Share

I Made Her Heartless
I Made Her Heartless
Author: Rhea mae

Simula 1.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2021-05-23 12:11:03

Napahilamos na lamang siya sa kaniyang mukha ng makita nanaman ang ika-dalawampung secretary niya sa nang-aakit nitong galaw. Blanko niyang tiningnan ang wala pang isang buwan niyang secretary.

“Stop” sa malamig niyang tonong sabi sa secretary niyang unti unting nag-aalis ng saplot. Walang pinakinggan ang secretary niya at patuloy itong naglagay ng icing sa kaniyang malamang hinaharap.

“I said stop!” sa oras na ito galit na siya. Ayaw niya sa mga taong hindi marunong makinig sa bawat salitang sinasabi niya. Kinuha niya ang cellphone niya at denial ang numero ni Mrs. Santos na siyang naghahanap ng secretary niya.

“Come here and call the security guard now!” napapikit na lamang si Mrs. Santos sa narinig niyang sigaw mula sa kabilang linya. Alam na niya kung anong ibig sabihin nanaman nito. Dali dali silang umakyat ng office ng kanilang boss.

“Ibaba niyo yan at ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha niya sa building na ito!” utos niya sa dalawang security guard.

“Ano ba bitawan niyo ako! Kyler ayaw mo ba ako? Ito na nga oh binibigay ko na sayo ang sarili ko ayaw mo pa” blanko niyang tiningnan ito at tinaasan ng kilay. Ikinumpas niya na lamang ang kaniyang kamay na lumabas na sila.

Tumalikod na siya at nagpamulsa habang tanaw ang tanawin sa kaniyang bintana habang si Mrs. Santos ay nakayuko na habang naghihintay ng sasabihin ng kaniyang boss.

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo Mrs. Santos” panimula pa lamang ng boss niya pero nagsitayuan na ang mga balahibo niya. Patuloy na nakayuko si Mrs. Santos habang nilalaro niya ang mga daliri niya. Hindi nagsasalita si Mrs. Santos kaya hinarap na siya ng kaniyang boss.

“I need secretary na hindi mahuhulog sakin, na hindi ako magugustuhan hangga’t maaari yung pangit Mrs. Santos! Pangit, mataba maitim basta lahat nasa kaniya na huwag lang yung walang alam!”

“Opo sir. Ngayon din” pagkasabi ni Mrs. Santos iyun ay dali dali siyang umalis at tumakbo sa office ng kaniyang boss.

Napahilamos na lamang uli ito dahil dun.

Siya si Kyler Stanford ang nagmamay-ari ng isang gulayan sa Pilipinas. Ang pinakamalaking distributor ng gulay. Bata pa lamang siya ay magaling na siya sa larawan ng negosyo kaya sa taong labing siyam ay naging isang negosyante na siya at nagmamay-ari ng Greenland.

Napalago niya ito ng ganung kabilis kaya sa taong dalawampu’t apat ay isa na siyang makapangyarihan at kinatatakutan ng ibang kompanya.

KEISHA POV

“Saan ba ako maghahanap ng trabaho dito” kanina pa ako lakad ng lakad para makapaghanap ng trabaho at pangatlong araw ko na ito na naghahanap pero hanggang ngayon wala pa rin.

Sa sobrang init pumasok na muna ako sa isang building para magpalamig. Pangarap ko ring maging empleyado sa ganitong klaseng building pero malabong mangyari dahil 2nd year college lang natapos ko. Ang hirap mag-isa walang karamay. Napabuntong hininga na lamang ako kapag naaalala ko kung paano namatay ang mga magulang ko.

Bakit ba kasi nabuhay pa ako tapos ang mga magulang ko parehong patay. Namatay silang dalawa dahil sa car accident samantalang ako nabuhay. Bakit ba hinayaan pa akong mabuhay kung parehong magulang ko namatay. Hindi na ako nakatapos ng pag-aaral dahil hanggang dalawang taon lang umabot ang perang naiwan nila sakin.

“Kailangan ko ng makahanap agad agad ng secretary ni Sir Kyler dahil kung hindi mayayari ako” napatingin ako sa nagsalita ng ganun at dali dali ko siyang nilapitan.

“Ah ma’am excuse me po”

“What do you need?” tanong niya sa akin.

“Narinig ko po kasing naghahanap kayo ng secretary baka pwede po ako” alam ko naman na ang kapal na ng mukha ko dahil dun eh kailangang kailangan ko na eh. Tiningnan niya ako pababa kaya napatingin din ako sa sarili ko. Wala namang mali sa suot ko ah.

“Maganda ka iha, maputi at payat baka hindi ka tanggapin ng boss namin” napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Base ba sa katawan at itsura ang pagtanggap sa isang trabaho sa panahon ngayon.

“Sa katawan na po ba titingnan ang pagkuha ng isang empleyado?” kunot noong tanong ko sa kaniya.

“Hindi mo kasi naiintindihan iha.” Sagot niya lamang sa akin. Akmang aalis na sana ulit siya ng harangan ko ulit ito.

“Sige naman na po hayaan niyo akong makausap yung boss niyo.”pagmamakaawa ko sa kaniya desperado na talaga akong makuha sa trabahong ito.

“Mapapagalitan ako ng boss ko iha kung ikaw ang kinuha ko.”

“Sasaluhin ko ho lahat ng galit at sisi kapag nangyari yun. Pangtatlong araw ko na po kasing naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon wala pa ring resulta.” Desperadang sabi ko. Pinagmukhang kawawa ko ang boses at mga mata ko para makumbinsi ko siya. Magsasalita pa sana siya ng biglang sumingit samin yung guard.

“Hayaan mo na Mrs. Santos kung hindi siya tinanggap ni sir atleast ginawa mo na at alam niya na yun sa sarili niya. Hayaan mo na yung bata.” Laking pasasalamat ko sa guard na iyun ng pumayag si Mrs. Santos pala. Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis bago ko sinundan si Mrs. Santos.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa building na ito mukhang malawak at malaki. Napaatras na lamang ako ng mabunggo ko si Mrs. Santos dahil huminto pala siya.

“Magfocus ka ayaw ni sir ng tatanga tanga.” Humingi na lamang ako ng paumanhin at yumuko dahil dun bakit ba parang ang seseryoso ng mga tao dito. Pumasok na lamang kami sa elevator at pinindot niya ang ikadalawampung palapag.

Pagkabukas ng elevator hudyat na nasa ikadalawampung palapag na kami ay lumabas na si Mrs. Santos na siyang sinundan ko. Maraming pasilyo pa siyang nilikuan bago kami nakarating sa isang pintuan kung saan may karatulang ‘President Office’. Huminga munang malalim si Mrs. Santos bago siya kumatok sa pintuan. Bakit parang napakaproblemado ni Mrs. Santos para namang lunggaan ng mga leon at tigre ang papasukin niya.

Hindi nagtagal ang pagbukas ng pintuan at pinapasok kami.

“Sir nandito na po si Mrs. Santos.” Agaw atensyon niya sa lalaking nakaupo at nakatalikod samin. Napayuko na lamang ako ng tumayo siya at naglakad palapit sa amin.

“Look at me.” ani nito sa malamig na boses. Marami na akong pinagdaanan kaya bakit pa ako padadala sa mga ganitong mga tao. Unti unti akong tumingala at tumingin sa kaniya. Walang bakas ng takot at pangamba. Kita ko sa  kaniya ang walang expression niyang mukha. Tinitigan niya ako at ganun din ako sa kaniya. Walang mali sa suot ko at lalong walang mali sakin. Sinundan ko ang bawat tingin niya sakin pababa. Bakit parang uso dito ang tingnan ka mula ulo hanggang baba. Hindi ako gumalaw ng simulan niya akong ikutin na animoy eneeksamin ang aking buong katawan. Huminto siya sa harapan ko at tumitig muli bago ilipat ang atensyon kay Mrs. Santos na siyang nasa tabi ko at nakayuko na.

“Anong sinabi ko sayo Mrs. Santos. Sinabi ko na maghanap ka ng pangit at hindi magkakagusto o magtatangkang magkakagusto sa akin!” nagpintig ang tenga ko hindi dahil sa sigaw niya kundi dahil sa sinabi niya. Napatawa na lamang ako at napangisi dahil dun na siyang dahilan ng pagtingin niya sa akin.

Tinitigan ko siyang mabuti ng walang takot dahil hindi naman ako natatakot sa kaniya. Well yes may itsura siya gwapo. Inikutan ko rin siya kung paano niya ako inikot kanina. Magagandang katawan,matipuno at matangkad pero mayabang at mahangin.

“Stop it. Huwag mo akong ginagaya babae. Hindi mo ako kilala.” Sa malamig na boses pa rin nito. Huminto ako sa harapan niya at tinitigan ulit saka ngumisi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Fam O. Marcelino
hahahahaha Snobbish. Ginaya ung Boss hahahhahaha
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
goodnovel comment avatar
Dimple
interesting...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.5

    “Baka matunaw yan.” Nilingon ko si Louie na nakatingin na rin sa pwesto nila Keisha. “Asawa mo na nga kung makatingin ka akala mo laging mawawala” natawa naman ako sa sinabi niya. “Hindi ko mapigilan eh masyadong maganda para hindi titigan.” “Tsss ewan ko sayo haha.” “OH MY GOD!” napalingon kami ni Louie ng sumigaw si Angelo. Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. “What happened?” nag-aalala ko ng tanong. “My water broke.” Ngising saad pa ni Keisha. Napatingin naman ako sa pang-ibaba niya at basa na nga ang mahaba niyang dress pero kalmado pa rin siya. Sunod sunod akong napalunok ng marealize kong ano mang oras ay lalabas na ang 2nd child namin. “Our 2nd baby is coming.” Kalmado pang saad ng asawa ko. Paano niyang nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon. “I can’t breath, oh my God.” Nahihirapang saad ni Angelo sa maarte nitong tono. “Jusko ka naman Angelo paano na lang kung magkakaanak na kayo ni Lalaine ganiyan na lang ang gagawin mo. Magpakalalaki ka naman.” Si Dia

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.4

    “Alam kong magiging masaya rin ang Mommy mo kahit na wala na siya dito sa mundo natin. Ano pang ginagawa mo dito? Sundan mo na ang apo ko Kyler, sundan mo na ang buhay mo. Go apo, find her at iuwi mo silang mag-ina sa akin.” Nakangiti niyang sambit. Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si Lolo at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Nakakabading man pero iyun talaga ang nararamdaman ko.“Thank you Lo, thank you.” Paulit ulit kong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod ko at kumalas naman na ako saka ako tumayo.“Go, ako ng bahala dito.”“Marami pong salamat, masaya akong ikaw ang kinilala kong Lolo at mas masaya ako dahil ikaw ang tunay na Lolo ng taong mahal ko. Pangako Lo iuuwi ko silang dalawa at mabubuo kaming pamilya.” Tinanguan niya na lang ako at sinenyasan ng umalis. Wala akong sinayang na oras at mabilis akong tumakbo papuntang kotse ko.This is it

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.3

    “Nagpaubaya si Louie Lo pero hindi nagpaubaya ang tadhana. Nakakatawa lang dahil masyado yatang nag-eenjoy ang tadhanang paglaruan kami eh. Nagkaanak pa kami pero hindi naman pala dapat, para tuloy kaming nabubuhay dahil sa mali. Nabuo namin ang anak namin dahil sa kapusukan pero mahal namin ang isa’t isa Lo pero balewala pala lahat ng pagmamahalan niyo kapag tadhana na ang nagdesisyon.”“Hindi kita maintindihan apo, paanong makakalaban niyo ang buong mundo? Ano bang sinasabi mo? Kung mahal niyo ang isa’t isa bakit hindi niyo ipaglaban?” kung ganun lang sana kadali Lo. Nasasabi niyo yan ngayon dahil hindi niyo alam na ang tinutukoy ko ay ang apo niyo pang isa.“Ang dami kong tanong sa Kaniya Lo, bakit ginawa niya sa amin ‘to? Binigay niya sa akin ang isang tao na kasalanan naman palang mahalin.” Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang tumulong mga luha ko.“Paanong naging kasalanan ang magmahal?

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.2

    “Ah Lo papaghingain ko muna yung bata.”“Okay.” Nginitian ko na lang siya saka ko binuhat si Kieffer. Hindi ko pa nga pala siya nakakausap. Dinala ko siya sa kusina at abala naman ang mga katulong sa kakaasikaso ng mga bisita. Inihainan ko na lang siya ng pagkain at ibinigay sa kaniya.“Kain ka muna anak.” Ngiting saad ko. Pinanuod ko naman siyang kumain at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na rin siya. Dinala ko na siya sa kwarto sa taas at pinaliguan.“Where’s Mommy, Daddy?” tanong niya ng binibihisan ko siya.“She’s still not okay baby. Are you okay?” hinaplos ko ang napansin kong pasa sa pareho niyang tuhod.“I’m still scared Daddy, she’s a monster, she’s crazy.” Natatakot niyang saad.“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong ko.

  • I Made Her Heartless   Wakas 1.1

    “No! Mom! Please don’t leave me! Moooom!”Wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Halos gumuho ang mundo ko ng lumabas ang isang doctor at sabihin ang mga katagang kinatatakutan ko.“Time of death 10:25 A.M. We’re sorry.”“Nooooooo!”“Kyler please calm down!”“How can I calm myself Louie huh?! How?!”“I know! I know pero sana isipin mo ring wala pa ring malay hanggang ngayon si Keisha!” unti unti akong napaupo sa gilid at wala ng humpay ang pagtulo ng luha ko.DAMN IT!Bakit kailangan naming maranasan to? Nakulong na siya hindi pa ba sapat yun para pagbayaran niya ang mga kasalanan niya? Bakit kailangang kunin mo pa siya?!“BAKIT?! Bakit kailangang buhay ang kapalit sa kinuha niyang buhay?!!” walang tigil ang hikbi ko at sinuntok suntok ang pader na sinasandalan ko kanina.“Kyl

  • I Made Her Heartless   Kabanata 65.2

    Impit ang sigaw ko ng may humarang sa aming dalawang lalaki. Hinampas ni Louie ang lalaking may hawak ng baril sa kamay kaya nabitawan niya ito.Mabilis niyang hinawakan sa kamay ang isang lalaki at walang hirap niya itong pinatumba.“Sa likod mo!” sigaw ko sa kaniya pero mabilis siyang nakailag saka hinawakan sa leeg ang lalaki at tumalon siya at walang hirap na pinilipit ang leeg nito.“Louie.” Natatakot kong sambit sa kaniya ng may sumunod pang mga lalaki sa pwesto namin.“Don’t be scared Keisha. Iwan mo na ako dito, hanapin mo ang bata.” Nakailang iling pa ako sa kaniya.“Just do it!! Gawin mo na lang. Umalis ka na!!” malakas niya akong itinulak at bumalik sa pwesto ng mga lalaki. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo at magtago at hindi ko na alam kung nasaan na akong parte ng building na ito.Damn you Clarrisa.

  • I Made Her Heartless   Kabanata 65.1

    “Ako lang naman ang kailangan nila eh. Louie ikaw na bahala maglabas sa mag-ina ko sa lugar na iyun. Aasahan ba kita?”“Ano bang binabalak mo Kyler?”“Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.”“Paano ka nakakasiguro?” sabat ko na rin. Hinawakan ako ni Kyler sa magkabilang balikat ko at tiningnan ng diretso sa mga mata ko.“Dahil mahal niya ako, matagal niya ng gustong makasal kami pero hindi ako pumayag. Just trust me okay? Kayo ni Kieffer ang mahalaga sa akin.” Napatungo ako at wala ng nasabi. Naalis lang sa akin ang atensyon niya ng magring ang cell phone niya.“Yes hello?” niloud speaker niya ang cell phone niya.“Daddy ito ni Clarrisa. Iho please tell me what happened?” nag-aalalang tanong ng lalaki.“Hawak niya ang anak namin Mr. Rivera.”&

  • I Made Her Heartless   Kabanata 64.2

    “Alam ko pero wala naman masyadong nakakaalam na may pinsan akong babae eh. Please Keisha just say yes at lalaban ako.” Umatras ako at medyo lumayo sa kaniya at napabuntong hininga na lamang siya ng sunod sunod ang pag-iling ko.“Pasensya ka na, pasensya na kung masyado akong makasarili, pasensya na kung sarili ko lang ang iniisip ko.” Tumayo na siya at tiningala ko naman siya.“Sorry, I’m really sorry. Masyado lang akong nadadala sa nararamdaman ko. Kalimutan mo na lang. Aakyat muna ako.” hindi na ako nakasagot sa kaniya ng bigla na siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdan.Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin at sabihing ‘Oo lalaban ako, sasama ako sayo, mahal kita’ pero hindi nakagalaw ang katawan ko.Hikbi na lang ang nagawa ko at hinayaang tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ram

  • I Made Her Heartless   Kabanata 64.1

    Biglang nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya ng banggitin niya ang mga katagang yun.“Kulang ang buhay niya sa kabayaran niya sa gagawin niya. Uubusin ko lahat ng lahi niya kapag ginawa niya yun.” Seryoso at galit kong sabi. Ramdam ko ang pagtitig nilang tatlo sa akin.Hinding hindi ako magdadalawang isip kapag ginalaw niya ang anak ko. Papatayin ko siya. Oras na gawin niya yun hihintayin ko siyang magkaanak saka ko kakatayin at ipapakain sa kaniya ang sarili niyang anak.Nanlilisik ang mga mata ko kahit na nakatingin kahit saang sulok.“Dito ka na matulog sa bahay ko, sabay tayong pupunta dun bukas.” Si Kyler.“Samahan ko na kayo Kyler.” sabat naman ni Louie.“Sige, oras na makipagkalakalan na tayo ay ikaw na ang bahala sa mag-ina ko. Huwag mo sanang hayaang may mangyaring masama sa kanila.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun at naramdaman ko ang pag

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status