Naudlot ang pagsagot ni Mercy. Tila sandali itong nag-isip bago sumagot kay Anthony. “Patigilin mo na ang kaibigan mo. Mamaya na natin pag-usapan ‘to. Huwag nating hayaang mapahiya ang mga pamilya natin sa mga bisita at sa mga media. Malaking kahihiyan ‘to, Anthony kapag nagkataon!” “Lagi kang nag-aalangan, Tita. Iyan ang dahilan kung bakit nawala si Ailyn noon. Uulitin mo na naman ba ang pagkakamali mo ngayon?” impit na sabi ni Anthony.“Wala ka ng respeto sa akin, Anthony!” “Ayaw mo bang malaman ang mga susunod na mangyayari? Kasi ako, nasasabik na ako sa mga mangyayari mayamaya.”SA labas ng gate, hinarang ng mga guwardiya roon ang dalawang lalaki. “No invitation, no entry, Sir. Iyan po ang utos sa amin, pasensiya na.”“May importante kaming ipinunta rito. Papasukin n’yo kami,” sabi ni Jan na halata ang pag-aalala sa mukha niya. Base sa naririnig niya mula sa loob ng bakuran, mukhang nagsisimula na ang seremonyas ng kasal. Nagtataka siya kung bakit hindi ipinadala ni Analyn an
Sa dami ng media na nasa loob ng venue, nagsisimula ng maging maingay ang paligid. Kanya-kanyang diskarte ang mga media para masapawan ang bawat isa sa pag-cover sa tinaguriang kasal ng bayan sa Tierra Nueva. Huling dumating ang isang kaibigan ni Anthony na si Sean. Agad siyang nagtaka sa nakita sa venue. Hindi siya nakatiis at agad na nilapitan ang common friend nila na si Raymond. “Bakit ganito? Ang daming media sa loob. Hindi ganito ang style ni Anthony. Napaka-private ng kaibigan natin na ‘yon.”Nagkibit-balikat si Raymond. “Ewan. Kanina pa rin ako nagtataka. Para ngang hindi siniseryoso ni Anthony ang kasal niya, base sa observation ko sa kanya kanina pa sa bahay niya.”SAMANTALA, makikita si Mercy na mabilis na nagpunta patungo sa direksyon ng likod-bahay. Pagdating doon, agad niyang sinagot ang telepono niya. [“Mam, nawawala po si Miss Gracia, kasama ang kapatid ni Mam Analyn.”] Namilog ang mga mata ni Mercy. “Nawawala? Paano’ng nawala? Ang huling report n’yo kanina ay h
Habang pabalik na si Anthony sa sasakyan niya, nag-ring muli ang telepono niya. “Speak.”[“Boss, si Ailyn. Ang totoong pangalan pala niya ay Anna Gonzales.”]Dumiin ang pagkakahawak ni Anthony sa telepono niya at napahinto siya sa paglalakad.[“Tinatrabaho ni Jiro ang mga ebidensya sa utos ni Mam Analyn. Kaya kasama niya ngayon iyong Gracia Ferranco, ang kaibigan ni Mam Ailyn– I mean Anna mula sa San Clemente.”]Kumpirmado na ang mga hinala ni Anthony sa sinabing iyon ng sekretarya niya. May sasabihin sana siya sa sekretarya nang bigla niyang narininig ang boses ni Jiro sa kabilang linya .[“Anthony! Gawin mo ang gusto mong gawin sa akin! Pero sabihin mo muna kung nasaan ang Ate ko! Hindi niya ako kinokontak ilang araw na, ano’ng ginawa mo sa kanya?”] galit na galit na sigaw ni Jiro.Muling narinig ni Anthony ang boses ng sekretarya niya. [“Boss, ano’ng susunod na gagawin natin?”]MARAMI ng tao sa venue ng kasal. Marami na ring miyembro ng media ang nag-aabang sa labas ng gate ng ba
Nagising si Analyn mula sa ingay ng mga lalaking bumihag sa kanya. Naglalaro kasi sila ng baraha at nagkakatuwaan sila, at walang pakialam sa kanya. Ramdam ni Analyn ang sakit ng lahat ng kasu-kasuan niya. Ni hindi niya makayang lumunok dahil masakit din ang lalamunan niya. Para ring nakalutang ang uko niya. At kung hindi siguro siya nakatali sa upun na kinauupuan niya ay baka natumba na lang siya. Bahagya siyang tumingala sa langit. Iniisip niyang kung ano ba ang sasapitin niya sa araw na iyon. Ngayon ang kasal nila Ailyn Anthony. At malamang ay ngayon na rin ang huling araw niya sa mundo dahil papatayin na siya pagkatapos ng kasal. Napakasaklap ng naging buhay niya. Iyong sinasabi nilang next life, parang ayaw na niyang naisin na magkaroon pa siya ng next life o mabuhay pa siya uli. Kung ganito lang din uli ang magiging buhay niya, hindi ba baleng hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na mabuhay uli. Nakita ni Ernest na nakatingin sa kawalan si Analyn kaya pasigaw niyang sinabi
Nagkakagulo na ang mga taong namamahala sa dekorsyon, pagkain at iba pa sa bakuran ng bahay ng mga Esguerra. Doon kasi gaganapin ang kasal nila Ailyn at Anthony. Mayamaya lang ay magsisimula na ang seremonyas. Samantala, sa Grace Village, nakakulong sa kuwarto niya si Anthony. Ni ayaw niyang papasukin ang designer ng isusuot niyang damit at ang magme-make up sa kanya. Walang magawa ang sekretarya niya sa takot na mabulyawan siya ng amo. Minabuti niyang tawagan ang kaibigan ni Anthony na si Raymond. Nang dumating si Raymond, hindi pa rin nakabihis si Anthony.“Tonton, araw ngayon ng kasal mo.”“Alam ko,” tinatamad pa rin na sagot ni Anthony.Hindi pinilit ni Raymond si Anthony. Sa halip, umupo siya sa tabi nito.“Baka gusto mong i-share sa akin ang tumatakbo sa isip mo.”“Wala pa rin kasing balita kay Analyn. Tinanong mo na si Jean?”Humugot ng malalim na hininga si Raymond. “Nung una, ayaw niyang magsalita. Pero nang nalaman niya na hindi pa rin nakikita si Analyn, pumayag na siya.
Ang June 15 ay isang napaka-suwerteng araw. Para kay Ailyn. Maaga siyang gumising ng araw na iyon. Kinuha niya ang the best make up artist ng Tierra Nueva. Ngayon ay nakaupo na siya sa harap ng tokador niya at nagpapa-make up. Nagniningning ang mga mata niya sa hindi maitagong saya. “Ano’ng meron ngayon?” wala sa sarili na tanong ni Brittany. “Ngayong araw ang kasal nila Mam Ailyn at Sir Anthony, Mam,” sagot ng kasambahay na napagtanungan niya. “Kasal nila Ailyn at Anthony?” pag-uulit ni Brittany. Bigla niyang naalala ang sarili nung mga panahon na lagi niyang sinusundan si Anthony sa eskwelahan. Wala siyang ibang gusto kung hindi si Anthony, tapos ngayon ay ikakasal na ang lalaking gusto niya kay Ailyn? Hindi napigilan ni Brittany ang malungkot at sumama ang loob. Ang taong ilang taon na niyang pinagmamakaawaan ng pagmamahal ay ikakasal na naman sa pangalawang pagkakataon. At hindi pa rin sa kanya.Nagmartsa siya papunta sa kuwarto ni Ailyn at saka bigla na lang pumasok doon.