pilit kong kimukumbinsi si Nanay na 'wag munang bumalik sa trabaho dahil hindi pa siya tuluyang gumagaling. Wala pa ngang tatlong araw ang pahinga niya. Paano kung atakihin ulit siya ng asthma niya?

Siguradong maiintindihan naman nina Tita Thalia at Tito Wilbert.

Tita at Tito ang tawag ko sa kanila simula bata. Magkalaro kasi kami ng Kuya Warren. Masyado pa akong bata para malaman ang pagkakaiba ng estado naming dalawa ni Kuya Warren. Hindi naman tutol ang mag-asawa na gano'n ang tawag ko sa kanila. Naalala ko pa na sobrang saya nila ng tawagin ko silang Tita at Tito.

"Anak, mas kailangan ako ngayon ng mga kasama ko sa mansyon. Saka katawan ko 'to kaya alam ko kung kaya ko na ang magtrabaho o hindi pa."

Mayordoma kasi ang Nanay kaya gano'n na lang ang nais niyang magbalik trabaho ulit.

"Tay..." Binalingan si Tatay nagbabaskaling matulungan ako.

Bumagsak ang mga balik
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status