Beranda / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 426 - UNVEILING THE TRUTH

Share

426 - UNVEILING THE TRUTH

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-16 12:15:49

Lahat ay napatingin sa screen sa itaas ng stage.

Biglang napalitan ang mga larawan sa video, mga solong larawan ni Ailyn. Nagulat si Ailyn. Hindi naman niya isinama ang mga larawan na iyon para sa video presentation. At ngayon lang niya nakita ang mga litrato na iyon, ni hindi nga niya alam kung sino ang kumuha ng mga litrato na ‘yon.

Ang mas nakakagulat ay ng lumabas ang isang litrato na nakasuot siya ng isang hindi kaaya-ayang suot. Halos litaw na ang karamihan ng parte ng katawan niya at halos konti na lang ang natatakpan ng suot niyang damit sa katawan niya. Kasama pa niya sa litrato si Edward at nasa isang bar sila kung saan siya nagtatrabaho noon at doon niya nakilala ang lalaki.

Hindi pa nakaka-recover si Ailyn mula sa pagkabigla sa mga larawan ng biglang sumulpot sa screen ang dalawang magkatabing picture niya bago at pagkatapos niyang magpa-plastic surgery. Sa mga larawan na ito ay kitang-kita ang pagkakaiba sa itsura ng mukha niya noon kumpara sa mukha niya ngayon. Napaka
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • I SECRETLY WED the BOSS    429 - LATE

    Nagtaka ang nakapikit pa ring si Analyn kung bakit tila walang masakit sa katawan niya. Pagdilat niya ng mga mata ay saka niya nakita sa harapan niya si Sixto. Nahihirapan itong huminga at namumutla ang mukha. Pagkatapos ay nakita niya ang duguang patalim na hawak pa rin ni Ernest. Sinalo ni Sixto ang dapat ay para sa kanya?“Sir Sixto!” Hindi malaman ni Analyn ang gagawin. Napatingin siya kay Ernest. Parang ngayon lang napagtanto ng lalaki ang pagkakasaksak niya kay Sixto. Namumutla rin ito at bakas ang takot sa mukha nito. Unti-unti ng bumabagsak si Sixto sa harapan ni Analyn kaya agad siyang dinaluhan ni Analyn. “Sir Sixto! Huwag kang mamamatay… lumaban ka… lumaban ka!” nagpa-panic na sabi ni Analyn sa lalaki.Panay-panay ang tulo ng mga luha niya. Sinubukan namang itaas ni Sixto ang isang kamay niya para punasan ang basang pisngi ni Analyn pero hinang-hina na talaga siya. “Ai-Ai… s-sorry…”Hindi makasagot si Analyn, hindi niya alam kung ano ba dapat ang isagot niya sa lalaki

  • I SECRETLY WED the BOSS   428 - BLOCKED

    “Boss, nakausap ng isang tao natin ang mayordoma ng bahay. May nakakita raw kay Sir Sixto na nagpunta sa abandonadong gusali sa likod ng mansyon. Baka nanndoon si Mam Analyn!” report ni Karl.Agad na naglakad palayo si Anthony, pero pilit siyang hinabol ni Anna.“Anthony! Huwag mo akong iwan, please…”Iwinagwag ni Anthony ang braso niya na hawak ni Anna. “Bakit mo ba ako ginaganito? Dahil ba sa hindi ako anak ng mga Esguerra?”Sakto na umakyat na rin ng stage ang sekretarya ni Anthony. “Ikaw na ang bahala rito,” sabay nguso ni Anthony kay Anna, “huwag n’yo hayaang makawala!” Pagkatapos ay binalingan niya si Karl, “tara na!” SAMANTALA, nauna na si Eric papunta sa abandonadong gusali ng mga Esguerra. Pero may humarang sa kanyang guwardiya. “Sir, hindi kayo pwedeng pumasok.”“May hinahanap ako.”“Kahit sino pa ang hinahanap n’yo, hindi talaga kayo pwedeng pumasok. Doon lang po kayo allowed sa venue ng kasal. Hindi na po kayo pwede rito.”Sigurado si Eric na nasa loob ng bakuran ng mg

  • I SECRETLY WED the BOSS   427 - IN YOUR DREAMS

    “Hindi totoo ‘yan! Gawa-gawa n’yo lang ‘yan!” naghi-histerikal ng sigaw ni Anna. Samantala, ang naroroon na si Eric ay tumayo na at umalis. Naniniwala siya na hindi aaminin ni Ailyn o Anna basta-basta ang ginawa niya. Ang importante ngayon ay hanapin na niya si Analyn.“Anna…”Napahinto si Anna sa pagsiagw. Pamilyar ang boses ng babae na narinig niya. Hanggang sa lumitaw ang dati niyang kaibigan na si Gracia. Nanlaki ang mga mata ni Anna. Paano’ng pati si Gracia ay nadala nila rito? “Ayaw mo pa rin bang tumigil sa panloloko sa kanila? Buko ka na, Anna. Tama na.”“Hindi ka dapat nandito,” tila nanghihina ng sita ni Anna sa kaibigan.“Tama ka, hindi ako dapat nandito. Magkaibigan tayo. Pero hindi na yata ngayon. May iba ka ng mundo. Gumawa ka na ng iba mong mundo. Pero naalala ko pa dati, lagi tayong walang pera noon. Lagi tayong gutom, pinagkakasya kung ano ang kayang bilhin ng mga pera natin. Pero masaya pa rin naman tayo. Kasi nagtutulungan tayo. Lagi tayong naka-suporta sa isa’t i

  • I SECRETLY WED the BOSS   426 - UNVEILING THE TRUTH

    Lahat ay napatingin sa screen sa itaas ng stage. Biglang napalitan ang mga larawan sa video, mga solong larawan ni Ailyn. Nagulat si Ailyn. Hindi naman niya isinama ang mga larawan na iyon para sa video presentation. At ngayon lang niya nakita ang mga litrato na iyon, ni hindi nga niya alam kung sino ang kumuha ng mga litrato na ‘yon. Ang mas nakakagulat ay ng lumabas ang isang litrato na nakasuot siya ng isang hindi kaaya-ayang suot. Halos litaw na ang karamihan ng parte ng katawan niya at halos konti na lang ang natatakpan ng suot niyang damit sa katawan niya. Kasama pa niya sa litrato si Edward at nasa isang bar sila kung saan siya nagtatrabaho noon at doon niya nakilala ang lalaki. Hindi pa nakaka-recover si Ailyn mula sa pagkabigla sa mga larawan ng biglang sumulpot sa screen ang dalawang magkatabing picture niya bago at pagkatapos niyang magpa-plastic surgery. Sa mga larawan na ito ay kitang-kita ang pagkakaiba sa itsura ng mukha niya noon kumpara sa mukha niya ngayon. Napaka

  • I SECRETLY WED the BOSS   425 - VIDEO PRESENTATION

    Pero sa nakikita ni Analyn, lahat ay maayos. Maaaring pumalpak ang plano niya. Baka nahuli si Jiro o si Jean, o silang dalawa at hindi nila naisagawa ang plano. Inisip din ni Analyn si Jan. Pero walang masyadong alam si Jan sa nangyayari. Kung nagkataon na hindi siya na-kidnap, doon na mismo malalaman ni Jan ang totoo. At maaaring hindi naman magsalita si Jan ng siya lang. Alam ni Analyn na isasa-alang-alang ni Jan ang kanyang propesyon. Ang camera ay nakatutok ngayon sa mga bisita. Isa-isang ipinapakita ng cameraman ang mga kilala at hindi basta-bastang bisita ng dalawang pamilya ng ikinasal. Nakita ni Analyn si Eric doon, pero tila wala ang atensyon nito sa nagaganap.Hindi ba nagtataka si Eric na hindi niya ako nakokontak? Hindi ba niya ako hinahanap?Muling lumipat ang camera, pero hindi interesado si Analyn sa taong naka-pokus ngayon sa camera. Mas interesado siya sa nahagip na pigura ng cameraman sa likuran ng naturang tao. Si Jiro! Pasimple itong naglalakad sa isang sulok. B

  • I SECRETLY WED the BOSS   424 - IISANG BANGKA

    Masaya ang paligid sa venue ng kasal. Mula sa lugar nila Analyn ay dinig nila ang musikang pumapailanlang mula sa bakuran ng mga Esguerra. Muling bumalik sa harapan si Anthony. Mataman siyang nakatingin sa babaeng naglalakad sa gitna papunta sa kinatatayuan niya. Kasama nito na nagma-martsa si Mercy. Walang nakakaalam kung bakit wala si Sixto. Sa huling pagkakataon, pinakatitigan ni Analyn ang lalaking minamahal. Babaunin niya ang guwapong mukha nito hanggang sa kanyang huling hininga.Hanggang sa ipinokus ng camera ang mukha ni Ailyn. “Ang ganda niya…”Napalingon si Analyn kay Ernest na nanonood din sa tabi niya. Bahagyang umigkas ang isang kilay ni Analyn ng matitigan niya ang mukha ng lalaki. “May gusto ka sa kanya, ano?” tanong ni Analyn.Agad na nagbago ang mukha ng lalaki at saka masamang tiningnan si Analyn. “Huwag ka ngang nakikialam.”“Hindi mo sinabi sa kanya na may nararamdaman ka para sa kanya? Ang laki-laki mong tao, duwag ka naman pagdating sa pag-ibig?” “Wala

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status