Pero sa nakikita ni Analyn, lahat ay maayos. Maaaring pumalpak ang plano niya. Baka nahuli si Jiro o si Jean, o silang dalawa at hindi nila naisagawa ang plano. Inisip din ni Analyn si Jan. Pero walang masyadong alam si Jan sa nangyayari. Kung nagkataon na hindi siya na-kidnap, doon na mismo malalaman ni Jan ang totoo. At maaaring hindi naman magsalita si Jan ng siya lang. Alam ni Analyn na isasa-alang-alang ni Jan ang kanyang propesyon. Ang camera ay nakatutok ngayon sa mga bisita. Isa-isang ipinapakita ng cameraman ang mga kilala at hindi basta-bastang bisita ng dalawang pamilya ng ikinasal. Nakita ni Analyn si Eric doon, pero tila wala ang atensyon nito sa nagaganap.Hindi ba nagtataka si Eric na hindi niya ako nakokontak? Hindi ba niya ako hinahanap?Muling lumipat ang camera, pero hindi interesado si Analyn sa taong naka-pokus ngayon sa camera. Mas interesado siya sa nahagip na pigura ng cameraman sa likuran ng naturang tao. Si Jiro! Pasimple itong naglalakad sa isang sulok. B
Masaya ang paligid sa venue ng kasal. Mula sa lugar nila Analyn ay dinig nila ang musikang pumapailanlang mula sa bakuran ng mga Esguerra. Muling bumalik sa harapan si Anthony. Mataman siyang nakatingin sa babaeng naglalakad sa gitna papunta sa kinatatayuan niya. Kasama nito na nagma-martsa si Mercy. Walang nakakaalam kung bakit wala si Sixto. Sa huling pagkakataon, pinakatitigan ni Analyn ang lalaking minamahal. Babaunin niya ang guwapong mukha nito hanggang sa kanyang huling hininga.Hanggang sa ipinokus ng camera ang mukha ni Ailyn. “Ang ganda niya…”Napalingon si Analyn kay Ernest na nanonood din sa tabi niya. Bahagyang umigkas ang isang kilay ni Analyn ng matitigan niya ang mukha ng lalaki. “May gusto ka sa kanya, ano?” tanong ni Analyn.Agad na nagbago ang mukha ng lalaki at saka masamang tiningnan si Analyn. “Huwag ka ngang nakikialam.”“Hindi mo sinabi sa kanya na may nararamdaman ka para sa kanya? Ang laki-laki mong tao, duwag ka naman pagdating sa pag-ibig?” “Wala
Naudlot ang pagsagot ni Mercy. Tila sandali itong nag-isip bago sumagot kay Anthony. “Patigilin mo na ang kaibigan mo. Mamaya na natin pag-usapan ‘to. Huwag nating hayaang mapahiya ang mga pamilya natin sa mga bisita at sa mga media. Malaking kahihiyan ‘to, Anthony kapag nagkataon!” “Lagi kang nag-aalangan, Tita. Iyan ang dahilan kung bakit nawala si Ailyn noon. Uulitin mo na naman ba ang pagkakamali mo ngayon?” impit na sabi ni Anthony.“Wala ka ng respeto sa akin, Anthony!” “Ayaw mo bang malaman ang mga susunod na mangyayari? Kasi ako, nasasabik na ako sa mga mangyayari mayamaya.”SA labas ng gate, hinarang ng mga guwardiya roon ang dalawang lalaki. “No invitation, no entry, Sir. Iyan po ang utos sa amin, pasensiya na.”“May importante kaming ipinunta rito. Papasukin n’yo kami,” sabi ni Jan na halata ang pag-aalala sa mukha niya. Base sa naririnig niya mula sa loob ng bakuran, mukhang nagsisimula na ang seremonyas ng kasal. Nagtataka siya kung bakit hindi ipinadala ni Analyn an
Sa dami ng media na nasa loob ng venue, nagsisimula ng maging maingay ang paligid. Kanya-kanyang diskarte ang mga media para masapawan ang bawat isa sa pag-cover sa tinaguriang kasal ng bayan sa Tierra Nueva. Huling dumating ang isang kaibigan ni Anthony na si Sean. Agad siyang nagtaka sa nakita sa venue. Hindi siya nakatiis at agad na nilapitan ang common friend nila na si Raymond. “Bakit ganito? Ang daming media sa loob. Hindi ganito ang style ni Anthony. Napaka-private ng kaibigan natin na ‘yon.”Nagkibit-balikat si Raymond. “Ewan. Kanina pa rin ako nagtataka. Para ngang hindi siniseryoso ni Anthony ang kasal niya, base sa observation ko sa kanya kanina pa sa bahay niya.”SAMANTALA, makikita si Mercy na mabilis na nagpunta patungo sa direksyon ng likod-bahay. Pagdating doon, agad niyang sinagot ang telepono niya. [“Mam, nawawala po si Miss Gracia, kasama ang kapatid ni Mam Analyn.”] Namilog ang mga mata ni Mercy. “Nawawala? Paano’ng nawala? Ang huling report n’yo kanina ay h
Habang pabalik na si Anthony sa sasakyan niya, nag-ring muli ang telepono niya. “Speak.”[“Boss, si Ailyn. Ang totoong pangalan pala niya ay Anna Gonzales.”]Dumiin ang pagkakahawak ni Anthony sa telepono niya at napahinto siya sa paglalakad.[“Tinatrabaho ni Jiro ang mga ebidensya sa utos ni Mam Analyn. Kaya kasama niya ngayon iyong Gracia Ferranco, ang kaibigan ni Mam Ailyn– I mean Anna mula sa San Clemente.”]Kumpirmado na ang mga hinala ni Anthony sa sinabing iyon ng sekretarya niya. May sasabihin sana siya sa sekretarya nang bigla niyang narininig ang boses ni Jiro sa kabilang linya .[“Anthony! Gawin mo ang gusto mong gawin sa akin! Pero sabihin mo muna kung nasaan ang Ate ko! Hindi niya ako kinokontak ilang araw na, ano’ng ginawa mo sa kanya?”] galit na galit na sigaw ni Jiro.Muling narinig ni Anthony ang boses ng sekretarya niya. [“Boss, ano’ng susunod na gagawin natin?”]MARAMI ng tao sa venue ng kasal. Marami na ring miyembro ng media ang nag-aabang sa labas ng gate ng ba
Nagising si Analyn mula sa ingay ng mga lalaking bumihag sa kanya. Naglalaro kasi sila ng baraha at nagkakatuwaan sila, at walang pakialam sa kanya. Ramdam ni Analyn ang sakit ng lahat ng kasu-kasuan niya. Ni hindi niya makayang lumunok dahil masakit din ang lalamunan niya. Para ring nakalutang ang uko niya. At kung hindi siguro siya nakatali sa upun na kinauupuan niya ay baka natumba na lang siya. Bahagya siyang tumingala sa langit. Iniisip niyang kung ano ba ang sasapitin niya sa araw na iyon. Ngayon ang kasal nila Ailyn Anthony. At malamang ay ngayon na rin ang huling araw niya sa mundo dahil papatayin na siya pagkatapos ng kasal. Napakasaklap ng naging buhay niya. Iyong sinasabi nilang next life, parang ayaw na niyang naisin na magkaroon pa siya ng next life o mabuhay pa siya uli. Kung ganito lang din uli ang magiging buhay niya, hindi ba baleng hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na mabuhay uli. Nakita ni Ernest na nakatingin sa kawalan si Analyn kaya pasigaw niyang sinabi