Natigilan si Analyn. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. At para makasigurado, dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses.
Nang makita ni Analyn ang lalaki, pakiramdam niya ay nawalan siya ng oxygen sa katawan.
“Sir Anthony.”
Pinilit ngumiti ni Analyn, pero hindi lang niya alam kung anong itsura ng mukha niya sa ngayon.
“Bending an ear?” tanong ni Anthony sa dalaga habang matiim na nakatitig dito.
Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Analyn. “No, Sir. Wala akong narinig. Busy ang tenga ko. Tama. Ganun nga.”
“Come here,” malamig ang boses na utos ni Anthony.
Nag-alangan si Analyn na sundin ang utos ni Anthony. Pero sumunod din siya. After all, si Anthony de la Merced lang naman ang lalaki. Ang may-ari ng kumpanyang pinapasukan niya. 26 years old, at isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa, na may worth na ten billion.
At siya, si Analyn Ferrer, ay isa lang simple at ordinaryong empleyado ng DLM Group of Companies. Isa siyang designer sa Creatives, Inc., ang advertising company ng DLM Group of Companies
Isa lang siya sa isang libo at limang daang mahigit na mga empleyado ni Anthony. At hindi akalain ni Analyn na kilala siya nito.
Pero naaalala ni Analyn nang tatlong taon na ang nakakaraan nang bumisita si Anthony sa opisina nila at lapitan siya bigla at itanong ang pangalan niya.
Halos nagkanda-utal-utal si Analyn sa pagsagot sa lalaki nung oras na iyon.
Kahit pa isang ordinaryong empleyado lang si Analyn, pero mapapansin mo siya agad sa karamihan dahil sa stand-out na ganda ng kanyang mukha. Buong akala pa nga ng mga kasamahan ni Analyn na nagkagusto sa kanya ang may-ari ng DLM.
Pero sabi nga, maraming napapahamak sa maling akala. Dahil pagkatapos ng pagbisita na iyon ni Anthony sa opisina nila, hindi na uli ito nakitang dumalaw roon. At hindi rin naman ito nagpakita o lumapit pa uli kay Analyn.
Kanina habang naghihintay kay Michael ay tila napansin ni Analyn ang pagpasok ni Anthony dito sa restawran pero hindi niya masyadong binigyan ito ng pansin sa pag-aakalang hindi na siya kilala ng boss ng DLM. Isa pa, wala sa hinagap niya na halos magkatabi lang ang mesang ookupahin nila.
“Sit down,” seryosong utos uli ni Anthony nang nakatayo na si Analyn sa tapat ng mesa niya.
Nag-alangan si Analyn na sundin ang utos ni Anthony. Gusto na lang niyang umalis doon at umuwi na. Pero bago pa niya maibuka ang bibig para magdahilan kay Anthony ay naunahan siya nitong magsalita.
“Analyn, do you want to get married?”
Natigilan si Analyn. Naisip niya na may pagka-tsismoso din pala itong may-ari ng DLM dahil nakikinig siya sa usapan nila ni Michael kanina.
Sa pagkalito sa sitwasyon at sa mga tumatakbo sa isip niya kaya napatango siya. Huli na niya napagtanto kung ano ba ang ibig sabihin ng pagtango niya. Babawiin sana niya ang inakto pero naunahan na naman siya ni Anthony.
“Why not consider marrying me?” walang emosyon na naman na sabi nito.
Napakurap-kurap si Analyn, iniisip niya kung tama ba ang rinig niya. Mataman pa niyang sinipat ng tingin si Anthony. Mukha naman itong matino at malayo naman sa itsura niya na may sakit siya ngayon. Pakiramdam ni Analyn ay biglang nanlambot ang mga tuhod niya kaya napaupo siya bigla sa upuang binakante ng kasama kaninang babae ni Anthony na umalis.
“S-Sir? Joke ba ‘yan?”
“I am not joking. I am asking you to marry me.”
Hindi mapakali si Analyn. Marami siyang naiisip ngayon. Kasama pa doon ang hindi niya mapaniwalaang kakasabi lang ni Anthony.
Nakatingin lang si Anthony kay Analyn habang hinihintay ang sagot nito.
“S-Sir… bakit… bakit ako?”
Sino ba naman kasi ang sisiryoso sa alok ni Anthony kay Analyn? Guwapo siya. Mayaman. Marami siyang nakakasalamuhang mga babae na katulad niya ng estado sa buhay. Kung gusto niya talagang magkaroon ng lovelife at magpakasal, hindi siya mahihirapang maghanap ng babaeng katapat ng yaman ng mga De La Merced.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Analyn, at hindi iyon nakaligtas kay Anthony na lubusan niyang ipinagtaka.
“Sir Anthony, don’t tell me..”
Nagdikit ang mga kilay ni Anthony. Gusto niyang marinig ang sasabihin ni Analyn, pero at the same time ay kinakabahan siya sa tumatakbong ideya sa isip nito.
“Sir… may lihim ka bang pagtingin sa akin noon pa?”
Lalong nagulo ang mga kilay ni Anthony sa narinig mula kay Analyn.
“Siguro, front mo lang iyong blind date mo kanina. Itinaon mo na nandito rin ako ngayon para masabi mo sa akin ang alok mong kasal.”
Tumikhim si Anthony bago nagsalita.
“First of all, wala akong pagtingin sa iyo, kahit palihim. Pangalawa, hindi ko sinadya na magkita tayo dito ngayon. I admire your brain’s fast thinking. You really are an asset of Creatives, Inc. Pero huwag kang mag-ilusyon. I am offering you marriage because of my grandfather. He is seriously ill. His doctor said that he has only a half year to live. And his biggest wish now is to see me get married. Sa sobrang ipit ko sa sitwasyon, nasabi ko sa kanya na may girlfriend na ako at nagbabalak na kaming magpakasal any time.”
“So, bakit ako, Sir? Wala ka bang girlfriend? Na mukhang napaka-imposible naman. Sa estado mong ‘yan?”
Matamang tinitigan ni Anthony si Analyn na ikinabahala ng huli. Nakakatakot ito makatingin. Parang any time ay paaalisin siya sa trabaho nito.
“Miss Ferrer, kung may girlfriend ako, hindi na ako mag-aaksaya ng panahon na makipag-usap sa iyo at ng laway para paniwalain ka. Bakit ikaw? Because you are an employee of DLM, at nakakasiguro ako na maitatago mo kay Lolo ang lihim kong ito. Pwedeng-pwede kitang sisantehin agad kung hindi ka makikipag-cooperate sa akin.”
“Okay. Gets ko na, Sir. Fake love. Fake marriage. Para sa kasiyahan ng lolo mo na malapit ng mamatay.”
Tumango lang si Anthony.
“Pero, Sir… parang hindi ko yata kaya ang gusto mong ipagawa sa akin. Unang-una, hindi naman ako mayaman. Jologs lang ako. Baka ipahiya lang kita sa lolo mo. Baka madulas ako. O mabuking tayo,” tumingala si Analyn, “kaya ko ba’ng magsinungaling?” tanong pa niya na tila kinakausap ang langit.
Gulong-gulo na ang isip ni Analyn. Napapikit siya sa kakaisip. Pero kapag hindi siya pumayag sa gusto ni Anthony, pwede rin siya nitong paalisin sa kumpanya dahil alam na niya ang sikreto nito. Paano na siya kapag nawalan siya ng trabaho? Paano na ang bayarin nila sa ospital? Paano na ang Papa niya?
“Marry me, Analyn and I will be in charge of your father’s hospital bill.”
Tila may magic word sa sinabi ni Anthony kaya biglang napadilat ang dalaga. Tumingin siya sa mukha ni Anthony para hanapin ang sinseridad nito sa sinabi niya.
Tatlong taon na ang nakalipas nang maaksidente ang sinasakyan ng Papa niya. Nakaligtas siya sa aksidente pero na- comatose. Sa tatlong taong iyon, si Analyn ang sumasagot sa mga bayarin sa ospital.
Kung papayag siya sa alok ni Anthony ngayon, kalahating taon din niyang hindi poproblemahin ang pambayad sa ospital. Kalahating taon siyang makakahinga pansamantala at magkakaroon siya ng pagkakataon na makapag-ipon para pambayad pagkatapos ng kasunduan nila ni Anthony.
Tempting….
“I can also hire the best medical team for your father.”
“Sir Anthony, deal!”
~C.J.
Hindi na sumagot si Analyn. Wala na ring sinabi si Edward. Tahimik na nag-usap ang mga mata nila habang sinasariwa ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa mula nung unang nagkakilala sila hanggang sa araw na sumuko na si Edward sa awtoridad.“Gusto ko sana’ng isama rito si Grapes kanina. Gusto ko sana siyang ipakilala sa ‘yo.”“Grapes?” nangingiting tanong ni Edward. “”Yung anak namin ni Anthony. Ilang buwan na pala akong buntis noon, hindi ko alam. Siguro, sa dami at sunod-sunod na problema ko noon, hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan.” Hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti.“Bakit Grapes? Lalaki ba siya o babae?” “Kasi sa ubas ko siya ipinaglihi. Pero Antonette talaga ang pangalan niya. Babae.”Lumapad ang ngiti ni Edward. “So, babae pala… Antonette. Parang tunog Anthony din, ah?” Bahagyang natawa si Edward. “Pinagsamang Analyn at Anthony kasi. Si Papa Damian kasi ang nagpangalan sa kanya, so ayaw ko namang kontrahin pa si Papa.”Biglang naw
Pagkatapos ng isang buwan ng kamatayan ni Eric, nagpunta si Analyn sa bahay ng mga Hidalgo. “Ikaw ba si Analyn?” tanong ng matandang mayordoma na sumalubong kay Analyn sa gate.Tumango si Analyn. “Ako nga.”“Halika, sumunod ka sa akin.”Pumasok sila sa loob ng bahay at saka binaybay iyon. Humanga si Analyn sa disenyo nito. Hindi pa siya nakaka-move on sa paghanga sa bahay ng nakita na niya ang lagusan palabas, at humantong sila sa likod-bahay. Mula roon, naglakad pa sila ng ilang metro. Abot-tanaw na ni Analyn ang bundok, pero pala-isipan pa rin sa kanya kung ano ba ang tinutukoy ni Eric sa bahaging ito ng bahay ng mga Hidalgo. Hanggang sa lumantad sa kanya ang ekta-ektaryang tanim ng mga kulay itim na mga rosas.Napatda si Analyn sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa isa siyang panaginip. Naalala niya ang isang eksena noon sa pagitan nila Anthony at Eric.“Iyan na ang pinakamahal na bulaklak na kaya mong ibigay kay Analyn?”Isang bouquet iyon ng mga tulips. Sinamaan
“Walang kikilos! Taas ang mga kamay!”Isa-isang nagsipasok ang mga unipormadong mga pulis at saka nilapitan ang apat na nilalang doon. Pero nagpumilit na makabangon si Eric at saka ubos-lakas na sinipa si Anthony, dahilan para bumagsak ito sa lapag palayo kay Eric. At dahil may iniindang sugat, hindi na nakuha ni Anthony na makatayo pa. “Anthony!” takot na sigaw ni Analyn. Akma sanang tatakbuhin ni Analyn si Anthony pero nagulat siya nang biglang dambahin ni Eric ang tumilapon niyang baril, kaya napahinto sa paglapit si Analyn kay Anthony. Ang unang naisip ni Analyn ay babarilin ni Eric si Anthony. Pero nagkamali siya, lahat sila ng akala. Dahil mabilis na itinutok ni Eric ang baril sa sintido niya.“Sir Eric!!!” sigaw ng sekretarya ni Eric at saka tinakbo ang amo.Nanlaki naman ang mga mata ni Anthony habang nakatingin kay Eric. Habang si Analyn ay nanigas at nanlamig bigla ang katawan. Pilit na inagaw ng sekretarya mula kay Eric ang hawak nitong baril. Pero hindi nagpadaig si
Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. “Ai! Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!”“Analyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!”Natuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.“Alam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.”Nagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.“Alam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.”Pinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er
“Noong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.”“Nung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.”Napamaang si Analyn sa narinig.“At para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.”“Pero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan si– Tito Fer? Na m
Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas