Home / Romance / I'M THE BILLIONAIRES SLAVE / CHAPTER 4 – Pagharap sa Bilyonaryo

Share

CHAPTER 4 – Pagharap sa Bilyonaryo

Author: M.E.M.TSOLEN
last update Last Updated: 2025-11-12 22:04:29

Mabigat ang bawat hakbang ni Elena habang papasok sa tarangkahan ng Monteverde Mansion.

Mula sa labas, para siyang napadpad sa ibang mundo — mararangyang sasakyan, makintab na marmol, mga ilaw na parang bituin sa lupa.

Ang bawat kanto ng mansyon ay may bantay, bawat pader ay may kasaysayan ng yaman at kapangyarihan.

Ang suot niya ay simpleng bestida na hiniram pa niya kay Tita Cora, isang kapitbahay. Wala siyang sapatos na maayos, kaya lumang flat shoes na may punit pa sa gilid ang kanyang sinusuot.

Ngunit kahit anong kababa ng tingin niya sa sarili, alam niyang wala siyang pagpipilian. Ito na ang simula ng kapalit sa lahat ng utang at kasalanan ng kanyang ama.

Pagpasok niya, sinalubong siya ni Mang Rado, ang matandang mayordoma.

“Miss Cruz?”

“Opo, ako po iyon.”

“Sumunod ka sa akin. Hinihintay ka ni Mr. Monteverde sa opisina niya.”

Tahimik siyang tumango. Sa bawat hakbang papasok ng hallway, naririnig niya ang echo ng sariling yabag sa marmol. Parang bawat tunog ay paalala kung gaano siya kaliit sa mundong ito.

Pagsilip niya sa opisina, nakita niya si Lance Monteverde — nakaupo sa likod ng malaking mesa, abala sa laptop, hawak ang isang baso ng alak. Ang suot nitong itim na suit ay perpektong akma sa tindig at presensya niya.

Parang hindi tao. Parang hari sa sariling kaharian.

“Sir…” mahina niyang bati.

Hindi siya lumingon agad. Tanging malamig na boses lang ang sumagot.

“sit.” tugon nito,

Sumunod siya. Nanginginig ang kamay niya, at halos hindi makahinga.

Tahimik ang silid, tanging tik-tak ng relo ang naririnig. Sa wakas, itinabi ni Lance ang laptop at tumingin sa kanya.

Malamig. Matalim.

Parang tinatagos siya ng tingin nito.

“So, Elena Cruz,” sabi ni Lance. “Ikaw ang anak ng lalaking nagnakaw sa pamilya ko.”

Napatungo siya. “O-opo, Sir.”

“At anak ng kasambahing halos buong buhay ay ginugol sa bahay na ‘to.”

“...Opo.”

Lumapit si Lance, tumayo sa harapan niya. “Alam mo bang puwede kitang ipakulong dahil accessory ka sa kasalanan ng ama mo?”

Napatigil si Elena, mabilis ang tibok ng puso.

“Sir, hindi ko po alam ang ginawa niya—”

“Hindi mo alam, pero tinakbuhan mo rin ang utang. Kung hindi kita nakita nung gabing ‘yon, baka pinagbabayaran mo na ngayon ang utang niya sa ibang paraan.”

Tahimik siya. Hindi niya kayang sumagot. Totoo naman lahat ng sinabi nito.

“Pero dahil sa ginawa kong kabutihan, may kapalit. Alam mo na ‘yan.”

Dahan-dahan siyang tumingin kay Lance, naglalaban ang takot at tapang.

“Bakit ako, Sir? Marami kang babae, marami kang pwedeng pakasalan. Bakit ako pa?”

Napangiti si Lance, pero hindi iyon ngiting may lambing — kundi ngiting puno ng misteryo.

“Dahil wala kang karapatan tumanggi.”

Tumayo siya, tumalikod, at tinungga ang alak.

“At dahil gusto kong makita kung hanggang saan ka lalaban.”

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Cassandra Villareal — ang fiancée ni Lance.

Matangkad, maganda, naka-fitted na red dress, at halatang mayaman sa bawat galaw.

Pagkakita niya kay Elena, agad nag-iba ang ekspresyon nito.

“Who’s she?” tanong ni Cassandra, habang nakapamewang.

“She’s my business,” sagot ni Lance, hindi man lang tumingin.

“Business?” Tinaasan siya ng kilay ni Cassandra, nilapitan si Elena, tinitigan mula ulo hanggang paa.

“Oh, I see. Isa na naman sa charity projects mo, Lance?”

Hindi sumagot si Elena, pero ramdam niya ang tingin nitong nanunuya.

“You don’t belong here, girl,” sabi ni Cassandra, malamig ang boses.

“Hindi mo alam kung anong klaseng mundo ang papasukin mo.”

Gusto sanang magsalita ni Elena, pero inunahan siya ni Lance.

“Enough, Cassandra. You’re not in the position to question me.”

“Not in the position? I’m your fiancée, Lance!”

“A fiancée I never wanted.”

Napatigil si Cassandra, halatang nasaktan, pero agad din itong ngumisi.

“Fine. Pero tandaan mo ‘to, Lance. Lahat ng nilalaro mo, nagsasawa ka rin.”

Umalis si Cassandra na may ingay ng takong na sumasalamin sa galit.

Tahimik na napalunok si Elena. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o maaawa sa babae.

Paglingon niya, nakatingin si Lance sa kanya — matalim, pero sa ilalim nito, may kung anong pumipigil.

“Simula ngayon, dito ka titira,” sabi niya.

“Ha? Sir, hindi po kailangan—”

“Kailangan. Kung gusto mong bayaran ang utang ng pamilya mo, susundin mo lahat ng utos ko.”

“Pero Sir…”

“Walang pero. May kwarto ka sa ikalawang palapag. Si Mang Rado ang bahala sa iyo.”

Tumalikod siya, pero bago pa makalabas ng silid, muling nagsalita si Lance.

“At isang paalala, Elena…”

“Ano po ‘yon?”

“Wag kang masyadong tatanga-tanga. Hindi lahat ng nasa bahay na ‘to ay kakampi mo.”

Kinagabihan, tahimik si Elena habang nakaupo sa kama ng bagong kwarto niya.

Malaki, malamig, at puno ng mga bagay na hindi niya kailanman inakala na mahahawakan niya.

Pero sa kabila ng karangyaan, pakiramdam niya ay nakakulong siya.

Tumingin siya sa salamin.

Ang babaeng nakikita niya ngayon — nakaputing damit, may hawak na mamahaling unan — ay hindi na si Elena Cruz na kilala niya.

“Ma,” mahina niyang sabi. “Anong ginagawa ko dito?”

Biglang kumatok si Mang Rado.

“Miss Elena, gusto raw kayong makausap sa study room.”

“Sino po?”

“Si Sir Lance.”

Kinabahan siya. Pero sumunod siya.

Pagdating niya sa study, tahimik si Lance, nakatingin sa mga papeles.

“Bukas ng gabi, may charity gala. Sasama ka.”

“Sir? Pero hindi ako marunong…”

“Matututo ka. May stylist na pupunta dito bukas.”

“Bakit ako kailangan sumama?” tanong niya, halatang may halong kaba.

“Kailangan kong ipakita sa lahat na bayad na ang utang ng pamilya mo. Sa paraan na gusto ko.”

“At anong paraan ‘yon?”

Ngumiti si Lance ng malamig.

“As my fiancée.”

Natigilan siya, halos hindi makahinga.

“Sir Lance… hindi ‘yon tama. May fiancée ka na.”

“Wala na akong fiancée. Kanina lang, tinapos ko na.”

Napatingin siya, naguguluhan. “Bakit?”

“Because she’s not the one I need right now.”

Hindi na siya nagsalita.

Tahimik ang paligid, pero ramdam niya ang bigat ng titig ni Lance — isang titig na parang gusto siyang arukin, basahin, at sakupin.

“Simula ngayon, Elena, ikaw ang magiging Mrs. Monteverde.”

Nanginginig siyang huminga.

“Paano kung tumanggi ako?”

Lumapit si Lance, halos magkadikit na ang kanilang mga mukha. Amoy na amoy ni Elena ang pabango nito na para bang may paro-paro sa tiyan niya, yung mga titig ni Lance na parang nangungutya, na para bang nanabik halikan.

“Then I’ll make sure na kahit saan ka magtago, hindi ka makakatakas sa mga mata ko.”

Hindi siya makasagot. Lumuha na lang siya ng tahimik.

“Wala akong ibang gustong saktan,” mahina niyang sabi. “Gusto ko lang makabayad.”

“Then pay with your name,” sagot ni Lance. “And your life.”

Tahimik silang nagkatitigan. Sa pagitan nila, may tensiyong hindi nila maipaliwanag — galit, awa, at isang damdaming unti-unting lumalago sa gitna ng poot.

Sa labas, umuulan na naman.

At sa bawat patak ng ulan sa bintana, alam ni Elena na hindi lang buhay niya ang nagbago.

Ang kalayaan niya — nabili na.

At ang puso niya — unti-unti nang nagigising sa lalaking kailanma’y hindi dapat niyang minahal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 20 – THE GARDEN DATE

    ELENA’S POVHindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.Hello?Date lang ’to.Well… technically hindi lang date kasi si Lance ’yong kasama ko.At si Lance, kapag may ginawa, hindi pwedeng simple. Lagi siyang may pa-“wow effect.”Kanina pa siya naglalakad paikot sa sala, naka-white button-down, sleeves rolled up, at naka-black slacks na parang sinadya niyang patibukin ang puso ko na parang sirang tambol.“Ready?” tanong niya, checking his watch.“Yeah,” sagot ko, kahit hindi naman.Kasi bakit parang nakadikit sa dibdib ko ang kaba?He offered his hand.Hindi ko alam kung bakit automatic akong napahawak.At bakit parang…Mas gusto ko nang hindi niya ito bitawan.No no no.. erase erase..LANCE’S POVShe looks like spring.Fresh.Soft.Warm.At damn, hindi siya nag-effort. Naka-simple flower dress lang siya, but she’s the most beautiful thing I’ve ever seen.“Where are we going?” she asked, trying to sound chill.“Secret.”“Lance—”“Elena,” sagot ko, raising a brow, “just trust me.”She pur

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 19 – DINNER WITH FIREWORKS Lance & Elena POV

    LANCE’S POVKumakain siya ng cereal sa harap ko habang nakaupo sa barstool, naka-oversized shirt na parang sinadya niyang akitin ako nang hindi sinasadya, na ewanOr sinasadya niya—pero ayaw niya aminin. Alam ko. Ako pa ba? Kanina pa siya umiiwas ng tingin, pero sinusulyapan ako paminsan-minsan. At ako? Kanina pa ako nakakunot-noo kahit wala namang dahilan. Nakaka-badtrip ang ganda niya lalo sa mga mata koPinatong ko ang coffee mug sa countertop at huminga nang malalim.“Elena.”“Ano?” S****p niya ng cereal, hindi man lang tumitingin.“May rules tayong bago.”Napahinto siya at tumingin sa akin ng nakakunot-noo. “Ha? Rules ulit? Para ka namang—”“Asawa mo?” putol ko. I smirk.She choked on her cereal. Good. Deserve.“O-oy! Hindi ko ’yun sinabi—”“Well, I’m saying it.”She turned red. And I loved it way too much.“Starting today,” I continued, leaning closer, “hindi ka aalis ng hindi nagpapaalam.”“Lance—”“And you stay beside me. Always. Hindi ka pupunta kung saan-saan mag-i

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 18 – CLAIMED BY HIS SHADOW

    Elena’s POVMainit.’Yun agad ang naramdaman ko pagdilat ko—para bang may nakayakap sa’kin, mahigpit, sobrang higpit, pero… hindi masakit yung pagka yakap niya sa akin actually it's comforting in a terrifying way.And then na-realize ko kung bakit.Si Lance.Huminga ako nang malalim, halos mapasinghap. He was pressed against my back, one arm wrapped around my waist, the other tucked under my neck. His breath ghosted against the side of my cheek—ang init ng hininga niya..We slept together not just once, but twice gosh! Not just in the same bed— But like that. Like something happened. Like something changed.Pinilit kong kumilos ng kaunti, pero mas hinigpitan niya ang hawak, para bang kahit sa panaginip ayaw niya akong pakawalan.“Lance…” bulong ko tinatantiya kung gising na siya.Walang tugon, pero mas humigpit pa lalo ang pagyakap niya.Oh God.Hindi ko alam kung iiyak ako sa hiya o masisigawan ko siya o matutunaw ako sa init ng hininga niya sa batok ko.Pero bago pa ako

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 17 – THE MORNING AFTER

    Lance’s POVUmaga na.At ang unang bagay na nakita ko pagdilat ko… ay siya.Si Elena.Mahimbing ang tulog. Tahimik. Mukha siyang anghel.And God—she was lying beside me. Under the same sheets. Skin to skin.At wala kaming suot.For a moment, akala ko nananaginip pa rin ako. Akala ko hallucination lang ito dahil sa kahapon—yung takot, yung galit, yung tensyon, yung init—lahat ng iyon sumabog kagabi.Pero hindi. Totoo ito.Totoong katabi ko siya. Totoong nakahilig ang ulo niya sa balikat ko. Totoong nakapulupot pa ang kamay niya sa may tadyang ko. Totoong magulo ang buhok niya dahil sa… dahil sa kagabi.And me?I felt like I won the damn lottery.The real one. Yung 900-million-jackpot-level.Because for the first time — she wasn’t pushing me away. She wasn’t scared of me. She wasn’t angry.She was just… there. With me. Sa kama niya. Sa yakap ko.And God, hindi ko alam kung paano ko iha-handle ‘to.Huminga ako nang malalim, trying not to wake her. Kahit ko

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 16 – INIT NG GABI

    Elena's POVTiningnan ko ang likod niya habang humahakbang palayo. Ang bawat yapak niya, bumabaon sa puso ko. Gusto kong hilahin siya pabalik, yakapin nang mahigpit, pero ang mga salita ko, parang nakakadena. Hindi ko mailabas. Ang hangin sa paligid, biglang lumamig.“Pumapayag na ako,” lumabas sa bibig ko. Isang bulong na halos di marinig, pero sapat para huminto siya.Naramdaman ko ang pagtigil ng mundo. Hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatalikod, ang mga balikat niya, parang may bigat na dinadala.“I want to be your slave,” sabi ko, mas malakas na ngayon. Napasabunot siya sa buhok. Ang katawan niya, bahagyang umiling. Hindi ko maintindihan. Bakit hindi siya lumingon? Bakit hindi siya nagsasalita? Hindi ba sya masaya? Galit ba sya?Ilang sigundo ang nag daan at..Dahan-dahan siyang lumingon. Ang mga mata niya, parang may apoy na nagliliyab. Naglakad siya pabalik sa akin, ang bawat hakbang ay mabigat. Naramdaman ko ang tibok ng puso ko sa tenga. Bakit nga ba kasi ako kinakabaha

  • I'M THE BILLIONAIRES SLAVE   CHAPTER 15 – SA GITNA NG DILIM

    Elena’s POVHindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ako naglakad palabas ng mansion na naka-robe lang. Siguro dahil sobrang bigat ng dibdib ko. Yung pakiramdam na parang nilunod ka ng mundo tapos ikaw pa ang may kasalanan kung bakit ka humihinga ang saklap diba?Sobrang sakit.Pinapirma ako ni Lance sa kontrata na parang wala akong halaga. “The Billionaire’s Slave.” Grabe. Ni hindi ko kayang banggitin nang hindi nanginginig yung kamay ko. Napaka-unfair. Napaka—walang puso.At ang mas masakit? Hindi man lang niya ako pinigilan nang tumanggi ako. Hindi niya ako hinabol. Hindi siya nagalit. Hindi siya nagpilit. Wala. Pinabayaan lang niya ako na parang hindi ko siya asawa sa papel.Tao pa ba ako sa paningin niya?Napahigpit ang hawak ko sa robe habang naglalakad ako sa madilim na kalsada. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Ang alam ko lang, malayo sa mansion na iyon. Sa lugar na iyon. Sa lalaki na iyon.Hanggang sa may mapansing mga lalaki sa gilid-gilid ng street. Mga ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status