"Tyron, what's wrong? Bakit narito si Ms. Katibag?" tanong ni Emily saka umupo sa upuan kahit wala pang sinasabi ang binata."Wala akong sinasabing maari ka nang umupo." Sita ni Tyron kay Emily.Napahiya siya sa sinabi ng binata kaya naiinis na tumayo siya. "Ano ang problema? Hindi pa ba sapat ang sama ng loob na dulot mo sa akin kanina?" Malungkot na tanong niya rito at pinakitang naiiyak na siya upang ma guilty ito. Ang akala pa naman niya ay babawi ito ngayon kaya siya pinatawag."Ano ang bilin ko sa iyo about Jesabell bago ako umalis dito sa kompanya?" tanong ni Tyron kay Emily.Umawaang ang mga labi ni Emily at hindi agad nakasagot sa binata. "Jesabell na naman? Ano na naman ang isinumbong ng malditang iyon sa iyo?" Napatiim bagang si Tyron at pinigilan ang sarili na magtaas ng boses. "Tyron, kung ano man ang sinabi niya sa iyo ng babaeng iyon ay huwag mo sanang paniwalaan. Alam mo na lahat ay gagawin niya upang masira tayo sa isa't isa." Mahinahon na pakiusap ni Emily sa binat
"Ihingi ko ng tawad ang paggamit ko sa iyo pero hindi ko palampasin ang mga ginawa mo kay Jesabell para lang magalit ako sa kaniya." Dumilim ang anyo ni Tyron at napatiim bagang nang maalala ang tawag kanina ng isa niyang tauhan."A-ano ang ibig mong sahihin? Wala akong ginawang masama kay Jesabell. Inaamin ko na hindi ko siya gusto pero kasalanan rin niya!" Pagtatanggol niya sa sarili."Speak!" Pagalit na utos ni Tyron habang nakatingin kay Katibag.Kamuntik nang mapalundag si Katinag mula sa kinatayuan nang sa kaniya na nakatingin ang binata. "Tyron, kung may galit ka sa akin ay huwag mo nang idamay ang ibang tao. Saktan mo ako kung gusto mo pero hindi ko hahayaang galawin mo ang sino man sa kaibigan ko." Tumigas ang anyo ni Emily at humarang sa harapan ni Katibag."Wala ka sa posisyon upang mag demand nang ganiyan sa akin." Malamig niyang tugon kay Emily."Sir, hindi ko po alam ang sinasabi ninyong binu bully ko si Ms. Jesabell. Kung sino man po ang magsumbong sa inyo ay tiyak na
"Emily, stand up." Matigas na utos ni Tyron sa babae nang matumba ito sa halip na tulungan. Alam niyang nagpapanggap lamang ito na hinimatay upanv takasan ang ang nakaambang na interrogation. Mariing naglapat ang mga labi ni Emily at nanatiling nakapikit. Katapusan na niya ang lahat ng ito at alam niyang kahit anong kasinungalingan ang sasabihin niya ay hindi na siya paniwalaan ni Tyron. Mabuti na lang at napindot na niya ang go signal kanina kay Lory. Lahat ay gagawin niya, kung hindi mapasa kaniga si Tyron, then siguraduhin niyang hindi rin maging masaya ang binata."Dalhin na sila sa bodega at gusto kong ako mismo ang magbibigay ng parusa sa kanila!" Galit na utos ni Tyron sa tauhan at turo ang dalawang lalaking nanakit kay Jesabell. "Si-sir, maawa po kayo sa akin. Hindi ko po sinasadyang e bully si Ms. Jesabell at hindi ko siya sinaktan kaya patawarin niyo na po ako!" Nanginginig na pakiusap ni Katibag sa binata at lumuhod sa harapan nito."Kapag nagawa mong gisingin ang babaeng
Shit, Jesabell!" Halos itaob ni Tyron ang working table upang makuha agad ang dalaga. Pagkabuhat dito ay patakbo siyamg lumabas upang dalhin sa hospital ang dalaga."Ano ang nangyari?" Parang wala sa sariling tanong ni Ruth habang humahabol ang tingin sa mga lumabas na sa area."Tingin ko ay dahil sa patalim kaya siya nagkaganoon." Halos pabulong lang na ani ng isa sa empleyada.Dumoble ang kaba na nadaram ni Ruth at napatingin kay Lory. "Alam mong may takot siya sa patalim?" Namg uusig niyang tanong dito. "At ginamit mo ako upang e trigger ang takot niya sa patalim?" "Hey, magdahan dahan ka ng pananalita mo at wala akong kinalaman sa nangyari!" Galit na pagkaila ni Lory sa babae.Napatiim bagang si Ruth at masama ang tinging ipinukol kay Lory. Ito ang nagmagandang loob sa kaniya kanina na nagpahiram ng kutsilyo upang mabalatan niya ang apple. Break time kasi nila ngayon for meyenda kaya puwedeng gawin ang nais lalo na ang kumain. Inalok lang naman siya ni Lory na gamitin ang nakitan
Nanging tahimik ang lahat pero hindi maka focus sa trabaho after ng incident. Ang katahimikan ay nagdudulot kay Lory ng kakaibang kaba. Ilang oras na ang nakalipas ay wala pa ring balita kung ano na ang nangyari kay Jesabell. Hindi rin nila nakikita si Ms. Katibag. Naiinis siya kay Jesabell pero hindi naman niya gustong mamatay ito dahil sa ginawa niya. Oras ng uwian, nagmamadaling pinuntahan ni Lory si Emily . Ngunit wala ang babae sa opisina nito. Hindi niya rin mahanap ang kaibigan nitong si Katibag na ipinagtataka niya. Pagbalik niya sa area upang kunin ang bag ay nagulat siya nang makitang may mga lalaking nakabantay sa pinto."Ms. Lory?" tanong ng lalaki."Ako nga po, ano ang kailangan nila?" Kinakabahang tanong ni Lory sa lalaki."Pinatatawag po kayo ni Mr. CEO."Nagdududa ang tingin niya sa lalaki. Nang makita si Ruth at kasama din ang isa pang lalaki ay lalo siyang kinabahan. Wala siyang magawa kundi ang sumama kasama si Ruth. Dinala nga sila nito sa opisina ng CEO. Nang mak
"Emily, hindi ka dapat dito pumunta kung totoong tumakas ka lang kay Tyron." Kinakabahang turan ni Dory."Itinatakwil mo na ba ako dahil wala ka nang maasahan mula sa akin?" Galit na panunumbat ni Emily sa matalik na kaibigan."Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ayaw ko lamang na madamay. Isa pa kung pareho tayong makulong, paano natin matulungan ang isa't isa?" Paliwanag niya kay EmilyNaiinis at naglikot ang mga mata ni Emily. Tama naman ang kaibigan, wala siyang ibang maasahan ngayon kupndi ito lang. "Hanapan mo ako nang pansamantalang matuluyan."Nakahinga nang maluwag si Dory at nakinig ang kaibigan. Kaagad niyang ibinigay ang susi ng nabili niyang apartment sa kabilang bayan. "Sa bahay ng tiyahin ko iyan at nasa ibang bansa siya kaya ipinagtakatiwala niya muna sa akin." Pagsisinungaling niya. Hindi maaring malaman ni Emily na siya na ang may ari niyon dahil tiyak aagawin sa kaniya. Pera kasi nito ang ginamit niya na hindi nito alam.Nagmamadali nang umalis si Emily dala ang susi
Napasimangot si Jesabell nang masalubong ang mukhang gulat at takot na mga tingin ng dalawa. "Mukha ba akong white lady?"Sabay na napaurong ng hakbang sina Timothy at Jason habang nanlalaki ang mga mata na mukhang nakakita ng multo."Kanina ka pa gising?" Mukhang hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Jason.Mukhang inaantok na tumango si Jesabell. Natawa siya nang makitang mukhang Nahihiyang tumingin sa kaniya si Timothy dahil narinig niya ang kuwento ng buhay nito. "Basta chismis talaga ay active ang braincells mo. Mabuti naman gising ka na at parang mabaliw na si Tyron sa pag alala sa iyo." Buska ni Jason sa dalaga.Biglang nabura ang mapanuksong ngiti sa labi ni Jesabelle at tumingin sa paligid. Nagtataka din siya kung bakit naroon siya sa hospital. "Nasaan siya?""Pinaparusahan ang mga taong involved sa nangyari sa iyo." Si Timothy na ang sumagot at ngumiti sa dalaga. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"Parang biglang nilamig si Jesabell pagkaalala sa nangyari sa kaniya kanina. Ang
"Hey, its alright. Ngumiti si Tyron nang masalubong ang natatakot na mga titig ng dalaga. Dahan dahan siyang humakbang palapit. Ang akala niya ay mahirapan pa siyang pakalmahin ito pero nagulat siya nang salubungin siya ng yakap."I'm scared!" Umiiyak na ani Jesabell habang yakap ng mahigpit ang binata."Sorry if I'm late. But I promise, everything will be ok from now on." Hinaplos niya ang buhok ng dalaga at hinayaan lang itong kagatin ang balikat niya. Napangiti siya habang naluluha. Masaya siya at bumalik na ang kilala niyang bata noon. Ganito kasi ang ginagawa nito kapag natatakot noon. Alam niyang hindi magtatagal at kakalma na ito. Massage niya ang mga braso, nalita at paa nito at nakakatulong iyon upang mawala na ang panginginig ng kalamnan nito.Mukhang nanghihinang isinubsob ni Jesabell ang ulo sa matigas na dibdib ng binata nang bumalik na sa wisyo ang pag iisip niya at nawala na ang takot. "I'm sorry, nawala na naman ako sa sarili ko.""It's not your fault. C'mon, give me
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap
"Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m
"Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab
"Prepare ko na ang kasal ninyong dalawa at ang pagpalit ng birth certificate ng mga bata upang kayong dalawa ang legal parents na." Nakangiting lumapit si Minche kanina Janina at hinawakan ito saga kamay."Maraming salamat po, ate!' Niyakap ni Janina ang babae. Hindi na siya nagpakipot pa sa nais mangyari ng pamilya ni Timothy. Nagpasalamat siya dahil kasama na niya ang dalawang anak na napawalay sa kaniya noon. Nalungkot siya para sa batang akala niya ay kaniyang anak. Ilang sandali panay binulabog sila ng ingay mula sa labas ng silid."Janina, lumabas ka riyan at harapin ako!" Sigaw ni Josie at tinutulak ang bantay dahil ayaw siyang papasukin."Dito ka lang at ako na ang haharap sa kaniya," ani Timothy. "No, ako ang hinahanap niya. Tiyak na hindi siya titigil sa panggugulo hangga't hindi ko hinaharap." Pigil ni Janina sa binata at tumayo na.Napabuntong hininga si Timothy at binilin sa kapatid na bantayan muna ang mga anak saka sinundan si Janina."Ano ang kailangan mo?" Pagalit na
Halos manlaki pati ang ulo ni Paul nang makita ang lalaking naka posas at dala ng pulis palapit sa kaniya. Napailing siya at hindi magawang ikurap ang mga mata habang nakatitig sa pinsan niyang doctor. Nanlulumong bumagsak ang mga balikat ni Jona nang makita ang pinsna ni Paul. Kahit alam niyang hawak na ito ni Timothy ay nagulat pa rin siya nang makita ito. Wala na talagang pag asawa na malusutan nila ang kasong isasampa sa kanila ni Timothy. "Fuck, bakit nagpahuli ka?" Singhal ni Paul sa pinsan nang makabawi.Sinamaan lang ng doctor ang pinsan at hindi nagsalita. Ayaw na niyang madagdagan ang maging kaso. Nangako si Timothy na kapag tumayo siyang testigo ay bababa ang sentensya niya at makalabas agad sa kulungan."Ipasok na po sa kulungan ang dalawang iyan at huwag hayaang makalabas." Kausap ni Timothy sa pulis."Hayop ka, kapag hindi mo ako pinalabas dito ay hindi mo na makikita ang isa mo pang anak!" Panakot ni Paul sa lalaki at iyon ang naisip na huling alas."Naibalik ko na sa