Home / Romance / I Married The Thug Billionaire / Chapter 67 (Part 2): Ang Gwapong Asawa

Share

Chapter 67 (Part 2): Ang Gwapong Asawa

Author: shainamoroll
last update publish date: 2026-09-19 18:34:57

“Nakita niyo ba ’yon? Praktikal din talaga ang mga lalaki.” Mahinang tumawa ang isang babae.

“Kahit masama ang reputasyon ni Miss Sabrina, anak pa rin siya ng isang mayamang pamilya. Paano siya maikukumpara kay Xeline?”

“Hay, isipin n’yo ’yon sa harap pa mismong ng napakaraming tao, iniwan niya si Xeline para hawakan ang kamay ng iba. Kawawa naman si Xeline. Halos ibigay na ni Xeline ang lahat ng meron siya sa asawa niya, tapos ganito lang ang gagawin niya.”

“Lesson learned, hindi talag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I Married The Thug Billionaire   KABANATA 70 (Part 2): Report Tungkol kay Anderson

    Naghihintay si Samuel sa labas ng private club ni Hector Martin. Napakahigpit ng security roon at walang basta-bastang nakakapasok. May mga malalaki at matataas na halaman na sadyang itinanim para hindi madaling mapansin ang lugar na iyon. May mga bodyguard na naka-uniform na black at naka-sunglasses. Walang ekspresyon ang mga mukha nila at laging nagmamasid sa bawat galaw sa paligid. Hindi alam ni Samuel kung gaano katagal siyang naghintay bago may lumabas at magalang siyang pinapasok. Kakatapos lamang maligo sa hot spring ni Hector. Nakasandal siya sa malambot na reclining chair habang may isang taong nakaluhod sa tabi niya at minamasahe ang katawan niya. Pagpasok pa lang ni Samuel ay naamoy na niya ang mabangong amoy ng mamahaling sigarilyo nito. “Sir, ito ba iyong Cohiba na dinala ninyo mula Cuba?” “Bakit? Mabango ba?” Bahagyang sinulyapan siya ni Hector at iniangat ang baba para utusan ang tauhan na magdala ng upuan para sa kanya. Magalang na ngumiti si Samuel sa kanya

  • I Married The Thug Billionaire   KABANATA 70 (Part 1): Ano Kayang Hitsura ni Anderson Martin?

    Marahang pinisil ni Noah ang kamay ni Xeline. Nang marinig ni Samuel ang sagot ni Xeline, hindi na niya nasundan ang mga tanong niya at agad ding nagpaalam para maiwan muna sila. Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nakalabas din nang palihim sina Xeline at Noah sa maliit na exit, tulad ng balak nila, bago nila narinig ang pangmamaliit ni Xenia kay Noah. Naisip nilang dumaan sa likod ng hotel. Maliwanag ang buwan at kakaunti lang ang mga bituin sa langit. Presko at maaliwalas do’n, naamoy nila ang mga bulaklak kasabay ng malamig na hangin. May mga alitaptap ding lumilipad sa damuhan, kumikislap-kislap na parang nakikipaglaro sa kanila. Ngumiti si Xeline at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Noah. Dahan-dahan silang naglakad, na para bang matagal na noong huli silang nakapagpahinga ng gano’n. “Bakit ganoon ang sinabi mo kanina?” biglang tanong ni Noah. Natigilan si Xeline at mahina itong sumagot. “Sigurado akong ayaw mong malaman ni Samuel ang maraming bagay t

  • I Married The Thug Billionaire   KABANATA 69 (Part 2): Ang Pagtatakip kay Noah

    Bago tuluyang umalis si Xenia, hinanap muna ng mga mata niya si Xeline at tiningnan ito ng masama. Kitang-kita ang galit sa mga mata nito na para bang si Xeline ang sinisisi niya. Bahagyang ngumiti si Mr. Salcedo at tumingin sa lahat. “I think it's just a misunderstanding. Sige na, ituloy na natin ang celebration.” Agad ding bumalik ang mga tao sa kani-kanilang table na parang walang nangyari, habang yung iba naman ay patuloy pa rin sa pagbubulung-bulungan. Pero dahil pagod na si Xeline at wala na rin siyang planong mag-stay, hinigpitan niya ang hawak sa mga braso ni Noah at akmang tatalikod na siya nang bigla siyang tawagin ni Mr. Salcedo. “Miss Xeline, sandali lang.” Napilitan siyang lumingon at bumati. Napansin niyang suot pa rin ni Xeline ang emerald ring. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya, saka siya tumingin kay Noah. “Hindi mo ba kami ipakikilala?” Wala nang nagawa si Xeline kundi hilahin si Noah palapit. “Ito nga pala ang asawa ko, si Noah Samaniego.

  • I Married The Thug Billionaire   KABANATA 69 (Part 1): Isang Bellboy?

    Kahit si Mr. Salcedo, na sanay na sanay humarap sa iba’t ibang klase ng tao, ay na-intimidate rin sa kakaibang aura ni Noah. “Mr. Salcedo, tingnan ninyo po ‘to!” Iniabot ni Sabrina sa kanya ang cellphone. “Ito po ang picture ni Ms. Valderrama at Anderson Martin!” “Iyan ba ang pinag-uusapan ninyo kanina?” Nagtatakang tanong ni Mr. Salcedo. “Oo, Sir. Pinag-uusapan namin kung gaano kasuwerteng ’tong si Xenia!” Tumingala si Mr. Salcedo at tumingin kay Xenia. Pero hindi naapektuhan si Xenia at mas lalo lang niyang pinangatawanan at ipinagyabang ang sinasabi niyang picture kasama si Anderson. Nakataas ang noo niya habang nakangisi pa rin na para bang walang makakatalo sa kanya. Noong una ay magalang na nakangiti si Mr. Salcedo, pero unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sa pagkikita sa picture. “Miss Valderrama,” tumingin siya rito, “sigurado ka bang si Anderson Martin iyan?” Biglang kinabahan si Xenia sa tanong ni Mr. Salcedo. Napansin niya ang pag-aalinlangan

  • I Married The Thug Billionaire   KABANATA 68 (Part 2): Nagustuhan Ka ni Anderson Martin?

    “Talaga ba? Yung gwapong heir ng Martin family?” Hindi makapaniwalang tanong ng isang babae. “Of course! Siya ang tunay na tagapagmana ng isang influential family!” Napuno ng curiosity at paghanga ang iba pang nakarinig at walang tigil nilang tinanong si Xenia tungkol kay Anderson. Alam ng lahat na lowkey person si Anderson Martin. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakita sa media, kaya kakaunti lang ang mga taong nagkaroon ng chance na makita siya. At hindi lang basta naimbitahan si Xenia sa celebration ng pamilyang Martin—nakapagpa-picture pa siya kasama si Anderson Martin. At napakalaking privilege no’n. Sunod-sunod na mga papuri at pambobola mula sa mga tao ang natanggap ni Xenia. Medyo nakokonsensiya siya. Hindi naman niya gustong maging ganoon kaingay si Sabrina, pero hinayaan na lang niya ang mga tao at tinanggap na lang niya ang mga sinasabi nila at pilit na lang ngumiti. Naalala niyang nakapunta rin si Xeline sa celebration, pero hindi na niya iyon masyadong i

  • I Married The Thug Billionaire   KABANATA 68 (Part 1): Picture Kasama si Anderson Martin

    Muling nagpatuloy ang celebration na para bang walang nangyari. Naging abala ang lahat sa pag-iinuman at pagkuwentuhan. Pero may mga bulong-bulungan din dahil sa nangyari. May ilang nagtatawanan dahil sa nangyari kay Sabrina.Hinila ni Noah si Xeline sa gitna para sumayaw. Hindi sanay si Xeline sa mga step ng sayaw dahil hindi naman siya madalas nakaka-attend sa mga celebration na ganito, pero dahil normal lang kay Noah ang mga ganitong event, tinulungan niya si Xeline, kaya walang sinumang nakapansin.Hindi nila napansin ang mga matang nakatingin sa kanila. Hindi naalis ang tingin nila sa isa’t isa hanggang sa matapos ang isang buong kanta at malakas na nagpalakpakan ang mga tao.Sa kabilang banda, nanginginig pa rin sa galit si Sabrina. Tiningnan siya ni Xenia nang masama, at tulad niya, galit na galit din ito. “Useless!” “Xenia, what do you mean by that?”“Hindi ba lagi kong ipinagmamayabang na ikaw ang social butterfly ng high society? Na halos lahat ng lalaki ay kayang paikuti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status