Share

Kabanata 45.2

“Masarap naman ang luto mo.” masaya kong saad sa kaniya habang ngumunguya, kumuha ako ng isang karne saka ko isinubo sa kaniya. “Masarap diba? Kahit ano pang lutuin mo masarap para sa akin.” Ngumiti naman siya sa akin sa sinabi ko saka kami sabay na kumain sa loob ng kwarto niya. Nang matapos kami ay lumabas na rin ako, hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa tuwing yuyuko sila kapag nakakasalubong nila ako at babatiin. Naglibot na lang ako sa palasyo ng mga lobo, ng makarating ako sa veranda ay pinanuod ko ang mga nilalang na may kaniya kaniyang gawa sa ibaba at ang mga batang masayang nakikipaglaro sa isa’t isa. Napangiti na lang ako dahil napakainosente nilang tingnan. Libo libo ng nilalang ang umaasa sa akin ngayon para maibalik ko ang katahimikan at kapayaan. Ang wala ng iisiping gulo at digmaan.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Para akong laging kinakabahan, pakiramdam ko nasa paligid lang ang mga kal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status