Home / Romance / I NEED YOU / Chapter 13-Pang-uuto

Share

Chapter 13-Pang-uuto

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2025-02-12 15:55:19

Pilit na ngumiti si Lory sa kaibigan at nilapitan ito. "Hindi ka ba naaawa sa kaniya?"

"Bakit naman ako maawa sa kaniya? Sa akin ba ay naawa siyang gawan ako ng masama?" Nakatikwas ang kilay na balik tanong niya kay Lory.

"Pero—"

"Kung mas naawa ka sa kaniya ay siya na kaibiganin mo." Mataray niyang putol sa pagsasalita ni Lory.

Mabilis na umupo si Lory sa tabi ng kaibigan at ikinawit ang kamay sa braso nito. "Excuse me, alam mong hate ko rin siya dahil kaaway mo. Naawa lang ako nang lumuhod siya kanina. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin iyon upang mapatawad mo."

"At sa tingin mo ay ginawa niya iyon para sa akin?" Sarkastiko niyang tanong kay Lory.

Sandaling natigilan si Lory at umiwas ng tingin sa kaibigan. Ilang sandali pa ay nakangiting hinawakan niya ito sa kamay. "Huwag na nga natin siya pag usapan. Masakit ba talaga ang ulo mo?"

Nakasimangot na sumandal si Jesabell sa headbord. "Try mong sugatan ang ulo mo at tingnan kung hindi masakit."

Humulma ang hilaw na ngiti sa labi ni L
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Belle Gab Brix
hay Ganda ng story Buti nalaman AGAD ang totoong ugali ni lory
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I NEED YOU   Chapter 14-Gutom

    Napatingin siya sa kamay na nagkaroon ng pasa. Mukhang hindi na mawala ang marka doon kaya habambuhay na naman siyang huntingin ng karanasang iyon. Malungkot siyang tumingin muli sa salamin. Napapagod na siya sa buhay niyang walang kabulohan. Pero takot naman siyang mamatay. Siguro nga ay nababaliw na siya at kung ano na lang ang pumapqsok sq isipan niya."Maging masaya ka lang kapag nagmahal ka na ng iba." Kausap niya sa sarili at pinandilatan pa ang reflection sa salamin."Kaya kailangan mo nang makaalis dito upang mabilis kang maka move on!" Pinagdiinan pa niya sa sarili ang laman ng isipan. May isang oras din ang lumipas mula nang mapag isa siya bago nagpasyang lumabas ng silid nang kumalam ang sikmura. Pagsilip niya sa dinning room ay malinis na iyon. Tiyak na pinamigay na ang pagkain sa labas at ayaw ni Tyron na may natitira sa pagkain after kumain. Nakagat niya ang daliri at nag isip paano malamnan ang sikmura. Wala sa sariling naglakad siya hanggang sa makarating sa sala. Nag

    Last Updated : 2025-02-12
  • I NEED YOU   Chapter 15-Pananakot

    "Jesabell, alam ko na masaya ka kapag nakikita akong may sakit at naghihirap. Pero puwede bang tama na ang pagpapanggap? Kung gusto mong ikaw ang makasama ni Tyron na kumain sa labas ay handa naman akong magpaubaya para sa iyo. Sabihin mo lang at—""Ang dami mo namang sinasabi." Putol niya sa paglilitanya ni Emily. "Umalis na kayo at baka ako na naman masisi kapag lumala iyang sakit mo! Lalo lang ako natatae dahil sa drama mo!" Patakbo na siyang lumayo kay Tyron habang sapo ang tiyan at umakyat sa haggan. Nahihiyang nagyuko ng ulo si Emily at nauwi sa walang kuwenta ang drama niya. Kita din sa mukha ni Tyron na parang nasaktan ito sa ginawang pambabaliwala na dito ni Jesabell "Let's go." Malamig na turan ni Tyron at nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng bahay.Nagmamadaling sumunod siya sa binata. Hindi niya kayang sabayan ito sa mabilis na paglalakad dahil mataas ang takong ng suot na sandals.Hinahapong napaupo si Jesabell sa sahig at sumandal sa nakasarang pinto. Pansin niyang

    Last Updated : 2025-02-13
  • I NEED YOU   Chapter 16-Nilutong pagkain

    "Ouch, I hate you!" Duro ni Jesabell sa kawali gamit ang sandok. Ang sakit na kasi ng kamay niya kung saan tumama ang tumatalsik na mantika. Tiyak na mag iiwan iyon ng piklat sa braso niya. Dahan dahan siyang lumapit sa kawali habang itinatakip ang malapad na pinggan sa mukha. Hindi dapat madumihan ang mukha niya at ganda na nga lang ang mayroon siya.Tinakpan ni Nida ang sariling bibig upang hinidi makalikha ng ingay nang makita ang hinangong itlog ng dalaga. Sunog iyon at sobrang mamantika. Ni zoom pa niya ang ang nasa plato at tingin niya kahit aso ay hindi kakainin iyon.Napabuntong hininga si Jesabell nang makita ang niluto. Pero kahit palpak ang gawa ay proud pa rin siya sa sarili. Muli siyang tumingin sa cabinet at noodles naman ang hinanap. Napangiti siya nang makitang very easy sundin ang instruction. Lalagyan niya lang ng water at tiyak na hindi masusunog iyon.Napasimangot si Nida at mukhang nakagawa na ng tamang pagkain ang dalaga. Hindi na rin ito napapaso at tantyado an

    Last Updated : 2025-02-13
  • I NEED YOU   Chapter 17-Indirect kiss

    "I have an urgent meeting kaya ikaw na ang bahala sa kaibigan mo." Inilabas ni Tyron ang isang card at ibinigay kay Dory. "Use this for shopping at ikaw na bahala kay Emily." "Tyron, kahit ang pagkain lang. Huwag mong alalahanin si Jesabell dahil ipinagluto siya ni Nida." Pigil ni Emily sa binata at sinabayan ng tayo..kilala ko si Jesabell, hindi niya kakainin ang luto sa ganitong mood niya. Please understand, higit na nakakaunawa ka sa sitwasyon ngayon." May kasamang pakiusap ni Tyron sa dalaga..Inis na nagyuko na lamang ng ulo si Emily at ayaw niyang makita ng binata na kabaliktaran ang inaasahan nito sa kaniya. Ang tingin sa kaniya ay santa na kayang magpaubaya at maunawain sa lahat ng oras. Kung alam lang nito, kulang na lang ay ipakulam niya si Jesabell upang mawala na ito sa landas niya. Inis na tinabig niya ang table napkin na nakapatong sa taas ng lamesa nang wala na si Tyron."Tama na at gutom ako kakamadali na pumunta dito." Awat ni Dory sa kaibigan. Bumuntong hininga s

    Last Updated : 2025-02-13
  • I NEED YOU   Chapter 18-Pang-aasar

    "Kailangan pa ba kitang subuan?" Aroganteng tanong ni Tyron sa dalaga habang nanatiling nakatutok ang tingin sa screen ng laptop. Wala sa sariling sumubo siya muli ng pagkain gamit pa rin ang kutsara na ginamit din ni Tyron. Muntik pa siyang nabulunan at mabilis siyang inabutan ng tubig ng binata. "Thank you!" aniya matapod makainum ng tubig at naalis ang bara sa lalamunan."Slow down, order pa ako ng pagkain kung kulangin."Lihim siyang napangiti at kinilig na naman ang tanga niyang puso. Bakit naman kasi ganito ang binata? Napabuntong hininga siya at itinuon na lang ang tingin sa pagkain. Si Tyron kasi ay abala na ito sa kausap nito mula sa zoom meeting. Alam niyang nakikita siya ng mga board member dahil nasa likod siya ni Tyron. Tuwing aangat siya ng tingin ay nahuhuli niyang nakatingin sa kaniya ang ilan sa mga naroon. Marahil ay curious kung sino siya kasama ng CEO sa iisang silid. Matipid siyang gumanti ng ngiti sa isang lalaking mukhang kaidaran lang ni Tyron.Tumikhim si Ty

    Last Updated : 2025-02-14
  • I NEED YOU   Chapter 19-Childish

    "Hindi ba at ako ang dapat magsabi niyan sa iyo?" Ngumiti si Emily sa dalaga.Nagkibit balikat lang si Jesabell at pasimpleng sinulyapan si Tyron. Mukhang malalim ang iniisip nito at hindi naririnig ang iringan nila ni Emily. Ayaw niyang magtagal na kasalo si Emily kaya binitbit na niya ang isang tinapay at tumayo." Aalis na ako." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Tyron at nagmamadali na siyang umalis. "Tyron, hindi ka pa tapos kumain." Pigil ni Emily nang tumayo na rin ang binata. Hindi nag abalang lumingon si Jesabell kahit narinig niya ang sinabi ni Emily. Kung noon ay walang sawa na naglalambing siya kay Tyron na ihatid siya sa scho, ngayon ay hindi na. Tama na ang halos dalawang taon na pamamalimos ng tunay na pagmamahal mula rito. Bago pa siya kalabas ng gate ay nagulat siya nang may bumusinang sasakyan sa garahe.Naipadyak ni Emily ang kanang paa nang makitang sapilitan na ipinasok ni Tyron si Jesabell sa magarang kotse nito. Ang nakakainis pa ay gamit nito ang dating sasak

    Last Updated : 2025-02-14
  • I NEED YOU   Chapter 20-Inumin

    "Ladies and gentlemen, kompleto na ang kompanyang papasukan ninyo as intern sa sunod na lingo. Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo sa maging achievement ninyo and good luck!"Nagpalakpakan ang lahat matapos magsalita ang dean. Dugtong pa ng dean ay personal na pumunta sa office nito ang mismong CEO upang e invite ang kanilang batch na sa kompanya nito mag OJT. Hindi pa sinabi ang pangalan ng kompanya at surprise umano. Malalaman lang nila sa mismong araw na papasok na sila. Natuwa si Lory at magkasama sila sa grupo at sa huling kompanya pa sila napunta. Bida pa ng dean ay ang CEO mismo pumili sa pangalan nila na papasok sa kompanya nito as intern."Sir, bata pa po ba ang CEO?" Kinikilig na tanong ni Lory sa dean.Nang ngumiti ang dean at mukhang kinikilig din ay nahulaan ni Jesabell na bata pa nga at guwapo ang naturang CEO ng kompanya. Bakla kasi ang dean nila at ganoon ang reaction kapag nakakita ng guwapo.Matapos ang klase ay niyaya na siya ni Lory na pumuntang court. May next

    Last Updated : 2025-02-14
  • I NEED YOU   Chapter 21-Patibong

    "Hey, Jesabell, narito ka pala." Bati ni Dory sa dalaga."Laro ng kaibigan ko." Maiksi niyang tugon dito at napatingin sa inuming nasa harapan lang ng lamesa. "Ang akala ko ay pinagbawalan ka na ni Tyron na lumapit pa kay Jason?" Tonong concern na tanong ni Dory."Hindi naman niya malalaman kung hindi kayo magsusumbong." Ngumiti siya kay Dory."Hindi naman ako madaldala tulad sa kaibigan mo." Makahulugang tugon ni Dory. "Para kanino pala iyang inuming dala mo?"Napatingin si Jesabell sa hawak niyang bottle water. "You want?" Alok niya rito. "Tamang tama at bawal si Emily sa malamig na tubig, salamat!" Walang pag alinlangang kinuha ng kusa ni Dory ang hawak ni Jesabell. "Kung gusto mo ng malamig na tubig ay kuha ka lang." Alok na rin niya rito."Thank you!" Mabilis na kinuha ni si Jesabell ang ibinibigay ni Dory na inumin.Lihim na napangiti si Dory at nahulog sa patibong nila si Jesabell. Sa pagkakataong ito ay tiyak na magalit nang husto si Tyron dito."Mauna na ako at hatiran ko r

    Last Updated : 2025-02-14

Latest chapter

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 8-Voice record

    "No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 7-Findings

    Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 6-Ang mga dahiln

    Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 5-Duda sa pagkatao

    "Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 4-Kapirasong alaala

    "Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 3-Pagbabalik

    Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 2-Tunay na pamilya

    Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap

  • I NEED YOU   Book 3: Chapter 1-Jason

    "Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m

  • I NEED YOU   Book 2: Chapter 72-Masayang araw

    "Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status