Nagulat si Analyn nang mabilis na tumayo si Anthony. Mabilis itong naglakad palayo. Napamaang si Analyn.
“Sir Anthony!”
Huminto sa paglakad si Anthony at saka nilingon si Analyn.
"Let’s go!”
Naguguluhan man ay agad na tumayo si Analyn at saka mabilis na naglakad bitbit ang bag niya papunta sa kinatatayuan ni Anthony. Hindi pa man din siya tuluyang nakakalapit dito ay nagpatuloy uli si Anthony sa paglakad kaya hinabol ito ni Analyn.
“Sir Anthony, saan tayo pupunta?”
Hindi siya sinagot ni Anthony hanggang sa naglakad ito papunta sa sasakyan niya. Nang mapansin nito na wala na siyang kasunod ay huminto ito at saka humarap sa direksyon ni Analyn.
“Kunin mo na ang birth certificate mo para makapagpakasal na tayo.”
Napamaang si Analyn. “Ngayon na, Sir?”
“Yes,” malamig na sagot ni Anthony kasabay ng malamig nitong pagtitig kay Analyn kaya agad na kumilos ang dalaga.
“Tell me your address,” utos uli ni Anthony ng naka-usad na ang sasakyan niya.
Inihatid ni Anthony si Analyn sa isang lumang residential area sa dulong parte ng siyudad. Naghintay na lamang si Anthony sa sasakyan habang kinukuha ni Analyn ang kopya ng birth certificate niya.
Mabilis na nakabalik si Analyn sa sasakyan ni Anthony. Agad na pinasibad ni Anthony ang sasakyan hanggang sa makarating sila sa bahay ng isang judge. Walang masyadong seremonyas ang nangyari. Sa loob lamang ng ilang minuto ay lumabas ang dalawa mula roon na kasal na.
Napapantastikuhan na tiningnan ni Analyn ang hawak na Marriage Contract.
Totoo ba ito? I am married!
Pagkatapos ay tiningala niya ang katabing lalaki.
At sa boss ko pa!
Nakatingin pa rin siya kay Anthony nang bigla itong lumingon sa gaw niya. Huling-huli tuloy siya nito na nakatingin sa kanya at huli na para magbawi siya ng tingin.
Kumibot ang mga labi ni Anthony. “Any problem?”
Tipid na ngumiti si Analyn.
“Sir, pwedeng pa-transfer sa Gcash ko nung ibinayad ko dito sa Marriage Certificate natin?”
“Magkita na lang tayo mamaya sa bahay.” Sa halip ay sagot ni Anthony.
“Sir?”
Hindi naman niya alam kung saan nakatira si Anthony.
“Sa Grace Village ang bahay ko. I will send you the number and street name later.”
Grace Village? Walang public transpo papunta dun, ah.
“Kunin mo na ngayon ang mga damit mo, pagkatapos dumeretso ka na dun. May magiging problema ba sa inyo?”
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Analyn. Walang magiging problema. In the first place, matagal na niyang gustong umalis sa bahay nila. So, blessing in disguise ang pag-alok sa kanya ni Anthony at ang pagtira niya sa bahay nito.
“Bukas, isasama kita kay Lolo.”
Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin tanggap ni Anthony na may kalahating taon na lang na mabubuhay ang Lolo niya.
Natigilan si Analyn. “B-Bukas agad, Sir?” Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya.
“All you need to do during the six months is to make my grandfather happy. After six months, maghihiwalay na tayo.”
“Walang problema. Basta tuparin mo lang ang para kay Papa.”
Tumingin si Anthony sa relong pambisig niya, at saka nagsalita.
“Don’t worry. Ipapaayos ko iyon ngayong gabi. Bukas, may pupunta na sa ospital na medical team ko.”
“Salamat, Sir.”
Hindi na nagawang sumagot pa ni Anthony. Agad itong naglakad papunta sa sasakyan niya at saka walang lingon-likod na sumakay. Pagkatapos ay pinaharurot na paalis.
Napamaang na lang si Analyn. Iniwan niya talaga ako rito pagkatapos niya akong pagbayarin sa Marriage Certificate namin?
“Anthony de la Merced, isa kang walang awang kapitalista.” Nakatingin siya sa dinaanan ng sasakyan ni Anthony na para bang naroroon pa rin ang sasakyan nito.
Napabuga na lang ng hangin si Analyn. Dahil sa hindi inaasahang gastusin niya ngayon, wala na siyang ibang choice kung hindi mag-abang ng jeep sa sakayan dahil iyon na lang ang kasya sa perang dala niya.
BAHAGYANG nakaawang ang pintuan ng bahay nila Analyn nang dumating siya. Mainit kasi ang panahon at hindi sapat ang isang electric fan sa sala para maibsan ang init. Itutulak na sana niya ang pinto nang marinig ang malakas na tinig ng Mama niya.
“Huwag kang mag-alala, Jiro. Gustong-gusto nung Michael si Analyn. Ako ang bahala na pumilit kay Analyn na pakasalan si Michael. Kapag nakasal na si Analyn sa kanya, solve na ang problema mo sa pampakasal n’yo ni Tin. Baka makahirit pa tayo ng magiging bahay n’yo kapag nagkataon!” masayang sabi nito.
Pakiramdam ni Analyn ay umakyat ang dugo niya sa ulo. Ipinagtutulakan siya ng Mama niya na magpakasal para may pampakasal ang anak na lalaki nito.
How ironic!
Agad na itinulak ni Analyn ang pintuan. Lumipad papunta sa direksyon niya ang tingin ng Mama niya at ng kapatid na si Jiro. Agad na sumalubong kay Analyn ang Mama niya.
“Naku, Analyn! Mukhang interesado sa iyo si Michael. Wala raw tigil ng kakatanong sa Mama niya ng tungkol sa iyo. Ano? Okay naman siya, di ba? Medyo… mas matanda siya sa iyo ng konti pero mabait daw ‘yun sabi ng kumare ko. Iyong Mama niya.”
Tuloy-tuloy lang na naglakad si Analyn patungo sa kuwarto niya sa kabila ng pagdaldal ng ina. Kinuha niya ang isang duffle bag.
“Isa pa, tamang-tama ‘yun. May anak na. At least, hindi mo na kailangang mag-anak pa. May instant anak ka na, eh. Hindi–”
Biglang huminto si Analyn sa ginagawa at saka hinarap ang ina para putulin ang sasabihin pa nito.
‘Ma, kung puring-puri mo si Michael, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kanya? Ako, never mo akong mapipilit na magpakasal sa kanya.”
Agad na tumalim ang tingin ng Mama ni Analyn sa kanya. Namula bigla ang mukha at leeg nito dahil sa galit.
“Analyn, huwag kang bastos! Sa ayaw o sa gusto mo, magpapakasal ka kay Michael! Ako ang ina mo, kaya ako ang masusunod!”
Agad na dinampot ni Analyn ang bag niya at saka kinuha mula roon ang marriage certificate nila ni Anthony.
“Congratulate me, Mama. I am already married. Kaya hindi mo na ako pwedeng ipakasal.”
Nanlaki ang mga mata ng Mama niya habang nakatingin sa hawak-hawak na papel ni Analyn.
“Hindi ‘yan totoo!”
Humakbang ang Mama ni Analyn palapit sa kanya.
“Sino ‘yang walang kwentang lalaking pinakasalan mo?!” galit na tanong nito.
Nang abot-kamay na lang ng Mama ni Analyn ang hawak niyang dokumento, binawi na ni Analyn iyon at saka muling inilagay sa bag niya.
“Analyn! Sabihin mo! Sino ang lalaking pinakasalan mo?”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Analyn. Gusto lang naman niyang inisin ang Mama niya. Isa pa, hindi niya pwedeng sabihin dito na mayaman ang lalaking pinakasalan niya. Hindi lang pala basta mayaman, kung hind8 super yaman.
“Isang waiter dun sa restaurant kung saan mo ko pinapunta. Tutal naman, gustong-gusto mo akong umalis sa bahay na ito kaya kung sino na lang ang nakita ko dun sa restaurant, pinakasalan ko na!”
Nanginginig na itinaas ng Mama ni Analyn ang kamay nito at saka itinuro sa kanya.
“Ikaw… papatayin mo ko sa galit!” nanginginig din ang boses na sabi nito.
Tinalikuran na lang ni Analyn ang ina at saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng damit sa bag.
~C.J.
Hindi na sumagot si Analyn. Wala na ring sinabi si Edward. Tahimik na nag-usap ang mga mata nila habang sinasariwa ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa mula nung unang nagkakilala sila hanggang sa araw na sumuko na si Edward sa awtoridad.“Gusto ko sana’ng isama rito si Grapes kanina. Gusto ko sana siyang ipakilala sa ‘yo.”“Grapes?” nangingiting tanong ni Edward. “”Yung anak namin ni Anthony. Ilang buwan na pala akong buntis noon, hindi ko alam. Siguro, sa dami at sunod-sunod na problema ko noon, hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan.” Hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti.“Bakit Grapes? Lalaki ba siya o babae?” “Kasi sa ubas ko siya ipinaglihi. Pero Antonette talaga ang pangalan niya. Babae.”Lumapad ang ngiti ni Edward. “So, babae pala… Antonette. Parang tunog Anthony din, ah?” Bahagyang natawa si Edward. “Pinagsamang Analyn at Anthony kasi. Si Papa Damian kasi ang nagpangalan sa kanya, so ayaw ko namang kontrahin pa si Papa.”Biglang naw
Pagkatapos ng isang buwan ng kamatayan ni Eric, nagpunta si Analyn sa bahay ng mga Hidalgo. “Ikaw ba si Analyn?” tanong ng matandang mayordoma na sumalubong kay Analyn sa gate.Tumango si Analyn. “Ako nga.”“Halika, sumunod ka sa akin.”Pumasok sila sa loob ng bahay at saka binaybay iyon. Humanga si Analyn sa disenyo nito. Hindi pa siya nakaka-move on sa paghanga sa bahay ng nakita na niya ang lagusan palabas, at humantong sila sa likod-bahay. Mula roon, naglakad pa sila ng ilang metro. Abot-tanaw na ni Analyn ang bundok, pero pala-isipan pa rin sa kanya kung ano ba ang tinutukoy ni Eric sa bahaging ito ng bahay ng mga Hidalgo. Hanggang sa lumantad sa kanya ang ekta-ektaryang tanim ng mga kulay itim na mga rosas.Napatda si Analyn sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa isa siyang panaginip. Naalala niya ang isang eksena noon sa pagitan nila Anthony at Eric.“Iyan na ang pinakamahal na bulaklak na kaya mong ibigay kay Analyn?”Isang bouquet iyon ng mga tulips. Sinamaan
“Walang kikilos! Taas ang mga kamay!”Isa-isang nagsipasok ang mga unipormadong mga pulis at saka nilapitan ang apat na nilalang doon. Pero nagpumilit na makabangon si Eric at saka ubos-lakas na sinipa si Anthony, dahilan para bumagsak ito sa lapag palayo kay Eric. At dahil may iniindang sugat, hindi na nakuha ni Anthony na makatayo pa. “Anthony!” takot na sigaw ni Analyn. Akma sanang tatakbuhin ni Analyn si Anthony pero nagulat siya nang biglang dambahin ni Eric ang tumilapon niyang baril, kaya napahinto sa paglapit si Analyn kay Anthony. Ang unang naisip ni Analyn ay babarilin ni Eric si Anthony. Pero nagkamali siya, lahat sila ng akala. Dahil mabilis na itinutok ni Eric ang baril sa sintido niya.“Sir Eric!!!” sigaw ng sekretarya ni Eric at saka tinakbo ang amo.Nanlaki naman ang mga mata ni Anthony habang nakatingin kay Eric. Habang si Analyn ay nanigas at nanlamig bigla ang katawan. Pilit na inagaw ng sekretarya mula kay Eric ang hawak nitong baril. Pero hindi nagpadaig si
Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. “Ai! Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!”“Analyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!”Natuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.“Alam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.”Nagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.“Alam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.”Pinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er
“Noong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.”“Nung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.”Napamaang si Analyn sa narinig.“At para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.”“Pero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan si– Tito Fer? Na m
Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas