Naningkit ang mga mata ni Analyn sa lalaki. “Alam mo? Alam mo na ginawa ni Elle ang bagay na iyon noon pa? Alam mo, pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Alam mo, pero wala kang ginawa? Alam mo, pero wala ka man lang sinagot sa mga mensahe ko sa iyo regarding sa bagay na ‘yun?”Hindi sumagot si Anthony. Hindi maipinta ang mukha niya, na tila hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Analyn at kung paano sasagutin lahat ng mga katanungan niya. “Ganun ba kaimportante sa iyo si Elle? O merong malapit kay Elle na importante sa iyo kaya ginagawa mo ito para sa kanya?”Naisip kasi ni Analyn si Brittany. “Ganun kaimportante sa iyo kung sino man sa kanila para magpakababa ka at mawala ka sa tamang pagpapasya? Ganun sila kaimportante sa iyo para ipaglaban mo ang dignidad ni Elle? Sir Anthony, may dignidad din ako. At iyon lang ang kaya kong ipagmalaki kaya gusto ko iyong ingatan. Hindi ako mayaman na tulad n’yo, kaya gusto kong bawiin iyon sa dignidad. Ang baba naman yata ng tingin mo sa a
Naglalakad na si Analyn papunta sa taxi bay ng biglang may humaharurot na kotse ang papunta sa direksyon niya. Huminto sa paglakad si Analyn at saka pinanood ang kotseng patungo sa kanya. Nakahinto lang siya habang nakatitig sa parating na sasakyan. Hindi niya alam kung ano ang balak ng driver na nasa loob nito. Nakatingin na sa kanya ang lahat ng tao sa paligid. Ang ilang babae ay napatili na. Ang ilang kalalakihan ay sinisigawan na siya. Pero hindi pa rin kumilos si Analyn. Hinintay niya na lang kung ano ang mangyayari. Habang palapit ng palapit ang sasakyan kay Analyn, natahimik na rin ang paligid. Tila napipi ang lahat at hinihintay na lang kung ano ang mangyayari. May ilang napatakip na lang ng mata. Ilang sandali pa, narinig na lang sa paligid ang malakas na iyak ng mga gulong ng naturang sasakyan. Sa wakas ay huminto ito, at ga-daliri lang ang layo sa nakatayong si Analyn. Saglit na naglabanan ng tingin si Anthony at Analyn. Walang gustong makialam sa mga tao sa paligid. M
Pinilit ni Analyn na kalmahin ang sarili niya. Nagpakahinahon siya. Ayaw niyang ipakita sa mga taong kaharap na apektado siya. Sa totoo lang, kanina pa kumakabog ang dibdib ni Analyn. Pilit niyang nilalabanan ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sapakin si Anthony. Gusto niyang sampalin ang babaeng nasa tabi niya. Sa halip ay ngumisi si Analyn sa babae. Kinontrol niya ang emosyon niya at saka naglakad palapit sa dalawa. Inayos niya ang manipis na tirante ng damit ng babae na nakalaylay sa balikat nito. “Girl, nasaan ang delikadesa mo? Hindi dapat ginagawa ang ganyang bagay sa lugar na pwedeng may makakita sa ‘yo.” Pagkatapos ay hinila naman ni Analyn ang laylayan ng damit ng babae. “Hindi ko alam kung tanga ka lang, o sadyang lib*g na lib*g ka na. Alin sa dalawa?” Nakatitig lang sa kanya ang babae, aninaw ang pagkalito sa mukha niya.“So, makakalabas ka ba? O kailangan pa kitang samahang–” Hindi pa tapos ni Analyn ang sinasabi niya ng tumakbo na pal
Muli silang naglabanan ng tingin. “Bakit ka ba ganyan? Ano ba’ng problema mo? Naayos ko naman na iyong issue mo sa contest, ah? Everything has been settled.”Dahil sa muling pagkaka-alala sa topic na iyon, muling bumalik ang lungkot na naramdaman ni Analyn ilang araw na ang nakalipas. Ang kakaibang lungkot na iyon.“Sa tingin mo, pagagalitan kaya ako ng Papa ko dahil nagdesisyon akong mag-isa na magpakasal sa iyo kapalit ng pambayad sa ospital niya pero malungkot naman ako sa buhay ko ngayon?” Pakiramdam ni Anthony ay para siyang sinuntok sa mga binitiwang salita ni Analyn. Masakit para sa kanya na malungkot pala ito sa piling niya. Pero sabi nga ni Analyn, Presidente siya ng isang grupo ng mga kumpanya. Hindi siya pwedeng magbaba ng lebel. “Malinaw naman ang sinabi ko sa iyo noon. Contractual lang ang relasyon natin. Tinulungan mo ako kay Lolo Greg. Tinulungan din naman kita sa pagpapagamot ng Papa mo. Fair deal, di ba? Ano pang ikinagagalit mo ngayon? Tumupad naman ako sa usapan
Pinigil ni Analyn na tumulo ang mga luha niya na kanina pa nagbabadya. Huminga siya ng malalim para paluwagin ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Aktong lalabas na ng sasakyan si Anthony, kaya agad na nagsalita si Analyn dito.“Ayusin na natin ang hiwalayan natin.”Huminto si Anthony sa gagawing pagbaba. Sinagot niya si Analyn ng hindi lumilingon dito. “Bahala ka. Kung gusto mong ihinto ang gamutan at bayad sa ospital ng Papa mo, gawin mo.”Pagkasabi nun ay agad na lumabas na si Anthony sa sasakyan at saka pabalibag na isinara ang pintuan. Naiwan sa sasakyan si Analyn na naguguluhan. Hindi nagtagal, sumakay sa driver’s seat si Karl. “Nakipagpalit siya ng sasakyan. Iuwi na raw kita,” sabi ng lalaki habang pinapaandar na ang sasakyan.“Ayokong umuwi.”Napahinto si Karl sa pag-atras sa sasakyan. Sa halip ay nilingon niya si Analyn. “Alam ko hindi tayo close. At sandali pa lang tayong nagkakasama. Pero sa unang pagkakataon, ngayon pa lang ako magbibigay ng pay
Nagising si Analyn sa amoy ng disinfectant. Saka lang niya naalala na nasa ospital nga pala siya. Mabigat ang katawan na bumangon mula sa sofa si Analyn at saka naglakad papunta sa kama ng Papa niya. Hinila niya ang isang upuan at saka soya naupo sa tabi nito.“Papa… hindi masaya ang pakiramdam ko.” Tila isang batang nagsusumbong na sabi ni Analyn sa ama-amahan.Peto ang tanging sagot na narinig niya ay tunog. ng mga aparato. Masyado pang maaga kaya hindi pa dumadating si Jan. Hindi pa oras ng shift nito. Pero siyempre ang mga nurse, beinte kuwatro oras ang shift nila. Kaya ng may pumasok na nurse sa kuwarto ay nagulat pa ito. “Ang aga mo, Mam!”Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Analyn dito. Pagkaraan ng ilang oras, saka lang dumating si Jan. Agad niyang nakita ang itsura ni Analyn at nakutuban niyang may problema. “Analyn, ano’ng nangyari sa ‘yo?”Nagmadali siyang lumapit sa dalaga at saka hinipo ang noo nito, pero okay naman ang temperatura niya.“Analyn?” ungkat ni Jan sa ba
“Doc Jan.”[“Analyn, let’s have dinner. Pumunta ka sa JB Building along C Circle. There is a revolving restaurant at the top floor. Nagpa-reserve na ko and I am on my way there. I don’t take no as an answer.”]Walang nagawa si Analyn kung hindi ang magpunta. Inasikaso siya kanina ni Jan sa ospital, at maliit na bagay lang ang sabayan niya itong kumain ng hapunan.Mabuti na lang din at malapit lang sa hotel na kinaroroonan niya ang nasabing lugar. Nagdesisyon si Analyn na lakarin na lang ang papunta sa sinabing building ni Jan. Na-enjoy niya ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha habang naglalakad siya.Nang ihatid si Analyn ng staff sa mesang naka-reserba kayJan, napahinto si Analyn bago pa makarating sa mesang okupado ng binata.&nbs
Ilang minuto na sila nagbibiyahe pero hindi sila nag-uusap. Nang malapit na sila sa destinasyong lugar, nagsalita na si Jan.“Analyn, okay ka na ba pagkatapos n’yong mag-bonding ni Elisa? Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo pa ng karamay. Alam ko, very short lang ang naging bakasyon dito ni Elisa. Pero ako, any time, pwede ako magpaalam sa ospital.”Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Ayaw man niyang sabihin kay Jan ang mga nabuong salita sa isip niya, pero sa tingin niya ay dapat na niyang tapatin ang binata. Magiging unfair siya sa binata kung hindi pa niya sasabihin ang totoo. “Doc Jan, thank you for trying your best to help me. Pero hindi maso-solve ng ganun-ganun lang ang mga problema ko. Hindi ang pag-aliw lang sa akin ang makakatapos sa mga problema ko.”Hindi sumagot si Jan. Tahimik lang siyang nag-drive. “Doc Jan, huwag na ako. Iyong mga taong nagmamahal sa akin, hindi nagiging maganda ang buhay. Kaya, Doc Jan–”“Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?” tanon
Nang nasa loob na ng elevator ang dalawa, nagtanong si Ailyn kay Brittany. “Ano’ng nangyari?”Matalim na tiningnan ni Brittany si Ailyn. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono niya sa bag niya at saka tumipa nang pagalit. Nang matapos sa pagtipa ay saka niya ipinakita kay Ailyn ang isinulat niya. “Anthony treats you well.”Pagkabasa ni Ailyn ay nag-angat siya ng tingin pero iniwasan niyang tingnan si Brittany.“Mabuti siya sa akin. Pero iyon ay dahil sa nakaraan…”Muling pagalit na tumipa si Brittany sa telepono niya.“Magaling kang magpa-ikot ng mga lalaki.” Hindi na sumagot si Ailyn. Sa halip ay nagyuko na lang siya ng ulo. Ayaw niyang makipagtalo kay Brittany. Pero tila hindi pa rin tapos si Brittany sa gusto niyang sabiihin. Muli siyang tumipa sa telepono niya.“Nilalansi ko na nga si Anthony para malaman mo kung ano ang damdamin niya sa iyo bilang si Ailyn. Tapos, eto pa ang mapapala ko? Masaya ka na? Ha? Mukhang nakuha mo na si Anthony. Protektado ka na niya.”Sunod-sunod na
Nang dumating ang sasakyan ni Anthony sa gate ng DLM Building, nakita niyang nakatayo roon si Ailyn. Nakasuot ito ng simpleng blouse at maong jeans. Pinahinto niya si Karl at saka nagbaba ng salamin ng bintana. “Tonton!” masayang pagbati ni Ailyn.“Ano’ng ginagawa mo rito?” “Ayaw nila akong papasukin sa loob. Ayaw nilang maniwala na magsisimula na akong magtrabaho rito.”Saka lang naalala ni Anthony ang usapan nila ni Sixto. “Sumabay ka na. Pagagawan kita ng ID sa itaas.” Pagkasabi nun ay binuksan ni Anthony ang pintuan para makasakay si Ailyn. Pagkadating sa palapag ng Executive Office, dinala agad ni Anthony si Ailyn sa opisina ng mga sekretarya niya at ipinakilala ang babae. “From now on, makakasama n’yo na rito si Ailyn. Pansamantala ko muna siyang magiging assistant. Ituro n’yo na sa kanya ang mga basic na dapat niyang matutunan.”Pasimpleng nagtinginan at nagkalabitan ang mga staff ni Anthony. Sa tinagal-tagal nila sa departamentong iyon, ngayon lang nagsama ng babaeng sekr
Sobrang nagulat si Analyn sa narinig. “Anthony, huwag.”“Mga litrato lang ‘yun, mas mahalaga ka.”Umiling-iling si Analyn. “Pero nagbalik na siya…”Nagbuga ng hangin si Anthony. “Asawa, kung sakaling hindi bumalik si Ailyn, ipapatapon ko pa rin ang mga ‘yan.” Pagkatapos ay nagbaling siya ng tingin kay Damian. “Dad, wala kang ginawang kasalanan. Huwag mong pansinin itong asawa ko. Dito ka lang sa bahay ko.”“P-Pasensiya na… nalito kasi ako. Akala ko kasi–”“Papa! Ano… magpahinga ka na muna sa kuwarto mo. Pupuntahan na lang kita mamaya dun,” agaw ni Analyn sa sasabihin pa ni Damian, dahil ayaw niyang marinig ni Anthony ang sasabihin nito. Nag-aatubili si Damian, tila may gusto pa siyang sabihin. Pero sa bandang huli, umalis na rin siya at iniwan ang dalawa roon.Nang nakaalis na si Damian at si Edna, kinausap ni Analyn si Anthony. “Anthony, huwag mo ng ipatapon. Malay mo, baka hanapin ni Ailyn ang mga lumang litrato ninyong dalawa.”Sumimangot si Anthony. “Sincere ako sa sinabi ko.
Nang dumating si Analyn sa bahay, nasalubong niya si Edna. “Manang, ang Papa ko?”“Naroroon sa dining.”Dumiretso na si Analyn sa sinabing lugar.“Papa, ano’ng kinakain mo?” tanong niya habang naglalakad palapit kay Damian. Pero nagulat si Analyn sa nakita. Sa halip na pagkain ang nasa harapan ni Damian, isang larawan na naka-photo frame ang hawak nito at tinititigan. “Papa, ano ‘yan?”Nilingon ni Damian si Analyn. “Picture mo “to.”Nagulat si Analyn. Wala siyang maalala na may picture siyang naka-frame sa bahay na iyon“Ano"ng picture ko? Patingin nga…” Mas lalo siyang nagulat sa nakita. Isa iyon sa mga larawan ng batang Ailyn. Hindi alam ni Analyn kung saan nakuha ng Papa niya ang picture na iyon. “Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ni Analyn sa ama.Hindi na nakasagot si Damian dahil saktong pumasok si Edna. “Naku, Mam. Kanina pa niya hawak ‘yan. Mula nung umalis ka kanina. Hindi niya binibitiwan ‘yan. Ayaw ding ibigay sa akin. Kesyo ikaw raw ‘yan, picture mo raw ‘yan. Ipinaliwanag
Alas-otso ng gabi, sa pinaka-itaas na palapag ng Crowne Plaza Hotel. Kararating lang ni Anthony sa nasabing welcome party ni Ailyn. Kokonti lang ang inimbita ng pamilya Esguerra. Mga piling tao lang at halos malapit lang sa pamilya ang naroroon. Ayaw din naman kasi nila na pagpiyestahan ng media si Ailyn. Hangga’t maaari, ayaw nilang kumalat sa mga social media platforms ang mukha nito.“Papa, dumating na si Anthony,” sabi ni Brittany sa ama habang nakatingin sa entrance ng venue.Naglakad si Anthony patungo sa pamilya Esguerra. “Sorry, Tito. Late na ako nakarating,” sabi ni Anthony nang nasa harapan na siya ng pamilya.“Not too late, son…” tinapik pa ni Sixto ang balikat ni Anthony, pagkatapos ay binalingan si Ailyn. “Anak, ikuha mo ng espesyal na alak si Anthony.”Ganun nga ang ginawa ni Ailyn at saka inabot ang baso ng alak kay Anthony. “Tonton…” nahihiyang tawag niya sa lalaki.Mula ng nakumpirma na siya nga ang nawawalang anak ng pamilya Esguerra, naging Tonton na ang tawag ni
Pagkaraan ng dalawang araw, nakatanggap nga ng imbistasyon si Anthony sa isang selebrasyon mula sa mga Esguerra. Nasa tabi niya si Analyn ng iabot sa kanya iyon ng isang kasambahay at ng buksan niya. “Nakakainis ‘yung mga tao na hindi marunong lumugar. May asawa ka ng tao, bakit kailangan ka pa nilang imbitahin sa okasyon ng dalaga nilang anak?”“Hindi lang naman ang kaugnayan ko kay Ailyn ang ugnayan namin ng mga Esguerra. Matagal na rin silang kaibigan ng pamilya namin. Inimbita ako as a family friend, hindi bilang childhood sweetheart ni Ailyn.”Nang dumating ang araw ng party ng mga Esguerra, sinamahan pa ni Analyn si Anthony sa pagbibihis nito. “Alam ko, hindi ka mapipigilan na pumunta roon, kaya go! Pumunta ka lang. Hihintayin na lang kita rito sa bahay.”Hinawakan ni Anthony ang kamay ng asawa at saka dinala sa mga labi niya para halikan. “Hindi ka galit?” tanong niya pagkaraan niyang masuyong mahalikan ang kamay nito.“Bakit naman ako magagalit? Ako ang asawa. Unless, wala
Nang sinabi ni Anthony ang pangalan na iyon, walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi malinaw kung ano talaga ang nararamdaman niya. Parang may kalituhan pa ngang nakita si Analyn sa mga mata niya. Nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod si Analyn. Muntik pa siyang matumba. Litong-lito ang isip niya. Of all people, bakit si Ailyn? Bakit naging si Ailyn?Bigla niyang naalala nung una niyang nakatagpo ang babae. Napansin niya agad ang pagkakapareho ng mga mata at kilay ni Ailyn sa kanya. Parang bigla siyang nakaramdam ng pagsakit ng ulo.“Sigurado ba ‘yan?” tanong ni Analyn. Nagbuga ng hangin si Anthony. “The DNA test confirmed it. Isa pa, marami siyang detalye na nagma-match sa dating Ailyn.”Naiintindihan na ngayon ni Analyn kung bakit inako ni Anthony ang pagpapa-DNA test. At kung bakit hindi masabi ni Edward sa kanya na si Ailyn na dating sekretarya niya ang totoong Ailyn. Ang ipinagtataka lang ni Analyn, ang tagal na pumirmi ni Ailyn sa Tierra Nueva, pero walang nakadiskubre na
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.