Kinabukasan, maagang nagising si Iris. Mabigat ang katawan niya at parang umiikot ang paligid. Saglit siyang napaupo sa gilid ng kama, hawak ang tiyan.“Urkkk—” Napahawak siya sa bibig bago mabilis na lumabas ng abandonadong gusali.Nakasunod agad si Randolf nang marinig ang pagsusuka. “Hey, anong problema?” dala-dala ang baso ng tubig.Nakasandal si Iris sa pader, pawisan, nanginginig ang kamay. Tinanggap niya ang tubig at bahagyang uminom. Ngunit bago pa makasagot, bigla siyang nawalan ng malay.“Damn it!” Nasalo siya ni Randolf bago tuluyang bumagsak. Sinapo nito ang noo ng babae, pinakiramdaman ang init. “Hindi naman siya nilalagnat… pero bakit ganito?”Walang oras na sinayang si Randolf. Binuhat niya si Iris at dinala sa pinakamalapit na ospital.Sa emergency room, agad siyang inihiga ng mga nurse sa kama. Normal ang vital signs, pero pinayuhan siyang magpahinga muna.Tahimik na nakaupo si Randolf sa gilid, nakakunot ang noo, hindi mapakali. Nagmulat si Iris, mahina pero nakangit
Sa katahimikan ng gabi, nakahiga si Alexander sa kama ngunit walang kapayapaan ang kanyang isip. Ilang araw na ang lumipas mula nang mawala si Iris, at sa bawat minutong lumilipas, unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Paulit-ulit niyang iniisip ang huling sandaling nakita niya ito—ang mga mata, ang boses, ang ngiti. Ngayon, puro alaala na lang ang natitira.Napapikit siya, ngunit imbes na pahinga, muli siyang dinalaw ng panaginip.Isang makipot na daan, madilim. Hanggang sa unti-unti niyang nakita si Iris, tumatakbo, hingal na hingal. Nadadapa man, pilit pa ring tumatayo.“Iris!” sigaw niya, pilit inaabot ang kamay nito. Ngunit habang lumalapit siya, parang mas lalong lumalayo si Iris.Habang sinisikap nilang maabot ang kamay ng isa’t isa, isang putok ng baril ang umalingawngaw. Tumama ang bala kay Iris. Napahinto ito, bumagsak sa lupa. Natigilan si Alexander habang ang dugo nito ay kumakalat sa semento.“NOOO!” Napabalikwas ng bangon si Alexander, pawis na pawis at humihingal. R
Mabilis ang andar ng van, halos hindi makahinga si Iris habang pilit siyang nagpupumiglas sa pagkakayakap ni Randolf. Mahigpit ang tali sa kanyang mga kamay, ramdam niya ang gasgas at hapdi. Sa bawat pag-ikot ng gulong, pakiramdam niya ay mas lumalayo siya kay Alexander. “Bitawan mo ’ko!” sigaw niya, nanginginig ang boses. Pilit niyang kinagat ang balikat ni Randolf pero mas lalo lang itong natawa. “Hahaha! Fiery as ever. Gusto ko ’yan, darling. Pero tanggapin mo na lang—wala ka nang ligtas. At habang si Alexander abala kay Brigitte, ako ang kasama mo.” Malamig ang tinig nito habang marahas siyang hinihila palapit. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sa loob-loob niya, sana ay makita na siya ni Alexander, sana ay hindi pa huli ang lahat. Samantala, nasa abandonadong gusali ang SWAT at mga tauhan ni Cris. Hindi nila naabutan sina Randolf. Nakatingin sila sa malaking monitor kung saan unti-unting humihina ang signal ng tracker. “Sir, nagja-jam sila ng signal. Mawawala ’to anumang
“Kung gusto mo talagang malaman Iris…” malamig ang boses ni Randolf habang nakatitig kay Iris, nanlilisik ang mga mata. Dahan-dahan siyang yumuko, inilapit ang mukha. “…kiss me.”Nabigla si Iris, napasinghap, at halos mapaatras kahit nakagapos. “Putang ina mo!” mariin niyang mura, nanginginig ang boses sa galit. “Wala kang makukuha sa ’kin, Randolf!”Humalakhak ito—mababa at puno ng pang-aasar. “Hahaha! That’s the fire I like. Pero aminin mo, curious ka rin… Gusto mong malaman, ’di ba? Gusto mong maintindihan kung bakit naglaho ang pamilya mo sa isang iglap.”Mariing umiling si Iris, luhaang sumigaw. “Sabihin mo na! Kung lalaki ka talaga, huwag mo akong ginagamit!”Sandaling tumahimik si Randolf, saka dahan-dahang ngumisi. “Fine. Kung ayaw mong ibigay ang gusto ko… ibibigay ko pa rin ang totoo. Dahil mas masarap kang saktan kapag alam mo ang lahat.”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone, saka ipinakita kay Iris ang isang lumang dokumento—mga pangalan, mga larawan, at ilang confidenti
“Hindi… hindi totoo ’to…” Halos wala sa sarili si Iris habang nakatitig sa screen ng cellphone ni Randolf.Ramdam niya ang bawat pintig ng puso niya, bawat hinga na parang hinihigop ang lahat ng lakas niya. Doon, malinaw—si Alexander, niyayakap at hinahalikan si Brigitte.Humalakhak si Randolf, lumapit at marahas na hinawakan ang baba niya para tumingin pa lalo sa screen. “Masakit, hindi ba? Imagine, habang ikaw ay nakagapos at naghihintay ng kamatayan… siya naman ay abala sa ibang babae.”Napalunok si Iris, nanginginig ang luha. “Hindi… hindi siya ganyan… naniniwala ako sa kanya…”Pero sa puso niya, unti-unting pumapasok ang alinlangan. Ang mga mata niya ay nagdidilim, hindi malaman kung alin ang mas mabigat—ang sakit ng pagtataksil o ang takot na baka mamatay siya ngayong gabi.“Lahat ng tao, may hangganan ng katapatan,” bulong ni Randolf sa kanyang tainga. “At si Alexander? Alam mong matagal ko na siyang kilala. He’s my best friend. Buong akala ko, nilalakad niya ako kay Brigitte,
Habang nag-uusap sa sala sina Alexander at ang pinsan nitong imbestigador na si Christoffer, o mas kilala sa palayaw na Cris, abala naman si Iris sa paghahanda ng pagkain, katulong sina Mira at Marie.Napalingon si Iris sa lamesa kung saan nakababa ang cellphone niya—bigla itong tumunog. Nasa screen ang Unknown Number.Pinindot niya ang green button.“Buti naman sinagot mo,” mababa at malamig ang tinig sa kabilang linya.“Ano bang kailangan—” panandaliang naputol ang salita niya.“Shh… calm down, Miss Iris. Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kailangan sa akin,” may halong banta sa tinig nito.Napahinto si Iris, pinagpapawisan at bahagyang nanginginig ang kamay. “K-kung may alam ka, bakit hindi mo na lang sabihin?”Tumawa ang lalaki. “Wala nang libre ngayon, ano ka ba!”“Magkano? Magkano ba ang kailangan mo!” halos pasigaw na si Iris, dahilan para mapatingin sina Alexander at Cris.“Alam mo ba na nakikita ko ngayong nag-uusap ang magpinsan?” patuloy ng tinig, malinaw na sinusubaybaya