“Yun ba ang dahilan kung bakit niyo ako tinitingnan mula ulo hanggang baba. Bakit sir sa katawan at itsura na ba binabase ang pagtanggap ng isang empleyado?” taas kilay kong sabi sa kaniya. Ngumisi at nagpamulsa siya. Nagtitigan kaming dalawa ng walang kumukurap hindi ako patatalo sa mahangin nato.
“Maganda ka payat at maputi at alam kong magtatangka ka ring akitin ako.” Confident niyang sabi. I flip my hair and I cross my arm.
“Well thank you for the compliment sir.” Nakangiti kong sabi pero hindi rin yun nagtagal at sumeryoso ang expression ko.
“Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng isang kompanya at isang boss na mayabang at mahangin.” Lakas loob kong sabi sa kaniya. Kung hindi lang rin naman pala niya ako kukunin dahil sa panlabas kong anyo, susulitin ko na ang gusto kong sabihin sa kaniya dahil sa mindset niyang lahat ng babae ay magkakagusto sa kaniya.
“What did you just say?” may diin niya ng sabi. Bakit sir naaapektuhan ka ba sa sinabi ko. Nginisian ko siya saka ko kwenelyuhan. Tension ang mararamdaman sa loob ng kwartong ito. Kita ko sa gilid ko na gusto akong awatin ni Mrs. Santos pero hindi niya nagawa dahil na rin siguro sa takot na masigawan o may masabi ang mayabang niyang boss.
“Ang hangin at ang yabang mo rin palang boss ka. Bakit? Iniisip mo ba na lahat ng babae ay magkakagusto at mahuhulog sayo?” matalim ko siyang tinitigan kung ang mukha niyang wala man lang kaexpre-expression kanina ay nagkaroon ng kaunti.
Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya na may kaunting tulak pero hindi man lang siya napaatras sa kinatatayuan niya dahil sa laki at lakas niya.
“Tandaan mo ito yabang. Hindi lahat ng babae magkakagusto sayo. At sa tingin mo mahuhulog ang isang katulad ko sayo hindi man ako kagandahan pero marunong akong pumili, ayaw ko sa lahat yung katulad mong mayabang. Trabaho ang kailangan ko, trabaho ang ipinunta ko dito hindi kalandian.” Taas noo kong sabi sa kaniya kita ko ang pag-igting ng panga niya. Napangisi ako dahil dun saka ko siya tinalikuran at pabagsak na isinarado ang pintuan.
“Nakakagigil. Akala mo kung sinong napakagwapo.” Napapakuyom ang kamao ko dahil sa gigil sa kaniya.
Dirediretso akong pumasok ng elevator at wala akong pakialam sa mga kasabay ko makita ba nila ang expression ng galit kong mukha. Una na akong lumabas ng bumukas ang elevator at dirediretso akong naglakad patungong exit ng biglang..
“ATTENTION CLOSE ALL THE EXIT NOW! I REPEAT CLOSE ALL THE EXIT NOW” rinig kong sabi sa isang speaker. Tatakbuhin ko na sana ang exit palabas bago ako makulong dito ng hindi na ako umabot dahil sinarado na ni Kuyang guard.
“Kuya palabasin mo na ako please.” Pakiusap ko sa guard na tinulungan akong pakiusapan si Mrs. Santos pero kahit na anong pagmamakaawa ko sa kaniya ay hindi niya ako pinapalabas. Ano ba kasing pakulo ng kompanyang ito at kailangan pang isarado lahat ng exit. Kamalas ko na nga lang ngayong araw nakulong pa ako sa building na ito. Naghintay pa ako dito ng ilang minuto para buksan na ang exit na ito pero nakailang taas na ako ng kilay ay wala pa ring nangyayari.
“You” napatigil ako sa pagtatapik sa floor gamit ang paa ko ng marinig ko ang boses na kalmado at malamig na nagsalita. Nilingon ko ito kung ako ba kausap o si kuyang guard. Humarap ako ng maayos ng makita ko ang lalaking ito na siyang tumatawag pala sakin.
“What do you need?” walang interesado kong sabi sa kaniya. He cleared his throat bago nagsalita.
“You’re hired.” Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Pinasarado niya ba lahat ng exit para lang dito. Akala niya ba madadala dala niya ako sa mga ganung pakulo niya nagkakamali siya. Pagkatapos niya akong husgahan kanina dahil sa panlabas kong anyo tapos ngayon sasabihin niyang I’m hired tsss.
“No thanks. Ayaw ko sa lahat magkakaroon ako ng boss na masyadong mataas ang tingin sa sarili. Sayo na yung trabaho mo. Maghanap ka na lang ng ibang kaya kang pagtiyagaan. Buksan niya na itong exit para makaalis at makahanap pa ako ng mas maayos na boss.” Tinalikuran ko siya at pilit na binubuksan ang exit pero matigas na hinawakan ni kuyang guard ang pintuan. Nakakaasar naman eh! Hinarap ko itong mahangin na ito ng maramdaman ko ang paglapit niya sa akin.
“Sabi ko-“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
“I’ll double your salary.” Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking tenga dahil sa bulong niya. Dodoblehin niya raw ang sweldo ko, magkano ba pasweldo niya sa secretary niya. Magsasalita pa lang sana ako sa kaniya tungkol sa pasweldo niya ng bigla ulit itong nagsalita at animoy nabasa ang aking iniisip.
“20,000 ang sweldo ng secretary ko and I’ll double it So it’s 40,000 monthly salary. Deal or no deal?” napataas ang kilay ko dahil dun. Tatanggapin ko ba? Sayang ang 40,000 monthly. Mabubuhay na ako dun at may sobra pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko baka naman kasi isipin nila mukhang pera ako kapag tinanggap ko kaagad. Nag-iisip pa lamang ako ng muli uli itong nagsalita.
“What do you think?” tanong niya ulit.
“Walang resume?” tanong ko sa kaniya dahil kung meron syempre magpapasa na ako sayang na din kasi saka baka hindi na ako makahanap ng trabaho dahil hindi naman ako nakatapos ng college.
“Nothing”
“Bio data?” umiling lang ito.
“Interview?”
“I said nothing just start your job today. Period.” Malamig nitong sabi. Pinaglihi ba ito sa yelo at ang lamig ng pakikitungo sa ibang tao.
“Follow Mrs. Santos for your ID.” Ani nito saka tumalikod at naglakad palayo sa amin. Halos lahat ng nakakasalubong niya ay yumuyuko na sa kaniya meron namang may umiiwas na. Napailing ako dahil dun, ganiyan ba talaga kasungit yang lalaking yan. Napatigil lamang ang pagsunod ng aking tingin sa kaniya ng agawin ni Mrs. Santos ang atensyon ko.
“Sumunod ka na sa akin.” Nagsimula ng maglakad si Mrs. Santos na siyang sinundan ko. Huminto lang kami sa isang pintuan na sa tingin ko ay pagawaan ng ID para sa mga empleyado. Pinaharap lang ako sa isang camera para sa aking litrato, inayos ko ang buhok at anggulo ko saka ngumiti sa camera. Sumilaw sakin ang malakas nitong flash na nakapagpasakit ng kaunti sa aking mga mata. Pinaghintay lang kami at pinaupo muna dahil gagawin din daw agad yung ID ko bilis ah. Naghintay pa kami ng mga ilang minuto saka binigay sakin ang maayos kong ID. Paglabas namin sa loob ng pintuan na yun ay nagsimula ng magdiscuss si Mrs. Santos para sa trabaho ko.
“Huwag na huwag mong iwawala ang ID mo hangga’t maaari ay huwag mong ipapahawak at ipapahiram sa iba.” Kumunot naman ang noo ko dahil dun. Bakit naman bawal man lang ipahawak sa iba. Tiningnan ko ng maayos ang ID ko kung ano ba ang meron na masyadong confidential pero isang parang QR code or finger print ba ito? Hay ewan ko. Kinuha sakin ni Mrs. Santos ang ID ko at itinuro ang kaninang tinitingnan ko.
“Ikaw lang ang meron nito. Passcode yan ng pintuan ng office ni Sir Kyler. Sa lahat ng naging secretary niya ikaw ang nilagyan niya ng passcode para makalabas masok sa loob ng office niya kung kinakailangan.” Sa lahat ng naging secretary niya ako lang ang may passcode? Pero bakit ako lang eh parepareho lang naman kaming secretary niya.
“Pero bakit niya ako nilagyan at yung naging secretary niya hindi?” nagtataka ko sa kaniyang tanong.
“Dahil gusto niyang kilalanin muna ang bago niyang secretary kung ito ba’y mapagkakatiwalaan. Ikaw na ang ikadalawampu’t isa niyang secretary.” Dahil sa sinabi niya napasamid ako sa sarili kong laway na siyang naging dahilan ng sunod sunod kong pag-ubo. Ikadalawampu’t isang secretary niya? biro bato? Hahaha nakakatawa.
“Don’t laugh Keisha Mae Almiro.” Napaseryoso ako dahil sa pagtawag niya ng buo sa pangalan ko. Kung ganun hindi siya nagbibiro.
“Lahat ng naging secretary niya ay mga dalaga at lahat sila ay nagtapat ng nararamdaman kay Sir Kyler may mga sumubok ding akitin siya na naging dahilan ng pag-alis nila dito. Ikaw lang ang kakaiba sa kanilang lahat dahil sa mga salitang binitawan mo kay Sir kaya mabilis ka niyang pinagkatiwalaan at binigyan ng passcode niya. Huwag mong sisirain ang tiwalang yun.”
“Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia
“Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it
“Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?
“Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.
“No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl
Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.
“Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&
“Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram
Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag